Chapter 04
"This is life!"bulaslas ni Sora matapos nilang makalabas ng airport ng Cebu.
Makikita sa mukha ni Sora ang pagkatuwa nito sa pagdating nila sa Cebu na bahagyang ikinangiti ni Gail. Masaya si Gail na nakikita niyang nag-eenjoy ang kaniyang kaibigan kahit mag-isa lang ito sa buhay, dahil sa kaibigan niya kahit papaano ay nawawala sa isipan niya ang hindi magandang relasyon nila ng kaniyang ina.
“Gail, kahit trabaho ang ipinunta natin dito, mag eenjoy tayo dito sa Cebu, I swear!"Pahayag ni Sora pagkalapit nit okay Gail.
Ngiting ikina-iling nalang si Gail kay Sora na kung minsan ay matured mag-isip pag dating sa panenermon sa kaniya pero minsan lumalabas ang pagiging isip bata.
"Sora ipapaalala ko lang sayo, narito tayo sa Cebu para sa interview natin kay Mr.Torres at to his soon to be wife, hindi para mag gala. Okay?" paalala ni Gail kay Sora na bahagyang ikinasimangot nito.
“I know I’m a fun breaker, pero yun naman talaga ang pakay natin dito sa Cebu, diba?”sambit pa ni Gail na bahagyang ikinaungos ni Sora sa kaniya.
"Hindi ko naman nakakalimutan ‘yan Gail, pero syempre kailangan din nating mag enjoy dito nuh. Kaya after natin ma-interview ang bride at ang groom mamaya, mag stay pa tayo dito hanggang bukas. Payag ka na ha? Okay ang naisip ko para kahit papaano ma-relax ang isip mo at ang puso mo dahil sa nanay mo."Pahayag na sambit ni Sora na walang nagawa si Gail kundi ang pagbigyan ang request ng kaibigan.
Inaamin ni Gail sa kaniyang sarili na gusto niya din ang plano ni Sora, hindi dahil sa kaniyang ina kundi upang hindi siya ma pressure na harapin ang lalaking hindi niya akalain na makikita niya matapos ang gabing ‘yun. Piping hinihiling ni Gail na hindi siya maalala nito na bahagyang kinontra ng isipan niya ng maalala niya kung paano niya nakitang kumunot ang noo nito ng makita siya. Sa pagkunot palang ng noo nito nasisiguro si Gail na baka nakilala siya nito.
“Fine, mangungulit ka din naman kahit hindi ako pumayag eh.”sambit na payag ni Gail na malawak na ikinangiti ni Sora sa kaniya.
“Pumayag ka Gail ha, wala ng bawian ‘yan.”paniniguradong sambit ni Sora kay Gail na buntong hiningang ikinatango nito.
“Yay! Tara na pumunta na tayo sa destination natin, I'll interview the groom and you'll interview the bride, kailangan maging maganda ang lakad natin ngayong."Pahayag ni Sora na ikinangiting ikinatangong ni Gail sa kaibigan.
Agad hinawakan ni Sora ang kaniyang kanang kamay at agad pumara ng taxi na sasakyan nila at ng tumigil sa harapan nila ang taxi ay agad siyang hinila papasok sa loob. Mahirap makapasok ang mga tulad naming Journalist sa mga ganitong events dahil minsan gusto ng iba na privacy ang mangyari sa mga ganitong okasyon, pero maswerte sila dahil isa sila sa pinayagan na makausap ang dalawang taong kilala sa industriya sa larangan ng sports at pagsasayaw.
Tahimik lang si Gail sa pagkaka-upo niya at nakatingin sa labas ng bintana ng hindi niya naiwasan na pumasok sa isipan niya ang lalaking nagpapagulo ngayong sa isipan niya. Hindi mawala sa isipan ni Gail ang mga mata nitong nang-aakit dahil sa kulay nito, ang lalaking nakakuha sa puri niya dahil sa kalukahan niya, ang lalaking hindi niya inaakala na kilala sa buong mundo dahil sa mga negosyo nito. Hindi inakala ni Gail na ang lalaking nakasama niya ng isang maling gabi at ang lalaking kailangan niya sa trabaho niya ay iisa.
Gustong kalimutan ni Gail ang kung anong nangyari ng gabing ‘yun, pero ngayon ay hindi niya magagawa dahil kailangan niyang ma interview ito, ibig sabihin ay hindi niya maiiwasan na hindi ito makita.
Hindi malaman ni Gail kung paanong gagawin niya pag hinarap niya ito, alam niyang magiging awkward iyon sa pagitan nilang dalawa dahil sa nangyari. Umaasa nalang si Gail na huwag iyong gawing big deal ni Taz Westaria dahil handa niyang kalimutan anuman ang nangyari sa kanilang dalawa ng gabing ‘yun.
"Hoy Gail, bakit ang tahimik mo dyan!"
Napukaw ang atensyon ni Gail nang maramdaman niyang may tumapik sa kaniya na ikinabaling niya ng tingin kay Sora na kunot noong nakatingin sa kaniya.
"H-huh?"
"Anong huh? Kanina pa ako usap ng usap dito eh wala pala akong kausap. Problema mo at parang ang lalim ata ng iniisip mo? Saan naman nakarating ang utak mo ha?" tanong ni Sora sa kaniya.
Dahil sa muling pagkikita nila ni Taz ay lalo itong nagpagulo sa isipan niya na lihim niyang ikinaka-inis sa kaniyang sarili. Nakikita niya ang kaniyang sarili na masyado siyang naapektuhan lalo na ng makita niya ulit ‘to. May times na sa pagpipikit siya ay ang gwapo nitong mukha ang nakikita niya at sumasakit na ang ulo niya sa mga naiisip niya.
“Nakakainis na kapalaran naman oh!”bulong ni Gail sa kaniyang sarili.
"GAIL!"
"AY KAPALARANG TUMAGOS." gulat na bulaslas ni Gail na muli niyang ikinalingon kay Sora na may salubong nang kilay na nakatingin sa kaniya.
“O-okay lang po ba kayo?”gulat na tanong ng driver na ikinalingon nina Gail dito na mukhang nagulat din sa pag-sigaw ni Sora na ngiwing ikinatango lang ni Gail.
“Okay lang po, pasensya na po.”hinging despensa ni Gail na agad na nilingon si Sora at mahina itong hinampas sa braso nito.
"Bakit ka sumisigaw dyan Sora?"sitang reklamo ni Gail kay Sora.
"Bakit ako sumigaw? Gusto mo sabunutan kitang babae ka ha?! Ano bang nangyayari sayo at kanina pa ako usap ng usap dito eh parang wala ka naman sa sarili mo."may inis na sermon ni Sora na ikinasermon ni Gail sa kaniyang isipan.
Aisssh! Ito ang nagagawa ng lalaking yun sa akin eh,nawawala ako sa huwisyo bwisit!
“Alam mo malapit na akong mag-isip ng kakaiba eh, naging ganiyan ka lang simula nung nagpunta ka sa apartment ko kahapon at nag ngu-ngumaw---“
"Huwag ka ngang mag conclude agad diyan, nag iisip lang kasi ako ng mga pwedeng itanong sa bride, hindi lumilipad ang utak ko." pagsisinungaling na sambit ni Gail dahil ayaw niyang malaman o mahalata ng kaniyang kaibigan na grabe ang epekto sa kaniya ng lalaking nakasama niya ng isang gabi na subject niya pa for interview.
"Grabe ka naman mag isip ng mga tanong, kailangang matahimik ka ng ganiyan? I’m sure subject mo ang iniisip mo ngayong eh, alam mo Gail huwag mo munang masaydong iniisip si Mr.Westaria---"
"Hindi ko sya iniisip, swear! Nagkakamali ka, hindi talaga. Hindi nga siya napasok sa isipan ko kaya bakit ko iisipin ang lalaking ‘yun." putol ni Gail sa sasabihin ni Sora na ikinakunot ng noo ni Sora sa kaniya,
"OA ha! Ang sinasabi kong wag mo kaisipin ay ang interview mo sa young billionaire na yun. Isa pa, enjoy this day and forget mo muna ang assignment mo. Na stress na ako sayo bruha ka!"pahayag ni Sora na napapailing nalang sa kaibigan.
Mababaliw na ata ako dahil sa lalaking yun! Bakit kasi kailangang sya pa! Naman oh! Reklamo ni Gail sa kaniyang isipan at pinilit na inaalis si Taz sa isip niya.
SA GITNANG BAHAGI ng reception sa hotel na tinutuluyan ng mga bisita at abay sa kasal ng kaibigan ni Taz, ay magkakasama silang lima roon at natutuwa sa muli nilang pagkikita ng isa pa nilang kaibigan na si Shawn Torres. Maliban kay Taz na seryoso lang na nakatayo at bored ang itsura na makikita sa mukha nito.
"Mabuti naman at kumpleto kayong nagpunta dito sa kasal ko, dahil kung nagkataon na wala ang isa sa inyo malalagot kayo sa akin. Hirap na nga akong kontakin ang iba kaya mabuti at kahit kayong apat lang ay nakapunta."bating pahayag ni Shawn kina Travis na nakikitaan nila ng excitement sa kasal nito sa babaeng matagal na nitong minamahal.
Sa pagkakatanda nila, isa si Shawn sa nagtataboy sa pana ni kupido, nasabi pa nito sa kanila na masaya ang maging single pero nalaman nila na matagal na pala itong may liim na pagtingin kay Ruana Castillione na isang kilalang ballerina.
"We will never missed this wedding of yours Torres, just thank us at nakulitan sa amin si Taz na sumama dahil kung hindi wala yan dito. And I know mabalitaan man nila ang araw na ‘to, I’m sure masaya sila para sayo."Pahayag ni Balance na ngiting ikinatango ni Shawn sa kanila.
"Congrats dude, tuluyan ka ng magpapatali sa binibini mo, And thanks pala sa sundo namin kanina talagang hindi kami nalapitan ng mga media na nag aantay sa airport."tapik na pahayag ni Ford sa balikat ni Shawn.
Naging smooth at maayos ang pagbaba nila sa Airport ng Cebu at kahit isang reporter ay walang nakalapit sa kanila. Pagdating nila sa airport ay agad silang nilapitan ng mga tauhan ni Shawn na ipinadala nito upang hindi sila magawang gulihin ng mga media.
"No problem, alam nyong ayokong nalalapitan ng media si Westaria. Kawawa kasi sila pag nagkataon.”pahayag ni Shaw na ngising nilingon si Taz na sabay-sabay nilang ikinatawang apat dahil seryoso parin ang ekspresyon ng mukha nito.
“Kj mo kahit kailan bestfriend, di man lang nakitawa.”kumentong puna ni Travis na sinamaan ng tingin ni Taz.
“F*ck you.”mura ni Taz sa kaniya na natatawang ikinatapik ni Shawn kay Travis.
“Kailan ba kasi tumawa ‘yan Amadeus? Akala ko ba Kiosk mataas IQ ni Amadeus, mukhang kumupas na sa paglipas ng panahon ah.”ngising tanong ni Shawn kay Balance habang kay Travis nakatingin upang asarin ito na ikinasimangot agad ng mukha nito.
“Huwag mo ng asahan Torres, fake news ang IQ niyan college days palang.”pakikisakay na asar ni Balance kay Shawn
“Thank you Kiosk ha, salamat sa tangnang pang bu-boost mo talino ko, gago!"asar na ikinatawa lang nina Shawn.
“Anyway, we can see by the preparations Torres na engrande ang kasal mo ah, Pinaghandaan mo ba?"pag-iibang topis na tanong ni Ford kay Shawn na malawak ang ngiting ikinapamulsa nito.
Kilalang hotel sa Cebu ang pag-gaganapan ng kasal ng kaibigan nilang si Shawn, ang likuran kasi nito ay dagat at maganda ang garden sa hotel na ‘yun na ang finacee ni Shawn ang pumili sa lugar. Sa ayos, preparasyon ay malaki ang nagastos ng kaibigan nila, natutuwa sila para sa kaibigan na dati lang ay kuripot maglabas ng pera at hindi marunong magseryoso sa buhay dahil puro soccer ang nasa isip nito.
Masasabi nina Travis na hindi nila nakikitaan ng pagsisisi si Shawn dahil sa desisyon niya na akala nila noon ay makaka-apekto sa pagmamahalan ng future wife nito ngayon.
"I want the best wedding for the best bride in the world for me, kaya kong mamulubi para sa kanya Amadeus." ngiting sagot ni Shawn sa kanilan na nakikita nila ang pagmamahal nito sa babaeng minamahal nito.
“Pag-ibig nga naman, nakakapagbitaw ka na ngayon ng mga nagiyang korni na salita ah. Dati ikaw pa ang nauunang natatawa pagnakaka-rinig tayo ng ganiyan. Ang lakas talaga ng tama sayo ni Ruana ah.”kumentong pahayag ni Travis na ikinangiti ni Shawn sa kaniya.
“Well, tinamaan eh.”
"Did they come here?"seryosong tanong ni Taz na ikinalingon nilang apat dito.
Hindi lang sila nagpunta sa kasal ni Shawn upang batiin ito, nakiusap din kasi ito kina Balance na itaboy ang mga pwedeng mangg-gulo sa pinaka mahalagang araw nila ni Ruana. Sa Sobrang kasikatan ni Shawn noon hanggang ngayon sa paglala-laro ng soccer ay maraming may inngit dito at mga kaaway na gusto itong pabagsakin. Natatandaan pa nila noon na lagi itong nakaka tanggap ng death threats at mga nananakot na idadamay si Ruana. Hindi ‘yun ipinaalam ni Shawn sa mahal niya dahil alam nitong mag-aalala ito.
At kahit sa kasal ng dalawa ay hindi tumitigil ang mga ito hanggat hindi nagagawa ang gusto kay Shawn.
"Yeah, I saw them in one of the rooms here. I think they’re here to ruin my wedding.”sagot ni Shawn kay Taz na ikinapamulsa nito sa slacks na suot niya.
Tatlong oras nalang ang natitira bago magsimula ang ceremony ng kasal ni Shawn at ayaw nito na masira ‘yun dahil sa mga taong may galit sa kaniya.
"Ikaw naman kasi Torres, masyado mong ginagalingan kaya ang dami mong nakuhang bashers."birong sambit ni Ford na bahagyang ikinatawa ni Shawn sa sinabi nito.
“Wala tayong magagawa Rosales, pinanganak akong magaling, besides hindi ko kasalanan kung kinakain sila ng insecurities nila sa katawan.”sagot ni Shawn
"Tingin mo ilan sila?"tanong naman ni Balance na ikinakunot ng noo ni Shawn habang nagbibilang sa kaniyang isipan.
"I think, labing lima sila. Hanggat maari ayokong magulo nila ang kasal ko, malapit pa namang mag umpisa."pahayag na sagot ni Shawn na ikinalingon nila kay Taz ng magsimula na itong maglakad papunta sa elevator.
“Wala pa ring pinagbago si Westaria.”kumento ni Shawn habang sa likuran ni Taz nakatingin.
“He never change at all, though he became more distant, even to us.”sagot ni Balance na ikinabuntong hininga ni Shawn.
“I can see that, that day brought sufferings and pain to him.”
Tinapik ni Ford si balikat nito si Shawn bago sinundan na si Taz. Ang nakaraan ng kaibigan nila ang may malaking dahilan kung bakit naghirap ang kaibgan nila sa ilang taon na lumipas.
"Guys?! Room 403, third floor. Malawak ‘yun, so please huwag kayong magsisira ng mga gamit doon. Dagdag gastos ko ‘yun pag-nagkataon.”sigaw na paalala ni Shawn kina Balance na ikinangisi nilang tatlo.
"Were not sure Torres, pero we’ll try.”sagot na sigaw ni Travis bago sila sumakay sa elevator na kabubukas lang.
Dahil sa nangyari ng nakaraan, matagal na din kinalimutan nina Travis ang ganito at lumalabas lang pag kailangan. They’re not just a circle of friends but a more like a gangster, not just a typical gangster but more like a mafia. Nabuwag sila dahil si Taz mismo ang bumuwag sa samahan nila dahil sa mga nangyari noon, pero alam nila Travis nagkahiwalay-hiwalay man sila at wala ng balita sa iba ay nasisiguro ni Travis na hindi nababago ang turingan nila.
"What room again Amadeus?"seryosong tanong ni Taz
"403 third floor, Westaria!"sagot ni Travis
“Matagal tagal narin simula ng mapalaban tayo at masasabi kong naeexcite ako.”excited na sambit ni Travis na bahagyang ikinangiti lang nina Balance at Ford.
“Sabi ni Torres, labing lima ang makakalaban natin. Hmmm, paano ang hatian mga kaibigan?”pahayag na pag-iisip ni Travis ng bumukas ang elevator na agad ikinalabas ni Taz at sinundan nilang tatlo.
“Nangangati na ang kamay ko, ilan kayang mukha ang madadapuan ng kamao ko?Hindi na ako nakapaghintay!”natutuwang pahayag ni Travis na ikinatigil nila sa tapat ng pintuan kung nasaan ang mga unwelcome visitor ni Shawn.
“Paanong hatian ang mangyayari? O gusto niyo paramihan nalang ng maitutum---“
"Stay here Amadeus, don’t let anyone enter and disturb us, understand?”bilin na pahayag ni Taz bago binuksan ang pintuan at pumasok na.
Pigil ang tawang tinapik lang nina Balance at Ford ang balikat ni Travis na natuod sa kinatatayuan niya, bago sila pumasok sa loob at isinara ang pintuan.
“Ano yun?Iniwan ako?”di makapaniwalang sambit ni Travis na napasimangot na ikinasandal ni Travis sa sa pader malapit sa pintuan.
“This is unfair, mukha ba akong security guard para maging bantay lang dito? Grabe talaga sa akin si Taz, bestfriend niya ako tapos ako pinagbantay niya dito.”reklamong pahayag ni Travis ng makarinig na siya ng malalakas na lagabog sa loob ng kwarto na mas lalo niyang ikinasimangot.
“Aish! Sayang naman oh!Pero ayos lang hindi magugulo ang ayos ko. Sayang ang suit na suot ko kung magugusot.”sambit ni Travis na inayos ang suit na suot at hinintay nalang sina Taz hanggang sa matapos ang mga ito.
Rinig na rinig mula sa loo bang kalabugan na nangyayari nang mapatingin si Travis sa isang babaeng kalalabas lang sa isang kwarto di kalayuan sa room 403 na kinalalagyan nila ngayon.
Nakaayos ito at sa tingin ni Travis ay isa sa mga bisita ni Shawn sa kasal nito, nang mapadaan ito sa tapat ng room 403 ay bahagya itong nagulat ng marinig nito ang mga kalabog mula sa loob ng kwarto na ikinakunot ng noo nito bago lumingon sa kaniya.
"Pasensya na kung maingay sila, wild kasi ang mag asawang naandito sa loob, gusto ng maingay."ngiting rason ni Travis na sa tingin niya ay naintindihan ang gusto niyang sabihin dahil nag-umpisa na ulit itong maglakad at hindi pa ito tuluyang nakakalayo ng magulat na naman ito sa kalabog na narinig ulit nito.
"First time eh."ngiting pahayag ni Travis na dali-dali na nitong ikinapunta sa elevator at agad sumakay doon.
Napapailing nalang si Travis dahil sa kalabugan na sunod-sunod niya ng marinig na ikinakatok niya sa pintuan.
"Mga dude dahan-dahan lang, alalahanin nyo ang bilin ni Shawn. Huwag kayong magbabasag ng mga gami---“
Hindi natuloy ni Travis ang sasabihin niya ng malakas na kumalabog ang pintuan at nakarinig siya ng malakas na daing mula sa loob na ikinakamot ni Travis sa kaniyang batok.
“Narinig kaya ako nang mga ‘yun?Kawawa naman si Shawn kung marami silang nabasagsa loob. Kahit malaki ang ginastos nya sa kasal nya hindi maalis na kuripot ang isang yun.”kumentong pahayag ni Travis na napaayos ng tayo ng magbukas ang pintuan at sunod-sunod na lumabas is Balance at Ford na akmang ikasisilip ni Travis sa loob ng huling lumbas si Taz at sinara agad ang pintuan.
"Ohh parang walang nangyari sa loob ah, walang kagusot-gusot ang mga suit na suot niyo."pahayag na kumento ni Travis na bahagyang ikinangisi ni Ford.
"Mahihinang klase ang mga naa loob Amadeus, kay Taz palang wala na kalahati na agad sa labing lima ang napatumba niya.”pahayag ni Ford na ikinalingon ni Travis kay Taz.
“Wala ka paring kupas bestfriend, parang dati lang na kung makapag-pabag---"
“Let's go, the wedding will start soon."seryosong putol ni Taz kay Travis bago naglakad na papuntang elevator.
“Businessman ka na Amadeus, may pagka tamad pero bawas-bawasan mo pagiging madaldal mo. Alam mong ayaw ‘yan marinig ni Taz.”kumento ni Balance na naglakad na pasunod kay Taz ganun din si Ford na tinapik ang likuran ni Travis na napanguso nalang.
-SERENITY P.O.V-
Naandito ako ngayon sa kwarto kung nasaan ang bride to be.Nakaupo sya sa isang sofa at nasa tapat nya naman ako habang hawak ang maliit kong notebook at ballpen. Ilang oras nalang ay magsisimula na ang seremonya ng kasal nila kaya nabigyan na ako ng pagkakataon na mainterview ang bride.
Napakaganda ng bride, no wonder kung bakit inaya sya ng kasal ni Mr.Torres dahil mahirap pakawalan ang kagaya nito, maganda at mukhang mabait. Sa pagalagay ko ay mahal na mahal nung groom ang bride nya dahil masasabi kong engrande ang kasal na ibibigay nya sa soon to be wife nya. Nakikita ko din sa mukha ng bride na masaya sya na maglalakad sa altar.
"Thank you Ms.Castillione or should i say Mrs Torres for allowing me to interview you."nakangiting sabi ko sa kanya.
"And congratulations in your wedding." dagdag ko pa na ikinangiti nya.
"You're welcome Ms.Journalist, what’s your name by the way?" ngiting tanong niya sa akin.
"I’m Serenity Gail but you can call me Gail, shall we start?" sagot ko na tinaas ko pa sa harapan nya ang hawak kong notebook at ballpen na bahagya niyang ikinatawa at ikinatango.
"So Ms.Ruana Castillione, ano ang pakiramdam mo na ikakasal ka na ngayon sa long term boyfriend mo in almost eight years."Unang tanong ko sa kanya.
Nung nalaman ko ang relasyon nila na umabot sa walong taon ay namangha ako dahil tumagal sila ng ganun.Kahit isang beses wala akong nabalitaan na nag away o naghiwalay sila. Ganun siguro katatag ang relasyon nila.
"What I’m feeling right now? Actually, hindi ko ma explain ang sayang nararamdaman ko ngayon. Sa totoo lang hindi ko inaasahan na aalukin ako ng kasal ni Shawn dahil hindi lingid sa kaalaman nyo na kuripot ang fiancee ko." kwento nya na parehas naming ikinatawa.
Yeah! Nabasa ko yun sa isang article na si Sora ang naglabas.
"When he propose to me, parang tumigil ang oras sa paligid ko at sya lang ang nakikita ko. I’m very happy marrying that man, I mean my man."sabi pa ni Ms.Ruana na mababakas sa mata ang saya. teary eye na kasi sya.
Sinusulat ko lahat ng sinasabi nya at humahanga ako sa pagmamahal nya sa future husband nya.
"Paano mo nasabing si Mr.Torres na ang better half mo?" next na tanong ko.
Actually pinaghirapan ko talaga ang tanong ko sa kanya, alam ko kasi masasagot nya ito ng ayos.
"Paano ko nasabi? Una ko palang sya nakita sa game nasabi ko na sa sarili ko na sya ang gusto kong makasama habang buhay, na sya ang ang magiging ama ng mga anak ko. I’m his avid fan talaga,patago akong nanunuod ng mga laro nya makita ko lang sya. Akala ko nga hanggang tingin at paghanga nalang ako sa kanya pero hindi ko expected na avid fan ko din sya. Alam mo ba na hindi ako sumipot sa Ballerina show ko sa Las vegas dahil mas pinili kong manuod ng laro ni Shawn, napagalitan ako noon ng manager ko but hindi ako nagsisi. Sa kanya lang tumibok ng malibis ang puso ko." sagot nya sa tanong ko.
Hindi ko mapigilang hindi mapa wow sa love story nila, nakakatuwa naman.
"Handa mo bang isuko ang pagiging Ballerina mo para sa kanya ngayong ikakasal na kayo?" huling tanong ko na hindi nya agad nasagot.
Sa pagkaka-alam ko, buong buhay ni Ruana Castillione ay tinuon niya sa career niya, madami siyang achievements na nakuah at nabasa ko pa na marami pang naka line up na tour niya kahit ikasal siya.
Pinagmasdan ko lang sya ng makita kong lumawak ang ngiti nya bago deretsong tumingin sa akin.
"Kung ang pag give up ko sa career ko ay ang makasama habang buhay si Shawn, I’m willing to withdraw my career. Mas mahal ko si Shawn kaysa sa pagba-ballerina ko." masayang sagot nya sa akin na ikinatanga ko lang.
"B-but Ballerina is your life and dreams, right?" hindi ko maiwasang itanong sa kanya.
Pangarap mo yun tapos bigla mo lang bibitawan?
"Pag-nagmahal ka Ms. Gail, maiintindihan mo ang sinasabi ko. Love is better than dreams."sabi nya sa akin na hindi ko na ikina imik.
Love is better than dreams?
“Pero pinaghirapan mo ang career mo ngayong diba? Will you really give up on that? Pwede mo pa rin naman siya I-persue kahit kasal ka na diba?”tanong ko pa sa kaniya dahil hindi ako makapaniwala sa sagot niya sa akin.
“Nang makilala ko si Shawn nabago na ang pangarap ko Ms. Gai, ang pangarap ko na ay maging mabuting asawa niya at ina ng magiging anak namin.”sincere na sagot niya sa akin nang sabay kaming mapalingon sa isang staff na sumilip sa may pintuan.
"Ms.Castillione, magsisimula na po ang kasal. Be ready na po.
"Ok!"
Lumabas na ulit yung staff kaya agad narin akong tumayo.
"Thank you sa pagpayag sa interview na ito Ms Ruana." pasasalamat ko sa kanya na ikinangiti nya.
"Youre welcome Gail.”
Inayos ko na ang sarili ko at nagsimula na akong lumabas sa room ng bride, hanggang ngayon naglalaro sa isip ko ang sinabi nya na mas higit ang pag ibig sa pangarap.
Kaya nyang bitawan ang pangarap nya makasama nya lang ang lalaking mahal nya, nakakapanghinayang pero nakakabilib ang pagmamahal nya sa fiancee nya. Napahinto ako sa paglalakad ko at hindi ko alam kung bakit napahawak ako sa dibdib ko.
"Kaya ko rin ba 'yon? Could i choose love than to my dreams when the time comes na magmamahal ako?" tanong ko sa sarili ko.
Kaya ko ba yun?
Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng bride, lutang lang akong naglalakad sa pasilyo ng hotel at hindi ako aware sa paligid ko dahil nakatuon ang isipan ko sa mga sinagot sa akin ng bride, hanggang sa napadaing nalang ako dahil may nakabungguan ako.
"Aray!" daing ko habang sapo-sapo ko ang aking noo
Grabe ang tigas nun ah! Nabangga ba ako sa pader ng hindi ko napapansin.
"Watch your way woman."
Automatic na parang naging tuod ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang isang boses na naalala ng tenga ko.
That voice no way, no freaking way.
Dahan dahan akong nag angat ng aking ulo para makumpirma ang nasa isip ko at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko dahil ang nabangga ko ay ang taong naiisip ko simula pa kanina.
Pero teka, parang nangyari na ang ganitong eksena, De javu?
"So it's you, again. The journalist. "seryosong sabi nya sa akin.
Napatingin na naman ako sa grayish nyang mga mata at ang masama ay hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. I should go and run, damn self! kailangan mong lumayo sa kanya.
"Did we met somewhere before?" tanong nya na ikinabalik ng huwisyo ko.
Teka? Hindi nya ako tanda? Is that a good sign?
"Ha? H-hindi."
Shemay, why am I stuttering with this man?
Calm yourself Gail, this is not the time para mawala ang huwisyo mo sa harapan nya.
"Are you sure?"
"Oo naman, first time kitang makita sa opisina mo tapos ngayon. P-pasensya na pala kung bigla akong tumakbo palabas ng opisina mo, ki-kinabahan kasi ako.”sagot ko sa kaniya na pilit kong kinakalma ang sarili ko.
Damn.maniwala ka! Please wag mo sana akong maalala.
"Is that so, then did you followed me here so you can interview me?"seryosong akusa nito sa akin na agadkong ikina-iling sa kaniya.
"Hindi, naandito ako para ma-interview ang bride. Yes, subject kita pero sa manila yun. Don't worry hindi kita kukulitin ngayon. Excuse me." Paalam ko.
Kailangan ko ng umalis sa lugar na ‘to, bakit ba kasi narito ang lalaking ito? At bakit sa lahat ng pwedeng makasalubong ko bakit sya pa? Lord naman, iniiwasan ko nga eh!
Aalis na sana ako para makalayo sa kaniya ng magulat nalang ako ng bigla nalang may humigit braso ko at isandal ako sa pader. At mas lalo akong nagulat ng makita kong sobrang lapit na namin sa isa’t-isa.
Damn! He pinned me in the wall and worst sobrang lapit nya sa akin. Ano bang ginagawa ng lalaking ito.
"A-ano ba! Bitawan mo nga ako Mr.Westaria!"
Kinakabahan ako sa totoo lang, Ano bang pumasok sa isip nito at sinandal niya ako sa pader.
Mas kinabahan ako ng mas ilapit pa nya sa akin ang mukha nya. Amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga na tumatama sa mukha ko.
"G-get o-off me will you!" pilit akong kumakawala sa pagkakaipit nya sa akin sa pader pero dahil malakas sya wala akong magawa.
Palakas ng palakas ang t***k ng puso ko dahil sa ginagawa nya.
“Mr. Westari---“
"I remember you now." Putol nitong pahayag sa akin at walang pasabing nilapit nya ang bibig nya sa tenga ko na ikinataas ng mga balahibo ko.
Oh my Gosh!
"Dreams Castle Hotel, the woman whose moaning in bed because of me." ramdam ko ang pag ngisi nya.
Malakas ko syang naitulak kaya napalayo sya ng bahagya sa akin na nakangisi paring nakatingin sa akin.
Ako?
Gulat na gulat na nakatingin sa kanya. So it means…
"In the reaction of your face, I assume that you remembered me also hmmm?" He said while the smirk was plasted on his handsome freaking face.
No way?!
Umalis ako sa pagkakasandal ko sa pader at mabilis na tumakbo palayo sa harapan nya, sa lugar na yun
I can't believe it!
He remembered me?!
O