CHAPTER 2

3259 Words
❧ ❧ ❧   DHIENA's POV Sinuklay ko ang mahaba at itim na itim kong buhok, hinayaan kong nakalugay ito para mabilis na matuyo. Sinuot ang sandals ko at sinukbit ang tote bag ko sa aking balikat, chineck ko muna ito kung nasa loob na ba lahat ng gamit ko. 'Yung efficascent oil, vicks vaporub at iba pang ointment collection ko, hinalungkat ko rin kung nasa loob na ba ang reading glass ko at ang cardigan ko. Hello, malamig sa loob ng office kailangan safe ako sa sakit lalo na't hindi lang ang sarili ko ang kailangan kong ingatan ngayon. Pagbukas ko nang pintuan ay nakita ko si Ann at Bless na papalabas na rin ng unit nila, sabay-sabay kaming sumakay ng elevator at pumara ng jeep papuntang train station. "Kakaloka ang aga nila tayong pinapasok today," reklamo ni Bless habang umiinum ng kape sa jeep. "True, syempre CEO Inauguration today. Need natin mag ayos ng office at maging presentable sa mata ng bagong CEO." Tumango ako at medyo kinakabahan, bakit kasi now pa siya lilipat ng branch kung kailan mapo-promote na ko at may baby akong dinadala ngayon. "Lalo tuloy akong mahihirapan magpasikat sa admin at kay Ma'am Jen." Banggit ko dahil si Ma'am Jen ang head ng admin na mag che-check ng performance ko sa office. "Kaya mo 'yan basta hindi ka lang mahahalata, buti nga hindi ka ganoong ka sensitive magbuntis." Sabi ni Bless at panay naman ang hikab ni Ann, halatang nagpuyatan na naman sila ni Karl kaya lalong lumalaki ang eyebags ng best friend ko eh. "Hapon pa naman darating 'yung bagong chief natin at ililibre daw tayo sa samgyupsal, gusto mo 'yun? Gusto ko 'yun!" Tumawa kami at masayang sumangayon kay Bless, syempre libre na hapunan namin mamaya edi kahit papano makakatipid pa kami. Sumakay kami ng train at ilang minuto lang ay nasa office na kami, inilapag ko sa desk ko ang gamit ko at naglinis saglit ng table ko. "Ayusin mo maigi dapat walang alikabok," rinig kong usapan ng mga katabi ko. "May OCD daw 'yung bagong director natin kaya need malinis at maayos ang mga gamit." Kumuha ako ng wipes at kinuskos maigi ‘yung desk ko. Kakaloka naman, kaya siguro wala siyang jowa dahil sa pagiging istrikto at OCD niya. Umupo ako pagtapos ko linisin ang table at mga gamit ko, tinapon ko na rin ang mga basura sa ilalim ng desk ko at nag spray ng alcohol sa tabi ko. "Baka naman kulang pa 'to ah," biro ko sa mga katabi ko at nang hingi pa nga ng alcohol. "Kinakabahan tuloy ako," banggit ni ate Corine isa sa mga team leader namin sa design center. "Bakit naman? Super nakakatakot ba?" Lumapit siya sa'kin at pati ang katabi kong si Nestle ay nakinig na rin. "Bulong bulungan kasi dito na, famous daw ito sa dating company branch niya at kaya siya nilagay dito kasi nga pabagsak na ang branch natin, sa sobrang galing niya raw kahit na maliit na negosyo na papalago nito," lumingat lingat siya sa paligid at bumulong ulit. "Kaso super perfectionist daw ng lalaking ito, at sa sobrang perfectionist niya wala siyang mahanap na babaeng papakasalan niya. Ilang blind dates na daw ang pumalpak dahil hindi niya bet ang mga babaeng anak ng mayayamang kanegosyo ng tatay at lolo niya." Napalunok ako baka mairita sa'kin ang boss ko pag nakasabay ko lang siya sa elevator. "Ito pa, may narinig rin ako sa batch one kanina," bulong ni Nestle at siya naman ang pinakinggan namin ni ate Corine. "Galit daw ang bagong boss natin sa mga office affair and relationship, ayaw niya sa mga sinungaling kaya kung may kasalanan ka mas okay na sabihin mo agad kung ayaw mo matanggalan ng trabaho." Omg, ang saklap naman ng bagong boss namin, parang mas bet ko na si Sir Hanns na tamang hipo lang sa pwet ng magagandang co-worker ko. Syempre joke lang ayoko rin na may manyakis so office. "Kaya siguro wala siyang girl friend kasi workaholic siya at ayaw ng sinungaling." Sumangayon silang dalawa sa'kin. "Feeling ko rin, isipin mo malate ka lang ng ilang minuto sa date niyo galit na siya tapos bawal kang toyoin kasi mas totoyoin siya, or toyoin daw talaga." Napatakip ako ng bibig. "Sayang naman gwapo pa naman daw." Bulong ko at tumango sila ng sabay. "Nako pasalamat na lang talaga siya at gwapo siya kung hindi baka lahat ng tao ay sinumpa na siya. Ayokong maging secretary niya." Napatawa ako, at napatingin sa table ni Liam. Isa siya sa mga ka-work mate ko na napromote dahil sa sipag niya at halos lahat ng problema sa office ay kaya niyang sulusyonan. Parang mas may dulot pa siya kay sir Hanns noon kaya naman siya na ang magiging secretary ng bagong boss namin ngayon. "Si sir Liam lang ang makakatapat sa OCD ng bagong boss natin." Banggit ko at tumango sila, lahat kami ay nakatingin kay Liam na hinahalo ang kape niya. Tumingin din siya samin ay kumaway, aww ang puso ko parang matutunaw! Gwapo kasi 'yan si sir Liam bata lang sa'kin ng dalawang taon pero kung hindi ko na kilala si Kenneth baka mas devoted ako sa lalaking ito. Pero syempre kalma lang bata 'yan eh. "Ang cute talaga ni Liam, nako kung hindi lang mas bata sa'kin baka nag fan girling na rin ako sa batang iyan." Sabi ni Nestle na mas matanda sa'kin ng dalawang taon at si ate Corine naman na matanda sa'kin ng limang taon. "Sinabi mo pa, ano pang mahihiling mo kay Liam gwapo na nga matalino pa at idagdag mo pa 'yung katangian niya na super sweet sa mga ate niya." Wala akong na gawa kung hindi sumangayon kasi totoo naman na magalang at sweet siya saming lahat. Mapalalaki o babae ata na gugustuhan ang ugali niya at nagiging friend niya, marami na rin ang nagtangka umamin sa kaniya pero tinanggihan niya. Pareho sila ng bagong boss ah, ano bang problema sa mga magagwapong lalaki ngayon? Bakit parang ang pihikan naman masyado! "Anong pinagbubulungan niyo d'yan?" Hinampas ko si ate Corine at siya ang sumagot, busy kasi kami sa kakangiti kay Liam. "Ah 'yung anghel ng design department," banggit niya at nagsihagikhikan kami na parang kinikilig kasi tinuturo kami ni Liam. "Ha? Ano 'yun baby boy?" Tanong ko sa kaniya ng mahinang boses kasi may tinuturo siya at mukha siyang nag aalala saming tatlo. "Aww mukhang nag aalala ang baby Liam namin, ha? Ano 'yun?" Tanong din ni Nestle at patawa tawa ng mahinhin. "Gurl hindi bagay sayo 'yan, wag ka magpabebe. 'Di ba baby boy?" Tanong ko sa kaniya at na sapo niya ang noo niya. "Sinong baby boy niyo?" Tanong ni Ma'am Jen at sumagot si ate Corine. "Edi syempre si Liam lang naman! Hindi mo ba nakikita ang sarap titigan ng batang iyan tuwing umaga!" Tumawa silang dalawa pero ako parang namamawis na nung na pagtanto ko kung kaninong boses 'yun. "Ah ganoon ba? Gusto niyong tignan na lang siya buong araw?" Napayuko na ko at sabay-sabay kaming lumingon sa babaeng nakapamewang sa likod namin. "Oh mahabangin!" Sabi ni Nestle at napatakip na lang ng mukha si ate Corine habang ako nakayuko lang at hiyang hiya sa mga pinagsasabi ko. "Lahat kayo minus three points sa performance niyo, ayos ba 'yun?" Hindi na kami nakaimik at na rinig kong patagong tumatawa ang mga kawork mate namin saming tatlo. "Nice one umagang umaga." Bulong ni Ann na napadaan sa gilid ko habang nakatalikod si Ma'am Jen at sinisermunan kami. "This day na ang inauguration ng bagong CEO ng company natin, ayokong makakita or makarinig ng balita na ikakahiya ng buong branch natin, nagkakaintindihan ba tayo? Tama na 'yung napahiya tayo sa issue ni sir Hanns at wag niyo nang dagdagan gamit ang mga tsimosa niyong bibig." Sabay-sabay kaming tumungo sa kaniya at naglakad na siya pabalik ng office niya. Nakita ko si Ann na pabalik sa table niya sabay abot sa'kin ng kape. "Gaga ka, umagang umaga minus points ka hahahah," napasimangot na lang ako at kinuha ang kape na tinimpla niya. "Ate Dhiena, ayos lang 'yan alam kong mababawi mo agad ang points mo." Sabi ni Liam habang tinutulak ang upuan niya palapit samin. "Awww thank you baby boy." Sabi ko sa kaniya at iniwasan mang gigil sa mukha niya. Sana paglihihan ko ang batang ito para naman gwapo ang anak ko kung maging lalaki. "Hehehe, isang pat naman sa ulo ko." Ganiyan ang gawain niya, para siyang corgi 'yung cute at hindi na laking aso hahahaha. Ginulo ko ang buhok niya at ang lambot nito, hindi ako magsasawang guluhin 'to. "Hay nako lagi mo binibaby si Liam eh two years lang naman ang pagitan niyo, dapat sa'kin ka nag papababy Liam!" Sabi ni Nestle at tumawa kaming lima. "Hahaha nako kung hindi lang talaga bata sa'kin 'to jinowa ko na 'to," binatukan ako ni Ann dahil hindi ko na pala na sasala ang mga sinasabi ko. "Charot lang 'yun Liam ah." Sabi ko sabay kamot ng ulo ko. "Hay nako, makabalik na nga sa pwesto ko. Isoli mo 'yung baso sa pantry beb ah." Sabi ni Ann at kumaway na ko sa kaniya. Bumitaw na rin ako sa pang gugulo sa buhok ni Liam at binuksan 'yung computer ko. "Bumalik ka na doon at baka mahawa ka pa sa kamalasan ng team namin." Sumangayon si ate Corine at Nestle sa'kin at tinaboy si Liam. "Mag trabaho ka na rin at last design mo na 'yan bilang graphic artis, dahil magiging secretary kana." Sabi naman ni Nestle at tumawa ako. "Parang mamatay na si Liam sa paalala mo ah, grabe ba talaga ang boss natin?" Na tawa na rin si Liam. "Mabait naman si Zion." Napalingon kami sa kaniya nang sabay-sabay, mga dakilang tsimosa na nakarinig ng hot topic. "Zion ang name niya? Mamaya pa siya ipapakilala ah saka bakit walang sir? Close ba kayo?" Na iintriga na rin ako at saktong sakto ang tanong ni ate Corine sa tumatakbo sa isip ko. "Ah, sa totoo lang pinsan ko siya." Napasinghap kaming tatlo. "Omg," napahawak ako sa bibig ko, nakakahiya baka na rinig niya 'yung tsimisan namin kanina tungkol sa pinsan niya. "Akala namin matanda na siya?" Umiling si Liam at nagcross arm sa harap namin. Mahina siyang nagkwento at parang nakahanap kami ng bago naming kumare sa tindahan ni aling Celi. "Actually twenty nine lang siya at same kayo ng age ate Nestle," napatakip ng bibig si Nestle na akala mo naman eh nakakagulat 'yung balita. "OA 'yung reaction mo ulitin mo." Sabi ko at uto-uto niyang inulit 'yung react niya. "Hu? Ow twenty nine lang siya?" Pagkukunwari niya at tumawa kami, para kaming walang trabaho na inaatupag ngayong araw. "Yep, cousin ko siya sa mother side at close ko kaya hindi ko ganong ginagalang hahahah," siraulo rin 'tong si Liam eh, hindi niya ba alam 'yung close niyang pinsan ang nagbibigay kaba samin ngayon. "Kaya siguro ikaw na rin ang pinili ng admin para maging secretary kahit na pwede ka naman maging director sa design department." Tumango siya. "Mahirap kasi pakisamahan si Zion at medyo perfectionist talaga." Sumangayon na lang kami sa kaniya. "Osya babalik na ako sa pagtatrabaho." Banggit ni Liam at tumango kami saka humarap sa mga computer namin ngunit hindi pa rin gumagalaw ang mga kamay namin. "May project ba tayo ngayon?" Tanong ko sa team leader namin na si ate Corine, three man team kasi ito bawat group at kaming mga tsimosa ang nasa dulo ng office kaya medyo maingay talaga kami kasi tago. "Na pasa na natin 'yung isang design for facial wash 'di ba? Wait na lang natin if may revision." Tumango kaming dalawa ni Nestle. Ito ang problema sa office minsan, pag wala kang ginagawa nakakatamad at parang sayang sa oras pero once na bigyan kayo ng project, sobrang dami naman at kailangan niyo pa ipasa iyon sa isang araw. Irurush ka ng bongga saka mo lang maiisip 'yung mga oras na katulad nito na ginugugol mo sa pagkakatulala. "Dhie, 'yung kape mo malamig na." "Ay oo nga," agad kong hinigop 'yung kape na tinimpla ni Ann for me, lately lagi na lang akong tulala dahil sa mga problema ko. Kaya ayoko ng walang ginagawa or wala akong kausap, pumapasok lahat sa utak ko 'yung mga iniisip kong problema. Tumayo ako para hugasan 'yung baso ng kape at pumunta ng pantry, sinabon ko ito at tinaob sa tauban ng baso. "Ate Dhiena," "Ay pepay!" muntikan na kong makunan sa pagkagulat ko. Hawak ko ang dibdib ko at kinalma ang sarili ko. "Hahaha sorry kung na gulat kita," banggit niya at kinamot ko ang ulo ko sabay tawa. "Hahaha wala 'yun, anong need mo Liam?" Tanong ko at ngumiti lang siya sabay iling. "Wala lang na pansin ko lang na parang nagiging blooming ka." Hinampas ko siya ng hanina sabay hagikhik. "Luh 'to naman, thank you." Sabi ko at tumawa siya sabay hugas na rin ng baso niya. "Hahaha walang biro lalo kang gumaganda," napatigil ako sa pagtawa ko at pagbibiro nang banggitin niya iyon ng malambing at nakangiti. Tinaob niya ang baso at nag lean sa harap ko, katapat ko ang mukha niya at tumitig lang siya sa mga mata ko. "Hehehe Dhiena," banggit niya ng nakakaloko sa harap ko sabay ngiti. Kitang kita ko ang maganda niyang mga ngipin na mas maputi pa sa budhi ko, at ang mga mata niyang na niningkit pagtumatawa siya. Matangkad sa'kin si Liam dahil binata naman na talaga siya at may magandang mukha at hubog ng katawan. Tinapik niya ang balikat ko at iniwan na ko sa pantry, iniling ko ang ulo ko ng mabalik ako sa ulirat. Feeling ko pinagnasaan ko 'yung bata sa mga segundong iyon. Pano ba naman tinawag niya lang akong Dhiena, wala man lang ate katulad ng tawag niya tuwing nasa harap kami ng iba naming ka officemate. "Delikado ang batang iyon mukhang play boy." Inayos ko ang sarili ko at bumalik sa pwesto ko, hinalungkat ko 'yung cardigan ko sa bag at sinuot ito. Nilamig ako pagtapos ko mag hugas ng kamay kaya buti na lang ready ako palagi sa lamig. Well ano pang maasahan mo sa tita's bag? Lahat ng kailangan mo and'yan na kahit medical kit o tyinelas pa ang hanap mo nasa loob ng bag ng tita! Feeling ko talaga tita's na ko, sabagay 'yung age ko naman talaga ay pang tita's na kaso paglipas ng nine months mom na ko hindi na tita. Napatingin ako sa tyan ko ngayon, ano kayang sasabihin ng mga ka office mate ko pag na laman nilang buntis ako? Itong dalawang kagroup ko malakas mang-asar 'to eh pero alam ko naman hindi nila ako iju-judge pero 'yung iba? Pano na? Lalo na't mapo-promote na ko! Wag naman sanang masabutahe 'yung taon na pinaghihirapan ko para makuha ang posisyon na gusto ko sa trabaho. "Team Corine," napaangat ang ulo naming tatlo at nakita ang department head namin sa unahan. May hawak itong mga plano at iyan, may project na naman kami for this week. Sana madali lang medyo tamad ako ngayong araw eh. Mabilis na tapos ang araw ngayon at lahat kami kabado na dahil paparating na ang bagong CEO ng branch namin. Nakita namin sila sir na natataranta at si Ma'am Jen na may kausap sa telepono. "Guys! Dumaretsyo na raw tayo sa venue," pag a-announce ni ma'am Jen. "Luh naglinis pa tayo," bulong ko habang inaayos ang gamit ko sa loob ng bag. "Ayos lang 'yan, bukas sure akong mag che-check 'yun." Sabi ni Ann na sinusundo ako sa pwesto ko. "Mga bess tara sabay tayo." Aya naman ni Bless na kakalabas lang sa department nila. Nasa seven and six floor kasi ang mga design department at eight naman ang mga admin. Nasa seventh floor kami kaya isang baba lang ng elevator magkikita na naman kaming tatlo. "Osige wait, ate Corin, Nestle una na kaming bumaba." Kumaway silang dalawa sa'kin at na una na kaming lumabas ng company. "Buti na lang at maaga tayong pinalabas, rekta na tayo sa resto." Excited na sabi ni Bless. "Taray no, nirentahan niya 'yung buong korean resto?" Tumango si Bless at lumabas na kami pagkatunog ng elevator. Nakita namin ang iba pa naming ka office mate na papunta na rin sa reception. Excited na kong kumain at punuin ang tyan ko ng beef barbecue! Sumakay kami ng taxi at ibinaba kami sa harap ng isang mamahaling korean resto, nagsisikuhan kami ni Ann dahil ito 'yung nakikita namin sa mga my day ng artistang pina-follow namin sa i********:. "Gad, hindi ba five star restaurant 'to?" Tanong ni Ann kay Bless na siyang nakakalam. "Oo ako nag book nito kaya gamit na gamit natin ang pera ng company ngayon wahahaha!" Tumawa siya ng malakas na parang kontrabida sa isang nobela. "Ang galing mo talaga bess! Ang utak mo! Matagal ko nang gusto kumain dito! Sabi nila ang beef daw dito ay sobrang lambot at hindi puro gatil, hindi katulad sa ibang korean samgyup!" Sabi ni Ann at tumango tango ako at nagpipindot sa cellphone ko, nag search ako tungkol dito at nakita ko ang mga picture ng mga sikat na artista na kumakain sa five star resto na ito. "Hulog ka ng langit Blesshang!" Excited kaming pumasok sa loob at nakita namin ang iba naming katrabaho na naghahanap na ng magandang pwesto sa loob kaya hindi kami nag atubiling pumasok na rin sa loob. Umupo kami sa tabi ng malaking bintana sa second floor ng resto, malapit kami sa upuan ng magiging bagong boss namin na hindi pa dumadating. "Ang tagal naman ng bagong director, gusto ko na buksan 'yung stove at magprito na ng baka." Naglalaway kong sabi habang nilalaro 'yung chopstick ko. "Wait ka lang maaga pa naman." Tumingin ako sa relo ko at wala pa ngang ala syete ng gabi. "Wait iyan na 'yung mga side dishes," inalis namin ang mga gamit naming nakapatong sa table at sinalansan na nila ang mga side dishes sa samgyupsal. Naglaway ako at sumundot ng isang pipino sa harap ko. "Hoy mamaya na picturan na muna natin." Binitawan ko 'yung chopstick at inayos 'yung itsura ng mga putahe sa ibabaw ng mesa. Dumating na rin ang main dishes na premium beef na minarinate sa iba't ibang sauce. Gusto ko na agad buksan ang stove at magprito pero mahigpit kaming binalaan na intayin ang pagdating ng director. Nakita ko sila ate Corine sa kabilang table na gigil na gigil na ring painitin 'yung stove at naglalaway na matikman ang premium beef. "Shuta bakit ba ang tagal ng director," reklamo ko at tinignan ang orasan ko. "Guys! Medyo malalate daw ng fifteen minutes ang director," announcement ni ma'am Jen at parang lahat kami ay iisa ang nireact. "Hayssss," sabay-sabay naming sabi at nagtawanan din dahil umeko sa buong restaurant ang hinaing ng mga gutom na empleyado. "Pero sabi ng director pwede na raw tayo mag umpisa kumain." At halos lahat kami ay sumigaw ng yehey! Nagtinginan ang mga staff sa amin at mukhang nagtataka. "Mukha ba kaming mga patay gutom?" Tanong ko kay kuya na inaayos 'yung stove namin, tumawa lang siya at umiling. Kunwari ka pa halata naman sa mukha mong na wiwirduhan ka samin. "Okay na po ma'am pwede na kayo mag prito, ingat lang po and pwede niyo po akong tawagin if may need pa kayo, just press that button lang po." Tinuro niya 'yung pindutan sa gilid ng pader at na amaze kami, para kaming mga taong bundok. Hindi na namin siya inintindi at nagsimula na maglapag ng mga meat sa stove, amoy pa lang heaven na pwede ko nang gawing air freshener ito sa unit ko eh. Inihanda ko ang lettuce at inilagay ang iba't ibang side dishes doon na gusto ko lang, then syempre 'yung mainit init na beef na sinawsaw ko sa tunaw na keso. Binalot ko ito at binuksan ng malaki ang bibig ko. "Guys welcome the new CEO of Facial Republic." Napalingon ako kay ma'am Jen na inaaya kaming tumayo at nang pumasok ang lalaking naka black suit at brush up na buhok ay dumoble ang pag nganga ko. "Ang tatay ng anak ko." Bulong ko at sabay na lumingon si Bless at Ann sa'kin ng may gulat sa mukha. "Ano!?" Sabay nilang tanong sa'kin at gulat na gulat. Nabitawan ko ang pinaka iniintay kong samgyupsal at na hulog 'to sa sahig. Ang premium beef ko. To be continued 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD