Chapter 3

2076 Words
“Mia, ano ka ba? Hihimatayin ako sa'yo. Bakit ngayon ka lang umuwi?” gulat na tanong ng Mama niya nang madatnan siya sa kusina. Kagagaling lang nito sa morning exercise niya. “Morning, Ma” bati niya na hindi makatingin nang diretso dito. Umupo ito sa tapat niya. “Sa'n ka galing?” Napalunok siya at kinagat kagat ang pang ibabang labi niya. “Wala na kami ni Nathan, Ma.” Umarko ang kilay nito. “Ows? Paano? Anong nangyari?” na-iintrigang tanong nito. “Nakita ko siya..may kasamang ibang babae...Sinungaling siya sabi niya nasa trabaho siya pero nakikipagharutan lang pala kung kani-kanino," nakatungong paliwanag niya. Wala siyang narinig na talak na inaasahan niyang magiging reaction nito. Kaya nag-angat siya nang tingin at nahuli niya itong sinisipat maigi ang mukha niya. “Ma, sabi ko break na kami ni Nathan.” Ulit niya. “Sure ka ba?” tila hindi naniniwalang tanong nito. Gusto niyang matawa sa reaction nito. “Hindi 'yan ang in-expect ko sa'yo, Mama.” Umarko ang kilay nito saka nakapangalumbaba na tinitigan siya. “Hindi rin 'yan ang reaction na inaasahan ko sa'yo kung totoong nag-break kayo.” Napalunok siya at nag-iwas nang tingin. “Gusto ko lang po na ipaalam sa'yo na wala na ‘yong kinaiinisan mo at wala na rin akong balak na pag-usapan pa ang kahit na anong tungkol sa kanya mula ngayon.” “Well, that's good to hear.. So saan ka nga nanggaling?” Bumuntong hininga siya. ‘Ang kulit talaga ng nanay ko. Paano ko ba sasabihin sa kanya na ibinigay ko lang naman ang sarili ko sa lalaking hindi ko kilala na hindi niya ako sasabunutan?’ “Ma…” “Wait,” pigil nito sa kanya saka kinuha nito ang nagri-ring niyang cellphone. “Oh, Lorraine, what's wrong? Bakit ka umiiyak?” Bigla siyang napatayo at lumapit para tingnan ang pinsan at bestfriend niya na si Lorraine na nakabase ngayon sa Singapore bilang Nurse. “Lorraine? Bakit? Anong problema?” kinakabahan niyang tanong nang makita itong luhaan. Tiningnan niya agad ang tiyan nito para siguraduhing walang masamang nangyari sa batang dinadala nito. “Mia, Tita hindi ko na alam ang gagawin ko.” Isinubsob nito ang mukha sa mga palad saka humagulhol. “Hija, calm down. Sabihin mo sa'min kung anong problema para matulungan ka namin,” mahinahong sagot ng Mama niya. Tumigil ito saglit sa pag-iyak at pinunasan ang namumutla nitong mukha. “I.. I have stage 4 lung cancer.” “What?!” sabay na tanong ng mag-ina. “Ate Lorraine, si..sigurado ka ba diyan? Sa hospital ka nagta-trabaho, marami kang kilalang magagaling na doctor. Why didn't you do something?” mabigat ang loob na tanong ni Mia. “And you have a pre-natal check up, bakit ngayon lang nakita ang sakit mo?” dagdag na tanong ng Mama niya. “I.. I knew about it long before I got pregnant,” she confessed habang patuloy ang pag agos ng luha nito. Mahigpit na hinawakan ng Mama niya ang cellphone sa kamay na halos mabitawan niya. Nag-iisang pamangkin niya si Lorraine sa kapatid nito na namatay sa aksidente noong maliliit pa lang sila. Sabay niyang pinalaki ito at ang nag-iisa niyang anak na si Mia kaya halos tunay na anak na rin ang turing niya rito. Isa sila sa may mga kaya sa buhay sa bayan nila sa Probinsya kaya't kahit iniwan sila ng Papa niya ay maayos silang naitaguyod ng Mama niya. Matanda sa kanya ng dalawang taon si Lorraine kaya't una itong nakatapos ng pag-aaral. Gusto sana nitong mag-aral ng medisina pero pinili na lang ang maging nurse dahil nahihiya raw sa Mama niya. Plano pa rin nito na ituloy ang pangarap kaya't nang mabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa ibang bansa ay tinanggap agad nito para makaipon para sa pangarap na propesyon. Plano nitong ipagpatuloy ang pag-aaral pagkapanganak pagkatapos nang mahigit tatlong taong pagta-trabaho sa ibang bansa. Ngunit sinong mag-aakala na dahil sa isang traydor na sakit ay maaaring hindi na mabigyang katuparan ang mga pangarap na iyon. Noong araw din 'yon ay nagpasya silang mag-ina na lumipad patungong Singapore para alamin ang kalagayan at alagaan ang pinsang may sakit na walong buwang buntis. Nag-email na lang siya sa manager niya at ginamit ang emergency leave. Nadatnan nila sa isang private ward si Lorraine na masayang sumalubong sa kanila. Pilit ang ngiting bumangon ito pero mabilis ang mga kilos ng mag-ina upang alalayan siya. “Ate Lorraine," bulong ni Mia habang hindi mapigilan ang luhang umaagos sa mukha niya. Habag na habag siya habang pinagmamasdan ang maputla nitong mukha at ang nangayayat nitong katawan. Tinulangan ito ng Mama niya na sumandal at hanapan ng kumportableng pwesto. “Bakit hindi mo agad sinabi sa'min ang kalagayan mo? Bakit itinago mo ‘to sa'min? Kami ang pamilya mo, dapat kami ang kasama mo,” puno ng sama ng loob na tanong ng Mama niya. Hinawakan ni Lorraine ang kamay ng Mama niya at ang isa ay inabot kay Mia. “Tita, sapat na po ang pag-aarugang ginawa mo sa'kin at tatanawin ko pong utang na loob sa inyo ang lahat ng ‘yon. Alam ko po na malulungkot kayo kapag nalaman niyo ang sakit ko at hindi ko po gustong mangyari ‘yon.. Napakasaya ko po dahil kahit hindi ko nakasama ang totoo kong mga magulang ay sobra sobra naman ang pagmamahal na ibinigay niyo sa akin ni Mia," pilit ang ngiting sagot nito. “Pero natulungan ka sana namin at maaaring naagapan pa sana ang sakit mo. Hindi ko ma-imagine kung anong hirap ang dinanas mo, na nakayanan mo pasanin lahat ‘to ng mag-isa.” Hilam ang mga mata sa luhang sambit ng Mama niya. Humihikbing nakikinig si Mia sa usapan ng dalawa. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa mga oras na ‘yon. Mahal na mahal niya ang pinsan na itinuring niyang kapatid at best friend. “I'm ok, Tita. Siguro hanggang dito na lang talaga ako. At masaya ako na bago man lang ako mawala ay may maiiwan akong alala sa inyo.” Ngumiti ito at hinaplos ang malaking tiyan. “Kahit papano ay naging makabuluhan din ang buhay ko, ang magsilang sa sanggol na ito ay sapat ng kaligayahan ko bago ako mawala.” Umupo si Mia sa tabi ni Lorraine na marahang hinaplos ang buhok nito. “Ano ka ba, Ate? 'Wag ka nga magsalita nang ganyan. Maaalagaan mo pa ang anak mo at masusubaybayan pa ang paglaki niya, 'di ba?” Ngumiti ito nang mapait saka hinawakan ang kamay niya. “Mia, ikaw na ang bahala sa inaanak mo, ha? Sana mahalin mo rin siya tulad ng pagmamahal na binigay sa'kin ni Tita.” Tumango si Mia at mahigpit niyang niyakap si Lorraine. “Lalabanan mo ang sakit mo ate, ha? Para sa anak mo. 'Di ba sabi mo sabay natin siyang palalakihin? Magiging mag-bestfriend din ang mga anak natin, 'di ba? Tulad natin?.. Ate, lalaban ka, ha? 'Wag kang magpapatalo sa sakit mo, naintindihan mo ba?” Nakangiti itong nakatingin sa kanya. “Gusto ko muna magpahinga, Mia. Tita, nasa bag ko po ang susi ng apartment ko. Magpahinga na po muna kayo doon. Alam ko po pagod kayo sa byahe.” Taboy sa kanila ni Lorraine sa mahinang boses. Nagpaalam ang Mama niya na iuuwi muna sa apartment ang mga bagahe nila at kukuha na rin ng mga gamit ni Lorraine na gagamitin nito habang naka-confine sa hospital. Kailangan na raw maoperahan ito at mailabas agad ang bata sa lalong madaling panahon dahil sa delikadong kalagayan ni Lorraine. Nagpaiwan si Mia sa hospital upang bantayan ito at para masiguradong may kasama ito at madaling makakatawag kapag may kailangan ito. Kinabukasan ay nagpasya ang doctor ni Lorraine na isalang na ito sa operasyon. Thirty six weeks na ang kanyang tiyan kaya't maari na itong manganak na hindi nangangamba sa maaring development ng sanggol. Pagkalipas ng halos isang oras pagkatapos ng operation via cesarean section ay tinawag na sila ng nurse upang sabihin na pwede na nilang makita ang bata na kasalukuyang nasa nursery. Napasalikop ang mga kamay ng mag-ina at tuwang tuwang pinapanood ang sanggol na mahimbing na natutulog. “Grabe Ma, ang gwapo ni baby Lucas. Napaka-cute na bata," nanggigigil na bulalas ni Mia. Ang Mama naman niya ay hindi mapigilan ang luha habang pinagmamasdan ito. Hinaplos nito ang salamin na hindi halos kumukurap. “Napakalusog at napakagwapo ng apo ko, anak.. Tingnan mo oh! Gusto ko na siyang yakapin.” Masayang lumipas ang isang buwan at panatag na rin ang loob nila na umaayos na ang kalagayan ni Lorraine. Nagplano na sila na uuwi na ng Pilipinas upang doon na manirahan muli si Lorraine kasama nila na sinang-ayunan naman nito. Pero nagulat na lang sila ng isang umaga ay hindi na ito muling nagising pa. Lingid sa kaalaman nila ay sinabi na ng Doctor kung hanggang kailan lang ang itatagal nito pero pinili nito na isekreto sa kanila para hindi sila malungkot at mabuhay ng normal sa natitirang araw nito. Sobrang hinagpis at lungkot ang tanging naramdaman ng mag-ina nang malaman ito mula sa Doctor. Dahil sa wala sila sa sariling bansa ay ipinasya nila na sundin ang bilin nito na ipa-cremate ang bangkay. It has been a biggest shock for them na mawala ang isa sa itinuring na nilang pamilya kaya’t naging mahirap sa mag-ina ang magdesisyon lalo na para sa naiwan nitong anak. Her last words for Mia is to find Lucas’ biological father and let them meet. Iyon ay kung mapapatunayan niya na magiging mabuti itong ama sa anak. She agreed without so much thinking dahil buong akala niya ay gagaling na ito at pilit lumalaban sa sakit. Nag-stay pa sila ng ilang linggo sa pakiusap ng Mama niya na manatili muna rito dahil gusto pa nito maramdaman ang presensya ng pinakamamahal na pamangkin. Ito ay sa kabila ng ilang emails at tawag ng Boss niya kung kailan siya babalik dahil nako-compromise na ang trabaho niya. Sinabi naman ng Mama niya na maari na siyang bumalik para sa trabaho niya dahil kaya na nito ang mag-isa doon at planong manatili pa ng ilang linggo. Pero hindi niya kayang iwan ito mag-isa lalo’t kailangan niya ng makakatulong sa pag-aalaga kay baby Lucas. Mabilis lumipas ang mga araw at isang linggo bago ang plano nilang pagbalik sa Pilipinas ay dumalaw sila sa Columbarium kung saan nakalagay ang abo ni Lorraine para magpaalam dito. Pagpasok nila ay napansin nila ang isang pumpon ng bulaklak sa harap nito katabi ang isang babae na tahimik na umiiyak. Siguro ay isa ito sa mga kaibigan ni Lorraine. Sa isip nila. “Excuse me,” nakangiting bati ng Mama niya. Lumingon ang babae at saglit silang tiningnan pagkatapos ay nanlaki ang mga mata nito nang matitigan nang husto ang Mama niya. “Lisa? Is that you? Oh my!” Bulalas nito at hinawakan ang kamay ng Mama niya. Ang Mama naman niya ay gulat na gulat nang makilala rin ito. “Abigail?” niyakap niya ito nang mahigpit saka muling bumitaw. “Anong ginagawa mo rito? Kilala mo si Lorraine?” Lumingon ito at malungkot na tinitigan ang picture ni Lorraine sa loob ng salamin. “She is a close friend of mine.. Ikaw?” “She is my niece.” She smiled wryly. “Tingnan mo nga naman, kaya pala ganoon kalapit ang loob ko sa batang ito dahil ikaw ang Tita na lagi niyang ikinukwento sa’kin. We’ve been colleagues for almost two years. Nagbakasyon lang ako ng dalawang buwan pagkatapos ito na ang madadatnan ko pagbalik.” “Dahil isinekreto niya sa lahat ang sakit niya. Ayaw daw niya na kaawaan siya at makakuha ng hindi normal na atensyon.” Dagdag ng Mama niya. Tahimik lang na nakikinig si Mia nang lingunin siya ng Mama niya at hilahin palapit dito. “It’s so sad na sa ganitong sitwasyon pa kayo magkikita ng inaanak mo...Abigail, meet my unica hija.” Nakangiting pakilala ng Mama niya sa kanya. “Wow, eto na ba si Mia? Dalagang dalaga ka na at ang ganda-gandang bata,” sabi nito saka niyakap siya nang mahigpit. “Pasensiya ka na at hindi ko na kayo nadalaw ng Mama mo mula nang umalis ako sa probinsya.” Nginitian niya ito at niyakap din. “Kumusta po kayo?” “Heto single pa rin but happy.” Biro nito. Ilang oras silang nanatili doon at nag-alay ng dasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD