Napamaang siya at nanatiling nakatitig sa mukha ng nobyo. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maging reaksyon o sabihin sa ibinalita nito. Yumuko siya nang maramdaman ang paggagap nito sa kamay niya. “But of course, I said no. Hindi ako papayag na siya ang magde-desisyon sa buhay ko. He has never been a good father to me at hanggang ngayon ay ganoon pa rin siya. Everything about him is business,” tiim ang bagang na sambit nito. Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya at mahigpit na hinawakan ang mga kamay niya. His eyes show a total displeased and disappointment. “Wala na yata talagang mahalaga sa kanya kundi ang pera. I told him, I’m not interested in his wealth. Kahit pa ipamigay niya sa charity ang kayamanan niya ay wala akong pakialam. I can build my own wealth, my own life. Hindi