FLBG C-3

2144 Words
Rence POV   Sa mga araw na kasama ko si Alex ay halos maumay na ako sa mg kalokohan na ginagawa niya. Kahit pinagsabihin ko na siyang wag magdidikit ng bubble gum sa mesa ko ay ginagawa niya parin pati yung sasakyang gamit ko nahuli ko nong isang araw na dinikitan na naman niya ng bubble gum ang manibela ng sasakyan ko. Ang bilis talaga ng kamay ng babaeng ito.   Natutuwa talaga siya na inisin ako, lalo na nung pinakita niya sa akin ang video na kuha niya nong inuman. Mukang gagamitin niya pa iyon para i-black mail ako. Napahawak ako sa sintido at napasandal sa arm chair ko.Ilang saglit pa ay may kumatok sa pinto.   "Come in." Nagsalubong na naman ang kilay ko dahil si Alex ang pumasok.   "Goodmorning boss," nakangiting bati niya. May dala siyang isang box at nilagay sa mesa ko.   "What is that?" seryosong tanong ko.   "Boss gift ko sayo. Naging mabait kasi kayo sa akin nitong mga nakaraang araw."   Nagtaka ako. Nitong mga nakaraang araw? panay nga ang sigaw ko sa kanya dahil sa mga kalokohan niya. Napailing na lang ako. "Gift?!"   "Yes Boss. Alis na ako ha, sana magustuhan mo," sabi niya sabay labas ng opisina ko. Nahagip pa ng mata ko ang mukha niya na ngumingisi.   Wala akong balak buksan ang box na dala niya kaya hinayaan ko na alng na nasa mesa ko. Ilang oras din akong nakatingin sa monitor ko. Mayamaya ay parang gumagalaw yung box. Kaya natigil ako sa ginagawa ko.   Tinignan ko, gumalaw ulit. Mukang kalokohan na naman ito ni Alex. Binuksan ko ang box. Halos matanggal ang puso ko dahil sa lumabas.    "AH!" sigaw ko sabay bitaw ng box.  Biglang pumasok ang bodyguard ko na nasa labas ng pinto. "Boss bakit?!"  Humaripas ako ng takbo at tumuntong sa upuan ko. "Tanggalin mo yan! bilis!" sigaw ko.   Ilang minuto din tumatakbo ang bodyguard ko para mahuli yung maputing bagay, basta maputi na kulay red yung mata.Nakahinga ako ng maluwag ng nahuli na niya.   "Boss dagang costa lang po ito," sabi niya, para siyang tatawa kaya tinignan ko siya ng masama.   "Don't laugh! Get out! Alisin mo yan sa harap ko!" sigaw ko halos mabasag ang eardrum ko dahil sa lakas ng boses ko.   Paglabas ng bodyguard ko ay inayos ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim. Nanggagalaiti na ako sa inis.   "Alex!" inis kong sabi sabay hilot sa noo ko. Hindi ko siya pwedeng paalisin dahil alam kong iba-black mail niya ako sa video ko. "Humanda ka lang talagang babae ka!"    *********************   Alex POV   Nakita ko Si kuya tonyo na papalapit sa amin. May dala siyang box.Nakita na siguro ni boss, isip ko sabay ngiti.   "Alex mukang mayayari ka talaga kay boss kung alam mo lang itsura niya kanina," sabi ni kuya tonyo nasa harap na namin siya.   Tumango lang ako. "Kawawa naman yung daga, siguro sinigawan siya ni boss?" sabi ko sabay kuha ng box kay Kuya Tonio.   Yung mga kasamahan ko hindi alam kung tatawa ba o mag-aalala dahil sigurado sila galit na galit na si boss saken. Hindi nila alam, ganti ko yun dahil sa araw araw na lang lagi na lang niya akong pinapagalitan. Dahil love ko siya ay binigyan ko siya ng regalo at eto nga yung dagang costa. Ang akala ko magugustuhan ni Boss yon pala, hindi.  Napahawak sa sintido si Kuya Tonyo. "Alex ano bang ginawa mo?! Ako ang pagagalitan nito ni boss."   Parang nakonsensya ako sa sinabi niya. "Kuya, hindi na po mauulit," paumanhin ko.   Hindi ko maiwasang ngumiti, kahit paano ay nakaganti ako kay poging hilaw. Love na love ko siya, akala ko magugustuhan niya ang regalo ko, yun pala takot siya sa daga hahaha. Isip ko    *********************   Dahil sa ginawa ko kay poging hilaw ay hindi niya ako kinakausap maski pagbati ng goodmorning ay di niya masabi pag ako ang nasa harap niya. Ganoon ba ka grabe ang galit niya sa akin? Ilang araw ko din siyang hindi nakikita. Ang sabi lang ni Kuya Tonyo ay umalis daw si boss Rence hindi niya alam kung kelan daw darating, Kaya eto kaming mga bodyguard niya ay nakabakasyon muna. Napabalikwas ako ng tayo kaya si Roberto na katabi ko ay napalingon sa akin. "Ate alex bakit?" tanong niya. Binalik niya ulit ang tingin sa TV.   "May idea ka ba kung bakit hindi na pumupunta dito si poging hilaw?" tanong ko.   Umiling siya. "Wala ate, ni text o tawag hindi niya magawa. Tama ba yun na gawin niya sa akin ito ate Alex? Asawa niya ako hindi niya ako pwedeng pagtaksilan!' inis na sabi niya.   Napaismid ako."Hoy Roberto ni sa panaginip hindi mo magiging asawa si poging hilaw!" sabi ko.   "Ate bakit mo kasi siya hinahanap?" "Wala. Basta wala." tugon ko at lumabas ng bahay. Pinuntahan ko si tito Jun, hihingiin ko sa kanya ang address ni insan. Baka alam ni insan kung nasaan si poging hilaw.   Binigay naman ni tito Jun ang address ni insan. Buti na lang hindi na siya nagtanong, marami kasi siyang customer kanina nong pinuntahan ko. Pagdating sa apartment ni insan ay saktong kadarating lang niya. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy, tinanong ko siya kung nasan si poging hilaw. Parang nanlumo ako sa sinabi ni insan na pumunta ng Amerika si Rence at dalawang buwan siyang nandoon.   Siguro naubos na ang pasensya niya sa akin kaya pumunta siya Amerika. Habang nasa jip pabalik na ng bahay ay naramdaman kong kusang tumulo ang luha ko. Pinahid ko agad. Dito na nag-umpisa ang lungkot ko. Huminga ako ng malalim para mahimasmasan. Pagpasok ko nang bahay ay nanlaki ang mata ko. Nakita ko si Pops na nakaupo sa sofa.   "Alex, mabuti at nakauwi kana," sabi niya sabay yakap sa akin.   Nag-uumpisa na akong kabahan pag ganito kasing nagpunta si Pops ay sinusundo na niya ako. "Pops, ayaw ko munang umuwi." sabi ko.   "Alex miss ka na ni Granny mo. Namimis ka na din ng mga tauhan natin sa hacienda," saad pa ni Pops.   "Alex mis ka na pala ng lola mo, umuwi kana muna para makapagbonding naman kayo," sabat naman ni tito Jun.    Pinipilit talaga ako ni Pops na umuwi pero ayaw ko pang umuwi. "Pops, uuwi ako pero hindi pa sa ngayon," sabi ko. Lalo kasi akong malulungkot kung uuwi ako sa amin. Iniisip ko na baka hindi na kami magkita ni poging hilaw.  "Hanggang kelan ka mag-i-stay dito?"  "Pops tatawag po ako pag-uuwi na ako. Hindi naman po matagal, basta bigyan mo pa ako ng konting panahon," paliwanag ko.   "Sige, basta wag kang gagawa ng gulo dito," bilin pa niya.  "Yes Pops, hindi ako magpapasaway." Madaling pakiusapan si Pops, ilang oras din kaming nag-usap kasam sila tito jun. Mayamaya ay umalis na din siya.   Paghiga ko sa kama ay bumalik sa isip ko si Rence. Naramdaman ko ulit ang lungkot. Nang marinig ko si Roberto na papaakyat ay nagtalukbong agad ako.    "Ate gising ka pa?, usap muna tayo," sabi niya.Close sa akin si Roberto, lagi na kasing wala si insan kaya ako na ang naging ate  niya dito sa bahay nila.   Ayaw ko munang makipagkwentuhan sa kanya, mahahalata niya kasi na malungkot ako, sa daldal ba naman ni Roberto wala talagang sekreto na matatago sa kanya.    ******************  After a week   "Ate Alex! Gising na!" sigaw ni Roberto.   Halos mabingi ang tenga ko dahil sa sigaw niya kaya napabangon ako at kinusot ang mata ko. "Anung oras na?" tanong ko at ito naman ay kasalukuyang nagtutupi ng kumot.   "Ate kanina pa nag-aalarm yung cellphone mo, hindi ka magising. Alas-syete na nang umaga," aniya.   Tinanghali na ako nang gising hindi kasi ako agad nakatulog kagabe dahil excited ako na babalik na si Rence. "Ano?!' gulat na sabi ko niyugyog ko si Roberto dahil sa taranta ko.   "Ate!" sigaw niya ulit.   "Sorry bakla natataranta kasi ako," sabay kuha ng damit sa cabinet. Bumaba ako para maligo. Pagkatapos ay nagbihis agad ako wala na akong pakialam kung makita nila tito Jun ang suite ko. Papalabas pa lang ng gate ay di na maalis ang tingin nila sa sakin.   "Tito, tita, alis na po ako," paalam ko pati si Roberto na nagwawalis sa labas ay nagtataka sa itsura ko.   "Ate bakit ganyan suot mo?" sabi niya. Hindi ko na siya sinagot dahil nagmamadali na ako. Excited na akong makita si poging hilaw.   Habang nasa byahe ay tinext ko na si kuya Tonio na male-late ako. Nakalimutan ko din magbayad sa jeep ng pamasahe dahil bumaba agad ako.   "Hoy miss!" tawag nung driver.   "Manong thank you, utang muna!" sigaw ko habang tumatakbo papuntang building ng montebuilders.   ********************** Rence POV     "Goodmorning Sir," bati ng mga bodyguard na nasa harap ko. Kahapon lang ako dumating galing ng amerika at halata sa mga mukha nito na masaya.   "Goodmorning," sabi ko. Binilang ko sila, parang may kulang, kaya binilang ko ulit. Kulang sila ng isa.   "May kulang," ani ko.   "Sir male-late lang daw po si Alexa," tugon ni Tonio.   Napaismid ako. Oo nga pala si Alexa yung pasaway kong bodyguard. Medyo natahimik ang buhay ko nung nasa Amerika ako. Pero minsan naiisip ko siya habang nandoon ako. Hindi ko rin alam siguro dahil sa mga kalokohan na ginagawa niya na halos ikagalit ko na. Mayamaya ay dumating na din siya. Mukang hinihingal pa. Lumapit siya sa akin. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Nakita ko ang mga reaksyon ng mga bodyguard ko kaya mabilis kong tinanggal ang mga braso niyang nakayakap.   Hinampas niya ako sa braso. "Ikaw talaga, pakipot ka pa, na mis kaya kita." aniyang nakangiti.   Tanging pagtitig ang isinagot ko sa kanya. I feel something na baka may gagawin na naman siyang kalokohan.   "Aisht, anyway boss pasensya na sa mga kalokohan ko" sabi niya sabay kindat.   Tumango lang ako. Tsk, ngayon niya lang naisip yon?  Sandali ko siyang tinitigan pagkatapos ay lumakad na ako papuntang elevator kasama si Tonio. Naiwan si alexa at mga bodyguard ko sa basement. Kaya kahit papaano ay panatag pa rin ang loob ko dahil hindi ko nakakasama si alexa buong araw.   Pagpasok sa opisina ay tambak-tambak na papeles ang nasa desk ko. Tinawag ko si Annie. Kakarating palang niya, nakwento niya sa akin na sinabi na niya kay Adam ang tungkol sa baby nila. Kahit papaano ay nakita ko sa mukha niya na nabawasan ang lungkot niya. Nanghihinayang pa rin ako na pinakawalan ko na si Annie. kung tutuusin ay yon naman dapat ang gawin ko, pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap namin ay lumabas na din siya.   Pagsara niya ng pinto ay napaisip ako kung nasabi ba ni Alexa kay Annie ang tungkol sa pagiging bodyguard niya. Napailing na lang ako. "It's not my business," sabi ko sabay kuha ng mga papeles na nasa harap ko.   Buong maghapon akong nasa opisina hanggang abutan na ako ng gabi dahil sa mga papeles na kailangan kong tapusin. Tinignan ko ang relo. "Wow I didn't notice the time, its eight in the evening," sabi ko. Hinilot ko ang balikat ko, nangalay dahil sa maghapong pagtutok ko sa monitor. Ilang saglit pa ay tumayo na ako para umuwi. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Tonio na nakaupo. "Let's go," sabi ko.   Pagbaba namin sa parking lot ay nandoon na ang mga bodyguard ko na nakaabang, unang sumalubong sa akin ay si Alex. Nakangiti siya sa akin, saglit ko lang siyang tinignan. Pumasok na ako ng sasakyan. Gusto ko nang umuwi dahil sa sobrang pagod.   **********************   Alexa POV   Dahil na miss ko si poging hilaw ay naisip kong tanggalin lahat ng kable ng sasakyan sa bandang makina. Ginawa ko yun para masolo ko siya. Mabuti na lang yung mga bodyguard na kasama ko ay di ako napansin kanina.Pagpasok niya ng sasakyan ay napangiti na ko.   **********************   Rence POV   "Anong nangyari?" tanong ko sa bodyguard ko na si Tonio. Ayaw mag-start ng sasakyan ko pati yata sasakyan ng mga bodyguard ko ay hindi rin umaandar.   "Sir mukang may sira po yung mga sasakyan," sabi ni tonio habang pinapaandar ulit yung sasakyan.   "Nadala niyo ba ang mga sasakyan sa casa habang wala ako?" Nag-uumpisa na akong mainis.   "Yes boss, pero ayaw po yata talagang mag-start," sagot ni Tonio at napakamot sa batok.    Sa inis ko lumabas ako ng sasakyan at padabog na sinara ang pinto. "This is irritating!" sigaw kong naiinis.   "Boss magpapakuha na lang ako ng taxi para sa inyo," sabi ni Tonio.   Napahawak ako sa sintido ko. Nakita ko ang mga bodyguard na lumabas ng sasakyan at nakayuko sa akin. Ganito ang ginagawa nila pag may kapalpakang nangyayari. Mayamaya ay lumapit sa akin si Alex. "Boss ako ng maghahatid sayo," wika niyang seryoso.   "Okay! Get a taxi now!" utos ko.   "Ako nang bahala kay boss," aniya sa mga bodyguard.   Nagulat ako dahil hinatak niya ako. Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa paglabas nitong building . Hindi ko na rin narinig pang magsalita ang mga tauhan ko dahil halos pakaladkad niya akong hinatak. *****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD