MAGPAPAKASAL nga ba ako sa kanya kung malaman n'yang ako si Atlas? Hold that thought. Hindi ko rin alam ang sagot d'yan. Hindi love life ang priority ko ngayon kundi ang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Daddy. I have to try and call Uncle George again. Sa pagmamadali kong dumulog sa hapag kainan kanina at baka lumamig ang panty -- sh*t! Nagagaya na ako kay Ares. Kung bakit naman kasi sa dami ng malalaglag sa sahig, panty ko pa talaga. Hindi ko pa naiilagay ang bagong sim card sa cellphone ko. I have to do that after this. "Nasagot ko na ba ang tanong mo?" "Ah, oo. Swerte naman ng artistang 'yon at hindi mo pa nakikilala ay gusto mo ng pakasalan," natatawa kong sabi sa kanya. "Well, I think she's a really nice person. Kahit kapag nagpapa-interview s'ya, palaging magalang at hindi n