Chapter 18

1127 Words
Callahan’s POV Napansin ko agad ang presensya niya kahit hindi pa ako lumilingon. Naglalakad na siya papunta sa akin, naka-black dress pa siya na mukhang sinukat mismo para ipakita ang kaniyang pagiging drop-dead gorgeous. Pero syempre, nagpa-cute muna ako. Para isipin niya na kinikilig ako sa simpleng entrance niya. “Hi, Callahan,” bungad niya. Isang simpleng ngiti ang binigay niya sa akin na para rin siguro magpa-cute sa akin. “Hey, Maia. Late ka,” sagot ko, sabay tingin sa relo. Sinadya kong gawing medyo seryoso ang tono ko, pero sa totoo lang, ini-enjoy ko lang ito. Masaya kasi ako na siya pa ngayon ang gustong makipagkita sa akin. Siguro, about ito sa paghalik ko sa kaniya last time, kinikilig na siguro siya. She rolled her eyes at me. “Traffic, okay? Let’s not start with that.” Sabay-sabay na dumating ang waiter, ang menu, at ang awkward silence namin. Tumigil lang ang katahimikan nang mag-order na siya. “I’ll have the seafood risotto,” sabi niya. “Make that two,” dagdag ko. Siyempre, para magkapareho kami. Teamwork nga, ‘di ba? Pagkatapos ng maikling pag-uusap tungkol sa menu, napansin kong may kakaibang tension sa pagitan namin. Hindi ito ‘yung usual flirtatious tension na gusto ko. This felt… strategic. “So, what’s this about, Maia?” tanong ko nang mas seryoso na ngayon. “Is this about your work sa vlog natin last time, may mali ba, uulitin ba natin?” sunod-sunod niyang tanong. She smirked. “Actually, Callahan, I met with Conley.” Bigla akong natigilan. “You… met Conley?” Ulit ko. Nawala ang ngiti ko at napalitan iyon ng kaba. Lintek na iyon, sinasabi ko na nga ba’t pati si Maia ay ta-target-in din niya, e. Tumango siya at tumingin nang diretso sa mga mata ko. “He wants me to be his campaign endorser din. For barangay captain din, ah.” Nang marinig ko ang campaign at endorser. alam ko na. Alam kong babalik si Conley sa mga dati niyang paraan. Pero ang hindi ko inasahan ay ang susunod niyang sinabi. “And he offered me five million pesos.” Napahigop ako ng hangin, pero parang hindi dumating sa baga ko. Five. Million. Pesos. Sino bang tao ang hindi magdadalawang-isip? Hindi biro ‘yun! “So…” Tumigil ako saglit para maging seryoso na rin. Kailangan cool lang ang approach ko. “Are you saying you’re going to take it?” She laughed a little. “Why not? It’s five million pesos, Callahan.” Pinilit kong hindi mag-panic, pero nasa mukha ko na yata. Napalapit ako sa kanya, nakangiti pa rin pero halatang nagpapalakas lang ako ng loob. “So, what? You’d choose five million pesos over… well, me? I mean, come on, Maia. Five million is great, but I’m… delicious.” Iniling ko pa ang ulo ko at kunwari’y nag-pose. Alam kong may pagka-corny ang dating ko, pero kailangan kong ipakita na hindi ako natitibag. Tumaas ang kilay niya, pero ngumiti rin. “Oh really? You think you’re more valuable than five million pesos?” “Absolutely. I mean, think about it. Five million pesos can’t make you laugh. Five million pesos can’t plan romantic dinners for you. And let’s face it, five million pesos isn’t as good-looking as I am.” Natawa siya nang bahagya pero mukhang hindi siya kumbinsido. Kaya naman, mas lalo akong humirit. “Come on, Maia. Let’s be honest. I’m the full package. Five million pesos is just… money.” Nag-lean siya sa table, tumitig sa akin, at nagbigay ng devilish smile. “Then prove it, Callahan.” Napakunot ang noo ko. “Prove what?” She leaned back, crossing her arms. “That you’re worth more than five million pesos. Convince me. Court me. Woo me. Let’s see if you’ve got what it takes to win me over instead of Conley.” Napatingin ako kay Maia, halos maamoy ko na ang mapanukso niyang plano. Ang saya-saya ko pa naman kanina, tapos ganito lang pala ang mababalitaan ko. “Wait, are you serious?” tanong ko, sabay lean forward. “You want me to… compete with five million pesos?” Tumango siya na parang nag-order lang ng extra parmesan cheese sa waiter. “Yes, Callahan. If you’re as amazing as you say you are, then you should have no problem beating Conley. Right?” Napabuntong-hininga ako. “Alright, fine. Challenge accepted. But just so we’re clear, Maia, this isn’t a fair fight. Five million pesos is just cold, hard cash. I’m warm, funny, and have abs. You’re basically comparing me to a vending machine.” Natawa siya, pero nanatiling nakataas ang kilay. “A vending machine that can buy me a house.” Nasamid ako sa risotto ko. “A house? Really? I mean, sure, but can a house take you to spontaneous beach trips? Can a house serenade you under the moonlight? Can a house—” “Stop it, Callahan,” sabi niya, sabay iling. “You’re trying too hard.” Nagkibit-balikat ako. “That’s the point, isn’t it? You’re making me work for this.” Tumigil saglit si Maia, tapos ngumiti ulit. Pero hindi ito yung sweet smile niya na usually nagpapakaba sa akin. Ito yung game on smile na parang sinasabi niyang, let’s see what you’ve got. “Callahan, five million pesos iyon, kailangan tumbasan mo talaga iyon para piliin kita. Pero, hindi ko sinasabi na tapatan mo rin ng pera ang alok mo, parang gusto ko lang gilas-gilasan mo kasi may isa pang nanliligaw sa akin. Saka, alam mo, mabait siya kausap. Pogi at maganda rin ang katawan,” sabi pa niya na para bang nanunukso niya. Balewala pala ang halik na binigay ko, nabalewala dahil sa alok ni Conley. “Kaya ko ang dalawa hanggang tatlong round sa kama, Maia. Kaya ka ba niyang bigyan ng ganoong kasarap na alok?” hindi ako magpapatalo. “Puwede ko sigurong hilingin sa kaniya?” panunukso pa niya kaya parang naiinis na ako. Sa tono kasi nang pananalita niya, parang sinasabi niyang lamang na lamang si Conley. “Huwag, baka kung ano ang isipin nun sa iyo. Kilala ko si Conley, masisira lang ang image mo doon. Saka, scam lang for sure ang five million pesos na iyon, paing lang niya sa iyo iyon.” Lalaban na ako, dapat masiraan ko si Conley sa kaniya para hindi niya ito piliin. “Pero, nag-meeting lang kami ng halos wala pang isang oras, may 50k na agad ako,” pag-aamin pa niya kaya muntik na akong mapamura. Gago ang Conley na iyon, ginagalingan na niya talaga. Dapat na akong matarantan kasi hindi malabong makuha niya si Maia. Hindi naman kasi magiging ganito si Maia kung hindi niya sinilaw ng malaking halaga ng pera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD