Chapter 5

1823 Words
“Mia, sigurado ka ba gusto mo rito na magtrabaho?” pang-sampung beses na yata itong tanong ng kanyang Mama. Sinilip niya muli ang hitsura sa salamin bago tumingin sa ina. “Ma, sabi ko naman sa’yo pwede ka na umuwi sa Pinas at hindi mo ko kailangan samahan dito. Besides, wala na akong babalikan trabaho sa’tin dahil sinesante na ako ng Boss ko.” “Pero kaya mo ba rito mag-isa? I mean, ngayon ka lang malalayo sa’kin at malulungkot ako nang husto. Hindi ako sanay.” Malungkot na pahayag nito. “Ma, nakalagay naman sa kontrata ko na pwede ako magpa-transfer sa branch nila sa Pinas depende sa evaluation ko in a couple of months.. Sayang naman kung tatanggihan ko pa ito kung kelan hired na ko, 'di ba?” pangungumbinsi niya. “Tell me the truth, bakit ba ayaw mo talaga umuwi? Dahil ba kay Nathan?” Mapanuri ang matang tinitigan siya nito. Napaisip siya nang marinig ang pangalan ng dating nobyo. Sa loob ng limang buwan na pamamalagi nila rito sa Singapore ay nakapagtatakang halos nakalimutan na rin niya ito. Kinapa niya ang sarili kung ito ba ay natabunan lang ng pagdadalamhati niya sa yumaong pinsan o talaga lang mabils niyang natanggap na wala na sa buhay niya si Nathan. Ngunit kahit anong pilit isipin at pakiramdaman ang sarili ay wala na ang sakit o kahit anong pakiramdam para dito. Sa halip ay mukha ng natutulog na estrangherong lalaki ang biglang pumasok sa imahinasyon niya. Taas noo siyang tumingin sa kanyang ina at ngumiti. “Ma, I’m so over with Nathan. It has nothing to do with him. Siguro hindi ko talaga siya mahal kaya madali akong nakapag-move on. And it’s a good thing, right?” Tumayo ito at inayos ang blazer na suot niya. “Ok, naniniwala na ako sa'yo. Sige na, baka ma-late ka pa sa first day mo. But don’t forget your promise, one year is the maximum.” Ngumiti siya at yumakap dito. “Thanks Ma, I will. If ever I will be given a chance kahit next week kung papayagan nila akong ilipat sa Manila, lilipat ako agad-agad.” Kumindat siya sa ina at dumiretso sa crib kung saan himbing na himbing na natutulog si baby Lucas. “Bye baby, see you later. Magta-trabaho muna si Mommy Ninang, ha?” Humalik siya sa pisngi nito at saka lumabas. Maayos na natapos ang maghapon niya sa unang araw sa trabaho bilang Human Resource Analyst sa isang Construction Company na pag-aari ng isang pinoy. Nagkataon kasi na biglang nag-absent without leave ang dating nasa posisyon kaya agad siyang natanggap dito. Karamihan din sa mga empleyado dito ay mga Pinoy kaya madali siyang nakapag-adjust sa bagong work environment. Pauwi na siya ng tumawag ang Mama niya at nagyayang mag-dinner sa labas. Treat daw ng Ninang niya as celebration for the beginning of her new career at natutuwa raw ito na may makakasama na siya rito. Mula noon ay madalas na ito ang kasa-kasama niya kung hindi naman ay si Ava na naging best friend niya na isang pinoy architect. Mabilis lumipas ang anim na buwan at sa wakas ay na-grant na rin ang request niya na magpalipat sa Manila branch nila. Miss na miss na niya ang kanyang ina pati na rin ang inaanak na ilang buwan na niyang pinanggigilan na mayakap at malaro. Sa susunod na buwan ay nakatakda na siyang umuwi na hindi ipinapaalam sa ina. Balak niya itong surpresahin. Habang ang Ninang Abigail naman niya ay nag-resign na bilang Pediatrician sa hospital na pinagtatrabahuhan nito at planong magpatayo na lang ng sariling clinic sa Pinas. Tumatanda na raw siya at gusto naman niya na i-enjoy na lang ang buhay sa sariling bansa. At gusto din niyang makasama ang pamangkin dahil mag-isa rin itong namumuhay sa Pilipinas. -- “I’m on my way na Tita! Just give me ten minutes, ok?” ibinaba ni Ken ang cellphone at minadali ang pagmamaneho. Pagkalipas ng halos limang minuto ay nasa airport na siya. Mabuti na lang at malapit lang ang lunch meeting niya nang tumawag ang Tita niya na nagpapasundo sa airport. Hindi niya alam na uuwi ito at susurpresahin siya. Tumayo ito nang makita siya at yumakap sa kanya. “I miss you Kendrick.” Bungad agad nito. Nasa early fifties na ang kanyang Tita pero hindi halata sa hitsura nito na mas mukhang bata kesa sa edad. “I miss you too, Tita,” sagot niya at sinumulan kunin ang mga maleta nito. “Why you didn’t tell me na uuwi ka pala ngayon? Sana nakapag-prepare man lang ako.” “Of course, I won't tell you ahead of time. I want to see what you are up to except for your being workaholic.” Binuksan niya ang trunk ng kotse at inilagay dito ang mga maleta saka binuksan ang passenger seat at pinapasok ito. “So, where do you want to go? Anywhere you have in mind? May naalala ka pa ba na paborito mong restaurant dito?” nakangiting tanong niya. “No, I want to visit my kumare first. Gusto kong idaan muna sa kanya ang mga pasalubong ko.” Tumingin siya rito saka ngumiti. “Ok mam, your wish is my command.” Natutuwa siya na makita muli ang Tita niya na nagsilbing pangalawang ina sa kanya. Ito ang nag-iisang kapatid ng mommy niya at naging katuwang sa pagpapalaki sa kanya. Ang Tito naman niya na nag-iisang kapatid ng kinasusuklaman niyang ama ang itinuring niyang parang tunay na ama at halos naging anak na rin ang turing sa kanya. “Here is the address,” inabot nito ang cellphone “Wait, I know you are the Boss pero wala ka bang importanteng lakad ngayon?” “I’ve already cancelled today’s meeting, of course nandito ang pinaka-favorite kong Tita.” “Hanggang ngayon, bolero ka pa rin. Of course you do, dahil ako lang naman ang Tita mo… Here, take the address.” Tiningnan niya ang addreas na ibinigay ng Tita niya at saglit siyang natigilan nang may maalala rito. "Dito ba nakatira ang sinasabi mong kumare, Tita?" "Yup, d'yan na sila nakatira ngayon. Why?" Umiling siya. "Nothing." Tumango-tango siya at wala sa sariling napangiti. Pamilyar sa kanya ang address na ito kaya’t mabilis nilang narating ang lugar. Pagdating sa tapat ng bahay ay hindi mapakali si Ken at panay ang sulyap nito sa kanyang Tita na halatang excited sa makita ang pakay nito. “What’s wrong with you, Ken? Don’t worry, hindi naman ako magtatagal dito. S'yempre, I want to have a quality time with you first.” Kusa itong bumaba ng sasakyan kaya’t napasunod na lang siya rito. Sunod-sunod ang doorbell na ginawa nito. Maya maya ay lumabas ang isang babaeng parang kasing edad lang ng Tita niya. “What the…? Abby?” Lumapad ang ngiti nito at mabilis na niyakap ang kaibigan. “Kelan ka pa dumating? Si Mia ko, kasama mo ba?” tumingin ito sa bandang likuran nila at dismayadong ibinalik ang tingin dito. Pagkatapos ay muling ibinaling ang tingin kay Ken. Bigla yata siyang kinabahan nang makumpirma ang pangalan ng anak nito. Nginitian siya nito at niyaya silang pumasok. “Mare, siya nga pala ito na si Ken. Remember?.. Ken, this is Lisa, my best friend. Madalas tayo sa kanila noong nasa probinsiya pa tayo.” Pakilala nito sa dalawa. "Aba, ikaw na ba si Ken?" Nginitian niya ito. “Good afternoon po, Tita!” magalang na bati niya rito kahit hindi niya na matandaan ang sinasabi ng tiyahin. “Good afternoon din, iho. Napaka-gwapong bata naman ng pamangkin mo, Mare. Sabagay, bata pa lang siya no'n eh mestizo na talaga ito, 'di ba?. Maupo muna kayo.” Isinenyas nito ang sofa. “Hindi mo naman sinabi na darating kayo para nakapaghanda man lang ako.” “Naku, para naman hindi ka na sanay sa’kin. Besides kadarating ko lang at idinaan ko lang talaga itong mga pasalubong ko sa inyo ni Lucas. We’ll catch up some other time. Kase naman itong pamangkin ko ay sobrang busy. Baka hindi ko na mahagilap sa mga susunod na araw,” paliwanag nito. “No, it's ok Tita.. I have plenty of time for you," he said. Matagal niyang hinintay ang pagkakataon na makita ulit ang babaeng hindi niya maintindihan kung bakit hindi mawala sa isip niya mula ng gabing makasama niya ito. Katunayan ay isinave niya ang address nito at ilang beses niyang pinuntahan ito rito at palihim na sinubaybay ang bahay pero nalaman niya na nangibang bansa raw ito kasama ang ina. Hindi niya alam kung na-intriga lang ba siya rito dahil siya lang ang tanging babaeng naikama niya na hindi man lang nagpakita ng interes sa kanya katulad ng karamihan sa mga babaeng nakasama niya na hindi siya nilulubayan pagkatapos may mangyari sa kanila o kaya naman ay tulad ng mga babaeng nakaka-relasyon niya. O hindi lang niya matanggap na ginawa siya nitong bayaran sa halagang limang libo. “Oh, how sweet!” pinagsalikop pa nito ang dalawang kamay sa bandang dibdib. “Ma-swerte ka mare at mukhang mahal na mahal ka nitong pamangkin mo. Tanda ko pa dati, lagi kayong napagkakamalan mag-ina.” “Oo nga, at lagi rin niya binabantayan si Mia no'n baby pa, right?” Biglang nanlaki ang mga mata ng Tita niya at parang kinikilig na tumingin sa kanya. “Oh my, mare tingin mo mukhang bagay sila ng inaanak ko, 'di ba?” Napakamot si Ken sa ulo at naiiling na napatingin sa dalawa. Naa-amused siya sa mga ito na parang karaniwan na sa kanila ang palaging mag-usap dahil palagay na palagay sa isa’t isa kahit na sa pagkakaalam niya ay matagal ang mga itong hindi nagkikita. At hindi siya makapaniwala na may pisi pala na nag-uugnay sa kanila ng babaeng inasam niyang makita muli. “Naku mare, sa gwapo nitong si Ken, eh malamang maraming babae ang naghahabol diyan. Ayoko ng may kahati ang anak ko.” Biro nito saka tumayo at nagpaalam na maghahanda ng meryenda. “Sino si Mia, Tita?” kunwari’y bale walang tanong niya. “Siya ‘yong anak niya na inaanak ko. Lagi tayong nagpupunta sa kanila noong pareho pa kaming nakatira sa probinsiya. Four years old ka pa lang noong huli natin sila dinalaw at tanda ko pa na umiyak ka nang malaman mo na hindi na tayo babalik doon dahil lilipat na tayo ng tirahan.” Tumango-tango siya na kunwari’y hindi interesado. “So where is she?” “Nasa Singapore pa. Pero...” tumabi ito at bumulong sa kanya, “plano na rin umuwi next month at nagpa-transfer na rito sa Manila. It’s a secret. Isu-surprise niya raw si Mare.” Nakaramdam siya ng pagkadismaya nang malaman na nasa ibang bansa pa rin pala ito at hindi pa rin niya makikita. Pero may bahagi sa puso niya na nae-excite sa isiping malaki na ang tyansa na makita ulit ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD