Chapter 4

1395 Words
Maia’s POV  Today is the day. Aalis ako ng bahay nang walang sabi-sabi. Sino pa ba ang kailangan kong ipaalam? Wala naman akong jowa, ang nanay at tatay ko, busy na sa kabilang buhay. Joke! Wala na naman kasi si Maeve, umagang-umaga eh, naroon na naman sa syota niya. Pero ngayong araw, may espesyal akong lakad. Matagal ko na itong pinag-isipan, at alam kong ito na ang tamang desisyon ko. Tama si Maeva, baka maunahan pa ako ng gagang inggiterang si Elina. Mabait naman siya, kaya lang bakit kasi wala siyang originality? Bakit parang ako ang sinusundan niya. Ako ‘yung ginagaya niya. Bakit hindi siya makapag-isip ng sarili niyang content? Ah, siguro kasi dahil nga patok na patok ako. Ako nga raw ang standard, sabi ng iba. Today, ay ang araw nang pakikipagkita ko kay kapitan Callahan. Desidido na ako, oo, aba sayang din. Tama si Maeve, may edad-edad na rin ako. Dapat lang sigurong makaranas na ako nang mga nararanasan ni Maeve sa kama. Curious na rin kasi ako sa sinasabi niyang maaabot kong langit kapag may kasama akong lalaki sa kama. At kung si Kapitan Callihan pa ‘yon, ay, pak, bongga! “Ano kayang isusuot ko?” bulong ko sa sarili habang nakaharap sa salamin. “Dapat bongga ang suot at ayos ko kasi si Callahan ulit ang makikita ko.” Kinuha ko ang paborito kong lip gloss mula sa pouch. Kailangan perfect ang itsura ko; hindi ito basta-basta meeting lang. Kailangan polished ang presentation. Style is power, ‘di ba? Saka, baka may fans na makakita sa akin, dapat lang na kung anong nakikita nila sa mga vlog ko, ganoon din sa personal. Nang makalabas na ako sa bahay, sa parking area ako tumuloy para sumakay sa sasakyan na nabili ko dahil sa pagba-vlog. Simula nang makilala ko sa bayan namin, nakakahiya nang mag-tricycle o maglakad sa labas kaya kahit mahal ang sasakyan, pikit-mata kong binili. Pagdating ko sa coffee shop, nakita ko agad siya—si kapitan Callahan—na nakaupo sa tabi ng bintana. Naka-polo shirt siya na masyadong fit para sa tiyan niya, at halatang excited na makita akong muli. Excited nga ba? Sinalubong niya ako ng malawak niyang ngiti, parang batang nakakita ng kendi. Kendi na masarap at ako ‘yung masarap na iyon. “Maia, finally! Akala ko hindi ka na darating!” bati niya sabay tayo at abot ng kamay, na parang kandidato na agad. Nagpa-practice na ata agad ang bundol. Wala pa, e. “Late nga ako eh, akala ko ba may motorcade ka muna?” biro ko, pero tumawa lang siya na parang wala siyang naintindihan. Bakit ba kasi nagjo-joke pa ako. Sabi na e, hindi ako pang-joke. Umupo ako sa harap niya at sinimulan ang meeting. “Okay, kap. Let’s get down to business,” sabi ko habang umo-order ng iced latte. “Ano na ‘yung alok mo ulit? Paaalala lang kasi parang ang dami mong ipinangako nung huli tayong nag-usap.” kunyari ay wala na akong natatandaan. Gusto ko lang ulit marinig ang alok niya. Baka kasi lasing siya nung araw na makausap ko siya tungkol sa ayudang sinasabi niya. “Again, kapag tinulungan mo akong manalo sa paghabol ko bilang kapitan ng baranggay natin, may ayuda ka sa akin gabi-gabi, pero kung ayaw mo ng ayudang iyon, puwede namang pera na lang,” sagot niya, sabay tingin sa akin nang seryoso. “Gusto kitang maging parte ng campaign team ko. You know, ikaw na ang kilalang beauty vlogger dito sa bayan. Madaming followers, so malaki ang impact mo. Gusto ko lang malaman kung game ka na ba? Kung tatanggapin mo na ba o baka tumatanggi ka kaya ka naririto na?” Tumango ako, pero nagkukunwari akong nag-iisip pa. Sa totoo lang, matagal ko nang napagdesisyunan ito. Alam kong malaki ang maitutulong ko sa kanya, at siyempre, hindi ko ito gagawin nang libre. Dapat lang na may reward ‘no! “Hmm... bigyan mo nga ako ng dahilan kung bakit ako dapat sumali sa campaign mo? Para lang sure tayo pareho,” pa-simpleng sabi ko, kunwari nagdududa pa. Dapat lang na hindi agad-agad ako bumibigay. Pa-heart-to-get effect muna para magtagal naman ‘tong meeting. Nag-sip siya ng kape at tila nag-isip ng malalim. “Well, unang-una, you’ll get exposure din naman kahit pa paano,” sagot niya habang kumakaway sa imaginary fans niya. “Maia, think about it, mas lalawak ang audience mo. Tapos, siyempre, tutulong ako sa mga future projects mo. Kapag nanalo ako, baka makapag-produce pa tayo ng vlogs about barangay events. You know, parang behind-the-scenes ng pamahalaan. People love that stuff!” Medyo tagibang ang dahilan. Beauty vlogger nga tapos gagawin niyang BTS ng mga ganap ng baranggay ang channel ko. Pero, tinitignan ko lang naman kung magaling ba siyang magdahilan. Ang focus ko lang naman talaga kasi ay ‘yung sa ayuda niya gabi-gabi, iyon talaga. Pinapahaba ko lang ang usapin para magkasama naman kami ng matagal. Huminga ako nang malalim, kunwari naguguluhan, pero sa totoo lang, nakuha na niya ang atensyon ko doon pa lang sa Ayuda gabi-gabi. “Okay, sige. Ito na ang final answer ko. Oo, pumapayag na ako,” sabi ko. “Pero may kondisyon ako, ha.” Bigla siyang naging attentive. “Ano ‘yun, Maia? Sabihin mo lang, kaya ko ‘yan.” “Simple lang naman. Gusto ko, gabi-gabi may ayuda ako—” Nag-pause ako para kunwari ay dramatic. “Ng iced coffee, ha. 'Yung large size.” Napangiti siya, tapos nagpatuloy ako. “At siyempre, dagdagan mo na rin ng slice ng cheesecake. Alam mo naman, stressed ako, lalo na kapag pinapasok mo ako sa barangay office na parang hindi sila naniniwalang sikat ako.” Callahan laughed, his belly shaking as he did. “Seryoso na, Miss Maia. So, iyon ang napili mo? Ayuda gabi-gabi?” tanong niya nang mahina kaya nawala na ‘yung pagiging kalog ko. Nag-joke lang naman ako kasi nahihiya pa ako. At dahil gusto na niyang seryoso, fine, go. “Oo, pero dapat tumupad ka, ah. Kapag hindi, alam mo na ang mangyayari. Never na kitang tutulungan sa susunod na halalan,” sagot ko habang seryoso na ang pagsasalita. “At siyempre, dapat lang din na i-sure mong mananalo ako. Kasi kung hindi, walang ayudang mangyayari,” sabi naman niya at saka ngumisi. “Eh, kung sakali ngang matalo ka, ano ‘yon, wala na ring saysay ang pinagod kong tulungan ka? Wala manlang akong mapapala, ganoon?” tanong ko pa kaya napangisi siya. “Well, siguro, magbabayad na lang ako ng pera. Ganoon na lang siguro, kaya dapat manalo ako para matikman mo ang masarap kong ayuda gabi-gabi.” Ngumisi siya at saka kumindat kaya napataas ang isang kilay. “Alam mo naman kung gaano ako kasarap. Naipakita ko na sa iyo ang masarap kong katawan. Nahawakan mo pa ang ano ko, kaya alam mo na kung gaano kasarap ang matitikman mo sa kama gabi-gabi kapag naging kapitan na ako,” dagdag pa niya kaya lalo akong natameme. Talaga palang seryoso siya sa ayudang ‘yon. Dahil diyan, gagawin ko ang lahat para maipanalo siya. “Mag-ready ka na, Kapitan Callahan dahil sure na akong ikaw na ang susunod na uupong kapitan sa baranggay natin,” sabi ko naman kaya napangiti siya. “Yan, ganiyan nga, Miss Maia. Dahil diyan, mas lalo akong magpupursige,” sabi niya saka nilahad ang kamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon pero nagulat ako kasi pinipisil-pisil ng isang daliri niya ang palad ko. Anong ibig sabihin nun? “See you soon sa kama, Miss Maia. Matitikman mo ang pinakamasarap na putaheng ginawa ni Lord kapag nanalo ako, pangako ‘yan,” sabi pa niya kaya napakagat-labi na lang ako habang nakatingin sa kaniya nang seryoso. Noong high school pa kami, kiss lang ang pangarap kong mangyari sa amin. Oh, baka nga kahit “Hi!” niya lang ay masaya na ako kasi hindi ko talaga inaasahang mapapansin niya ako. Pero ngayong nakuha ko na ang atensyon niya, aba, mas tataasan ko na ang expectation ko. Sa oras na manalo siya, ah, finish na itong pukë. Tiyak na hindi na lang mariang palad ang mangyayari, titë na ni Callahan ang sasakop sa akin. Hindi na ako makapaghintay, sana hahalalan na agad para matapos na ito nang makangkang na ako ng masarap na lalaking ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD