Chapter 10

1264 Words
Callahan’s POV  Napangiti ako habang nakaupo sa sofa, hawak-hawak ang phone ko, at paulit-ulit na pinapanood ang vlog namin ni Maia. Kaka-upload lang nito sa mga social media niya, pero parang may magic yata ‘tong si Maia, kasi ilang minuto pa lang ang nakalipas, libo-libo na agad ang views! Kitang-kita ko pa ang mga comment na nagsusulputan sa screen, at lahat halos ay nakatutok sa akin. “Wow, ang pogi naman ng guest mo, Maia!” nabasa ko pa. Parang ang sarap ng feeling na hindi ko na kailangang magpa-cute para magustuhan ng mga tao—isang simpleng ngiti ko lang, pati ang mga viewers ng vlog ni Maia, nahuhulog na agad sa akin. “Is that your boyfriend, Maia?” May isang comment na nagpabilis ng t***k ng puso ko. Ayos! Kapag nalaman nilang hindi pa, baka magka-chance ako. Well, magaling naman akong makakuha ng puso ng mga babae, at hindi naman siguro ako mahihirapan kay Maia. Mainam din na kumalat o maging kami habang tumatakbo ako, mas magiging madali ang lahat kapag nakilala ako at nalaman nila ng boyfriend ako ng sikat na beauty vlogger na si Maia. Oo, mukhang gagamitin ko siya, ganoon naman talaga ang labanan kapag tumatakbo ka sa election. Kailangan mong gawin ang lahat para manalo ka at iyon ang naiisip kong paraan para manalo ako. “Aba, bagay kayo, Maia.” Sinunod pa ng isa. Natawa ako nang mahina, nagka-cringe pero proud din. Hindi ko mapigilang mapasigaw sa isip ko: ito na ‘yun! Ito na ang simula ng mas magandang pangalan para sa akin. Pakiramdam ko, dadaloy na talaga ang suwerte sa kampanya ko sa barangay para sa pagka-kapitan ko. Naisip ko agad, kung mananatili ako sa tabi ni Maia, madali na lang na makikilala ako ng buong bayan—o kahit sa buong barangay lang ay sapat na. Ngunit habang namumuo na ang mga plano ko sa isipan ko, biglang lumitaw si Kuya Caloy mula sa likod ng sofa. Parang multo lang na walang paalam kung saan nagmumula. “Callahan, napansin mo ba? Bakit parang biglang ang pangit ng vlog ni Maia?” Agad akong napalingon at nakataas ang kilay. Ang ganda ng araw ko, tapos heto na naman si Kuya Caloy, handang sirain ang good vibes ko. “Excuse me?” Tumawa ako, pero alam kong may pagka-insulto na ang tawa ko. “Nagustuhan ng viewers. Sino ka para magsabi niyan?” “Callahan,” umiling siya, habang napapakamot sa likod ng ulo. “Sinira mo ang vibe. Halatang pilit, bro. Nawala si Maia sa beauty vlogger thing niya. Mukha tuloy siyang napipilitan na gumawa ng content na hindi naman siya ‘yon.” Tumigil ako, medyo nadismaya sa sinabi niya. Pero sa isip-isip ko, ayokong ipakita sa kanya na tinatamaan ako. “Kuya, you just don’t get it, okay? Part ng strategy ko ‘to. Plus, they like me! The comments—” “Well, they just like your face, bro, pero wala silang pakialam sa content. Ayan tuloy, masisira pa pangalan ni Maia.” Sa puntong ito, napapansin kong may bahid ng inggit si Kuya sa tono niya. Kaso hindi ko rin napigilang maasar. “Kuya, hindi mo nga gets. It’s called being versatile.” Umiling-iling ako habang sinasabi ni Kuya ang “payo” niya. Para bang siya ang campaign manager ko o kaya’y si Maia. Aba, hindi naman siya parte ng vlog, pero parang siya pa ‘tong apektado! At hindi talaga ako makapaniwala na ang mismong kuya ko ang magiging “hater” ng partnership namin ni Maia. Sabagay, bakit ba hindi pa ako masanay eh, palagi namang kontra itong si Kuya sa mga plano ko sa buhay ko. “Huh, versatile pala ha?” Kuya Caloy laughed, nakangisi. “Versatile or desperate?” Napairap ako, pero kalmadong sumagot. “Desperate? Kuya, they love me. Look, ang daming comments, all positive!” “Positive nga, bro, pero wala silang sinasabing tungkol sa content,” sagot ni Kuya Caloy habang binabasa ang mga comments sa screen ng phone ko. “Puro mukha mo lang talaga ang pinapansin. Pogi daw, bagay daw kayo. Anong konek n’yan sa vlogging niya?” Tumawa ako, pilit na hinahanap ang dahilan kung bakit tila yata kailangan niyang sirain ang vibe ko. “Kuya, showbiz to! Branding! Makikilala ako ng mga tao kasi nakikita nila na connected ako sa mga sikat, at si Maia ‘yun. Kaya huwag kang epal diyan.” “Epal?” Napataas siya ng kilay, at napakamot sa noo habang nakangiti. “Bro, I’m just saying, sinasayang mo lang ang oras mo sa kalokohan. Ginagamit mo pa si Maia.” “Oy!” Pigil ang galit sa tono ko, pero napalakas ang boses ko. “Hindi ko siya ginagamit, okay? Mutual ‘to! Siya nga may gusto na i-feature ako!” Kumibit-balikat si Kuya, parang wala lang. “Oo na, ikaw na.” Sumasarap ang tawa niya habang tumutuloy pa ang pang-aasar. “Baka bukas ikaw naman ang mag-makeup tutorial diyan, ha? Aba, ‘wag mo kalimutan na foundation, concealer, lipstick—” “Ha-ha, ang funny mo, kuya,” sabi ko, napapangiti pero halatang naiinis na rin. “Alam mo, ganyan ang kulang sa’yo. Wala kang vision, kaya hindi ka mananalo kung sakaling tumakbo ka rin.” alam kong parang gusto niya ring tumakbo sa konsehal soon. Hindi lang siguro siya makapaniwalang mauuna akong gagawa ng history sa pamilya namin. Siguro, kapag nanalo akong kapitan, lalong uusok ang ilong nito. Ayaw niya na naaangasan ko siya sa pamilya namin. Napahinto si Kuya at nagulat sa sinabi ko, pero mabilis siyang nakabawi. “At least ako, lalaban nang malinis, hindi ko kailangan kumapit sa sikat para lang manalo.” Biglang napahagikgik si Kuya, kaya tuloy-tuloy ang pagngiti ko habang pilit na umiwas sa kanya. Ngunit alam ko na lalo lang niya akong tutuksuhin. Nagpasya akong ignorahin ang mga banat niya at nagpatuloy ako sa pagbabasa ng comments. Higit sa lahat, nangingibabaw ang suporta ng viewers. Napabuntong-hininga na lang ako, nagbabalak na talikuran na siya, nang bigla niyang sabihin, “But seriously, bro. Do you think Maia’s doing this for you o para lang sa clout?” Medyo tinamaan ako, pero hindi ako nagpapakita ng kaba. “Kuya, mutual ito, parehas kaming makikinabang. And seriously, huwag mo nang pakialaman. Alam kong maayos itong strategy ko.” “Strategy?” Tumawa siya nang malakas, halos manglait. “Strategy o feeling sikat ka na agad dahil lang kasama mo siya? Bro, hindi ikaw ang bida diyan. Extra ka lang.” “Wow, Kuya ha,” sabi ko, sabay tango at nag-cross arms ako. “Ikaw ata ay may jealousy issue, eh. Sino ba ang nagpapabida dito ngayon, ha? Siguro inggit ka lang kasi wala kang vlog na kasama si Maia!” “Bro, ikaw lang yata ang pulitikong nangangampanya na mukha lang ang puhunan.” Napahinto ako at napaisip. Ayoko talagang aminin na may punto siya, pero hindi ko rin matanggap na parang sobra siyang defensive para kay Maia. Pero bago ko pa siya matuluyang sagutin, nakaisip ako ng comeback. “Kuya,” sabay tapik sa balikat niya, “at least, yung mukha kong puhunan ay may chance. Eh ikaw? Wala ka nang mukha, wala ka pang chance. Lalo na sa puso ni Maia. Ligawan ko lang ‘yon, baka segundo lang ay sagutin na agad ako. Iyon lang naman ang pinuputok ng butchi mo, e. Dahil alam mong kayang-kaya kong makuha ang puso ni Maia.” Sa wakas, natameme siya. Kanina ko pa gustong sabihin ‘to. Ngayon, tila wala na siyang masagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD