Chapter 05
Masayang nakamasid sina Ford sa kaibigan nilang ikinakasal na sa babaeng nakita nilang nagpasaya dito at nakikita din nilang mahal na mahal ni Shawn. Nakikita nila sa mukha at mga mata ng kaibigan nila ang saya dahil mailalagay na nito ang epilyido nito sa babaeng mainamahal niya. They can see in the eyes of their friend how he very much in love with his wife.
Hindi mapigilan ni Ford na mapabilib ng kaibigan dahil nakikita nila kung gaano kagandang kasal ang ibinigay nito kay Ruana, akala niya ay mangingibabaw ang kakuriputan nito pero sa nakikita nila ay handa itong magbitaw ng malaking pera para sa minamahal nito. They can see now the matured and responsible Shawn Torres, lalo na at talagang tinupad nito ang gusto ni Ruana na sea side maganap ang kasal nila.
"Look at Torres kaunti nalang iiyak na."natatawang kumento ni Travis kay Shawn na ikinailing ni Ford.
“Pag dumating ang oras na ganyan ka din sa araw ng kasal mo, tatawanan din kit aka Amadeus.”sambit ni Ford kay Travis na ikinangising ikinaalukipkip lang nito.
“Ako? Ikakasal? Wala sa plano ko ang magpatali sa isang babae Ford, hindi ako magagaya kay Torres na sinuko ang pagiging single dahil sa pag-ibig na ‘yan.”
“Really? Alalahanin mo Amadeus, ang nagsasalita ng patapos, kinakarma sa bandang huli.”ngising kumento ni Ford na ikinaungos lang ni Travis.
"Did you notice where is Taz? Kanina pa wala yun."sabit na tanong ni Balance na ikinalingon nina Ford sa buong paligid ng sead side.
Matapos ang pagpapatahimik nila sa mga may balak ng masama sa kasal ni Shawn ay nagpaalam ito na pupunta lang sa restroom at pina-una na sila. Hindi napansin nina Ford na hindi pa ito nakakabalik, ngayong lang nang magbanggit ni Balance sa kanila.
“Kanina pa nagsimula ang kasal pero wala parin ang isang ‘yun, na flush nya kaya ang sarili nya o tinamad ng umattend ng ceremony ang isang ‘yun.”pahayag ni Travis habang hinahanap ng kaniyang mga mata ang kaibigan nilang hindi pa bumabalik mula ng magpaalam ito sa kanila.
"Now for your vows.”
Sabay na ibininalik nilang tatlo ang tingin sa unahan matapos mag announce ang pari. Magpapalitan nan g vow ang dalawa sa isa’t-isa pero wala pa rin sign ni Taz sila na makita. Nasisiguro nila na pag nalaman ni Shawn na hindi umattend ng ceremony si Taz ay magtatampong bata ang kaibigan nila.
"Oh?Ayun sya oh!"turo ni Travis ng makita ng mga mata niya ang kaibigan nilang agad binalingan ng tingin nina Balance.
Nakita nila si Taz na nakatayo sa may gilid di kalayuan sa pwesto nila, Nakatayo lang ito at seryoso ang ekpresyon ng mukha na parang may malalim na iniisip. Ilang saglit ay nakita na nila na may kausap na ito sa cellphone nito na kita nilang bahagya pang lumayo sa kinatatayuan nito.
"For sure sa trabaho yang tawag na ‘yan, ayaw talaga nyang nalalayo sa trabaho, kulang nalang pakasalan na nya mga paper works niya." Kumento ni Travis na ikinaalis nila ng tingin kay Taz at muling itinututok ang atensyon kina Shawn.
“Masyadong workaholic ang isang iyan, simula ng maiwan sa kanya ang buong pamamahala ng Westaria group of Companies buong oras at panahon niya itinuon nya doon para mas mapalaki ang kumpanya nila.”dagdag pa ni Travis na ikinatapik ni Balance sa kaniya at ikinaalis niya ng tingin sa abalang si Taz.
Kung titingnan nilang mabuti, kung hindi nila kilala si Taz ay iisipin nila na napakswerte nito dahil isa siya sa tinaguriang batang bilyonaryo sa buong mundo lalo na at nasa kaniya na ang lahat. Pero alam nila na kahit successful ito at nasa kaniya na ang lahat may isnag bagay ito na wala sa kaniya. At ang wala sa kaniya ang isang dahilan kung paano nila nakitang naghirao at nagdusa si Taz.
"After ba ng kasal ni Shawn ay uuwi na tayo ha?" tanong ni Travis na sabay ikinalingon nina Balance sa kaniya.
"Yeah! Torres will understand if we don’t stay here for long. Atleast, we saw each other again."sagot ni Balance na ikinatango nalang ni Travis.
Gusto man nilang manatili pa at makiapag saya kina Shawn ay hindi nila pwedeng iwan ng matagal ang kani-kanilang negosyo. Alam nilang mauunawan ni Shawn kung hindi sila magtatagal at alam nilang sapat na nakita nilang muli ang isa’t-isa sa tagal na panahon na lumipas sa kanila.
Itinutok nalang nilang muli ang atensyon nila sa kasal nina Shawn na hindi napigilan ni Travis ang mapatawa dahil nakikita na nilang umiiyak si Shawn na ikinamura nit okay Travis dahilan upang mapuno ng tawanan ang seremonya ng kasaln.
Hindi napigilan ni Ford na ibalik ang tingin niya sa pwesto ni Taz nang mapakunot ang noo niya ng bigla itong nawala sa kinatatayuan nito at hindi niya na makita sa buong venue.
NATATARANTANG NAKATAYO ngayong si Gail sa labas ng hotel habang hinihintay niya si Sora na dumating. Nararamdaman ni Gail na kung magtatagal pa siya sa lugar na ‘yun ay makikita at makikita niyang muli si Taz.
Ilang oras na rin ang nakakalipas simula ng magkasalubong sila at hanggang ngayon hindi parin nawawala ang kaba sa dibdib niya.
Hindi mawala sa isipan ni Gail ang eksena nila ni Taz kanina, kung paano siya nito nagawang maisandal sa pader, kung paano nagkalapit ang mga mukha nila at kung paano niya natitigang muli ang nakaka-akit nitong mga mata. Pilit na inaalis ni Gail sa isipan niya ang eksena nila kanina ni Taz pero hindi niya magawa dahilan para lalo siyang kabahan dahil naiisip niya na baka sa pag lumingon niya ay ito ang makita niya.
“Bakit kasi naandito sya? Bakit sa lahat ng tao na pwede kong makita dito bakit sya pa?!”kinakabahang sambit ni Gail na hindi na magawang mapakali sa kinatatayuan niya.
Hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin, akala niya hindi siya nito makikilala pero hindi niya akalain na naalala nito ang mga nangyari sa kanila, natatandaan nito na siya ang kasama nito sa isang hotel at tanda nito ang mga ginawa nila.
Mas lalong dumoble ang kaba ni Gail na nahahaluan ng hiya dahil sa pagkakakilala sa kaniya ni Taz. Napapikit si Gail sa sobran kahihiyan nan a nararamdaman niya ngayong. Biglang nakaramdam ng pagsisisi si Gail sa ginawa niyang paglalasing ng araw na ‘yun. Lihim niyang pinagagalitan ang sarili dahil nahayaan niyang ibigay sa lalaking di niya masyadong kilala ang kaniyang sarili.
“Bakit kasi hinayaan kong maibigay sa lalaking yun ang sarili ko?!”sisi ni Gail sa sarili na ikinamulat niya dahil sa isang desisyon na pumasok sa isipan niya.
“Tama, kailangang makabalik na kami ni Sora sa Manila para sabihin kay Chief na ipapasa ko sa iba ang assignment ko. Okay ng mapagalitan basta hindi ko na makaharap ang lalaking ‘yun.”pahayag ni Gail sa naisip niyang desisyon.
“Kailangan kong maka-usa---“
"Gail?!”
Agad na napalingon si Gail kay Sora na kalalabas lang ng hotel at patakbong lumalapit sa kaniya. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Gail ng makita ang kaibigan, nang makalapit ito sa kaniya ay agad niyang hinawakan ang kanang braso nito at hinila palayo sa hotel at upang makakuha nan g taxi na sasakyan nila na hindi niya napansin ang gulat sa mukha ni Sora sa ginawa niya
"Oi oi Gail ,nagmamadali? Ano ‘to may hinahabol lang?"sita ni Sora sa kaniya na hindi niya magawang sagutin.
Ang nasa isip lang ni Gail ay makalayo sa lugar na ‘yun at hindi na magtagal pa dahil alam niyang may isang percent na makita niya ulit si Taz.
“Teka Gail, makahila ka naman. Sandali lang pwede.”
"We need to go home Sora."agad na sambit ni Gail kay Sora na ikinakunot ng noo nito.
Nakarating na sila samay tabing kalsada at nag-aabang nan g taxi si Gail na ikinapagtaka ni Sora sa biglang ikinikilos ng kaniyang kaibigan.
"Teka home? What do you mean were going home?Akala ko ba mag-----"
"We need to go home Sora please?! Umuwi na tayo!”bulyaw ni Gail pagkaharap niya kay SOra na ikinatigil at ikinasalubong ng kilay ni Sora sa kaniya.
Naiinis na tinalikuran ni Gail si Sora upang makapag abang na ng taxi, habang ang kaibigan niya ay naguguluhan na nakatingin sa kaniya. Pakiramdam ni Gail sa ginagawa niya para siyang criminal na hinahabol ng mga pulis.
"May nangyari ba sayo Gail?"tanong ni Sora sa kaniya na hindi niya ikinalingon dito.
"Wa-wala, basta umuwi na tayo sa Manila. Promise babawi ako sayo pag uwi natin sa Manila ha? Basta kailangang makauwi na tayo agad ngayong."pahayag ni Gail sa kaibigan.
Hanggat maari ay ayaw na ni Gail na muling magtagpo ang landas nila ni Taz, ayaw niya na ring maalala ang gabing nangyari sa kaniya na alam niya sa sarili niya na mahihirapan siyang maalis ‘yun sa isipan niya.
Nang makakita siya ng taxi na parating ay agad niya itong pinara, hindi naman na muling natanong pa si Sora sa kaniya at ikinapagpasalamat niya. Pagka-tigil ng taxi sa arapan nila ay ay agad siyang sumakay sa loob at ganun din si Sora na wala ng nagawa kahit gulong-gulo na siya sa nangyayari sa kaniyang kaibigan.
"Manong sa Airport po pakibilisan lang po."sambit ni Gail sa taxi driver na agad ding umalis sa palayo sa lugar kung saan nakita ni Gail ang lalaking nagbibigay kaba sa kaniya ngayon na bahagya niyang ikinahinga ng maluwag.
"Ako'y naguguluhan na sayo Gail, bakit parang nagmamadali ka? May humahabol ba sayo?"tanong ni Sora na pilit kong iniwas ang tingin sa kaniya.
Alam ni Gail na nagtataka na si Sora sa mga ikinikilos niya pero ayaw niya munang sabihin dito ang dahilan kung bakit ganito ang kinikilos niya. Kilala ni Gail ang kaniyang kaibigan, pag nalaman nito na nagkita sila ng lalaking nakasama niya ng isang gabi at umangkin sa kaniya ay sasabihin nito sa kaniya na dapat ay hindi niya ito takbuhan at dapat harapin, pero para kay Gail wala siyang lakas ng loob na harapin ito dahil sa kahihiyan na nararamdaman niya ngayon. Isa pa sa naiisip ni Gail ay baka iniisip ni Taz na sia siyang cheap at easy to get na babae dahil nagpapakalasaing siya at pumapayag na sumama sa mga lalaki.
Tahimik lang si Gail sa byahe nila at kahit anong tanong ni Sora sa kaniya ay binabago niya ang usapan kaya ito na rin ang sumuko na magtanong ng magtanong sa kaniya.
Walang ibang nasa isipan si Gail kundi ang makauwi sa Manila, at dahil bahagya silang nahirapan na kumuha ng flight pabalik ng Manila ay inabot na sila ng gabi sa pagbalik nila sa Manila. At dahil late na sila nakauwi ay sa apartment muna ni Sora siya nakitulog, tabi silang matulog ng kaibigan niya at pagsapit ng umaga ay maaga siyang umalis upang makauwi sa apartment niya. Sa mga oras na ‘yun ay ayaw mag-aksaya ng oras ni Gail kaya pagkarating niya sa kaniyang Apartment ay agad siyang naligo at nag-ayos ng kaniyang sarili. Agad siyang lumabas ng apartment niya matapos siyang makapag-ayos at agad na sumakay sa mini cooper niya na una niyang nabili noong unang sahod niya bilang isang Journalist. Agad niyang pinatakbo ang cooper niya papuntang Real Journal Company kung saan sila nagta-trabaho ni Sora. Nang ilang oras na byahe ang lumipas ay nakarating na siya sa building nila at hindi man lang niya napansin sa cellphone niya na nakailang tawag na si Sora sa kaniya dahil ang focus niya ay nasa goal niya na makausap ang Editor in Chief nila na ibigay sa iba ang trabaho niya na iinterview si Taz Ezra Westaria.
Nang makarating siya sa tapat ng office ng editor in Chief nila ay agad siyang pumasok sa loob at naabutan niya ang boss niyang kababa lang ng telepono at malawak na ngumiti ng makita siya.
"Gail mabuti at narito ka halika at maupo ka."good mood na bati ng boss niya na ikinakunot ng noo niya.
Nakikita niya sa aura ng boss niya na natutuwa ito ngayon na pakiramdam ni Gail ay an usual na makita niya sa boss siyang minsan ay umiinit ang ulo pag may scoop na hindi nila nakukuha. Deretsong umupo si Gail sa upuan na katapat ng boss niya at seryoso itong binigyan ng tingin.
Hindi nakakalimutan ni Gail ang pakay niya kaya niya sinadya ang kaniyang boss.
"Chief, may gusto po kasi akong sabihin sa inyo."umpisang sambit ng boss niya na mas ikinalawak ng ngiti nito sa kaniya.
"Ako din Ms. Castro, may magandang balita akong sasabihin sayo. kaya makinig ka okay."sambit naman ng boss niya
"Pero Chief…”
"Listen Ms. Castro, pumayag ng magpa interview si Mr. Westaria sa atin, ang bilin nya ay ikaw ang gusto nyang mag interview sa kanya."natutuwang balita nito sa kaniya na ikinatulos ni Gail sa kinauupuan niya.
"Anong sabi nyo Chief? P-paki-ulit nga po ‘yung sinabi niyo?"sambit na tanong ni Gail dahil pakiramdam niya ay nabingi siya sa narinig niya sa kaniyang boss dahilan upang hindi niya masabi ang sadya niya sa kaniyang Editor in Chief.
"Ang sabi ko, pumayag ng magpa-interview si Mr. Westaria sa atin at ikaw ang gusto nyang mag interview sa kanya."ulit na balita ng kaniyang boss sa kaniya na mas lalong ikinatulos ni Gail sa kinauupuan niya.
Pakiramdam ni Gail ay unti-unti siyang tinatakasan ng kaniyang lakas dahil sa binalita sa kaniya ng kaniyang boss na hindi niya sukat akalain na maririnig niya sa araw na ito.
Pumayag ang lalaki na yun na magpa interview at ako ang magiinterview sa kanya?Anong iniisip ng lalaking ‘yun? Tanong ni Gail sa sarili niya na naguguluhan at nagulat.
"Magandang balita diba? Makikilala ka nanaman Ms. Castro dahil mailalathala mo na sa article natin ang tungkol sa young billionaire sa buong mundo na si Taz Ezra Westaria. Hindi ba at napakandang balita nun?"masayang masaya pahayag ng boss niya pero kabaliktaran kay Gail dahil parang gumuho ang mundo niya dahil sa balitang narinig niya.
“Anong balak ng lalaki na yun at pumayag sya na ma-interview? Ayaw nya sa Journalist na tulad ko diba? Ayaw nyang may nangingielam sa pribadong buhay nya so bakit naisip nyang magpa interview at sa akin pa talaga?” bulong ni Gail sa kaniyang sarili dahil naguguluhan siya kay Taz at sa pagpayag nito sa interview na ayaw nito.
“May sinasabi k aba Ms. Castro?”kunot noong tanong ng boss niya ng makita niyang parang may sinasabi ito na hindi niya lang margining kung anon a ikinalingon ni Gail sa kaniya.
"Kasi Chief ano eh, parang ano kasi chief…”hindi alam ni Gail kung paano niya sasabihin sa boss niya na aayawan niya ang assignment niya pero pumasok din sa isip niya na maaring magalit ang boss niya sa kaniya.
“Ayaw mo bas a trabahong ibinigay ko sayo?”tanong ng boss niya na hindi alam ni Gail kung sasabihin niya na ang rason ng pag sadya niya sa opisina nito.
“H-hindi naman po sa ganun kaya lang chie---“
"That’s my number journalist, alam kong hindi mo palalapagpasin ang malaking scoop na ito. Mag-ready ka na Ms. Castro.”putol na pahayag ng boss niya na ikinasalubong ng mga kilay niya.
“M-mag ready po para saan?”
“Sa task mong interview with the young billionaire, kakatawag lang ng sekretarya ni Mr.Westaria at pinapapunta ka na ngayon sa Company nila para ma-interview mo na sya kaya sige na pumunta ka na dun."
"Pe-per Chief----"
Hindi natuloy ni Gail ang sasabihin niya ng tumayo sa pagkaka-upo nito ang boss niya at agad lumapit sa kaniya at inalalayan siyang tumayo at I guide palabas sa opisina nito.
“Galingan mo Ms. Castro, nakasalalay ssayo ang pangalan ng kumpanya natin.”pagpapalakas ng loob na paayag ng boss niya bago siya pagsaraduhan ng pintuan nito.
“Diba ayoko na syang makita? Huli na yung sa Hotel, so bakit makikita ko ulit sya ngayon? Dapat ko syang iwasan diba? So, bakit parang pinaglalapit pa kaming dalawa. Bakit nangyayari sa akin ito?”naghihinang sambit ni Gail sa kaniyang sarili na ang aura niya ngayong ay arang pinagsakluban ng langit at lupa.
Akala niya maiiwasan niya ang kahiyahiyang nangyari sa buhay niya pero hindi niya akalain na pagtatagpuin muli sila dahil sa trabahong meron si Gail na kailangan niyang gampanan.
Labag man sa loob niya ay wala na siyang nagawa kundi ang pumunta sa company ng lalaking gusto niyang iwasan o hindi na makasalubong sa daan. Hindi alam ni Gail ang kaniyang gagawin dahil kung pwede niya lang takbuhan ang trabaho niya ay alam niyang hindi naman pwede dahil tawag ng trabaho niya ang gagawin niya at hindi niya dapat isama ang personal issue nila ni Taz sa nangyari sa kanilang dalawa.
Pagkalabas ni Gail sa kumpanya nila ay agad din siyang sumakay sa mini cooper niya at huminga ng malalim bago itinaas ang lakas ng loob niya para tapusin ng mabilis ang trabaho nya.
“Iinterview ko lang sya then after that, tapos na kaya kailangan kong tiisin ang araw na ito. Gail kalimutan mo na ang nangyari sa inyo, kung kinakailangan na panindigan mo na hindi mo sya natatandaan gawin mo.”pagpapa-lakas ng loob ni Gail sa kaniyang sarili bago pinaandar ang mini cooper niya papunta sa kumpanya ng lalakin pakay niya.
Ilang oras din ang ginugol ni Gail sa naging byahe niya pero pakiramdam niya ay napakabilis ng naging byahe niya dahil nasa tapat na siya ng mataas na building na pagmamay-ari ng lalaking pakay niya.
Napahawak si Gail sa kaniyang dibdib dahil nagsimula na siyang kabahan, pakiramdam niya ay lumalamig na ang pawis niya dahil sa kabang nararamdaman niya.
Dahan-dahang lumabas si Gail sa mini cooper niya at tinitigan ang pagmamay-ari ni Taz na bahagya niyang ikinalunok.
“K-kaya mo yan Gail, kayanin mo na makaharap ang lalaking yun at isipin mo nalang ang career mo as a Journalist. Tama, ‘yun ang isipin mo.”sambit ni Gail sa kaniyang sarili na huminga ng malalim bago taas noong naglakad papasok sa loob ng matigilan siya sa paglalakad at nilingon ang guard dahil hindi siya nito pinigilan at yumuko pa sa pagdaan niya, samantalang dati ay grabe ito kung makapigil sa kaniya na makapasok.
Dahan-dahang binalikan ni Gail ang guard at tumayo sa harapan nito.
"Hindi mo ko pipigilan sa pagpasok kuyang guard?" tanong ni Gail dito na ikina-iling nito sa kaniya.
"Hindi po Ma'am, nabigyan na po ako ng instruction na papasukin ka."pahayag nito na bahagyang ikinatango ni Gail.
Kung noong una ay ayaw niyang pinipigilan siya nito sa pagpasok sa loob ay ngayong ay gusto ni Gail na pigilan siya nito pero dahil nasabihan na ito ay alam niyang wala na siyang kawala.
Humingamuli ng malalim si Gail bago naglakad palapit sa elevator at agad sumakay doon ng magbukas na ito. Siya lang ang nasa loob kaya maraming pumapasok sa isipan ni Gail sa mga oras na ‘yun.
"Mag back out na kaya ako?"sambit ni Gail na agad niton ikina-iling at bahagyang ikinatapik sa kaniyang ulunan.
Hindi pwede Gail ang iniisip mo, dapat tapangan mo. Isipin mo ang trabaho mo, be professional. Sita sermon ni Gail sa kaniyang isipan bago pilit kinalma ang sarili at uamyos siya sa pagkakatayo niya sa loob ng elevator.
Pero kahit tapangan ni Gail ang nararamdaman niya ay sa tuwing naiisip niya na malapit na siyang dumating sa opisina ni Taz ay parang nanlalambot na ang mga tumuhod niya dahil nararamdaman na naman niya ang kaba.
“Jusmiyo marimar, Gail umayos ka! Huwag ka dapat paapekto.”pagalit na sermon ni Gail sa kaniyang sarili ng magulat siya ng marinig niya ang pagtunog ng elevator hudyat na nakarating na siya sa pakay niya.
Kagat labing dahan-dahang inihakbang ni Gail ang kaniyang mga paa palabas ng elevator, pakiramdam niya ay bumigat ang mga binti niya pero pinilit niyang maglakad at pilit nilalakasan ang loob kahit sobra na siyang kinakabahan. Naiinis si Gail sa tadhana dahil kung kailan tinatakbuhan niya ito upang hindi sila magkita ay ito naman at pinagtatagpo ulit sila.
Unti-unting tinatahak ni Gail ang daan papunta sa opisina ni Taz at ng makalapit na siya sa tapat ng pintuan ng opisina ni Taz ay bigla niyang naradaman ang pangi-nginig ng tuhod niya na kahit pati parte ng lamang loob niya ay nakaramdam ng kaba.
"Ms.Castro?”
"AAAYY KABAYO"gulat na bulaslas ni Gail na ikinaharap niya sa lalaking bigla nalang sumulpot sa likuran niya na sa pagkakatanda ni Gail ay ito ang secretary ni Taz.
"Sorry nagulat ba kita?" tanong nito sa kaniya na ngiwi niyang ikinangiti dito.
Obvious ba? Eh muntik na ngang tumalon ang puso ko sa gulat eh. Sagot ng isipan ni Gail na gusto niyang sabihin sa lalaking kaharap niya dail kung may sakit sa puso si Gail ay baka nangingisay na siya sa kaba.
"Y-yeah sort off."sambit na sagot ni Gail na bahagyang ikinangiti nito sa kaniya.
"Magugulatin ka pala Ms.Castro, anyway my Big Boss is waiting for you."pagbibigay alam nito na ikinatango nalang ni Gail dito.
"Ang swerte mo Ms.Castro dahil ikaw palang ang kauna-unahang journalist na pinayagan nyang mainterview sya, kaya goodluck!"pahayag pa nito na pekeng ikinangiti ni Gail dito.
“Hindi ako swerte, malas ako, sobrang malakas ko.”mahinang bulong ni Gail sa kaniyang sarili na hindi naman narinig ng secretary ni Taz.
Binuksan na nito ang pintuan ng office ni Taz kaya pinatapang niya na ang kaniyang loob at pumasok na sa loob at agad niya itong nakitang seryosong nakatingin sa harapan ng laptop nito.
Gail youre already here and no turning back. Sambit ni Gail sa kaniyang isipan.
"Please sit down Ms. Castro."pahayag ni Taz na ikinagulat ni Gail ng bigla itong magsalita at parang nagdala ng kilabot sa kaniya ng marinig niyang muli ang boses nito na hindi niya alam kung bakit malakas ang epekto sa kaniya.
Dahan-dahang lumapit si Gail sa sofa na nakita niya at umupo doon at pilit kinakalma ang sarili na mas lalong bumigat ng makita niya ang pagtayo ni Taz sa kina-uupuan nito, inayos ang suot na coat at naglakad palapit sa pwesto niya at umupo sa may harapan niya na parang ikinatuyo ng lalamunan niya.
At dahil nasa harapan niya na ito at nakatingin ito ng seryoso sa kaniya gamit ang mga mata nito na ikina-ilang kurap niya bago inalis ang kaniyang mga mata sa mukha nito at agad inilabas ang maliit na note book at ballpen sa bag niya.
"Uhmmm, I’m glad na magpapa-interview ka na, akala ko pahihirapan mo akong makausap ka dahil nasabi ni Mr.Kiosk na ayaw mo sa katulad kong journalist."pagbubukas ng usapan ni Gail na hindi niya maigawang ibalik ang tingin niya kay Taz dahil nararamdaman niya ang titig nito sa kaniya.
"Why did you ran yesterday?"baritinong tanong ni Taz na ikinatigil ni Gail at wala sa sariling ikinalingon niya kay Taz na seryosong nakatingin sa kaniya.
"B-bakit nagta--"
"Ako ang nagtanong Ms. Castro kaya sumagot ka nalang, why did you ran from me?"seryosong putol na tanong nit okay Gail na mababakas ang maotoridad na boses nito kaya hindi naiwasan ni Gail na sagutin ang tinatanong nito.
"Dahil hinaharass mo ako."madiing sagot ni Gail kay Taz na kita niyang ikinangisi ng mga labi nito.
"Did i harrassed you Ms.Castro?"Nakangising tanong nit okay Gail na kinakabahan na ikinatango niya dito.
"Y-yes you are."
Hindi alam ni Gail kung bakit ang pagkikita nila sa Cebu ang pinag-uusapan nila, naguguluhan si Gail sa nangyayari. Gusto niyang magtanong pero nakita niya ang pagsandal ni Taz sa kinauupuan nito ng mapalingon siya sa secretary nito na pumasok sa loob na may dalang isang basong tubig na inilapag sa harapan niya bago walang imik na lumabas.
Ramdam ni Gail ang pagkakatitig ni Taz sa kaniya kaya muli niyang ibinalik dito ang tingin niya at nilabanan ang kaba na nararamdaman niya.
"I didn't harass you Ms.Castro, actually you gave yourself to me wholeheartedly, am I right?"tudyo nit okay Gail na dahilan upang muling maalala ni Gail ang gabing ‘yun dahilan upang bumangon ang inis niya sa lalaking nasa harapan niya.
"Lasing lang ako nang gabing yun. that was just a pure mistake Mr.Westaria. Pwede bang huwag na nating pag usapan yun. It’s just a casual s*x and nothing more, can i interview you already?"madiing sagot ni Gail dahil pakiramdam niya ay ayaw niya ng makasama ito sa iisang lugar. Hindi rin niya mapigilang mainis sa sinabi nito dahil parang pinaabot nito sa kaniya na kaladkarin siyang babae.
Saglit na hindi naka-imik sa kaniya si Taz at hindi sigurado si Gail kung tama ba ang nakita niyang dumaan sa mga mata nito na pagkadisgusto sa di niya alam na dahilan.
"Sinabi ko bang magpapa interview ako?"seryosong sambit nito na ikinakunot ng noo ni Gail.
"Anong sabi mo? Nagpapatawa ka ba? Pinatawag mo ang sekretarya mo sa Editor in chief ko dahil sabi mo magpapa interview ka."hindi makapaniwang sambit ni Gail dahilan upang ang kabang nararamdaman niya kanina ay napalitan ng sobrang inis dahil sa sinabi nito.
"Did I do that? Like what you said Ms.Castro, I don't like a journalist like you, so bakit magpapa interview ako sayo?"pahayag nito na muli nitong ikinangisi sa kaniya.
Hindi napigilan ni Gail ang pagkuyom ng kaniyang dalawang kamao dahil nakikita niya na pinaglalaruan siya ng lalaking nakaupo sa harapan niya.
"So bakit mo pa ako pinapunta dito Mr.Westaria kung hindi ka pala magpapainterview? Alam mo bang sinasayang mo lang ang oras ko?"naiinis na pahayag ni Gail na sinigurado niyang makikita nito ang pagka-inis na nararamdaman niya na ikinangisi parin nito sa kaniya.
Umalis si Taz sa pagkakasandal niya sa inuupan niya at mataman na tinitigan si Gail kaya hindi napigilan ni Gail na matitigan ang mga mata nito na bahagyang walang buhay pero mas nakikita niya ang lungkot sa mga mata nito na bahagyang ikinasalubong ng kilay niya.
"Staring is rude Ms.Castro."sitang sambit ni Taz sa kaniya na bahagyang ikinatikhim ni Gail at seryosong tingin na ang ibinigay dito.
"Kung hindi ka magpapa interview ay aalis na ako, sinasayang mo lang ang oras ko Mr. Westaria.”pahayag ni Gail na agad tumayo sa kinauupuan niya.
"Be with me in bed again."
Natigilan si Gail sa akmang paghakbang niya palayo sa harapan ni Taz dahil sa lumabas sa bibig nito na hindi niya mapaniwaalaang ikinalingon niya dito.
"Anong sabi mo?"
"Be with me in bed again, you gave yourself to me once, so why not we do it again twice. I know you liked it, you’re a slut right? Part tim--"
Hindi natuloy ni Taz ang sasabihin pa niya ng ibuhos ni Gail sa mukha niya ang tubig na dinala ng secretary niya na asar niyang ikinalingon dito pero natigilan siya ng makita niya ang galit sa mukha ni Gail at ang mga mata nitong nagbabadya ng pag-iyalk nito.
Hindi matanggap ni Gail ang mga narinig niya kay Taz dahil pakiramdam niya ay isang maduming babae ang nakikita ni Taz sa kaniya at hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya sa isipin na ganun ang iniiisip nito sa kaniya.
"Huwag mo ‘kong insultuhin Mr.Westaria, yes i gave myself to you but it was my mistake. I’m not a slut na iniisip mo, kung alam mo lang kung gaano ako nahihiya sa sarili ko dahil nabigay ko ang sarili ko sa lalaking hindi ko naman kilala! Sa totoo lang ayaw kong magtagpo ang landas natin dahil sa pagkakamali ng gabing iyon, dahil hiyang hiya na ako sa sarili ko. Pero kung pinapunta mo lang ako dito para husgahan, para maliitin pwes nagawa mo na Mr.Westaria."lumuluha ng pahayag ni Gail na hindi na ikina-imik ni Taz dahil nakatitig nalang ito sa kaniya.
"Huwag mo ‘kong husgahan dahil hindi mo ko kilala ng lubusan! Huwag kang mag-alala, pakikiusapan ko ang Editor in Chief ko na hindi ka na interviewhin at istorbohin. I'm sorry for the trouble Mr Westaria."nasasaktang pahayag ni Gail na dere-deretso ng lumabas nang opisina ni Taz.
Hindi na napigilan ni Gail ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng mga luha niya sa kaniyang mga mata, hindi niya nagustuhan an gag narinig niya kay Taz at hindi niya maunawaan sa kaniyang sarili kung bakit labis siyang naapektuhan sa kung anong tingin nito sa kaniya.
Hindi maunawan ni Gail kung bakit nasasaktan siyang malaman na maruming babae ang tingin ni Taz sa kaniya.