❧ ❧ ❧
DHIENA's POV
Hindi ko alam bakit otomatikong yumuko ang ulo ko, tinago ko ang mukha ko at rinig na rinig ko ang palakpakan ng mga tao sakabay ng pagkakatanta ng mga best friend ko.
"P@ta&$;na ka? Totoo ba?" Nanlaki ang mata ko kay Ann dahil hindi niya na maiwasan magmura ng malutong sa harap ko kahit na pabulong.
Hindi ako sumagot at tinango na lang ang ulo ko sa kanila, na tataranta sila dahil palapit na ng palapit samin 'yung bagong CEO branch namin.
Minamalas ka nga naman talaga, talagang umupo pa kami malapit sa pwesto nila, parang tatlong table lang ang pagitan naming dalawa.
"Anong gagawin natin beb!" Natataranta si Ann at halatang halata siya pagkinakabahan kaya kinurot siya ni Bless at pinanlakihan ng mata.
"Kalma! Kalma!" Banggit nito at hinila ako papuntang restroom ng restaurant, pinatay ni Ann 'yung stove at agad na iinuha 'yung bag ko.
Hindi ko naman alam bakit tila nangangatog ang tuhod ko at nahihirapan maglakad dahil sa kaba.
"Bess na susuka ako," banggit ko sa kanila at tinanong ni Bless kung saan ang restroom.
Agad naman tinuro nung staff kung saan at mabilis kaming nagtago tatlo doon, pinaupo nila sa isang cubicle at sinara iyon.
Para kaming timang na nagsisiksikan sa loob at lahat kami parang krimenal na nakakita ng pulis.
"Wala naman sigurong tao no? Pero bago muna natin pag-usapan lagyan na lang natin ng code name para walang makahalata kahit marinig nila." Tumango kaming dalawa ni Ann kay Bless, ganito kami mag usap tatlo lalo na pag may bagay kaming tinatago.
Elementary pa lang kami nagbibigay na kami ng code name sa kaaway o pinag uusapan namin at ang na pili kong itatawag sa kaniya ay—
"ONS," banggit ko at nagtaka si Ann.
"Bakit ONS?" Si Bless ang sumagot dahil alam niya na agad.
"One night stand," bulong niya at napa,
"Owww," na lang si Ann.
Nagtinginan kaming tatlo at kinalma ang isa't isa. Unang nagsalita si Bless at agad na nagtanong ng mga bagay tungkol kay ONS.
"Pano mo na sabi na siya 'yun? Nakita mo ba ng maayos ang mukha ni ONS?" Tumango ako.
"Oo bess, nakakwentuhan ko siya bago may er— alam niyo na." Napayuko ako at na sapo na lang ni Ann ang noo niya.
"Beb pano na ang premium beef? Pagbumalik ka doon malamang maalala ka niya kung sabi mo eh nagkausap pa kayo." Naiiyak na rin ako dahil sa premium beef.
"Oo, nagkwentuhan kaming dalawa at sabay kaming na lasing, madami na kong na kwento sa kaniya at for sure kung gano ko naalala ang mukha niya ay ganun din siya sa'kin." Nagbuntong hininga kaming tatlo.
"Nakalight's on kayo bess?" Tanong ni Bless at tumango ako.
"Nakita mo katawan niya?" Tumango ulit ako.
"Oo, 'yung maputi at sexy niyang katawan. Favorite part ko doon 'yung V line pababa sa pants niya." Napahawak sila sa kanilang bibig.
"Omg tell us more, hindi pa pala natin 'to na pagkukwentuhan." Sumangayon ako.
"Base naman sa nakikita niyo kay ONS yummy talaga siya? Kita niyo 'yung broad shoulders niya? Kung pano humulma 'yung coat niya sa balikat niya right? Then 'yung pak na pak na pwet niya? Bess malaki pa sa future ko 'yun." Nag ningning ang mga mata nila, well manyak kaming tatlo pagkami lang.
"Sesh, ikaw na! ang sarap naman ng gabi mo kung ganoon ang ka ONS mo." Hindi ko na tinanggi sa kanila na iyon na ang pinaka exciting at memorable na gabi sa'kin.
"Nakailang round kayo?" Bulong ni Bless sa'kin at ngumisi ako.
"Hindi ko na mabilang." Napahawak sila sa bibig nila at kinikilig na pinaghahampas ako.
"Hello? may tao ba d'yan?" Bigla kaming na tahimik at nagkatinginang tatlo.
"Ah yes, nagsusukat lang ng damit." Palusot ko at na rinig namin ang paglakad niya palabas.
"Umalis na?" Bulong ni Ann at sumilip saglit si Bless sa pinto sabay sara nito.
"Oo safe na, so kwento ka na ulit." Sabi niya at hinampas siya ni Ann.
"Gaga nakakalimutan na natin 'yung problema saka 'yung premium beef." Na balik kami sa problema at sabay-sabay na nagbuntong hininga.
Ilang buntong hininga na ba ang ginawa naming tatlo ng sabay-sabay?
"Ganito na lang bess, act normal. Isang CEO 'yung nakabuntis sayo and alam mo naman sa mga drama hindi ba, ayaw nila ng issue kaya kakausapin ka niya in private niyan depende na lang kung ikaw 'yung mag iiskandalo na hindi mo naman gagawin dahil sa promotion mo at wala ka namang habol sa tatay niyang anak mo." Tumango ako, may point si Bless. Isang kilalang tao at may pangalan na iniingatan ang lalaking iyon, for sure hahayaan niya na lang ako or baka nga hindi niya pa ko bigyan ng atensyon.
"Isipin mo na lang, baka naman marami na rin siyang naka ONS hindi lang ikaw, ibig sabihin mahihirapan na siyang matandaan 'yung mukha mo lalo na ngayon na isang buwan na ang nakakalipas." Sagot naman ni Ann at sumangayon kaming dalawa.
"So ang plano is act normal, kunwari walang nangyari right?" Tumango sila.
"Mag enjoy na lang tayo sa premium beef at kunwari hindi mo siya kilala, one in a million chance na lang kung lapitan ka niya." Sabagay totoo naman, alanganin naman na matandaan niya pa ko sa isang gabing iyon.
"Mag make-up ka na lang bess para hindi ka rin niya gano mahalata." Nilabas niya ang make-up kit niya sa bag at hinila ako palabas ng cubicle.
"Buti na lang at lagi akong handa," sabi ni Bless dahil isa siyang beauty vlogger at mahilig mag make-up.
Dahil sa simple lang ako pumorma hindi ako sanay sa koloreta sa mukha ko, sinabi ko na simplehan lang at ayusin 'yung hindi makatawag pansin pero maiiba pa rin ang itsura ko sa dati kong mukha.
Kaya naman nilagyan niya ko ng light eye shadow 'yung mga neutral color lang na parang autumn ang theme then lip tint at nilugay nila ang buhok ko.
"Hala beb ipusod mo na lang," banggit ko dahil nung gabing iyon ay nakalugay din ako.
"Sige tapos isuot mo 'yung cardigan mo at reading glasses mo." Sabi ni Ann at sinunod ko naman iyon.
Mukha naman akong tao sa ginawa nila at mas feeling ko nga gumanda pa ko.
"Girl bet ko 'to make-upan mo ko every day." Tumawa siya at tinaas ang eye palette niya
"Bili mo muna ako ng etude house palette," inirapan ko siya.
"Wag na nga okay nang mahal kita." Tumawa siya at na unang lumabas si Ann.
Kalmado naman akong naglakad palabas ng restroom at kunwari wala kaming ginawang kababalaghan sa loob nun.
Masaya silang nagkukwentuhan at mukhang tapos na rin magsalita si ONS.
Marahan akong umupo at binuksan ulit 'yung stove, buti naman walang nakapansin samin dahil lahat sila ay busy kumain.
"Pinagpapawisan ako kahit naka-aircon," sabay pay-pay ko ng kamay ko.
"Nakacardigan ka pa kasi," sabi ni Bless at hinarang naman siya ni Ann.
"Para kunware mukhang tita's na tita's." Hinanap ko 'yung na hulog kong pagkain kanina at mukhang na ligpit na nila ito.
Nagprito ako ng beef at patagong tumitingin sa kaniya, tahimik lang siyang nakaupo doon sa unahan kasama ang ibang board member ng company.
Umiinum din sila at mukhang tuwang tuwa ang mga boss namin sa bagong director na na-assign sa company namin.
Uminom siya ng soju at at kitang kita ko ang paglagok niya, gad 'yung adam's apple niya.
"Beb alam mo, mahahalata ka niyan." Napalingon ako at hindi ko na mamalayan na tulala na pala ako sa director namin.
"Hindi lang ako makapaniwala," sabi ko at napatingin sa tiyan ko.
Inagaw ni Ann 'yung hawak kong tong at siya na ang nagbaliktad sa mga beef na halos masunog na dahil pagkatulala ko.
"Alam mo bess, kung gusto mo sabihin sa kaniya pwede naman." Kumuha ako ng isang luto na at nilagay ito sa ibabaw ng lettuce.
"Isipin mo, pwede ka niyang sustentuhan sa anak niyo ang problema lang hindi natin alam if maniniwala ba siya na kaniya 'yan." Sinubo ko ng buo 'yung samgyupsal at nginuya ito.
"Ayos na naman sa'kin na ako na lang magpalaki nito. Kesa naman sa mapahiya pa ko pag itinanggi niya tapos mawalan ng trabaho." Hindi ko alam bakit parang kahit sobrang sarap ng nasa harap kong pagkain at kanina ko pa pinaglalawayan ay hindi ko magawang lunukin.
Feeling ko na walan ako ng ganang kumain at na stress nung makita ko ang lalaking naka one night stand ko na siyang magiging director namin sa company.
Isipin mo na lang, pagpumasok ako araw-araw ay lagi ko siyang iiwasan at pagtataguan. Baka matandaan niya pa ang mukha ko at isip na isa akong babaeng pakarat.
Depende na lang kung na laman niyang siya ang una ko.
"Pano kung tanggapin niya?" Tanong ni Ann at na tawa kaming dalawa ni Bless.
"Beb naman, tingin mo gugustuhin niya magkaroon ng karelasyon na katulad ko? Tanda mo ba ang usapan tungkol sa kaniya? Pihikan siya pagdating sa magiging asawa niya." Napaikling si Ann at nag isip.
"If pihikan siya bakit siya nasa bar? At bakit ka niya pinatulan?" Napaisip din kaming dalawa ni Bless sa tanong ni Ann pero agad ko rin itong sinagot.
"Beb, that time pareho kaming lasing at feeling ko nag enjoy siya sa kwentuhan namin. Kaya takpan mo na lang ako d'yan at baka mahalata niya pa ko." Sabi ko at nagbalot ulit ng isusubo ko.
"If nag enjoy siya sayo, baka may chance." Pinanlakihan ko siya ng mata kasi na bubuang na talaga siya.
"Beb alam mo ba 'yang sinasabi mo? Kalokohan lang 'yan, hindi mo ba nakikita na CEO siya at ako tamang employee niya lang." napakamot siya ng ulo at tumahimik na lang na parang na stress na rin sa problema ko.
"Nakakastress naman." Banggit niya at binigyan siya ng soju ni Bless.
"Uminum ka na lang, basta dapat ngayong gabi ay mairaos natin 'to ng walang abirya. Ang plano lang naman ay ang hindi ka niya mapansin." Sabi ni Bless at sabay-sabay kaming nag thumbs up ngunit bigla kaming na gulat ng sumulpot si Liam sa tabi ko.
"Ate Dhiena!" Malakas niyang tawag sa'kin, nakatawag kami ng atensyon dahil mukhang lasing na ang batang 'to.
Nilingat lingat ko ang paligid at nakitang nakatingin na sila saming apat, pati siya nakatingin na sa'kin.
Nagtama ang mga mata namin at bumilis na ang t***k ng puso ko sa kaba.
"Ano ba 'yun Liam?" Tanong ko sa kaniya ng pabulong at hinila siyang umupo.
"Wala lang, na pansin ko lang na mas gumanda ka pa lalo kesa kanina sa pantry, may make-up ka ba?" Sabay sinok niya.
Nako po! Mukhang lasing na talaga ang isang ito.
"Hindi no, wala akong make-up hahaha," tumingin ako sa dalawa kong best friend at sinenyasan sila na takpan kami at umurong ng upuan.
"Hu? Parang meron eh, don't tell me nag ayos ka para sa cousin ko?" Tanong niya at mabilis akong umiling.
"Ha? Bakit ko naman gagawin 'yun?" Tumaas taas ang dalawnag kilay niya at mapang-asar akong tinignan.
"Nag lip tint ka pa para lang sa kaniya, gusto mo ba mapansin ng pinsan ko?" Tanong niya at hindi ko na pigilan na pingutin ang tenga niya.
"Aray! Ate Dhian!" Sigaw niya at mabilis kong tinakpan ang bibig niya.
Lahat ng mga kawork mate ko ay nag-aalala na sa'kin dahil sa ingay at kulit ni Liam, problema na talaga namin 'to pag nalalasing siya at lagi siya sa'kin tumatakbo.
Hinayaan naman nila ako dahil ako lang ang kaya magpasunod sa batang ito, na alala ko pa nga noon nung unang beses siya na lasing, hinalikan niya 'yung head director ng design department at nag sasasayaw sa taas ng table.
"Liam wag ka maingay gusto mo ba mabawasan ng points si ate?" Tanong ko sa kaniya at inipit ang mukha niya sa braso ko.
"Para mo kong dina-WWE, wrestler ka ba?" Tanong niya sabay tawa kaya binitawan ko na siya at pinatahimik siya.
"Please lang Liam tumahimik ka muna kahit limang oras lang." sabi ko at tumawa sila Bless at Ann sa'kin.
Halata na siguro nilang stress na nga ako kay Liam, stress pa ko sa pinsan niya na siyang CEO ng company na ito at ama ng dinadala ko.
"Nasa dugo na nila beb," sabi ni Ann at gets ko kaagad 'yung sinabi niya.
"Oo nga nasa dugo na nila," nasa dugo na nilang mag pinsan ang mag bigay ng stress sa katawan.
"Sige tatahimik ako basta patulugin mo ko sa binti mo." Pinaningkitan ko siya ng mata, kanina pa kasi kakaiba ang mga kinikilos niya.
"Hindi pwede, kita mo bang celebration 'to ng bagong CEO tapos ganiyan ang kinikilos mo?" Pagbubunganga ko sa kaniya, hindi na gumagana ang cute niyang mukha sa'kin ngayon dahil sa stress na dulot nilang magpinsan sa'kin.
"Mahaba naman 'yung upuan eh, pwede naman ako matulog dito at wala akong pake kay Zion." Sabi niya at nagpacute sa harap ko.
"No!" Sabi ko at tumayo siya sabay sigaw.
"Zion! Tara dito." Nanlaki ang mga mata naming tatlo, hindi lang pala kaming tatlo dahil lahat sila ay na gulat sa pagtawag niya sa CEO.
Hinila ko ang damit niya at kabadong tinatago ang mukha ko, hindi naman mapakali ang dalawang best friend ko sa pinaggagawa ng batang 'to.
"Liam tama na 'yan please. Mababaon kita sa lupa eh." Bulong ko sa kaniya at hindi tinigilan ang paghila sa damit niya.
"Tara dito!" Tawag niya ulit at na kita kong tumayo si ONS at naglakad papunta sa dereksyon naming apat.
Halos pawisan na ko ng malamig at unti na lang ay papanawan na ko ng malay dahil sa kaba at kahihiyan na binibigay sa'kin ni Liam at ng pinsan niya.
Naglakad ito papunta sa table namin at tumayo sa harap namin.
"Good evening po sir, congratulation." Bati nilang dalawa at ako nakayuko lang at hindi umiimik.
"Thank you," maikli niyang bati at muli ko na namang na rinig ang malalim niyang boses na halos bumaon sa memorya ko.
"Tara dito, umupo ka sa tabi namin at papakilala ko sayo ang nag gagandahang employee ng Facial Republic South Branch." Sabi niya at pinaurong ako, wala akong magawa at umurong ng upo ngunit hindi pa rin tinataas ang ulo ko.
Ayokong makita niya ko, ayoko rin makita ang mukha niya dahil hiyang hiya pa rin ako sa ginawa ko nang gabing iyon at hindi ko pa kayang tanggapin na nabuntis niya ako.
"Wait, hindi niya pa ko binabati." Rinig kong sabi niya at si Bless ang sumagot.
"Masakit po kasi 'yung tyan niya sir, kanina pa po siya dina-diarrhea." Palusot ni Bless at hindi ito sumagot, pakiramdam ko nakatitig siya sa'kin ngayon dahil feeling ko na bubutas ang ulo ko sa talas ng mga tingin niya.
"Is that so? Bakit hindi siya magpahatid if she not feeling well." Si Ann naman ang sumagot at parang tense na tense.
"Hahaha nanghihinayang po kasi siya sa premium beef." Kingina ka Ann! gusto kitang sabunutan ngayon na, sabi ko na nga ba hindi talaga magaling mag alibi 'yang si Ann, hahayaan ko na sana si Bless ang magsalita kaso laglag na sa sagot niya.
"I will send you some of this if you want, so you can go home and rest." Sabi niya at tumango ako, kinurot ko si Liam at tinulak tulak siya para makalabas ako ng upuan.
"Hindi mo naman sinabi agad sa'kin na masakit pala ang tyan mo Dhiena, hindi kasi halata sayo at akala ko nagpaganda ka para sa—" agad kong tinakpan ang bibig niya nang nakayuko pa rin at hindi tinataas ang ulo ko.
"Hahaha lasing na talaga 'tong si Liam." Sabi ni Bless at inakay ako.
"Mauna na kami sir, thank you po sa pag-aalala and congratulation po ulit." Bati ni Bless at tumungo kaming tatlo saka na madaling bumaba ng hagdan.
"Siraulo ni Liam!" Banggit agad ni Bless nung makalabas kami sa restaurant.
"Nako ngayon lang ako na inis sa kaniya sa buong buhay kong kakilala ko siya." Bulyaw ko at hindi mapakali, mabilis kaming pumara ng taxi at nang makapasok kami sa loob ay sabay-sabay kami nakahinga ng maluwag.
"Tarandong Liam, grabe kinabahan ako doon." Sabi ko at tumawa ng malakas si Ann.
"Naiihi na nga ako sa kaba, hindi ako makasagot ng tama." Binatukan ko siya ng maalala ko 'yung palusot niya kanina kay ONS.
"Gaga ka kamo! Dami-daming pwede sabihin dinahilan mo pa 'yung gutom natin!" Bulyaw ko sa kaniya at pinagsasabunutan siya, na halata ko naman si manong sa front mirror at na pangiwi na lang dahil mukhang na wiwirduhan siya saming tatlo.
"Ahahaha, pasensya na po." Tumango ako sa kaniya at binalik niya ang tingin sa kalsada.
"Ikaw kasi abnormal ka!" Sabi ko at panay ang tawa ni Ann at Bless.
"Para tayong istudyante na nagplano mag cutting classes sa harap ng principal teh!" Tumawa kaming tatlo.
"Truth super kabado ako kanina, parang na bali na nga 'yung batok ko kakatungo." Tawa lang kami ng tawa nung nakahinga na kami ng maluwag, at pagbaba namin ng taxi ay dumaretsyo agad kami sa mga unit namin para magbihis at pahinga.
"Pahinga kana bess," sabi ni Bless bago pumasok sa unit niya.
"Puntahan kita d'yan mamaya pagtapos ko mag hot bath." Sabi naman ni Ann at binuksan ko na ang pintuan ko.
"Okay, thank you mga bess" nag wave lang sila sa'kin at pumasok na rin ako sa loob, agad akong sumalampak sa sofa at hinubad ang sapatos ko.
"Nakakapagod ang araw na 'to." Tinukod ko ang braso ko sa noo ko at tumingin sa kisame.
Hindi pa rin mawala sa isip ko na ang lalaking naka one night stand ko ay siyang magiging bagong boss ko?
Ano na lang ang gagawin ko?
Una ang problema ko ay ang promotion ko, nahihirapan na nga ako sa sitwasyon ko dumagdag pa siya!
Kaya ko na sana 'yung three months na pagtatago sa baby ko, para naman na promote na ko bago ko aminin sa kanila na buntis ako at pag may nagtanong o nagbigay ng issue sa'kin, papalabasin ko na lang na engaged ako at kakalipad lang sa ibang bansa ng fiancé ko.
Kaso hindi ko alam na 'yung level pala ng pagsubok ko ay pahirap ng pahirap, hindi ko pa nga na aamin kala mama 'yung sitwasyon ko, may final boss pang naka abang sa'kin.
Napaiyak na lang ako sa problemang dala-dala ko, dahil 'to kay Kenneth eh. Kung hindi niya lang sinira ang pangarap ko at ang pangarap naming dalawa hindi sana guguho ang mundo ko, maayos pa sana ang buhay ko.
Napahagulgol ako at na rinig ko na lang ang pagbukas ng pintuan ko, agad nila akong dinamayan at buong gabi kaming nag iyakan tatlo.
Sumapit na ang umaga, maga ang mata ko, kulang sa tulog at halos haggard na haggard ang itsura.
Na unang pumasok 'yung dalawa dahil tinanghali ako ng gising, mabilis ako nag ayos at sumakay na ng taxi para hindi malate sa unang araw ng bagong director namin.
Pumasok ako sa elevator at pinindot ang seventh floor.
*ting*
Tumigil ang elevator at bukas ang pinto sa fifth floor.
'Yung mga mata kong pungay na pungay dahil sa kakulangan ng tulog ay halos manlaki nang pumasok siya sa pinto.
Suot ang formal attire niya, malinis na gupit ng buhok niya at ang makatawag pansin na mukha niya.
Muling nagkatinginan ang mga mata namin at sa sandaling iyon, alam kong na tandaan niya ako.
Hindi ako makagalaw o makapagsalita, ganoon din siya at nakatulala lang sa harap ko, nakatingala ako dahil sa katangkaran niya at siya naman ay nakayuko at titig na titig sa mukha ko.
"Director, bakit mo naman ako iniwan!" Habol ni Liam sa pasarang pinto ng elevator at takang taka sa senaryo naming dalawa.
"The virgin?" Usal ng bibig niya habang gulat na gulat pa rin sa harap ko, pero tuluyan nang na hulog ang panga ko nang mag sink in sa utak ko kung ano ang sinabi niya sa harap ko.
"Right? You're that woman right?" Tanong niya sabay takip sa bibig niya na para bang may na alala.
Hindi ako makapagsalita, tulala pa rin ako at hindi alam ang gagawin sa sitwasyon na 'to.
"I'm Zion, let's get married."
To be continued