Chapter 15

1298 Words
Callahan’s POV  Mula sa umpisa ng araw, alam kong magiging mainit ang pag-uusap namin ni Conley. Hindi ko alam kung ako ba ang masyadong nagpapadala sa galit, o kung talagang walang pag-asang maayos ang sitwasyon namin. Pero heto ako ngayon, hawak ang huling piraso ng pag-asa, nakaharap sa kanya sa isang tahimik na sulok ng kapehan. Walang ibang tao sa paligid, kami lang dalawa ang naririto, na parang sinadya ang ganitong pagkakataon para magharap. Ang mga tauhang kasama namin ay nasa ibang lamesa, nagmamasid lang sa amin. Mabuti na lang at may na-hire na akong bodyguard ko, sabi kasi ni mama, mainam na may mga bodyguard na ako kasi kapag ganitong pinasok ko na ang mundo ng pulitika, mayroon talagang pagkakataon na may gumagawa ng kasamaan. Huminga ako nang malalim, pilit na nagpapakumbaba. “Conley,” sabi ko, sinusubukang gawing magaan ang boses ko, “gusto ko lang sana na magkasundo na tayo. Alam ko, marami tayong pinagdaanang hindi pagkakaintindihan sa mga nakaraang taon. Hindi man ako perpekto, pero... I apologize for everything.” Seryoso ang tono ko, lahat ng salitang lumalabas sa bibig ko ay may halong pag-asa. Gusto ko siyang kumbinsihin—o kung hindi man makipagkaibigan na sana sa kaniya, kahit pa’no’y magkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. Ngunit imbes na sagutin ako ng may respeto, nakita ko ang pagngisi niya. Mabigat ang tingin niya sa akin, at bahagya siyang tumawa, halatang nagdududa. “Apology? Really, Callahan?” sabay tagilid ng ulo niya habang ang ngiti niya ay mapanlait. “What kind of coward are you? You can’t even handle a fair fight, kaya sinusubukan mong paatrasin ang kalaban mo?” Tangina, sabi na, e. Ramdam ko ang bigat ng mga salitang iyon, at sa loob-loob ko, nagpakawala ng tiim-bagang para hindi agad magalit. Sa halip na magsalita pa, nanatili akong tahimik, pero alam kong nababasa ni Conley ang pagkadismaya sa mukha ko. Nakakahiya man, hindi ko na maitago ang bahagyang pamumula ng mukha ko sa inis. Nagpatuloy siya, walang pakundangan sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. “It’s pathetic, Callahan. Kaya nga palagi kang talo, eh. Ang hina mo—lalo na kung akala mo, tatakbo ako sa laban nang walang dignidad. You’re weak.” Sa mga oras na iyon, gusto kong umatras. Maliwanag na hindi ako makukuha ng pakiusap, at lalo akong nadurog sa sarili ko. Dapat hindi na ako nag-effort na kausapin siya. Pero sa isang iglap, natagpuan ko ang sarili kong naninindigan, hindi na nagpapadala sa pangungutya niya. Tumayo ako, ang mga mata ay diretso sa kanya, at sa wakas, may tapang akong sumagot, “Fine, Conley. If that’s how you see it. But remember, sa lahat ng laban natin, ikaw talaga ang palaging talo ka. Lalo na sa puso ng babaeng pinagmulan ng away natin na hanggang ngayon ay tila hindi ka pa rin maka-move on, ikaw ang parang isipi bata. Ngayon pa kaya ako aatras, hindi na nga! Laban na kung laban kasi bakit nga ba ako magpapadaig sa tunay na weak na gaya mo!” Alam kong tumama ang huling sinabi ko. Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mukha at ang galit sa mga mata niya. Nanatili akong nakatingin, matatag, habang si Conley ay walang nagawa kundi magpakawala ng isang malalim na hininga, na tila mas lalo pa siyang umuusok sa galit. Pagkatapos ng huli kong sinabi, nakita ko ang namumulang mukha ni Conley, at alam kong tinamaan siya ng mga salitang binitiwan ko. Alam kong ang bawat tagumpay ko sa mga nakaraan naming pagtatalo ay nagpapaputok ng selos at galit sa dibdib niya, ngunit hindi ko inaasahan na ganito katindi ang magiging reaksyon niya. Nauna siyang nanukso, sinundan ko lang pero tila siya ang mas napikon. Pero gusto ko pang lalong apuyan ang asaran na ito para makita niyang babagsikan ko pa lalo. “Lagi kang talo, Conley. Nasabi ko na ba sa’yo kung gaano ka na katagal sa pangalawang pwesto lang pagdating sa pakikipaglaban sa akin palagi?” Nakatingin ako sa kanya, at ang bawat salita ko ay may lamig na nakapagpapayelo ng kahit sino. Hindi ako makapaniwala na narating ko na ang ganitong punto—ang lantaran na asarin siya nang ganito katindi. Saglit na katahimikan ang sumunod. Huminga siya nang malalim, ngunit halata sa kanyang mga mata ang pagkulo ng damdamin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung mananatiling matatag ang tono ko, alam kong may mga bagay akong hindi na dapat pinapatulan, pero minsan ang galit ay talagang mahirap pigilan. Nagpatuloy siya, at parang walang ibang tao sa paligid kundi kami lang dalawa, nagbubunguan ng mga salita at mas mabibigat na emosyon. “Palagi kang duwag, Callahan. Alam ko na ang taktika mo—lagi kang nagpapaka-bait sa harapan ng lahat, habang sa likod, iba ang laro mo. If you think you can sweet-talk your way into winning this, you’re in for a surprise,” ani Conley habang nakangisi. Naramdaman kong napailing ako. Kilala ko si Conley; mahilig siyang magtago ng mga bagay sa likod ng mga ngiti, pero sa pagkakataong ito, alam kong wala siyang maitago. Alam kong sa mga oras na ito, ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay palatandaan ng pagkadismaya niya sa sarili. “Sweet-talk? Conley, you don’t even know the meaning of the word. Hindi ko kailanman ginamit ang salita para lamang manalo,” sabi ko, sabay tindig ng tuwid at ngisi. “Kung talagang gusto mong ipakita sa lahat ang tapang mo, then do it. But don’t accuse me of things you can’t even back up.” Napansin kong lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Sa loob-loob ko, may bahagyang kaba na, ngunit alam kong hindi na ito ang tamang oras para umatras. Tila isang malaking patag ang kapehan na iyon, at kami ang mga mandirigmang nakaharap sa gitna ng laban. “Talagang tatanggapin mo ang hamon?” tanong niya habang puno ng pagdududa. “Alam mo ba kung ano ang pinapasok mo, Callahan?” Tumango ako, hindi nagpatalo sa matatalim niyang mga mata. “I know exactly what I’m getting into. Ang tanong, Conley... kaya mo bang tapatan? Feeling ko hindi e, kailan ka pa ba nanalo pagdating sa akin, eh, palagi mo nga akong ginagaya sa lahat, wala bang bago, wala ka bang ibang kalaban, minsan, naiisip ko, baka paraan mo na lang ito para magpapansin sa akin. Aminin mo nga, gusto mo ba ako?” Halos maramdaman ko ang panginginig ng kanyang mga kamay, subalit hindi siya nagpatinag. Inabot niya ang tasa ng kape sa harapan niya at iniangat, na para bang binabalanse ang bawat galaw. Saglit siyang tumikhim bago nagsalita muli. “Baliw, sa itsura mong ‘yan, magkakagusto ako, tanga na lang magkakagusto sa gaya mo. Pero, fine. Kung talagang gusto mong ituloy ang laban, walang problema sa akin. Pero tandaan mo ito, Callahan—hindi ako titigil hangga’t hindi kita napapabagsak.” Muli kong pinigilan ang sarili ko sa pag-ngiti. Alam ko kung gaano kalalim ang poot ni Conley, ngunit hindi ko rin alam kung bakit sa lahat ng ito, tila may bahagi ng sarili ko ang nasisiyahan na naririnig siyang bumibitaw ng mga pangako ng pagkatalo. Sa kabila ng lahat, mas lalong tumitibay ang loob ko. “Good luck, Conley, my baby!” panunukso ko pa, hindi na nag-atubili pa sa lakas ng tono ko. “I’ll be waiting for you on election day.” Tumalikod na ako pagkatapos ng mga salitang iyon, dala ang paninindigang hindi na kailangan pang magpaliwanag. Habang lumalakad ako palabas ng kapehan, naririnig ko pa rin ang mga hakbang ni Conley sa likod, subalit pinili kong mang-asar pa sa huling pagkakataon. Ang ginawa ko, nag-flying kiss ako sa kaniya at saka ko siya kinindatan. Ang Conley, bilang nag-middle finger sa akin kaya nag-ihit ako sa kakatawa nung pumasok na ako sa kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD