❧ ❧ ❧
DHIENA's POV
Hindi ako makapaniwala sa resulta na nakikita ko, pang anim na beses ko na itong sinubukan pero iisa lang ang lumalabas na sagot.
"Hindi pwede ito!" Nasabunutan ko ang aking buhok sa pagkabahala, totoo ba? Halos maubos na ang tubig sa katawan ko kakatest sa bagay na ito!
Nagkalat ang pregnancy test sa harap ko at lahat sila ay may dalawang linya na kulay pula. Lahat sila ay positive ang nakalagay na resulta pero teka lang! Hindi pa ako ready sa ganitong kaganapan sa buhay ko.
"Juscopo pepay! Isang beses ko lang ginawa 'yun tapos buntis na agad ako?" Tanong ko sa sarili ko dahil hindi ako makapaniwala na ganito ang kalalabasan ng paghihiganti ko sa boy friend ko.
Well, ex-boy friend to be exact. Kasi naman gusto ko lang maramdaman niya 'yung naramdaman ko nang makita ko silang dalawa ng babaeng iyon na nagtatalik sa mismong condo niya.
Hindi ko alam na niloloko niya na pala ako at tropa niya pa 'yung babaeng kalandian niya. Mabait sa'kin 'yung babaeng iyon, malambing at inosenteng tignan tapos makikita ko na lang na nakahubad siya at nakapatong kay Kenneth!
Sabi nga nila ang ahas ay ahas talaga, Itatago nila ang pagkatao nila saka sila patagong titira sa likod mo.
Muli akong napaiyak dahil na alala ko na naman ang pang gagago sa'kin ni Kenneth, five years na kaming magkasintahan at nagbabalak nang ikasal.
College pa lang kami ay magkasama na kami sa mga pangarap namin na sabay naming bubuoin, tapos malalaman ko na lang na binubuo niya na pala ang mga pangarap na iyon sa piling ng iba.
Pero siguro may pagkukulang din ako, dahil matagal na niyang hinihingi na makapuntos sa'kin at sa limang taon na iyon tanging holding hands at kiss lang ang na rating naming dalawa.
Ako kasi 'yung babaeng naniniwala na kailangan kasal ka muna at kailangan malinis ka sa harap ng dyos paglumakad ka sa altar.
Well, busog na naman ako ngayon dahil kinain ko na lahat ng mga sinabi ko noon.
Hindi ako nakapagpigil dahil sa galit ko sa kaniya at hinayaang makuha ng iba 'yung five years na iniintay niya. Pero masisisi niyo ba ako kung magalit ako sa kaniya?
Oo, may pagkukulang ako pero bilang boy friend ko dapat marunong din siya magtiis at galangin ang desisyon ko.
Kaso hindi siya nakapagtiis at naghanap sa iba ng init ng katawan niya, ganoon ba talaga ang mga lalaki? May lalaki pa kayang virgin sa panahon na ito? 'Yung Maria palad lang sapat na?
"Hays," napabuntong hininga ako at pinunasan ang mga luha ko, anong gagawin ko ngayon?
Napatingin ako sa tiyan ko at hinimas ito, dahil sa isang buwan pa lang ito at hindi mo mahahalata na may laman nang bata ang tiyan ko.
Mas pagkakamalan pa nga ata akong buntis kung kakagaling ko lang sa samgyupsal.
"Bibi pano na 'yan? Hindi ko kilala ang papa mo?" Pakikipag-usap ko rito at maluha luhang hinimas ang tiyan ko.
Hindi pa ako ready sa ganitong stage ng buhay ko, alam kong matanda na ko at pwede na magkaanak pero ang kinakaalarma ko ay ang reputasyon ko.
Ngayon ay mapo-promote na ko sa position ko sa trabaho at ilang months na lang ang kailangan ng admin namin para makita ang performance ko.
Kailangan ko na lang magpasikat sa loob ng tatlong buwan tapos mangyayari pa ito? Tinamaan ka naman talaga ng lintik Dhiena.
Madalas pa naman akong asarin sa office dahil nga sa alam ng mga tropa ko na virgin pa ko, samantalang sila ay may mga anak at asawa na.
Aasarin pa ko ng mga iyon na virgin kahit na ang pinangalan sa'kin ng loko kong ina ay Dhiena Ver, at ang apilyido naman ang aking ama ay Jean.
O 'di ba san ka pa, si Dhiena Ver Jean ay hindi na talaga virgin ngayon.
*ding dong*
Agad kong pinunasan ang mga luha ko at humarap sa salamin saka inayos ang magulo kong buhok at nag practice pang ngumiti.
"Dhiena! Nakabili na ko ng kimchi!" Boses pa lang at ang walang humpay na pagpindot sa door bell ay alam ko na kung sino ang nasa labas ng pinto.
"Ito na! Ito na wait lang kasi," pinihit ko ang seredula at mabilis na pumasok ang dalawa kong best friend na may bitbit na pagkain para saming tatlo.
"Bibili ako soju bet niyo?" Tanong ni Ann at inilapag ang hawak nitong plastic sa table ko.
"Ah, hahaha pass muna ako." Palusot ko dahil simula nung kakaiba ang nararamdaman ko sa katawan ko ay iniwasan ko muna ang mga bagay na makakasama sa baby ko.
"Ganoon okay," sabi niya sabay salampak sa couch, hindi ko naman na pansin si Bless na dare-daretsyong pumasok sa banyo at bigla na lang lumabas nang gulat na gulat ang mukha.
"Girl! May nakita ako." Bigkas niya at halos manlambot ako, nakalimutan kong itapon ang mga pregnancy test kit sa basurahan!
"Ano 'yun?" Mabilis na tumakbo si Ann sa banyo at halos mapasigaw, tumingin silang dalawa sa'kin ng gulat na gulat.
Hindi na ko nagpalusot pa dahil sa nakita na nila at isa pa ang dalawang ito ang mga best friends ko.
"Hindi ko naman itatago sa inyo, sakto nga dating niyo kasi na iiyak na ko." Hindi ko na napigilan ang pagluha ko dahil sa bigat ng dinadala ko.
Hindi naman biro maging ina lalo na kung wala kang asawa na aagapay sayo, para bang nung makita ko ang dalawang linya na iyon ay gumuho na ang mga pangarap ko sa sarili ko.
Pangarap kong ikasal, pangarap kong bumuo ng pamilya kasama ang lalaking mahal ko.
"Gaga ka talaga," sabi ni Bless at yumakap sa'kin habang hinahagod ang likod ko.
"Ngayon mo lang na laman? Pero 'di ba break na kayo last month?" Tanong ni Ann at inalalayan akong umupo sabay bigay ng tubig ni Bless para huminahon ako.
"Pano nangyari 'yun Dhiena? Ano ng kagagahan ba 'to? Nakipagsex ka pa rin kay Kenneth knowing that he cheated on you?" Umiling ako at nagkatinginan silang dalawa.
"Don't tell me girl, hindi si Kenneth?" Tanong ni Bless at tumango ako, sabay nilang na sapo ang kanilang mga noo at pinipigilan na sabunutan ako.
"Nako! Ikaw na babae ka, ikaw pa naman ang pinaka Maria Clara sating tatlo tapos bigla ka na lang mabubuntis, tapos hindi pa 'yung ex mo?" Tumango ako at panay lang ang iyak.
Sanay na naman ako sa sermon ng dalawang ito at alam kong ganito sila mag comfort, prangkahan muna 'yung pinakatagos sa banga saka ka nila dadamayan.
Mabuti na 'yung ganito kesa 'yung akala mong nagke-care sayo at hindi ka sinasabihan ng masakit pero behind your back sinisiraan ka na pala sa iba.
"Gusto ko lang naman gumanti sa kaniya, balak ko lang is magparty at makakilala ng guy na pwede akong samahan you know," nakapamewang si Bless na humarap sa'kin at masama akong tinignan.
"Tapos nag bar ka and you met a guy? Then nakipag one night stand ka knowing na nasa bar ka at baka gigolo 'yung guy then may HIV at AIDS siya! Omg Dhiena gaga ka ba?" Napayuko ako dahil sa pagbubunganga nila, medyo natutuyo na rin ang luha ko dahil sa walang humpay nilang sermon sa'kin.
Hindi niyo pa ba ako dadamayan? Ready na ko magdrama.
"I think hindi naman siya gigolo," banggit ko at tahimik na pinapaikot ang mga daliri ko sa kamay.
"Oh tingin mo disente siya? May disente bang lalaking papayag sa one night stand? At ikaw ano ba pumasok sa utak mo? Kung galit ka sugurin mo na lang 'yung girl hindi 'yung sisirain mo 'yung sarili mo sa kagaguhan ni Kenneth sayo." Okay, medyo natamaan ako sa sinabi ni Bless dito at nagsisimula na naman pumatak ang luha ko.
"Im sorry," banggit ko at humagulgol na naman ng iyak sa harap nila.
"Hayss, you know naman 'di ba? Sorry kung ganito kami magsalita pero gusto lang namin malaman mo na mali 'yung ginawa mo." Tumango ako at niyakap ni Ann.
"Kahit naman gaga ka andito pa rin kami na dadamayan ka," niyakap ko rin siya at umiyak ng umiyak.
"We need to find him, ayokong lumaki ng walang tatay ang inaanak ko." Napatingin kaming dalawa ni Ann sa kaniya.
"Wait lang bess, tanungin muna natin if bet niya ba talaga 'yung bata." Tatlo kaming napatahimik.
Alam nila na may target promotion ako at kung gusto ko makuha ang success na iyon ay kailangan ko namang bitawan ang batang ito.
Mahirap talaga pag nasa sitwasyon ka na, alam kong dugo pa lang ang batang ito pero kasi blessing siya na binigay sa'kin ni Lord.
Alam ko rin na ito ang tumatakbo sa isip nila Ann pero alam din nila ang hirap na ginugol ko sa trabaho para lang makuha ang promotion na iyon.
"Three months na lang at mapopromote kana, and by that time dapat maitago mo 'yang bata," suggestion naman ni Bless pero hindi ko sure kung uubra bang itago ko ang pagbubuntis ko.
"Kaya mo ba? Hindi ka naman namin iju-judge kung hindi mo kayang ituloy 'yan." Dagdag niya pa, hindi ko alam bakit parang binibigyan ako ng katanungan na magpapabago sa buhay ko.
Parang sa desisyon na ito nakabase ang kapalaran ko sa mga susunod na taon.
"Alam niyo naman 'yung dinanas ko sa family ko right? Ilang beses na raw ako pinalaglag noon ni mama dahil sa high school pa lang siya noon. Ako 'yung baby na hindi naman nila plinano kaya pakiramdam ko hanggang ngayon hindi pa rin nila ako gusto bilang anak nila." Kaya naman nung nalaman kong buntis ako, na isip ko kaagad na ayaw kong danasin ng batang ito 'yung dinanas ko.
"Kung iyan ang pasya mo, andito lang kami susuportahan ka pero wag mong asahan na may pera akong mabibigay ah," biro ni Ann.
"Thank you beb,"
"Same goes for me, wala akong pera pero gagawin ko lahat para matulungan kang palakihin 'yan," sabi naman ni Bless at tuluyan na kong na iyak.
"Thank you bess," niyakap nila akong dalawa at inaya na kong kumain ng pasalubong nila.
Actually magkakahalera lang ang unit na tinitirahan namin, unting tumbling mo lang and'yan kana sa mga best friend mo.
Si Bless ay kapit bahay ko noong bata pa ko, parang kalaro ko na ang babaeng ito noong may uhog pa ko.
Samantalang si Ann naman ay naging classmate ko nung grade three, second section kasi kaming dalawa samantalang si Bless naman ay first.
Hanggang sa nag High school kaming tatlo pero si Bless nasa private school dahil nakakaluwag luwag sila noon at kaming dalawa naman ni Ann ay sa public.
Naging magkakibigan kami dahil silang dalawa ang lagi kong kasama, si Bless na kapit bahay ko at si Ann na classmate ko hanggang college.
Same course rin kami ng kinuha ni Ann at kasama ko sa department ko ngayon sa office, samantalang si Bless naman ay accountant at nasa admin staff ng company.
Hindi kami naghihiwalay tatlo, bata pa lang ay magkakasama na kami at pangarap naming tumira sa isang subdivision kung saan magiging playmate naman ang mga anak naming tatlo.
Pangako namin sa isa't isa iyon kaso mukhang na una ako.
"Hoy, bakit lumalabi na naman 'yang nguso mo? Tapos na tayo magdrama kaya kumain kana." Sabi ni Ann at inabutan ako ng kimchi na paborito ko ngunit parang nasusuka ako sa amoy nito ngayon.
"Ayoko niyan, nasusuka ako." Nagkatingin silang dalawa at parang maiiyak na rin.
"Gosh, naglilihi kana." Napabuntong hininga ako, kung hindi lang ako buntis ngayon siguro nilantakan ko na ang isang boteng kimchi na 'yan.
"Nagpatingin ka na ba sa doctor?" Tanong ni Bless habang pinipindot ang remote at naghahanap ng korean nobela sa netflix na pinaghahatian namin ang bayad, aba syempre nakikinood sila eh at sumasahod naman edi hati-hati sa bayad.
"Hindi pa, now nga lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para icheck if buntis talaga ako." Kumuha ako ng manok at kinain ito.
"Gusto mo samahan ka namin?" Tumango ako at napangiti.
"Pero wag muna this week, schedule natin 'yan pagtapos dumating ng bagong CEO ng branch natin." Oo nga pala may bago kaming chief ngayon.
"This monday ang dating niya no?" Tanong ko dahil si Bless ang source namin ng mga kaganapan sa office, syempre siya ang admin staff eh.
"Yass, at alam niyo ba sabi nila gwapo daw 'yun at single. Parang gusto ko na nga iwan si Jhon nung mabalitan ko 'yun." Napatawa ako, gaga talaga ang isang 'to.
"Totoo ba? Iwanan ko na nga rin si Karl baka sakaling maging chairwoman ako bigla," na tawa kaming tatlo, sasabihin ko sana na iiwan ko na rin si Kenneth pero siya nga pala ang nang iwan.
"Gaga, pero walang biro sabi nila hottie daw eh kaso mailap sa babae." Dagdag niya pa, mga tsimosa rin talaga kami eh.
"Baka bakla dzai." Banggit ko at sumangayon sila.
"Feeling ko rin, masyado siyang gwapo saka bakit wala pa siyang jowa? Eh sa gandang lalaki niya dapat nga babaero pa siya. Mga ibang lalaki nga d'yan kapapanget galing pa mang babae." Bwisit na bwisit niyang bigkas sabay tingin sa'kin.
"Uy hindi ko sinasabing 'yung ex mo 'to ah, pero parang ganun na rin." Natawa ako at binatukan siya.
"Huh? Totoo namang panget siya pero ang lakas ng loob niya mang babae hayop siya." Galit na galit ako samantalang nung nakaraang buwan lang gwapong gwapo pa ko sa impakto na 'yun.
"Hahahaha lolobo agad 'yang tyan mo girl busog na busog ka na kakain ng mga sinabi mo samin noon." Nagbuntong hininga ako.
"Bwisit naman kasi, akala ko forever ko na! Akala ko sa altar na ang ending! Buti na lang talaga hindi ako bumigay sa kaniya at nalaman ko kaagad na makati siya." Nagtawanan sila sa sinabi ko na kinaasar ko.
"Wow ah! Nalaman mo agad eh limang taon na nga bago mo na huli, saka girl ang ending! na bigay mo sa iba hahahaha!"
Mga hayop din talaga 'tong mga kaibigan ko eh.
"Bwisit ka! Ayos lang bubuhayin ko na lang mag isa 'tong anak ko dahil kaming dalawa na lang ang magkakampi sa mundo." Hinimas himas ko ang tiyan ko.
"'Di ba baby, kakampihan mo si mami kasi inaaway siya ng mga tita mo." Tumawa sila ng malakas.
"Hay nako! Gaga ka naman kasi talaga pero ayos lang 'yan sa tanang buhay mo beb ngayon lang kitang nakita magkamali ng desisyon." Sabi ni Ann at napayuko ako.
"Truthsy, akala ko nga perpekto ka eh akala ko hindi ka masaya sa buhay mo na para bang ang dami mong dala at pasanpasan kaya takot ka magkamali." Kumuha pa ko ng manok at tumingin sa palabas na hindi na naman namin na iintindihan dahil sa kakakwentuhan.
Pinipigilan kong maiyak pero nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha.
"Siguro kasi malaki ang responsibilidad ko bilang panganay, then parang wala pa kong pamilya dahil ang lalayo ng pakikitungo nila." Kaya sinanay ko ang sarili ko na wag magkamali ng desisyon.
Limitado ako na para bang kailangan sundin ko ito at hindi makagawa ng mali, sa totoo lang nang hihinayang ako sa mga oras na iyon na dapat imbes na magpakasaya ako ay iginugol ko ang buhay ko sa atensyon ng mga magulang ko na hindi ko naman makuha kuha simula ng umpisa pa lang.
"Hay nako, madami ka pang kailangan isipin pero siguro wag muna ngayon. Stress kana masyado at baka mastress pa 'yung baby sa tiyan mo. Mabuti pang ibalik natin 'yung topic sa bagong hot na CEO ng department natin." Banggit ni Ann sabay siko sa'kin kaya na pangiti ako.
"Trulalu, pero iniisip ko talaga bading 'yun." Sabi ko kahit hindi ko pa talaga nakikita ang bago naming chief.
"Parang 'yung issue lang sa mga artistang hindi pa nag aasawa no? hahahaha!" Sagot ni Bless, dami talagang chika nito parang hindi mauubusan.
"True, pag gwapo ka kasi tapos wala ka pang girl friend or asawa rekta na 'yan bakla agad ang husga sayo." Dagdag naman ni Ann.
"Hindi ba pwedeng torpe lang or hindi kaya woman hater?" Nagsitaasan ang mga kilay nila.
"Girl! Sabi sa source ko gwapo daw, matangkad, maputi at yummy talaga. So tingin mo matotorpe pa siya at hello CEO siya edi tiba-tiba ang babae doon. Kahit na torpe siya, siya mismo ang lalapitan no. Depende na lang kung mali ang intel ko at kamukha pala ni chief Hanns." Sabay-sabay kaming nandiri.
Si sir Hanns 'yung dati naming boss sa department namin, mataba ito at korteng gasul, hindi naman sa nag bo-body shaming ako ng ibang tao pero kasi ang lalaking iyon ay natanggal sa trabaho dahil sa pangboboso.
Siguro hustisya na lang ang panglalait ko para sa mga babaeng nahawakan niya ang pwet hindi ba?
"Nako po! Wag naman sana, sawa na kong utusan ng mga revision sa design ko tapos malalaman ko na lang na 'yung first design ko 'yung na gustuhan ng director." Banggit ko at sumangayon si Ann sa'kin, pareho kasi kaming Design Center Department at graduate ng Visual Graphic Design kaya ramdam na ramdam namin 'yung pagmamalupit ng lalaking gasul na iyon.
"Hays sana lang talaga mabait 'yung bagong chief natin. Kahit hindi na gwapo basta wag lang panay revision." Reklamo ko at natatawa na lang silang dalawa.
Lumipas ang oras at halos natapos na namin ang first season ng korean nobela nang hindi namin na intindihan ang istorya kakakwento ng mga bagay-bagay.
Minsan nga na isip ko, pano kaya na hindi kami na uubusan ng kwento kahit na araw-araw naman kaming nagkukwentuhang tatlo.
Naghikab ako at nag unat-unat ng braso.
"Matulog ka na, maaga pa tayo bukas." Sabi ni Bless habang pinupunas ang basang kamay niya sa likod ng pajama niya.
Tumango ako at nakita kong hugas na lahat ng pinagkainan namin kanina.
"Yass bawal ka rin magpuyat para maging healthy si baby," sabi naman ni Ann saka itinabi ang walis.
Malinis na ang bahay at tumahimik na rin dahil lumabas na sila para bumalik sa mga kwarto nila.
Pumunta ako sa banyo at muling na kita ang mga pregnancy test sa basurahan, tumingin ako sa salamin at tinapik ang mga pisnge ko.
"Kaya mo 'to Dhiena, kahit single mom ka lang kaya mo 'to! No need na hanapin pa ang lalaking iyon." Tumango ako at sumangayon sa sarili kong repleksyon.
Para akong tanga na kinakausap ang sarili ko at muling na iyak nung maramdaman kong mag isa na lang ako sa bahay.
Tahimik na at wala na 'yung bunganga nung dalawa, para tuloy bigla akong na hulog ulit sa bangungot na iniisip ko kanina.
There were two lines, to someone those two lines could be the best news, but for me those two lines could be the worst news.
Ayoko maging impoktira at sabihing masaya ako ngayon, siguro magiging masaya ako kung dumating ang baby na ito paghanda na ako.
Pero ngayon, inaamin ko na natatakot ako.
Alam kong hindi ako nag iisa sa laban na 'to pero marami pa ring tumatakbo sa isip ko.
Katulad na lang ng sasabihin ng mga magulang ko, hindi na nga sila proud sa existence ko magdadagdag pa ko ng isa na ikakahiya nila.
Para sa'kin masakit iyon, at syempre ayokong maranasan din iyon ng magiging anak ko.
Mapaparamdam ko pa rin sa kaniya 'yung pinaramdam sa'kin ng mga magulang ko pero this time ng mga lalo at lola niya na.
Baka nga hindi pa siya ituring na apo nila mama.
Napahikbi ako sabay takip sa aking mukha, pagtatakip sa mga luha ko na hindi ko maiwasang kumawala.
To be continued