“Anak, you can’t believe it. Guess who'd been here the other week?” bungad ng Mama niya pagsagot pa lang niya ng tawag nito.
Itinuloy niya ang pagsusuklay ng buhok dahil nagmamadali na siya at gusto niyang pumasok nang maaga dahil last day niya ngayon sa trabaho. Sa susunod na linggo ay plano niya ang mag-travel sa Indonesia at Thailand bago siya umuwi sa Pinas.
“Ma, ang tagal mo na pala na-meet tapos ngayon mo lang ibabalita sa’kin?.. At sa dami ng pwede mong maging bisita eh pahihirapan mo pa ‘ko mag-isip,” natatawa niyang biro sa ina.
Narinig niya ang malalim na buntong-hininga sa kabilang linya. “Kasi anak, pinag-isipan ko pa mabuti kung sasabihin ko na ba sa’yo o hintayin ko na lang na makauwi ka rito," seryosong sagot nito.
“Hay naku, Mama, malapit na ‘ko ma-late. Sabihin mo na bilis.” Tuloy ang pag-aayos niya sa harap ng salamin na tila hindi sineseryoso ang sinasabi ng ina.
“It was your father.”
Napatigil siya sa ginagawa at dumiretso nang tingin sa monitor. Pagkatapos ay bumuntong hininga at muling sinuklay ang buhok. "Then? What happened?"
"Hinahanap ka niya..and he said he wanted to be with us."
She twitched her lip. "Why? Ano raw meron?" she asked sarcastically.
Pinipilit niyang control-in ang sarili pero hindi niya mapigilan ang makaramdam ng galit para sa ama. Seven years old pa lang siya nang umalis ito at masaksihan ang pagmamakaawa ng Mama niya na 'wag silang iwan. Halos lumuhod ang Mama niya sa harapan nito at ilang beses humingi ng tawad at nakiusap na h'wag hayaan na masira ang pamilya nila. Kahit para na lang sana sa kanya pero naging bingi ito sa pakiusap ng Mama niya at tuluyan pa rin silang iniwan.
Hanggang sa nalaman na lang nila na umalis ito patungong France at doon nanirahan. At iyon na ang huling balita nila tungkol dito bukod sa regular na sustento nito sa kanya.
"Anak, can you give your father another chance?"
Napakurap-kurap siya at mariing pinaglapat ang mga labi. She can still see the longings in her eyes. Kahit ilang taon pa ang lumipas ay hindi yata mawawala ang pagmamahal ng Mama niya para sa dating asawa which she can hardly believe.
Dati ay naniniwala pa siya sa true love kahit pa nasaksihan niya ang desperasyon sa kanyang ina nang iwan ng Papa niya at kahit pa naramdaman rin niya kung gaano kasakit ang magmahal sa unang pagkakataon pero ngayon ay unti-unti niyang nare-realize na hindi talaga lahat ng tao ay binibigyan ng pagkakataon na matagpuan ang taong totoong magmamahal sa kanila at kasali sila sa mga iyon.
They can give love to the fullest, siya, ang Mama niya at ang pinsan niyang namayapa. But what do they get in return? Pare-pareho silang iniwan ng mga lalaking sobra nilang minahal.
At kung siya ang tatanungin, ayaw na niyang makasama pa ang Papa niya. Sa loob ng fifteen years ay wala ito sa tabi nila at maayos naman siyang naitaguyod ng Mama niya at naging masaya rin naman sila kaya hindi na niya kailangan pa ng isang ama lalo na ngayon na maayos naman ang buhay nilang mag-ina at kuntento na buhay na meron sila.
Pero hindi niya pwedeng saklawan ang desisyon ng Mama niya. Anak lang siya at kung anuman ang desisyon nito ay wala siyang magagawa.
She heaved a deep breath. Hindi niya diretsahang sinagot ang tanong nito. And she doesn't want to give her an uncertain decision.
Hindi na rin siya nagtanong pa kung anong dahilan sa biglang pagbalik nito pagkatapos ng mahabang panahon. Mukha naman kasi na kahit ano pa ang dahilan noon ay bukas pa rin ang mga kamay ng Mama niya para tanggapin ito.
Ngayon ay gusto niyang pagsisihan na nag-request pa siya na magpalipat sa Manila. Kung napaaga lang sana ang pagbalik ng Papa niya sa bansa at kung alam niya mangyayari ito ay dito na lang siya mananatiling magtrabaho. But she had no choice. Ayaw man niyang harapin ang ama sa ngayon ay alam niyang hindi maaari.
--
Maayos na natapos ang huling araw niya sa kumpanya. Nagkaroon ng simpleng farewell party ang buong HR department. Kahit papaano ay naging malapit din sa kanya ang mga kasamahan kahit ilang buwan lang niyang nakasama ang mga ito. Karamihan kasi rito ay mga pinoy din maging sa ibang mga departamento.
Isa na rito si Ava na pinaka-close friend niya mula sa engineering department. Pero nauna na itong napalipat sa Manila branch nila at muli niyang makakasama roon.
They were having fun nang dumating ang chairman ng kumpanya. Lahat sila ay napatigil sa ginagawa at kinabahan na baka magalit ito kahit pa tapos na ang oras ng kanilang trabaho.
Pero nakisalumuha pa ito sa kanila. Behind his domeeniring and powerful aura ay marunong itong makisalamuha sa mga empleyado without resistance and is real and not only to show off. Na maging ang mga kasamahan niya ay alam niyang tulad niya ay lihim na humahanga rito.
Halos lahat sila ay ngayon lang nakita ng personal at nakasalamuha ang Chairman na balita nila ay malapit nang mag-retire at ipapamahala na sa nag-iisang anak ang lahat ng negosyo nito sa susunod na taon.
Nasa retiring age naman na raw ito pero hindi pa halata dahil makisig pa rin ang pangangatawan at mababanaag pa rin ang ka-gwapuhan sa mukha nito. Kung pagba-base-han ang tindig at hitsura nito ay mukha lang itong nasa early fifties.
Nagpasalamat pa ito sa serbisyo niya at winelcome rin sa paglipat niya sa Manila. Which she appreciated most dahil isa lang siyang rank and file employee and rookie but talking with the CEO hand in hand, para na rin siyang na-star struck, well, considering his looks na hindi naman nalalayo sa mga batikang actor sa showbiz.
Pagkalipas ng halos kalahating oras ay nagpaalam na rin ito. Ipinagpatuloy naman nila ang kasiyahan at halos gabi na rin nang sila'y matapos.
Ang planong niya sana na surpresahin ang ina ay hindi na niya itinuloy. Lalo na nang ibinalita nito na madalas ay nasa kanilang bahay ang Papa niya.
Sa halip ay ginugol na lang niya ang ilang linggo na pamamasyal sa mga karatig bansa. Marami naman siyang ipon. Katunayan ay kahit hindi siya mag-trabaho ay hindi pa rin magbabago ang lifestyle na nakasanayan niya at mabibili pa rin niya ang mga gusto niya.
Dahil bukod sa nakakangat din sa buhay ang pamilya ng Mama niya ay hindi naman naputol ang sustento nilang mag-ina mula sa Papa niya sa loob ng fifteen years. Bukod pa sa savings na iniwan nito para sa kanya. Sa puntong 'yon masasabi niyang responsable itong ama pero bukod sa pinansyal ay wala na itong naging suporta sa kanila kahit ang katiting na pagmamahal ay hindi niya naramdaman mula rito.
Meron na rin siyang sariling condo na regalo sa kanya nito nang magtapos siya sa kolehiyo. Pero ipinaabot lang ito sa katiwala na lalong ikinasama ng loob niya dahil hindi man lang nito nagawang pumunta sa graduation niya kahit ang sumilip man lang o magbigay ng kahit na anong mensahe. Ano pa nga ang aasahan niya mula rito? Sa dami ng mahahalagang okasyon na dumaan sa buhay niya ay kahit anino nito ay hindi man lang niya nakita.
Kaya sa halip na matuwa sa regalo ay pinaupahan na lang niya ito at kahit kailan ay hindi pa niya nagawang silipin man lang ang unit. Ni hindi niya alam kung sino ang nangungupahan dito basta nasusunod ng tenant ang rules niya ay walang problema sa kanya. At bahala na roon ang property manager ng Mama niya.
She most enjoyed her stay in Bangkok. Marami rin siyang nakilala roon at kahit papaano ay naging kaibigan kaya ang apat na araw na plano ay humigit ng isang linggo.
She was mesmerized by the beautiful surroundings of the Buddhist temple at sunod sa itinerary niya ang Grand Palace na ayon sa mga nakasalamuha niyang turista ay pinakasikat at pinakamagandang tourist spot doon. Actually, marami pa ang nasa bucketlist niya at plano niya na sagarin ang bakasyon.
Kinuha niyang muli ang camera and she was about to take her last shot on the temple nang mag-ring ang telepono niya.
Hindi niya muna sinagot iyon dahil alam na niya ang sasabihin ng tumatawag. Sa halip ay hinintay niyang tumunog ang message alert at 'yon na lang ang babasahin niya. And she was right, the message came from her Mom at minamadali na siyang umuwi. Another chat popped up, it was from her Ninang Abigail na nagtatanong na rin kung kailan siya uuwi. She helplessly shrugged.
Ilang beses ba sa isang araw siya nakakatanggap ng mensahe mula sa dalawang 'yon only to ask the same question at kung hindi man ay ang sermon ng Mama niya ang mababasa niya.