Chapter 3

1233 Words
Callahan’s POV  Tahimik ang hapon habang ako ay pauwi na sa bahay. Nakabukas ang bintana ng kotse ko kaya amoy ko ang alimuom ng lupa sa hangin, tanda ng kakatapos lamang ng ulan. Pagdating sa villa naming bahay, agad binuksan ng security guard namin ang gate nang makita ako. Pagbaba ko sa kotse, inabot ko ang susi sa isa pa naming tauhan para siya na ang mag-park ng maayo sa kotse ko. Nang makarating ako sa pintuan, natanaw ko agad si Kuya Caloy habang nakaupo sa harap ng bahay. Hindi pa man ako nakakapasok, alam ko na agad ang intensyon niya. Kapag ganito siya katingin, para bang gusto niyang durugin ang bawat pangarap ko gamit ang kanyang mga salita. “Anong pumasok sa isip mo, Callahan?” tanong niya nang hindi man lang ako binabati. Hindi ko alam kung dahil ba sa dami ng nainom kong kape o talagang inaasahan ko nang marinig ito, pero tila hindi na ako nagulat. Ganoon lagi si Kuya Caloy—diretso, walang pasakalye. “Pumasok ka sa pulitika? Are you serious?” Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Seryoso ang mukha niya, as usual. Malalim ang kunot ng noo, para bang hindi niya ako kapatid, iniisip niya palagi na puro katimawaan ang mga pinapasok ko. “Yes, I’m serious,” sagot ko nang walang pag-aalinlangan. I-english-in ko siya kung gusto niya. Bobo ang tingin nito sa akin palagi. Sa tingin niya, siya lang ang magaling sa amin, siya ang nag-iisang matalino. Ganoon dapat. Napailing siya, halatang hindi naniniwala sa narinig sa akin. “You don’t know what you’re getting yourself into, Callahan. You’re not cut out for this. Wala kang alam sa pulitika. You won’t win.” Naramdaman ko ang mainit na singaw ng galit na kumukulo sa dibdib ko, pero pinigilan kong ilabas dahil ginagalang ko pa rin siya. Laging ganyan si Kuya Caloy. Para sa kanya, wala akong kuwenta. Isa lang akong lasinggero, sugarol, at hindi niya pinipilit itago ang pagkadismaya niya sa akin. Para bang bawat hakbang ko ay maling desisyon. Pero hindi ngayon. “Being barangay captain isn’t a game, Callahan. It’s not like your usual fun nights at the bar. This is serious. It’s about real people’s lives. Hindi puwedeng basta sugod-sugod ka lang dahil trip mo. Do you even know what you’re doing?” Huminga ako ng malalim. Alam kong hindi matatapos ang sermon niya rito, pero hinayaan ko na lang siyang magsalita. “Barangay captain? That’s not for a drunk, a gambler, and most especially—” He paused and gave me that glare I was so used to seeing. “—a womanizer.” Napangiti ako, hindi dahil masaya ako sa sinabi niya, kundi dahil ngayon ko lang napatunayan na hindi siya talaga nagbago. Hindi siya titigil hangga’t hindi ako wasak. Pero may itinatago akong alas, at hindi ko mapigilang maging proud sa sarili ko. “Hindi ako nag-aalala, kuya,” sagot ko sa mas kalmadong boses. “Because I have a trump card.” Natigilan siya. Hindi ko madalas makita si Kuya Caloy na tahimik, pero ngayon, parang naintriga siya. “What do you mean by that?” Inikot ko ang mga mata ko sa paligid bago ko siya hinarap. Ang tagal ko nang gustong sabihin sa kaniya ito, at alam kong oras na para malaman niya. Ngumisi ako at saka bumulong, parang kasabwat. “I have Maia Jacinto.” Bigla siyang natameme. Alam ko, hindi niya inaasahan na maririnig ang pangalang iyon mula sa akin. Maia Jacinto—ang sikat na beauty vlogger sa Bayan ng Lucinda. At higit sa lahat, si Maia ang matagal nang crush ni Kuya Caloy. Palagi ko siyang nahuhuling pinapanuod ang mga vlog ni Maia. Palagi ko siyang nakikitang nakangiti habang pinapanuod si Maia sa mga vlog niya. At dahil nga kay Kuya, naisip kong kunin si Maia bilang alas ko sa paghabol ko ng kapitan sa baranggay namin. “What? Maia Jacinto? How the hell do you know her?” tila nagulat si Kuya Caloy, ngunit nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalinlangan. Ang ganitong reaksyon ang inaasahan ko. Minsan lang magulat si kuya, kaya alam kong ginawa ko ang tama para naman maangasan siya paminsan-minsan. Hindi ko na siya sinagot agad. Pinagmasdan ko na lang ang mukha niyang biglang nagbago ang timpla. Halos hindi niya maitago ang pagkagulat at selos. “I know her, ka-school mate ko siya dati and she’s going to help me win. Hindi niya ako tatanggihan kasi alam kong dati na niya akong gusto noong high school palang kami,” diretsong sabi ko, hindi na inintindi kung mas lalo pa ba siyang magagalit. Parang isa itong laro ng baraha na ako lang ang nakakaalam ng tamang kombinasyon. Hindi siya umimik. Tumayo siya at hindi na ako muling tiningnan. Tahimik siyang lumakad papalayo, na para bang mas lalo pang nainis sa akin. Hindi niya ata matanggap na mas trip ako ng babaeng trip niya ngayon. Ngayon, sino ang tiklop. Sigurado akong maiinggit siya sa akin kasi alam kong hindi ako tatanggihan ni Maia. Gagamitin ko si Maia para makuha ang gusto ko. Mukha pa namang uto-uto ang babaeng iyon. Pumasok na ako sa loob at saka tumuloy sa dining area. “Sir, kakain na po ba kayo ng tanghalian?” tanong ng kasambahay namin nang makita ako. Tumango ako at saka naupo sa dining area. Habang hinihintay ko ang pagkain ko, lumapit ulit si Kuya Caloy sa akin. “Hoy, Callahan, huwag mong pagti-trip-an si Maia. Huwag mong gawin sa kaniya ang ginagawa mo sa ibang babae. Matino ang isang ‘yon. At kung kinakailangan, pipigilan ko siyang mapunta sa gaya mong siraulo,” sabi niya na hindi pa pala tapos. Sabi na e, lalo siyang mag-aapoy sa galit. “Gawin mo, Kuya Caloy, kung kaya mo. Maganda ang inalok ko sa kaniya. Hinding-hindi niya matatanggihan ‘yon,” paghahamon ko pa sa kaniya kaya bigla siyang napasuntok sa lamesa. Asar-talo na naman ang magaling kong kuya. “Sa oras na mabalitaan kong ginagago mo siya, humanda ka sa akin. Ako ang gagawa ng paraan para matalo ka sa eleksyon na darating,” pananakot pa niya habang umaapoy na sa galit ang mga mata niya. Paiyak na ang pikon kong kuya. “Boys, nag-aaway na naman ba kayo?” tanong bigla ni mama na dumating na rito sa dinning area. Tinignan ko si Kuya Caloy. Pagkabilang ko ng tatlo, maiiba ang ihip ng hangin. Lalabas na naman ‘yung pagiging bait-baitan at magalang niyang kapekean sa pagkatao niya. 1. ..2…3...acting! “No, mama, nag-uusap lang po kami. Tatakbo po palang kapitan itong si Callahan, siyempre, dapat suportahan natin siya,” magalang niyang sabi kaya napangisi ako. Tumayo na lang ako at saka tinawanan si Kuya. “Napaka-plastic mong tao!” sabi ko kay Kuya at saka ko sila nilayasan sa hapagkainan. “Bastos talaga itong batang ‘to. ‘Yan ba ang hahabol ng kapitan, bumalik ka nga rito, Callahan!” sigaw ni mama. Lumabas na naman na ako ang mali dahil sa magaling kong kuya. Sanay na ako. Sanay na sanay na. Alam ko may gagawin ‘yang si Kuya Caloy para hindi ako manalo. Kaya naman mas lalo kong dapat na galingan. Mas dapat kong ligawan pa si Maia. Dapat ko siyang mapapayag kasi siya talaga ang inaasahan kong magpapatunog lalo sa pangalan ko. Gagawin ko ang lahat para pumayag siya sa alok ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD