Maia’s POV
Paglabas namin ng mall, kasunod ko si Callahan, parehong hawak ang sandamakmak na mga shopping bag na ipinang-spoil niya sa akin, today. Pakiramdam ko ay napasobra yata siya, pero tumanggi siyang pababain kahit isang item ang makuha ko. Tuloy, dala namin ang lahat sa magkabilang kamay habang tumatawid patungo sa parking area, kapwa hindi magkandaugaga sa dami ng aming bitbit.
Nang makarating sa kotse, tahimik kaming pumasok sa likod, gaya ng napag-usapan namin bago pa maglakad papunta rito. Hindi ko pa tuluyang nailalapag ang mga bag sa sahig ng kotse nang magsalita si Callahan.
“So, ang mini ayuda na ibibigay ko sa iyo ay ganito na lang muna,” aniya, kaswal na nakatingin sa akin na para bang normal lang ang mga susunod niyang gagawin.
Bago pa ako makapag-react, naramdaman ko na ang malambot niyang labi sa aking labi. Hindi ito basta halik na gaya ng iniisip ko. Mainit, matagal, at tila nag-uumapaw sa damdaming hindi niya kailanman ipinakita sa akin kahit noong crush na crush ko pa siya nang high school kami. Para akong nalunod sa bawat paggalaw niya, sa bawat marahang haplos ng mga kamay niya sa gilid ng aking mukha habang pinalalalim niya ang halik. Ang init ng hininga niya, at hindi ko magawang magpumiglas. Sa halip, naramdaman ko na lang ang mabilis na pagtibok ng puso ko, ang pagkapaso ng pisngi ko habang bumibigay ako sa kanya.
Tatlong minuto—mahigit pa yata.
Nang sa wakas ay bumitiw si Callahan, magaan ang pagkalas niya, halos parang wala lang nangyari. Tumalikod siya nang walang imik at lumipat sa driver’s seat, parang walang mabigat na nangyari. Pero ako, nanatiling nakaupo sa likod, nakatulala, hindi makapaniwala. Ang labi ko, namumula at tila nagbabaga. Hindi pa man ganap na humuhupa ang init sa katawan ko, naramdaman ko na ang kakaibang sensasyon—isang bagay na bago at hindi ko lubos maintindihan.
Tila natupok ako ng halik na iyon, at naiwan akong tila lutang habang nakatitig lang sa harap. Si Callahan? Nasa driver’s seat, seryoso ang ekspresyon, pero napansin ko ang konting ngiti sa sulok ng kanyang labi.
“Kapag nanalo ako, hindi lang ‘yan ang mararanasan mo, Maia. Kahit anong parte ng katawan mo, hahalikan ko. Ganoon din sa akin, kahit anong gusto mong tikman sa akin, malaya mong matitikman,” sabi niya habang nagmamaneho na.
Hindi pa rin ako makapagsalita, hawak-hawak ko pa rin ang mga labi kong may mga laway pa ata niyang naiwan.
“Sorry, kung hindi ka ata naligayahan sa halik ko. Nabitin ka ba?” tanong niya at saka nagpreno ng sasakyan. Tinignan pa niya ako.
“No, natulala nga ako sa nangyari. Matagal ang halik mo, sapat na ito para sa sinasabi mong mini ayuda, nasiyahan ako,” pag-aamin ko kaya nakita kong napangiti na siya. Dahil doon, tinuloy na niya ang pagmamaneho.
“Good, next ayuda ay baka kapag kampanya time na,” sabi niya habang parang masaya pa rin. Ano ‘to, masaya ba siya na nahalikan ako o uma-acting lang siya na parang inlove na agad sa akin dahil sa halik?
Pagkarating namin sa bahay, tinulungan pa ako ni Callahan sa pagbaba ng mga pinamili namin mula sa kotse. Bawat hakbang niya, dama ko ang kabang hindi ko maipaliwanag—ang init ng mga pisngi ko, ang malalim na paghinga ko, lahat ng iyon ay sinubukan kong itago. Para akong teenager na kinikilig na hindi ko naman alam kung bakit.
Nang malapit na kami sa pintuan, biglang bumukas iyon at lumabas si Maeve, ang bestfriend ko, na may malaking ngiti sa labi.
“Aba, Callahan, ikaw pala ‘yan!” ani Maeve, na agad na napansin ang mga pinamili ko. “Grabe, tulungan pa si Maia sa mga pinamili! Ang sweet naman.” Ang gaga, pasmado talaga ang bibig.
Napakamot ng batok si Callahan, tila nahihiyang ngumiti pero hindi rin itinatanggi. “Siyempre, kung ipapamili ko siya ng ganitong karami, dapat tulungan ko na rin,” sagot niya, kaswal pero may banayad na kislap sa mga mata niya.
Hindi ko mapigilang ngumiti. Parang natural lang kay Callahan ang mga ganitong bagay, pero iba ang dating sa akin, lalo na sa presensya ni Maeve na alam kong mahilig magbasa ng kilig moments.
Pagkatapos naming maibaba ang lahat ng gamit sa pintuan, nagpasalamat ako kay Callahan. “Thanks, Callahan. Sa lahat ng ‘to,” sabi ko, kasabay ng pagbibigay ng mabilis na sulyap sa kanya.
Agad namang ngumiti si Callahan at tumango, pero bago pa siya tuluyang umalis, bigla siyang tumingin sa akin, at sa isang iglap, naramdaman ko ang mabilis pero banayad na dampi ng kanyang labi sa pisngi ko. Hindi ito inaasahan, at bago pa ako makapag-react, naka-smack na siya sa akin nang walang paalam.
Napatigil ako, hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Si Callahan, na parang walang nangyari, naglakad pabalik sa kotse at kumaway bago tuluyang sumakay.
Pagkaalis niya, nanatili akong nakatayo sa tapat ng pintuan, tulala at hindi pa rin makagalaw. Si Maeve naman, na nanonood sa lahat ng ito, biglang nagsimulang magtitili sa tabi ko.
“Ano ‘yon?!” halos pasigaw niyang tanong habang tinititigan ako, hindi mapigilan ang kilig sa mga mata. “Oh my gosh, Maia! Hindi ko akalain na ganoon ka-sweet si Callahan! I mean… wow, grabe! Agad-agad talaga?”
Nag-blush ako nang todo, at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang lahat ng nangyari. Pero nang makita ko ang sobrang tuwa niya, napilitan na rin akong ikuwento ang nangyari.
“Maeve, may sasabihin ako sa’yo… huwag ka lang masyadong kiligin, ha?”
Napatitig siya sa akin, nakanganga sa excitement. “Anong meron? Spill it, girl!”
Huminga ako nang malalim, sinubukang kumalma pero hindi ko rin talaga mapigilan ang excitement. “Kanina… sa parking area ng mall… nag… naglaplapan kami ni Callahan.”
Parang sasabog ang buong bahay sa lakas ng kilig ni Maeve. Nagtatalon siya, hinampas-hampas pa ako sa braso habang sumisigaw, “Ano?! Naglaplapan kayo? Oh my gosh! Alam mo bang team Callahan ako? Team Callahan forever! Sa wakas! Finally!”
Napatawa ako sa reaksyon niya. “Hindi ko nga rin alam na mangyayari ‘yun. Bigla na lang nangyari…” kahit ang totoo ay iba ang inaasahan ko kanina, akala ko mawawala na ang pagkabirhen ko, iba pala ang mangyayari, pero okay na rin. Ang sarap kasi humalik ni Callahan, talagang nalunod ako kanina.
“Hoy, Maia, grabe ka!” sigaw ni Maeve habang hinahawakan ako sa balikat. “Ang tagal-tagal mong walang ganitong eksena! Ikaw pa talaga! Akala ko pa naman hindi ka na magka-crush o magkaka-love life! Pero girl, ang ganda ng pinili mo ha! Iba ‘yung Callahan, sis! Natupad na rin sa wakas ang pantasya mo nung highschool.”
Napatitig lang ako kay Maeve, tinatanggap ang tuwa niyang binibigay niya rin sa akin. “Hindi ko rin alam kung anong gagawin. Parang ang bilis ng pangyayari, pero ewan ko… may kung anong spark talaga…”
Kay kuya Caloy ako dapat kinikilig pero nawala dahil sa laplapan namin ni Callahan.
“Hay nako, girl, kung ako sa’yo, susunggaban ko na si Callahan! Ano ba, team Callahan ako, hindi team Caloy!” sabi pa niya ulit, tumatawa habang kinikilig.
Napabuntong-hininga ako, natatawa rin. Ang tagal kong walang ganitong moments, at sa isang iglap, nahanap ko ang sarili kong parang lumulutang sa alapaap. Nakaramdam ako ng pananabik na matagal ko nang hindi nararamdaman. Alam ko sa sarili ko na baka hindi ito biro. Siguro nga, si Callahan na ang susi para mabuksan ang puso ko muli.
Habang nakatingin ako sa pintuan kung saan siya dumaan, hindi ko mapigilang ngumiti. Tumabi sa akin si Maeve at sabay kaming napatingin sa malayo.
“Maia, frenny ko, bff ko, besh ko, iba na talaga ‘yan. Alam mo, ‘pag si Callahan, kahit maghintay ka pa nang matagal, worth it talaga. Ikaw kaya ang dahilan ng mga ngiti niya, kahit hindi niya sinasabi. Ramdam ko eh,” bulong ni Maeve, seryoso ang mukha, ngunit may ngiting may kahulugan.
Natahimik ako sa sinabi niya, at naramdaman ko ang bigat ng emosyon. Napatingin ako sa kalangitan, iniisip kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko. Kung totoo nga ba itong sinasabi ng puso ko, o baka dala lang ng kilig at excitement.
Pero habang naririnig ko ang hiyaw ni Maeve sa tabi ko, tila tumitibay sa loob ko ang pag-asa na baka si Callahan nga ang matagal ko nang hinihintay.