Chapter 17

1122 Words
Maia’s POV  Naguguluhan pa rin ako habang nakatitig sa screen ng laptop ko. Kanina pa ako nakaupo dito, iniisip kung tama bang sagutin ang email na iyon. Sa dami ng mga email na natatanggap ko araw-araw bilang isang beauty vlogger, bihira akong maglaan ng oras para basahin ang mga ito nang isa-isa. Pero ito? Iba ito. Sino ba naman ang hindi mapapaisip kung bigla kang makatanggap ng email mula kay Conley Gray? Oo, the Conley Gray—ang pangalan na biglang sumikat sa barangay namin dahil sa plano nitong tumakbo bilang barangay captain. “Miss Maia, I would like to meet you to discuss an exciting opportunity that involves your talents and influence,” nakasaad sa email. “Please let me know if you’re available this weekend. As a token of appreciation, I’ll be providing a p*****t of fifty thousand pesos for your time.” Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa. Fifty thousand pesos? Para sa isang meeting? Sino bang hindi malulula sa ganoong halaga? Ang totoo, kahit ilang beses ko nang binasa ang email, hindi ko pa rin magawang paniwalaan. Nakakalula talaga. Hindi ko napigilang mag-reply. Hindi ko rin kasi kayang palampasin ang pagkakataong ito. Gusto ko rin malaman kung ano ang balak niya at bakit niya ako gustong makausap. Kaya kahit parang hindi ko trip dahil may Callahan na ako, susubukan kong alamin kung ano bang plano ng isang ‘to. “Hello, Mr. Gray. I appreciate your email and the opportunity you’re offering. I’m available on Saturday. Let me know the time and place for our meeting. Thank you.” Pagkatapos kong mag-reply sa kaniya, nag-try na rin akong mag-stalk sa kaniya sa mga social media niya. Napataas ang isang kilay ko kasi gwapings at maganda rin ang katawan nito. Hindi naman sa pagiging malandi, pero parang ganoon na nga. Hindi naman siguro masamang makipagkita sa iba, wala pa naman e, hindi pa naman ako siniseryoso ni Callahan. I mean, wala pa kaming label kaya okay lang siguro. ** SABADO NG HAPON, dumating ako sa isang mamahaling café malapit sa sentro ng barangay. Nakasuot ako ng simpleng dress na puti at flat sandals. Ayokong magmukhang masyadong pormal, pero hindi ko rin gustong magmukhang masyadong casual. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Pagkapasok ko, agad akong sinalubong ng isang staff. “Ma’am Maia? Mr. Gray is waiting for you.” Sinundan ko siya papunta sa isang pribadong mesa. Nang makita ko si Conley Gray, hindi ko napigilang mapahinto. Bata pa siya, siguro nasa late twenties. Mukhang disenteng-disente sa kanyang tailored na suit, at ang lakas ng aura niya. Tila ba alam niya ang bawat galaw at tingin niya ay nagpapakita ng kompiyansa. At kung guwapo na siya sa mga picture niya sa social media, mas guwapo pa pala sa personal. Parang artista. Tumayo siya at ngumiti nang makita ako. “Miss Maia Jacinto, it’s an honor to finally meet you in person.” “Thank you,” sagot ko habang naupo sa tapat niya. “I have to admit, I was surprised to receive your email.” “I’m glad you accepted,” sagot niya habang ngumiti pa nang bahagya. “Let’s get straight to the point. I’m running for barangay captain, and I believe you can help me in my campaign. You’re a well-known figure here, and your influence could make a huge impact.” Nagulat ako. Hindi ko alam na si Conley lang pala ang magiging kalaban ni Callahan sa halalan. Sa totoo lang, pumayag na ako kay Callahan kasi maganda ang offer niya. Ang tanong at ang hihintayin ko ay kung ano naman kaya ang offer ng isang ‘to. “Let me be honest with you,” patuloy ni Conley. “I need someone like you to endorse me. Your beauty, charm, and online presence are exactly what my campaign needs. And I’m willing to pay for your time and effort.” Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi niya o sa sobrang direkta niyang magsalita. Pero, buwisit, iba rin tumingin ang isang ito. Iba rin siya mang-akit, oo, ramdam ko agad na sinasamahan niya nang pang-aakit ang pakikipag-usap sa akin. Sa tingin ko tuloy ay hindi malabong iisa ang hila nila ni Callahan. Mukhang naughty din ang isang ‘to “I appreciate your kind words, Mr. Gray, but I’ll need time to think about it. This isn’t something I can decide on the spot.” Ngumiti siya, tila ba inaasahan na niya ang sagot kong iyon. “Of course. I understand. But let me make it easier for you.” Binuksan niya ang isang maliit na envelope at inabot ito sa akin. “This is the fifty thousand pesos I promised for this meeting. It’s yours, no strings attached.” Napatitig ako sa envelope. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o tatanggihan. Pero usapan na iyon, at ayokong magmukhang bastos. Kaya dahan-dahan kong inabot iyon. “Thank you,” mahina kong sabi. Ngumiti ulit si Conley. “And there’s more. If you agree to join my campaign, I’m willing to pay you five million pesos.” Halos mabitawan ko ang envelope. Limang milyon? Pakiramdam ko, bigla akong nawalan ng hininga. Sino bang mag-aakala na ganoon kabongga ang offer niya. “I understand that this is a big decision,” dagdag niya. “Take your time. I don’t expect an answer today. But I do hope you’ll consider my offer.” “Thank you, Mr. Gray,” sagot ko. “I’ll think about it.” Habang nasa sasakyan na ako at pauwi na, hindi ko maiwasang mag-isip. Ano ba ang pinasok ko? Limang milyong piso ang nakataya, pero parang ang bigat ng responsibilidad. At paano ko ito sasabihin kay Callahan? Pagkarating ko sa bahay, binuksan ko agad ang envelope. Totoo nga. Andoon ang pera—buo, makintab, at halatang bagong labas sa bangko. Napaluhod ako sa sahig habang hawak ang mga bills. Hindi naman sa first time kong makatanggap ng ganitong kalaking pera, may mas malaking pera na akong natatanggap sa pagiging vlogger ko, kaya lang kakaiba talaga ang nangyari ngayon. 50k ang kinita ko sa halos wala pa atang isang oras na pakikipag-usap sa kaniya, grabe iyon. “Diyos ko, ano ba ‘tong pinasok ko?” mahina kong bulong. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Callahan. Alam kong hindi magiging madali ito. Pero isa lang ang sigurado ko: kailangan ko siyang kausapin. Hindi ko kayang mag-desisyon nang hindi nalalaman ang magiging reaksyon niya. Nakatulala lang ako sa perang nasa harap ko, habang ang isip ko ay parang umiikot sa dami ng tanong na hindi ko kayang sagutin. Anong pipiliin ko, five milliong pesos o ang masarap na ayuda ni Callahan gabi-gabi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD