Maia’s POV
Maaga akong nagising. Hindi ko rin kasi masisi ang sarili ko–sino ba naman ang hindi gigising ng excited kapag may lakad kasama si Callahan? Kahit pa ilang beses na kaming lumabas dahil sa mga meeting-meeting-an niya, iba pa rin talaga ang kaba kapag kasama siya. Saka, hindi naman normal na araw ito. Photoshoot para sa tarpaulin niya! Pang-baranggay captain, no less! Hindi ko alam kung natutuwa ba ako o nag-aalala sa takbo ng isip niya para maisip na ako ang dapat niyang kasama sa ganitong photoshoot.
Sinalubong ako ni Callahan sa labas ng bahay, at tulad ng inaasahan, naka-polo siya na fit na fit sa katawan niya. Sinamahan pa ng ngiti niyang may kasama pang kilig sa mga tao. “Good morning, Maia! Ready ka na?” Sabi niya na parang excited na excited sa nakatakdang photoshoot naming dalawa.
Kinurot naman ang tagiliran ko ng bruhang si Maeve para asarin ako. Eksena niya iyon para sabihing kinikilig siya sa amin. Hindi ko na lang pinansin.
“Ready as I’ll ever be,” sagot ko habang pilit na pinipigilan ang sariling kiligin.
Hindi ako nagdala ng kotse kasi gusto niya ay sa kaniya ako sasakay. Ito ang unang beses na makakasama ko siya sa loob ng sasakyan niya, tapos kaming dalawa lang.
Nag-drive si Callahan habang nagkukuwentuhan kami tungkol sa kanyang plano para sa baranggay kapag nanalo siya. “Kasi, Maia, sa totoo lang gusto ko talagang magpatayo ng mas maraming CCTV sa lugar natin para mas safe ang mga tao. Lalo na sa gabi,” seryoso niyang sabi. Nakatingin siya sa kalsada, pero minsan, sinisilip niya ako para tingnan kung nakikinig ako.
Tumango ako, “Alam mo, maganda ‘yan. Lalo na para sa mga kabataan dito na umuuwi ng gabi.” At habang sinasabi ko ‘yon, nakaramdam ako ng init sa loob ng sasakyan. May halong saya kasi seryoso talaga si Callahan sa kanyang mga plano. Kahit ang tingin ko sa kaniya talaga ay mukhang magsasabog lang kapag naging kapitan na siya sa baranggay namin.
Pagdating namin sa venue, naka-set up na lahat. May mga props, mga kamera, at lighting na parang pang-artista. Bigla akong kinabahan, pero pinilit kong ngumiti. Nagsimula ang photoshoot sa basic na mga pose, hanggang sa naisipan ni Callahan na magpakilig sa mga manonood. Lumapit siya sa akin, hinawakan ako sa balikat, at biglang nagbulong, “Sabayan mo na lang ako, Maia.”
Kahit nalilito ako, tumango nalang ako. I mean, what could go wrong? Siya naman ‘tong sanay sa ganito. Pero nang ngumiti siya, parang may nagbago sa mundo–biglang bumagal ang oras, at sa mga sumunod na eksena, parang naging natural ang chemistry namin. Sinadya niyang tumutok sa mga mata ko, at may pa-sulyap pa siyang ginagawa na para bang kami talaga.
“Maia,” bulong niya sa akin, habang magka-holding hands kami, kunwari para sa campaign photo niya. “Do you think I’m... charming?”
Tumawa ako, pilit pinipigilan ang awkwardness. “Ano ka ba, Callahan? Gamitin mo ‘yan sa mga tao. Hindi sa akin.”
Pero bago pa kami matapos, nagbiro siya ng, “After all this, maybe we should take real photos together. I mean... just us.”
Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Callahan. Nagpapatawa lang ba siya, o seryoso siyang gusto kaming magkaroon ng “real photos” na kaming dalawa lang? Pero bago pa ako makapag-isip ng witty na comeback, hinila na niya ako papunta sa susunod na setup–isang rustic na background na may mga tanim at bench na mukhang bagay na bagay sa vibe ng simpleng barangay namin.
Nag-pose ulit kami, at this time, mas relaxed na ako. Humawak siya sa bewang ko, hindi naman masyadong mahigpit pero tama lang para hindi ako matumba sa kaka-sukbit ng heels. Pero sa totoo lang, ramdam ko pa rin ang bigat ng kamay niya sa beywang ko.
At ewan ko kung sinasadya ba niyang tumitig sa akin habang sumisigaw ng “Good job!” ang photographer, pero sigurado akong naramdaman niya rin ang mabilis na t***k ng puso ko.
“Hey, Maia,” bulong niya, habang ang mukha niya ay hindi halos isang pulgada ang layo sa akin. “I’m glad na pumayag kang sumama ngayon. You’re… special to me, you know that?”
Nag-init lalo ang pisngi ko, at natulala ako sa mga mata niya. “Talaga, Callahan? Special?” Pabiro kong tanong, pilit pinapakita na cool ako kahit nagpa-panic na ang puso ko.
Tumawa siya, pero hindi bumitaw ang tingin niya sa akin. “Oo. I mean… who wouldn’t want a beautiful vlogger by their side? Lalo na kung…” Naputol siya, parang may sasabihin siyang hindi niya kayang ituloy. Lumingon-lingon siya, at sabay sabi, “Lalo na kung katulad mong sobrang supportive.”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sumandal ako sa dibdib niya, kunwari para mag-pose lang pero sa loob-loob ko, gusto ko lang maramdaman ang t***k ng puso niya. Parang automatic naman siyang yumakap ng bahagya, at sa pagkakataong iyon, lahat ng awkwardness at kabado ko, parang nawala.
Nag-click ang camera, pero ang mga mata ko ay nakapikit, ninanamnam ang init ng yakap ni Callahan. Tapos, naramdaman ko ang mababang boses niya sa tenga ko, “After the shoot… coffee?”
Mabilis akong tumango, “Yeah, sure.”
Mabilis lang ang lahat, ganoon lang kadali. Saka, ako pa ba, sanay ako sa harap ng mga camera. Vlogger kaya ako. Mabuti na lang at sanay na sanay din sa ganitong eksena si Callahan. Sabagay, dati pa naman na siyang mahilig magpi-picture kaya easy na lang sa kaniya ang mga ganitong photoshoot.
**
Nang matapos ang photoshoot, sumakay ulit kami sa kotse niya at dumiretso kami sa isang coffee shop sa gilid ng baranggay na medyo malayo sa mata ng ibang tao. Perfect kung gusto mong mag-relax at mag-usap nang walang istorbo. Naupo kami sa isang sulok, at habang hinihintay ang order, nagkasalubong ang tingin namin.
“Maia?” mahinahong niyang banggit sa pangalan ko kaya nagtaka ako.
“B-bakit?” mahiya-hiya ko namang sagot.
“Gusto mo ba ng mini ayuda?” tanong niya na kinagulat ko.
“Mini ayuda? A-anong ibig mong sabihin?” tanong ko naman na litong-lito na.
“Alam mo na, ‘di ba ‘yon ang gusto mo? Tiyak naman na hindi mo kailangan ng pera kasi malaki na ang kinikita mo sa pagba-vlog. Ano, gusto mo bang maranasan agad ang mini ayuda ko. Mini pa lang ito kasi wala pa naman, pero sa mini ayuda na ito, sure akong maliligayahan ka,” sabi niya nang mahina ang boses.
Sa totoo lang, kinakabahan ako pero naging excited din at the same time. Ang ibig niya atang sabihin ay sëx? Tama ba ako? Pero, bakit mini ayuda? Paanong mini ayuda ba kasi iyon?