Chapter 4

1689 Words
“Dude, bakit hindi mo tingnan sa profile ng kumpanya ang info niya para hindi ka nanghuhula at naghihintay ng ganyan?” suhestyon ni Lance kay Ken habang nag-iinom sila sa isang sikat na bar na pag-aari nilang magkakaibigan. Ang 1994 Bliss. Ito ang napili nilang ipangalan sa unang negosyo nilang apat dahil lahat sila ay ipinanganak sa taong ito. Tiningnan siya nito nang masama saka tinungga ang wine sa hawak na baso. Tumingin siya sa baba at pinanood ang mga taong wala yatang pagod sa pagsayaw na karamihan ay mga kabataan. “Bullshit!” bulong niya. “Ano na’ng nangyari sa pesteng dare na 'yan? Have you done your part?” Sumandal si Lance at nagde-kwatro nang upo. “Well, I think I should be the one to claim the prize. Ako lang naman ang nakagawa nang maayos sa bet natin.” Ngumisi ito saka nagpatuloy. “Si Tanner, he actually surrendered. Nalaman ng bestfriend niya ang dare natin at muntik na siyang isumbong sa parents niya. Si Val naman ay hindi na tinantanan no'n babae dahil may pagkasinauna pala ang mga magulang nito at ipinaaako sa kanya ang dinadala nito.” “What? Nabuntis niya?” Mas lalo niyang niluwagan ang pagkakabuhol ng necktie niya. Kakalabas lang niya sa opisina ng tumawag si Lance dahil may importante raw itong sasabihin sa kanya. Alam niya na hindi tama ang pustahan na napagkatuwaan nilang buuing magkakaibigan noong birthday niya. “Dude, sa ating apat ikaw ang hindi masyadong nadanyusan, so what are you worrying about? Unless, nahumaling ka na sa mystery girl na ‘yon.” Hindi niya iyon pinansin at nanatili ang mga mata niya sa mga kabataang nagsasayaw. “Or hindi mo lang matanggap na napagkamalan kang driver/boy for rent for one night ng isang birhen sa unang pagkakataon..Hahaha” Tumawa pa ito na lalo niyang ikinainis. “Cole Kendrick Ricaforte, unico hijo ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa, babayaran lang ng five thousand a night? I think she’s digging her own grave.” “F*ck off! 'Yan lang ba ang sasabihin mo kaya mo ako pinapunta rito?” He glared at him. Tinaas nito ang kamay “Nope, teaser lang ‘yon. Actually, I just want to inform you na pakakasalan ko na si Samantha.” Ngayon ay seryoso na ang mukha nito. Sinipat niya nang tingin ang kaibigan. “Are you serious?” Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang sinasabi nito dahil kilala niya ang kaibigan bilang playboy noon pa man simula ng mag-highschool sila. Papalit-palit ito ng girlfriend at hindi nagtatagal ng tatlong buwan ang bawat maging girlfriend nito. At ang Samantha na tinutukoy niya ay produkto ng pustahan nila. Thanks to the brilliant idea ni Val. Siya lang naman ang may pakulo ng lahat. Dahil siya ang happy go lucky ng barkada at literal na ipinanganak with a silver spoon sa bibig kaya malayang nagagawa ang lahat ng gusto at hindi marunong magseryoso sa buhay ay naisipan nitong i-dare ang mga kaibigan. Bago sumapit ang birthday ni Ken ay wala silang maisip kung paano ang gagawing celebration dahil lahat na yata ng pagpapakasaya ay nagawa na nila. At para maiba naman ay naisip nitong gumawa ng kakaiba sa mismong birthday niya. ‘Ang maghanap ng babaeng ikakama.’ He got a lot of ways para gawin ang pustahan at kung paano nila hahanapin ang target. At ang napili nga nitong ipagawa sa kanya ay magpanggap na driver sa isang kilalang riding app at doon mamili ng matitipuhan. Noong una ay na-curious lang siya kung paano niya gagawin na maging isang driver sa lugar na hindi pa naman talaga niya kabisado dahil ilang taon siyang namalagi sa ibang bansa at mayroon siyang personal driver sa halos lahat ng lakad niya. Bukod sa ayaw niyang makasama si Nathalie na parang linta kung dumikit sa kanya. At tradisyon na nilang magkakaibigan na bawal tumanggi ang celebrant sa kung anuman ang ipagawa sa sinumang may birthday. -- “Your timer starts now,dude.. All you have to do is to follow the waze once the passenger gets inside . You only have five hours to do the task then if not, as we agreed, we’ll take over your precious yacht for one year and you are not allowed to even have a glance over it.” Paliwanag ni Val. Ngumisi siya pagkatapos ay sumandal at hinawakan ang manibela. “A piece of cake!” he said. “Ngayon pa lang, I’ll tell you, better prepare your precious compact jetty for my vacation next month.” Ganti niya “Tsk, tsk.. But don’t forget the final condition that a girl should stay with you within a month but not knowing your true identity especially your status.” Tumawa ito saka lumabas ng kotse. “So goodluck, dude. May the best man win.” Muling sumilip ito sa bintana ng kotse pagkatapos ay naglakad papunta sa nakaparada niyang kotse. ‘Keep on dreamin’ dude.” Naiiling niyang sabi sa sarili. Ang yate niya ang pinaka-importanteng bagay sa kanya dahil ito na lang ang pinakamahalagang bagay na naiwang alaala sa kanya ng yumaong ina. Isa sa dahilan niya kung bakit tinanggap ang alok ng ama na pamahalaan ang kumpanya nito ay para magkaroon siya ng koneksyon at kapangyarihan sa mundo ng mga negosyante. ‘Yon ay sa kabila ng pag-iwan at pagbasura sa kanilang mag-ina ng magaling niyang ama na si Charles Ricaforte. Kilala ang kanyang ina bilang isa sa mga mahuhusay na Naval Architect. Madami itong nalikhang yate at natanggap na mga awards dahil sa husay at galing nito. Dito niya ibinuhos lahat ng sakit at sama ng loob mula ng ma-annul ang kasal sa ama. Sampung taong pa lang siya ng maghiwalay ang mga ito. Halos mapabayaan siya ng ina simula noon kaya’t nagdesisyon ito na ipadala siya sa nag-iisa nitong kapatid sa ibang bansa at nanirahan siya doon ng limang taon. Nang makabangon mula sa pagkakalugmok ay muli siyang kinuha ng ina at bumalik sa dati na nitong propesyon. At dahil sa angking husay ay namagyag ito sa larangan ng pagdidisenyo ngunit hindi inaasahan na ito rin ang magiging daan upang muli siyang malugmok. She was sabotaged by her trusted friend at inagaw nito ang posisyon na dapat sana ang kanyang ina ang nagtatamasa ng tagumpay. Dahil sa matinding depresyon ay nagkasakit ang kanyang ina ngunit pinilit nitong tapusin ang huling yate na idinesenyo nito para sa kanya. Isang linggo pagkatapos i-turn over sa kanya ng kanyang ina ang ownership nito, ay tuluyan na itong nagpaalam sa kanila. Produkto ang mga magulang niya ng arranged marriage. Mayaman ang Daddy niya at ang Mommy naman niya ay nakakaangat din sa buhay. Saksi siya sa tindi ng pagmamahal ng ina para sa ama pero hindi ito binigyang halaga ng ama. Dahil tutol siya sa pagpapakasal dito at napilitan lang dahil sa mana. At matapos ang sampung taon na ayon sa agreement nila sa mga magulang ay dagli nitong pinawalang-bisa ang kasal sa kanyang ina at agad na pinakasalan ang babaeng totoong mahal nito. Galit siya sa ama at sa ginawa nito sa kanilang mag-ina dahil saksi siya sa pinagdaanang lungkot ng ina mula ng maghiwalay ang mga ito. Alam niyang hindi mahal ng Daddy niya ang Mommy niya pero sana ay inisip man lang nito at isinaalang alang siya bilang anak nila. Pero dahil walang anak ang Daddy niya sa bago nitong asawa ay siya lang ang inaasahan na magpapatuloy ng mga negosyo nito. Gustuhin man niya na mawalan ng kaugnayan sa ama niya ay alam niyang imposible iyong mangyari. At gagamitin niya itong paraan para alamin kung ano ang totoong nangyari sa pagbagsak ng kanyang ina. “Dude, are you still here?” untag ni Lance na biglang nagpabalik ng isip niya sa kasalukuyan. He snapped back at seryosong tumingin sa kaibigan. “Seryoso ka ba sa pagpapakasal na sinasabi mo? For all we know, ayan ang pinakahuli mong gugustuhin gawin.” “Yup, before.. But everything has changed nang makilala ko si Sam. She’s different. And thanks to Val, at least I didn’t expect that finally, he can come up with the idea that I’ll be most grateful about. I finally found my other half,” he said as if he was dreaming. Tiningnan niya ito na para siyang nahihiwagaan sa mga sinasabi nito. “I’m serious. Ngayon ko lang naramdaman ito sa isang babae. She’s far different from all the girls I’ve met. “ “It’s only been two months and you can really say such craziness?” Iiling iling niyang tanong saka muling ininom ang wine na hawak. “Yeah right. It’s been two months pero interesado ka pa rin makilala ang babaeng mukhang nagpapatibok na rin ng puso mo,” he said teasingly. "At hindi dahil sa nasa kamay ngayon ni Val ang yate mo kaya madalas mainit ang ulo mo kung hindi dahil nahanap mo na rin ang katapat mo but unfortunately, mukhang ayaw nang magpakita sa'yo." “Come on, I’m not you.” He sneered. “Well, let’s see. When you find that girl again, I’m sure we’ll be both thankful for the silly ideas that Val ever had.” He smirked and kept his head down. “Impossible.” He denied but he suddenly imagined her beautiful face. Her soft and sweetest lips he ever kissed. The long and soft hair he wanted to caress. And those innocent eyes that stared straight into his eyes but turned seductively that night. He patted his shoulder. “You’re not like that whenever you f*cked any of your playmates, even after any of your one night stand.” Tiningnan niya ito habang kinukuha ang coat na nakasampay sa couch. “If I were you, I will go straight to the HR of your own company and ask her 201 files kesa mabaliw sa kakaisip sa kanya...Besides, malapit mo nang i-take over ang kumpanyang 'yon and soon ay magiging empleyado mo na rin siya. Kaya kung ako sa'yo, hindi ko na patatagalin pa." Seryosong payo nito bago tuluyang lumabas ng silid. Sinundan niya nang tingin ang kaibigan na nakakunot ang noo saka napailing na ngumisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD