Chapter 03
"Ahh?!Bakit?! Bakit kailangang sya pa! Lord naman bakit ginagawa niyo sa akin ‘to!”
Nakangiwing nakatingin lang si Sora kay Gail habang nage-emote ito sa kinauupuan nito na hindi alam ni Sora kung kailangan na ba niyang tumawag sa mental para ipakuha ang kaibigan niyang sa tingin niya ay nawawala sa sarili nito. Ginulat nalang siya ni Gail ng dumating ito sa apartment niya at walang pagdadalawang isip na gumulong sa mahaba niyang sofa at nagre-reklamo na sa hindi niya malaman na dahilan. Naaalala pa ni Sora na nasa apartment niya din si Gail dahil nagda-drama ito dahil sa nanat niya at sa unexpected na nangyari dito sa isang total stranger at ngayong ay nasa apartment niyang muli at nagwa-wala naman sa harapan niya
Matagal ng mag-kaibigan si Gail at Sora at lahat ng sikreto nila ay alam ng bawat isa sa kanila pero may pagkakataon na minsan ay nagugulat nalang si Sora kay Gail. Akala ni Sora ay makakapagpahinga siya ngayong araw na ‘to pero heto at nakikita niyang kailangan na naman niyang samahan ang nababaliw niyang kaibigan na kung ano-ano ang sinasabi.
“Bakit sya pa?! Bakit ba ang liit nang mundo?! Bakit sa pwede kong makita ngayong araw bakit sya pa?!”ngawa ni Gail na ikinailing nalang ni Sora dahil sa tingin niya ay kailangan niya ng tumawag sa mental hospital dahil sa kaibigan niyang nababaliw na.
“Nakakaloka,ganyan ba ang nangyayari sa babaeng nakukuhanan ng puri?Nabaliw na yata.”naiiling na sambit ni Sora sa kaniyang sarili habang pinapanuod niya si Gail na para ng tanga sa harapan niya at nagpaparindi na sa tenga niya dahil kaka-ngawa nito.
“Waaah! Ayoko na?! Hindi pwedeng sy—aray naman Sora bakit nambabato ka ng unan diyan?”reklamo ni Gail kay Sora matapos nitong damputin ang isang throw pillow nito at ibato kay Gail na ikinatigil nito sa pagda-drama at sinamaan pa ng tingin si Sora na poker face na sinagot nito.
“Tadyakan kaya kita palabas ng apartment ko, Gail. Para ka kasing tanga dyan, ano bang nangyari sayo at susugod ka dito para ngumawa lang dito?"sitang singhal ni Sora kay Gail.
Napapailing nalang si Sora kay Gail na minsan parang siya pa ang nanay nito dahil hindi pwedeng hindi niya ito nasesermunan. Kahapon pa gustong tadyakan at sabunutan ni Sora si Gail dahil sa kapabayaan nito. Ang malaman niya mula mismo kay Gail na may lalaking nakakuha na ng pagka babae niya dahil nalasaing siya dahil sa kalungkutan na nararamdaman nito dahil sa nanay nito ang nagpasakit sa ulo niya kahapon.
Dahil matagal na silang magkaibigan at para na silang magkapatid ay si Sora ang laging nagtatanggol at nag-aalala para sa kalagayan ni Gail kaya hindi niya nagustuhan ang nangyari dito pero alam niyang wala na naman siyang magagawa dahil nangyari na.Kaya lihim na ipinangako ni Sora sa kaniyang sarili na hindi niya na hahayaang uminom mag-isa si Gail na alam niyang pagnaso-sobrahan ay hindi na nito alam ang ginagawa nito.
Hindi naman maiwasan ni Sora na hindi makaramdam ng inis sa nanay ni Gail, simula ng makilala niya si Gail at maging matalik niya itong kaibigan ay nakita niya na kung paano tratuhin ng hindi maganda si Gail ng kaniyang ina na parang hindi nito anak. Kahit minsan ay hindi nito kinamusta ang sariling anak, nasaksihan din ni Sora kung paano nito ipagtabuyan si Gail. Puro masasakit na salita ang natatanggap ni Gail sa kaniyang ina kaya naawa siya sa kaniyang kaibigan. Lumaki itong walang pagmamahal ng isang ina. Kahit sa mahahalagang araw sa buhay ni Gail ay saksi si Sora sa hindi nigo pagsuporta sa anak nito. Ang ina ni Gail ang nakita niya na kaisa-isang ina na hindi proud sa achievements na nakukuha ng kaniyang anak, ito lang ang ina na hindi nagpaka-ina sa kaniyang anak.
"Bakit kasi ang malas ko Sora! Bakit sa milyong-milyong tao sa mundo bakit isa ako sa napaka-malas na tao."sambit angal ni Gail na ikinaguso pa nito na ikina-ungos ni Sora.
"Huwag ka ngang ngumuso dyan para kang bibe, Ano ba kasing nangyari at ganiyan ka makapag-drama? Sino ang sinasabi mo na bakit nakita mo pa at natanggal ata ang isang turnilyo diyan sa utak mo at nabaliw ka na naman."Pahayag ni Sora na agad ikinatayo ni Gail sa kinauupuan niya at mabilis na
lumapit kay Sora at tumabi ng upo dito at agad yumakap sa bewang ni Sora na ikinasingkit ng mga mata nito dahil sa naging gesture ni Gail sa kaniya.
“Aba teka, alam ko ito eh. Pag nanglalambing ka sa akin at nagpapa sweet with matching yakap may ibig sabihin eh. Kailangan mo? Spill it."pahayag ni Sora kay Gail na pa cute na binalingan ng tingin si Sora with matching pagpapa-awa effect sa mga mata nito na bahagyang ikinangiwi ni Sora sa kaibigan
“Jusko sabi ko na eh.”sambit ni Sora na ramdam niyang humigpit ang yakap ni Gail sa bewang niya.
"Sora, pwede bang ikaw na ang mag interview kay Mr.Westaria? Sabihin natin kay Editor in Chief na ikaw nalang or palit tayo ng subject. Alam mo sayo bagay ‘yung mga challenging na ganitong mga subject eh like Mr. Westaria. Exchange tayo please!"pahayag na sambit ni Gail na ramdam ni Sora ang pagmama-kaawa nito sa boses nito na ikinasalubong ng kilay ni Sora.
"At bakit nakikipagpalit ka sa akin ng subject Ms. Serenity Gail Castro? Sa'yo ibinigay yan diba, so bakit binibigay mo sa akin?" tanong ni Sora na itinaas nito
ang isa nitong kilay dahil ngayon lang umangal si Gail sa trabaho nito.
“This is the first time na gusto mong makipagpalit ng subject sa akin, nakaka intriga naman ‘yan.”sarcastic na pahayag ni Sora na ikina pout muli ni Gail sa kaniya
"Sige na Sora, ako ang magsasabi kay Editor in Chief. Palit tayo please, pretty please best friend ko."pakiusap na may paglalambing na pahayag ni Gail kay Sora na ikina curious ni Sora sa dahilan nito kung bakit parang desperada si Gail na makipag-palit ng subject nito sa kaniya.
"Give me a valid reason."staright face na sambit ni Sora na ikinatitig nito sa kaniya bago ito bumitaw sa pagkakayakap sa bewaang niya at umayos ng upo paharap sa kaniya at seryosong tumingin pa sa kaniya.
“Sige nga, iparinig mo sa akin ang magandang rason ng pag iinarte mo ngayong.”pahayag ni Sora na ikinahinga ng malalim ni Gail sa harapan niya.
"Nabasa ko sa internet na may attitude problem ang Mr. Westaria na ‘yan, pumapatol sya sa babae, gusto nyang hindi sya ginugulo at higit sa lahat mafia boss sya Sora, mafia boss! Paano kung gilitan niya ako ng leeg dahil ginugulo ko ang private life niya?!"paliwanag na rason ni Gail na ikinatitig lang ni Sora sa kaniya.
Hinihintay ni Gail ang sasabihin ni Sora sa mga sinabi niya ng ngiwing napahawak nalang siya sa noo niya ng makatanggap siya ng malakas na pitik kay Sora na agad niyang ikinahawak sa noo niya.
"Sora?! Bakit namimit—Aray naman! Ano ba SOra nakapitik ka na nanghampas ka pa diya—Damn Sora!” angal na reklamo ni Gail dahil hindi lang pitik at hampas sa braso nito ang ibinigay ni Sora sa kaniya dahil nakatanggap din siya ng hampas sa mga hita niya.
“Grabe ka Sora, kailangan ka pa naging mapanakit na kaibigan?”nag-iinarteng drama ni Gail na sinamaan ng tingin ni Sora.
“Imagination mo kasi kakaiba eh, gusto pa kitang sabunutan Gail alam mo ba ‘yun. Hindi ko nagawa kahapon dahil sa kabaliwan mo pero, naku Gail!”singhal ni Sora na ikinatayo nito sa pagkaka-upo nito at nakapamewang na tumayo sa harapan ni Gail na nakasunod ng tingin sa kaniya habang hinihimas nito ang noong pinitik niya at braso nitong hinampas niyua.
“Ang bad mo ngayon sa akin Sora…”
"Gusto ko pa nga na sabunutan Gail eh, umayos ka pwede ba?! ‘Yan na ba ang valid reason na sasabihin mo sa akin? Sasabunutan talaga kita pag hindi ka nagseryoso diyan, Umayos ka nga!”sita ni Sora kay Gail na ikinabuntong hininga niya nalang ng mas ngumuso si Gail sa harapan niya.
“Nabasa ko sa social media na may attitude problem nga sya at gusto ng pribadong buhay, pero wala akong nabasa na kahit ano na nananakit sya ng babae at boss sya ng isang mafia. Wala ka na bang maisip na ibang dahilan Gail? Sabihin mo nga sa akin kung bakit ayaw mong i-interview ang Mr.Westaria na yan? Kilala mo ba siy---"
"HINDI.”
Hindi naiwasan ni Sora ang magulat sa biglang pag-sigaw at pagputol ni Gail sa sasabihin niya. Nakita niya ang sunod-sunod na pag-iling ni Gail habang iniwawagay-way ang dalawa nitong kamay sa kaniya.
“H-hindi ko siya kilala Sora ano k aba, bakit mo naman naisip na kilala ko siya."ngi-ngiting paliwanag nito na hindi napigilan ni Sora na paningkitan ng kaniyang mga mata dahil pakiramdam niya may hindi sinasabi sa kaniya ang kaniyang kaibigan.
"Yung totoo Serenity Gail Castro? Anong issue mo kay Mr.Westaria at ayaw mo syang mainterview ha? Meron ka bang dapat sabihin sa bestfriend mo?" naghihinalang tanong ni Sora na biglang ikinawalan ng imik ni Gail sa kinauupuan nito dahilan upang mas maghinala si Sora sa kaniya.
“May dapat ba akong malaman Gail?”ulit na tanong ni Sora na agad ikinailing ni Gail.
"W-wala Sora, ano naman ang dapat kong sabihin sayo.”sagot ni Gail na pilit na tinawanan si Sora bago bumuntong hininga.
“Fine, ako ng bahala sa Mr.Westaria na yan. Hindi na ako makikipag palit sayo, maiinterview ko sya at matatapos din ang assignment ko."sambit ni Gail bago tumayo sa pagkaka-upo nito at walang paalam na naglakad palabas ng bahay ni Sora na ikinakunot ng noo ni Sora.
“Okay? What was that? Bakit biglang umalis ‘yun? Baliw talaga ang babaeng ‘yun, may sasabihin pa ako sa kaniya eh.”kunot noong tanong ni Sora sa sarili.
Naiiling na dinampot ni Sora ang cellphone niya sa may center table niya at agad tinawagan si Gail na nagsisimula na namang mag-inarte sa kaniya.
(Ano?!)
"Bumalik ka dito babae, huwag kang mag drama dyan sisipain kita!" bantang sagot ni Sora ng sagutin ni Gail ang tawag niya ng mapalingon siya sa pintuan niya na nagbukas at dahan-dahang pumasok si Gail na parang sinakluban ng langit at lupa dahil sa itsura nito.
Gustong tawanan ni Sora ang kaibigan dahil nasisiguro ni Sora na matapos nitong mag walk out sa harapan niya ay nakatayo lang ito sa harapan ng apartment niya.
"Maupo ka nga dito Gail."sambit ni Sora na tinuro pa ang inuupuan nito kanina na masunuring sinunod ni Gail.
Napabuntong hininga nalang si Sora kay Gail bago siya tumabi ng upo sa kaibigan.
“Gail…”
"Sorry Sora, napepressure lang siguro ako dahil big time yung taong kailangan kong interviewhin. Isa pa, baka mahihirapan ako kasi nalaman ko na ayaw nya sa mga journalist na katulad natin."Mahinahong paliwanag ni Gail na ikinaakbay ni Sora kay Gail.
Hindi niya masisisi si Gail kung nakakaramdam ito ng pressure sab ago nitong assignment, billionaire ang i-interviewhin nila at naibigay kay Gail ang pinakamahirap na task. Wala namang magawa si Sora kundi magreklamo nalang sa isipan niya dahil sa boss nilang hyper magbigay ng task. Alam niyang magaling
si Gail at lahat ng task nito ay nagagawa nito pero alam ni Sora na may mga bagay na hindi kaya ni Gail gawin.
"Kaya mo yan Gail ikaw pa ba! Marami namang laman yang utak mo para makapag isip ng way para matapos mo ang naka assign na subject sayo diba. Take this as a challenge for you." Pagpapalakas ng loob ni Sora kay Gail dahil ito lang ang magagawa niya sa kaniyang kaibigan.
“Minsan lang ako mag encourage Gail, ang swerte mo.”biro ni Sora kay Gail upang pagaanin ang loob nito na ngiting ikinabuntong hininga nalang ni Gail na sumandal sa kinauupuan nito.
"Challenge talaga ang task ko ngayon." bulong ni Gail na narinig naman ni Sora
Gaano ba kahirap iinterview ang Mr.Westaria na yun? Ngayon ko lang nakita na nahihirapan si Gail sa assignment nya mostly natatapos sya agad pero ngayon… tanong ni Sora sa kaniyang isipan dahil ramdam niyang nahihirapan si Gail sa subject nito ngayon.
"Oo nga pala, maiba tayo ng usapan. Imbitado tayo sa kasal ng isang sikat na Soccer player na si Shawn Torres sa isang Ballet Dancer na si Ruana Castillione. We need to cover that wedding, trending sila ang wedding nila ngayon.”pag-iiba ng usapan ni Sora kay Gail.
"Pero may assignment ak---"
"Heeeep!”putol ni Sora sa sasabihin ni Gail na ikinatikom naman ng bibig nito.
“Hwag kang tumanggi ok, sabi naman ni Chief eh pwede muna nating iisangtabi ang current task natin nagyon with those billionaires. Makakahinga at makakapag isip ka pa kung paano mo maiinterview ang Mr.Westaria na yan, sa ngayon ang wedding of the season muna ang gawin nation okay?"dugtong na pahayag ni Sora kay Gail na nakita pa niyang napaisip ito sa sinabi niya.
“Pabor sayo ‘yun diba?”ngiting sambit ni Sora
"Tama, para hindi ko rin muna sya makita."bulong ni Gail na hindi naman naintindihan ni Sora dahil naisip niya na bka ang ina nito ang tinutukoy nito.
"Oh ayan, mag-ayos ka na dahil bukas na bukas babyahe na tayo pa Cebu!"pahayag ni Sora na ikinatango ni Gail sa kaniya.
“Pabor din naman sa akin ito eh! Para naman makapag isip din ako kung paano ko maiinterview ang naka assign sa akin.”pahayag ni Sora na ikinalingon ni Gail sa kaniya.
“Sino bang naka assign sayo?”
“Ford Rosales, owner ng kilalang bar sa buong Asia at kung saan-saang lupalop ng mundo. Hindi naman siya katulad ng subject mo pero syempre kailangan ko paring paghandaan ang task ko.”sagot ni Sora na sabay nilang ikinabuntong hininga ni Gail.
“Hingi tayo ng bakasyon kay boss after natin sa trabaho natin, masyado tayong ini-stress ni boss.”sambit ni Gail na ikinasang-ayon ni Sora.
“I agree, we need a relaxing vacation.”
SA ISANG PRIBADONG EROPLANO na lumilipad ngayong patungong Cebu, ay magkakasama sina Taz at ang mga kaibigan niya na binulabog siya sa
kaniyang opisina para lang kaladkarin at isama papuntang Cebu dahil sa kasal ng isa pa nilang kaibigan na matagal na din nilang hindi nakikita.
"So I sing this song, to all of my friend, for this are the questions we gotta to ta—Sh*t naman! Sinong nambato ng throw pillow sa akin?”inis bulyaw ni Travis matapos nitong matigil sa pagkanta nito dahil sa may nambato sa kaniya na ikinasapul sa mukha niya.
“Akala mo kasi ang ganda ng boses, pasalamat sya hindi ako ang bumato dahil baka itong headphone ko ang ibalibag ko sa kanya.”mahinang pahayag ni Balance na si Ford lang ang nakarinig sa sinabi niya dahil magkatabi sila ng upuang dalawa.
"Sino ang bumato sa akin, umamin na!”sigaw pa na reklamo ni Travis na ikinailing nalang ni Balance sa kinauupuan niya.
“Wala ng pag asa ng isang iyan.”kumento naman ni Ford habang abala ang atensyon nito sa librong binabasa nito.
"It’s me Amadeus, Is there any f*cking problem with that?"pagsagot ni Taz kay Travis na ikinatahimik nito.
"Manahimik ka na lang kasi dyan Lancellot,ang haba pa ng byahe natin pa Cebu kaya pwede ba hindi ka singer para magkakanta dyan."punang sita ni Ford na sandaling ibinaba ang librong binabasa niya na may titte na Maze Runner.
“Tss!”ingos lang ni Travis na umayos na sa pagkaka-upo nito.
College palang ay magkakakilala na silang apat, marami ng pinagdaanan ang samahan nila na kasama si Taz. Masasabi nila na kilalang-kilala na nila ang isa’t-isa at sa kanilang apat tanging si Taz ang nakikita nilang walang pinagbago ang pag-uuagali maliban sa may mpagkakataon na nagiging cold ito sa kanila.
Si Balance Kiosk ay isang liscense pilot at siya ang nagma may-ari ng kilalang International Aiport sa pilipinas at iba’t-ibang bansa, ang Kiosk International Airport. Si Ford Rosales naman ay may ari ng famous bar na JEYA at kahit bilyonaryo sila mas gusto nilang maging simple.
Napatingin si Balance kay Taz na tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana ng sinasakyan nilang private plane. Kung hindi nila napilit itong sumama sa Cebu para sa kasal ng kaibigan nila nasisiguro silang commute ang kalalabasan nila papuntang Cebu. Hindi nila tinigilan si Taz hanggang sa mabuwiset ito sa kanila at napilitan ng sumama dahilan para magamit nila ang private plane nito.
Sa kanilang magka-kaibgan, si Taz ang pinakaseryoso sa kanila at kahit sila ay nahihirapang basahin ang kung anong tumatakbo sa isipan nito. Dedicated sa mga negosyo nito at walang pakielam sa paligid. Ganitong Taz ang nakilala nila noon pero mas lumala ngayon, si Travis lang ang may lakas ng loob na pag-tripan at painitin ang ulo ni Taz at minsan, sinusubukan ni Balance na bwisitin din ito kaya nagawa niyang ipasok sa kumpanya nito ang kinaayawan nitong mga journalist na hindi naman umobra kay Taz
They know that Taz, despise a journalist dahil para dito ay mga pakielamero ito sa pribadong buhay ng isang tao. Pero nakita ni Balance kahapon kung paano titigan ni Taz si Gail na nakilala niya sa kumpanya nito. Ayaw nito sa isang journalist o reporter pero
hindi nakita ni Balance sa mga mata nito ang pagka-inis ng sabihin niyang isang journalist si Gail kundi pagkagulat ang nakita ni Balance na dumaan sa mga mata ni Taz ng makita si Gail.
Gustong isipin ni Balance na kilala ni Taz si Gail dahil sa klase ng pagtitig nito sa dalaga pero kilala niya si Taz, alam niyang malabo na kilala ni Taz si Gail dahil wala itong pakiealam sa kahit sinong tao sa paligid niya. Inisip nalang ni Balance na kaya nakita niya ang pagka gulat kay Taz dahil nagandahan ito kay Gail na kahit malabo din na rason ay ‘yun nalang ang inisip niya.
Hindi maipagkaka-ila ni Balance na maganda si Gail, lalo na pagtini-titigan ito ng mabuti. Gail got a charm na kapansin-pansin, hindi napigilan ni Balance na mapahanga sa ganda nito kahit papaano at sa tingin niya ay kung makikilala pa niya ang dalaga ay may chance na magustuhan niya ito. Isa pa, inisip nalang din ni Balance a tao parin si Taz at marunong mag appreciate sa ganda ng isang babae kahit wala itong interes sa kahit na sinong babae.
"Pagdating natin sa paliparan ng Cebu malamang na maraming nakabantay na media dun. Alam nila na imbitado ang mga kilalang businessman na tulad natin sa kasal ng sikat na Soccer player at sikat na ballerina. Sometimes, i want to agree with Taz that media is suck.”pahayag ni Ford na ikinalingon ni Balance sa katabi at naputol na sa isip niya ang tungkol kay Taz at Gail.
"Don't worry Rosales, our Soccer superstar friend will never let the media come near to us."assurance na pahayag ni Balance na kahit siya ay agree na nakaka bad mood ang mga media na walang ibang gawin kundi pakielaman ang pribadong buhay ng gusto nilang guluhin.
"Try those f*cking media’s medle with us and I will f*cking make them job miserable"seryosong pahayag ni Taz na sa bintana parin nakatuon ang tingin na ikinalingon nilang tatlo sa kaibigan nila.
“Mukhang maraming mawawalan ng trabaho sakaling pagkaguluhan nila tayo. Pag ganiyang seryoso si Taz talagang gagawin niya ‘yun.”sambit na kumento ni Ford
“Knowing of my bestfriend, maikli lang pisi niyan. Ngayon palang ipagdadasal ko na ang mga reporters
na maliligwak sa mga trabaho nila.”pahayag naman ni Travis na bahagyang ikinangiti ni Balance.
“They should not try, Taz can do what he said. Lahat kaya niyang gawin, lalo na pag kinaka-ayawan niya.”pahayag ni Balance na kumportableng sumandal nalang sa kinauupuan niya.