CHAPTER 7

3198 Words
❧ ❧ ❧ DHIENA's POV Hindi maari 'to, hindi ko kaya pag na walan ako ng trabaho sa panahon na 'to. Bakit ba sobrang panget ng timing ng lahat nang pangyayari sa buhay ko? Simula nung pinagbuntis ako ng nanay ko noong seven teen palang siya, buong buhay ko inisip ko na ang malas ko naman kasi wrong timing na pinagbuntis niya ko that time, hindi nila ako inaasahan na nagdulot ng pagkasira ng mga pangarap ni mama sa buhay niya at ang ending parang ako pa 'yung may kasalanan na pinagbuntis niya ko that time. Then ito naman ngayon, dala-dala ko ang anak ko at timing na mawawalan ako ng trabaho. Pano ko siya mabubuhay? Kahit na sabihin na'ting hindi ko siya inaasahan ay ayokong ibaling sa kaniya ang pagkakamali ko katulad ng ginawa ni mama sa'kin. Kaya gusto ko sanang kayanin ang lahat para buhayin siya kaso mismong tatay niya ang kukuha ng trabaho ko. Hindi ko na pigilan na tignan siya ng masama habang nanginginig ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil ng luha. "Are you willing to take my offer now? I'm giving you a second chance to grab it," Seryoso rin siyang nakatingin sa'kin at para bang hindi na dadala sa masama kong titig sa kaniya. Pursigido talaga siya sa gusto niya at halata sa mga mata niya na pag may gusto siya ay makukuha niya. "Let's have a dinner tonight, isama mo sila Ms. Rusit and Ms. Remegio tutal may utang pa ko sa inyong tatlo kagabi," na gulat ako sa sinabi niya at muli siyang umupo sa upuan niya. "Hindi sana kita pipilitin kung hindi mo dinadala ang anak ko but lets try to make this work, ayoko rin ng broken family," sabi niya sabay bukas ng laptop niya. "You can go now, and please take care of yourself lalo na pag wala ka sa tabi ko," dagdag niya pa na nagpabilis ng t***k sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng pag-aalala sa mga salitang binitawan niya, alam kong iniintindi niya lang ang anak namin pero nakakatuwa lang malaman na nag aalala siya. "Okay Director Inoue, I will take may leave," nag bow ako sa harap niya at lumabas sa opisina niya, inabot kami ng halos kalahating oras sa usapan na 'yun at late na ko sa trabaho. Pagkasakay ko ng elevator ay inayos kong maigi ang sarili at mukha ko, ayokong may makaalam nito sa department lalo na madaming tsimosa sa office namin. Magpapalusot na lang ako at gagawa ng kwentong pasok sa banga para bongga, at least ngayon araw ay nakaligtas ako sa kaniya at sa resignation letter na naka abang sa'kin. Sa totoo lang hindi ko alam ang tinatakbo ng utak niya, ang gulo talaga saka bakit pilit niyang pinu-push ang pagpapakasal namin? Isang malaking tanong sa utak ko dahil sabi nila ay marami na 'tong blind dates at arrange marriage na pinupuntahan pero ni isa daw ay wala siyang na gustuhan. Isipin mo na lang ah, ang gaganda at ang yayaman na ng mga babaeng 'yun pero dzaii ako ang na pili niya? Hindi ba't nakakapagtaka? Maloloka ka na lang talaga ng bongga. *ting* Bumukas ang elevator at muli kong nakasalubong si Liam sa hall way, 'yung mukha niya parang na gulat at nakakita ng multo. "Ate Dhiena, tapos na kayo mag-usap ng director?" Tanong niya at tumango lang ako. "Oo kakatapos lang," sagot ko at muli kong na tandaan 'yung nangyari kaninang umaga. May alam nga pala si Liam kaya dapat masabihan ko na agad siya sa problema na 'to. "Ahm Liam, 'yung nangyari kaninang umaga ahmm pano ba, ah sana wag mo na lang sabihin sa iba," pag mamakaawa ko sa kaniya at para siyang na bigla sa sinabi ko. "So may kakaiba nga sa inyong dalawa," banggit niya na nagpakaba sa'kin. Bakit hindi niya ba alam? Natakpan na ba ng director ang issue mula kay Liam? Nadulas na naman ba ko sa sarili kong dila? Shuta naman Dhiena ang tanga-tanga. "Hahahaha bakit ganiyan 'yung mukha mo ate Dhie? Don't worry kung ano man 'yun mananatili akong tikom kung—" kung ano shuta kang bata ka tatadyakan kita. "Yes baby boy? Kahit ano gagawin ni ate," sabi ko sabay pakita ng pinaka plastik kong ngiti. "Kiss mo muna ako sa forehead tapos guluhin mo 'yung buhok ko dali na pagod na pagod na ko," banggit niya at agad na yumuko sa harap ko. Lumingon naman ako sa paligid at tinignan kung walang ibang taong makakakita saming dalawa. "Tsk, may kasalanan ka pa nga sa'kin kagabi eh." "Lah counted 'yun?" Tanong niya at panay ang pa-cute sa harap ko, para naman siyang asong corgi kaya hindi ko na napigilan guluhin ang malago at malambot niyang buhok. "Yung totoo anong shampoo mo?" Tanong ko sa kaniya at bigla siyang tumuwid nang pagkakatayo kaya naman napatingala ako sa kaniya. Ang tangkad talaga ng batang 'to. "Secret, so asan na 'yung kiss ko?" Pilyo niyang tanong kaya ngumisi ako at pumamewang sa harap niya. "Wala kasi pinahiya mo ko sa director kahapon kaya ako pinatawag sa office niya tsk," palusot ko. Sana kumagat please sana iyon ang isipin niya kung hindi mapapahiya ako mga one fifty. "Hala, sorry ate Dhiena, kaya pala pinapatawag din si ate Ann at Ma'am Bless sa office niya." Napanganga ako at pinangmulatan siya ng mata. "Ano?" Tanong ko at tinapik niya ang balikat ko sabay pindot sa button ng elevator. "Oo pagpasok mo sa department, si Ate Ann naman ang lalabas kaya pumunta kana para makausap na siya ng director." Napanganga ako habang kumakaway siya sa parasang pintuan ng elevator, ano na naman bang balak ng director? Iba-black mail niya rin ba ang mga best friend ko? Jusco mahabaging Neptune sana mapatawad pa ko ng mga best friend ko sa maaring mangyari sa kanila. Halos na ngangatog ang tuhod ko habang naglalakad pabalik ng department namin at nang buksan ko ang pintuan agad na nagtama ang mga mata namin ni Ann at pinanlakihan niya agad ako ng mata. Matang parang nag sasabi na 'bakit pati ako shuta ka' ganern. Kaya naman agad akong umiwas ng tingin sa kaniya at parang tutang na duwag nang makakita ng lion. Sorry beb sana maintindihan mo na mas mahalaga ang pinagsamahan na'ting tatlo kesa sa sahod mo sa trabaho. "Beb," tawag niya sa'kin bago siya lumabas ng pintuan at bigla niyang tinaas ang kamay niya papunta sa leeg niya at tumititig sa'kin ng masama. Kitang kita ko ang pag senyas niya at ang mga katagang binuka ng mga bibig niya kahit na wala pa itong boses na lumabas. 'Patay ka sa'kin mamaya' Sheet na malagkit, bulong pa lang ni Ann alam ko na ang kahihinatnan. Sana po hindi ako mapatay ng dalawa kong best friend, sana matandaan nila 'yung mga pinagdaanan namin nung mga bata pa lang kami hanggang sa mga oras na 'to. Sana po ama ay biyayaan niyo sila ng kalmadong isip, puso at pangangatawan. Wag po sana nila ako saktan dahil may dinadala akong bata, sana po ay wag nilang putulin ang pinagsamahan namin dahil sa mga mangyayari. "Uwaah yaw ko na sa earth," banggit ko saka umupo sa pwesto ko. Nakita ko naman sila ate Corine at Nestle na mukhang nag aalala sa'kin pero ayaw nilang mag umpisa ng tanong. "Okay lang ako, kinausap lang ako dahil hindi kami nakasama sa dinner kagabi kasi 'di ba pinauwi na kami ng maaga," bulong ko sa kanila at napa— "Ahhh kaya," na lang silang dalawa. Matahimik ko naman nairaos ang mga katanungan at pang iintriga nila saka kami bumalik sa trabaho. Mga kalahating oras din ay na kita ko si Ann na naglalakad papasok ng office na parang drain na drain. Para siyang ininteroga para sa isang crime scene na naganap, ang haggard niya at hindi makapaglakad ng ayos. Tumingin siya sa'kin at tinaas ko ang kamay ko saka sumenyas ng 'OK' sign sa kaniya. Tumango siya ng dalawang beses saka umupo sa pwesto niya, okay lang daw siya pero 'yung istura niya parang hindi. Sabagay ganun din naman ang nangyari sa'kin kanina kung hindi ko lang na laman na tatawagin din pala sila. Pero ang tunay na laban ay magaganap pa lang mamayang uwian kaya naman kinalma ko ang sarili ko at nag isip na ng mga linyahan na pwede kong isagot sa lalaking 'yun. Maganda kung may baso sa table at tatapunan ko siya ng tubig pag sinabi niyang bibilhin niya na naman ako at fired na ko para kung sakaling matanggalan ako ng trabaho ay tumatak naman ako sa isip niya. Pero syempre wala tayo sa telenobela gaga ka Dhiena, kailangan maging safe tayo sa lahat ng desisyon na gagawin na'tin mamaya. Mabuti na lang at kasama ko ang dalawa kong best friend at pwede akong huminge ng tulong sa kanila kung sakaling mabaliw na naman ako sa harap ni Director Inoue. Teka bakit nga ba Inoue? "Nestle," kalbit ko sa kaniya. "Yes duday?" Tanong niya at bumulong ako ng tanong sa kaniya. "Half ba ang boss na'tin?" Tanong ko at tumango siya sabay kalbit kay ate Corine. "Di ba half Japanese ang boss na'tin?" Tanong niya kay ate para ma-confirm ang intel niya. "Yep pero hindi talaga half, parang 'yung lolo niya ang half." Owww pero may lahi pa rin siyang Japanese. "Kaya pala binati niya tayo ng japanese kanina," bulong ni Nestle at napasang-ayon na lang kaming dalawa ni ate. "Alam ko sa japan siya lumaki at doon nag aral hanggang college saka lang siya umuwi dito nung nag resigned ang president," kwento ni ate Corine, ang lakas talaga ng intel ni ate parang kahapon lang pinakilala ang director alam niya na agad ang back ground nito. "Woah amazing naman pala," banggit ko at kinalbit ako ni Nestle. "Bakit ano bang nangyari sa office niya kanina?" Aba ito na umiintriga na sila nag sisimula na hahahah. "Wala naman, iyon lang tinanong niya lang ako kung ano gusto kong kapalit sa pagkain kagabi then na pansin ko lang na Japanese 'yung surname niya. Naka-display kasi sa table niya," paliwanag ko naman sa kanilang dalawa at lumapit si ate Corine. "Alam ko rin broken family sila at nag stay ang father niya sa japan." Hu? Broken family siya? Kaya ba ganoon na lang ang kagustuhan niyang mapakasalan ako? "Oww make sense," hindi ko inasahan na inilabas ng bibig ko kaya nagtaka silang dalawa. "Make sense?" Tanong ni Nestle at napakamot ako ng pisnge ko. "Make sense na wala siyang jowa at ayaw niya sa babae?" Hindi ko sure pero iyon na lang ang pinalusot ko at napaisip din sila saka sumang-ayon sa'kin. "Ow sabagay," tumango na lang ako at muling humarap sa monitor ko. Wag na na'tin isipin pa ang mga nangyayari ayoko muna mag focus doon dahil ang dami ko pang design na naka-line up sa project ko. Pag ako kinailangan mag over time nito nako dapat bayad niya rin 'yung kinuha niyang thirty minutes sa trabaho ko. Pero syempre charot lang boss ko 'yun eh baka pag nag reklamo ako mapatalsik ako ng de oras. Juscopo kawawa naman ang baby ko, dami kong pinag dadaang stress habang pinagbubuntis ko siya baka mamaya ano na maging itsura nito paglabas. Baka baby pa lang siya nakakunot na ang noo niya, hahaha hindi ko maiwasang isipin ang magiging anak ko. Sana wag siyang lumaking pasaway at mapanghusga katulad ng tatay niya. Hindi ko tuloy alam kung tama ba 'tong na raramdaman ko pero na e-excite ako sa magiging anak ko at sa paglabas niya, sana maging healthy siya at aalagaan ko talaga siya katulad ng sabi ni director kanina. Luh, na alala ko na naman tuloy kaya hindi ko maiwasang mapangiti. "Duday anong nginingiti-ngiti mo?" Tanong ni Nestle at biglang kong inalis ang mga ngiti ko sa mukha. "Sino na naman bang iniisip mo? 'tong babaeng 'to," asar niya sa'kin sabay tusok niya sa tagiliran ko. "Si Liam, kasi pinagulo niya na naman buhok niya sa'kin kanina," Inggit ko kay Nestle kasi hindi niya pa na hahawakan ang buhok ni Liam. "Tsk okay lang no, para namang sayo niya lang talaga pinapagulo 'yun." Pansin ko rin masyadong malambing at malapit sa'kin ang batang 'yun lately, hindi ko alam bakit. "Osiya bumalik na tayo sa trabaho kasi kailangan na na'tin ipasa agad 'to para naman mag reflect sa performance na'tin 'yung maaga na'ting pagpapasa ng project," banggit ni ate Corine habang busy na sa pagtatrabaho niya kaya naman humarap na ulit ako sa computer at nagtrabaho. Tama si ate kailangan kong magpakitang gilas kung gusto kong maging team leader din dito sa office kagaya niya, kung sasakupin lang ng director ang isip ko sure ako hindi talaga ako uusad. Pano ba naman ang ganda ng ngiti niya kanina, hindi ko maiwasang humanga sa kaniya lalo na pag ngumingisi siya at binibigyan niya ko ng pang-asar na tingin. Ang kapal pa ng mga kilay niya na bagay na bagay sa matatalas niyang mata, 'yung labi niya ay parang may natural red color na daig pa ang lipstick ko. Tapos bagay sa kaniya 'yung brush up hair style niya kung saan kitang kita ko ang makinis niyang noo. Pero parang bagay din sa kaniya 'yung messy katulad nung gabing magkasama kami, tapos 'yung pawisan niyang mukha na parang init na init ang buong katawan niya. Speaking of katawan, kahit naka coat siya at formal attire super hot pa rin niyang tignan, 'yung kahit na formal 'yung damit parang nagiging sexy dahil sa buhog ng katawan niya. Tapos 'yung balikat niya na sobrang lapad na ang sarap i-massage, hay nako hindi ako magsasawang hawakan 'yun kung naging jowa ko siya. Tapos 'yung pak na pak niyang pwetan! Iyon talaga ang pinaka paborito ko sa parte ng katawan niya syempre hindi na counted 'yung alaga niyang pasok sa banga. "Mahabanging Neptune," bulong ko dahil 'yung imagination ko pababa na ng pababa sa katawan niya. Teka Dhiena parang kakasabi ko lang na tigilan ko na ang pag-iisip sa kaniya pero bakit ganito na naman. "Duday na mumula ka okay ka lang?" Tanong ni Nestle at napahawak ako sa mukha ko sabay takip. "Ah hahaha parang ang init lang," sabi ko sabay paypay ng kamay ko sa mukha, tumaas naman ang kilay ni Nestle sabay hawak sa cardigan na suot niya. "Girl ang lamig-lamig na," banggit niya sabay balik sa trabaho at humarap ulit ako sa monitor ko saka patagong pinigilan ang kilig ko. Natapos na ang araw at uwian na namin, sinundo kami ni Bless at may binigay daw sa kaniyang address ang director kanina para doon kami pumunta at mag dinner. Nung una akala ko hindi nila ako sesermunan dahil libre sila ng dinner pero nung maalala nila 'yung pressure sa harap ng director halos sakalin na nila akong dalawa at pagkukurutin sa inis. "Luh bakit parang kasalanan ko lahat?" Tanong ko habang inaayos ang buhok ko na hinila ni Ann. "Gaga ka kasi hindi ka marunong mag alibi," banggit niya at pinaningkitan ko lang siya ng mata. "Ay wow coming from you shuta ka," bulyaw ko naman sa kaniya at inawat na kami ni Bless dahil nasa harap na kami ng restaurant. Pagkababa naming tatlo sa taxi ay halos mapanganga kaming tatlo. "Dito tayo kakain?" Tanong ni Ann at muling tumingin si Bless sa papel na hawak niya kung saan nakasulat ang address ng pupuntahan namin. "Oo dito tayo binaba ng driver 'di ba?" Tanong niya at tumango kaming dalawa. "Baka nagkamali lang 'yung driver," tanong ko dahil hindi talaga kami handa sa ganitong eksena. "Shuta naka plat shoes lang ako at cardigan na halos tatlong taon na sa'kin," banggit ni Ann at hinila ako sa damit. "May extra sandals ka ba d'yan 'yung may takong na bongga," sabi niya habang hindi pa rin inaalis ang mata sa building na nasa harap namin. "Gosh hindi ako nakapag-retouch," banggit naman ni Bless habang natataranta. "Sure ba kayo dito tayo kakain eh five star restaurant 'to eh," tanong ko at ni isa sa'min hindi makapagsalita dahil na patingin kami sa mga taong pumapasok sa loob. Nakasuot sila ng mga dress at halos mga branded bag ang dala, samantalang ako sukbit lang ang totty bag ko at naka-slacks pa. "Parang hindi tayo ready sa ganitong set up mga dzaii," banggit ko at muling napatingin sa babaeng bumababa sa kotse niya. Naka red dress siya at black high heels, may suot siyang sun glasses na black at ang ganda ng wavy hair niya. Halos lahat ng mga dumadaan ay napapatingin sa ganda niya kaso na baling ang tingin naming lahat sa isang lalaki na naglalakad papunta sa direksyon naming tatlo. Suot ang black coat and pants niya habang naka open ang tatlong bitones ng white polo niya ay talaga namang parang nag momodel lang siya sa daan. Sheet naka one-night stand ko ba talaga ang lalaking 'to? "ONS," bulong nilang dalawa at napalunok ako nang magtama ang mga mata naming dalawa sabay ngiti niya sa harap ko. Para namang biglang nag skip ng beat ang puso ko sa mga ngiting iyon, slow motion siya sa paningin ko at parang kumikinang siya sa mga mata ko. Wait lang shuta bakit ganito? "Sorry, did you guys wait too long? Nagpark pa kasi ako." Wala akong pake kung nag park ka pa, ang tanong kung totoo ka bang tao kasi ang gwapo mo talaga. "Ah, no sir kakadating lang po namin," si Bless ang sumagot at para bang bumalik kami sa ulirat ni Ann sabay ayos ng mga sarili namin. "Okay then let's go inside, nag pa-reserve na ko ng table." Alam ko sa mga ganitong restaurant aabutin ka ng weeks or months bago ka makapagpa-reserve ng slot pero siya halos kanina niya lang na banggit ang bagay na 'to pero nakahanda na agad. Iba talaga pag mayaman walang imposible sayo basta may pera ka. Sumunod na lang kami sa kaniya at mukhang pinagtitinginan talaga siya ng mga tao sa loob, kilala talaga ang lalaking 'to ako lang ata ang hindi na inform sa katauhan niya charot. "Ah beb dito ka," umupo ako at inurong ang isang upuan para makaupo ang mga best friend ko. "Kuha ka ng isang bangko sa kabilang table para apat tayo rito," utos ko pa kay Bless pero biglang hinawakan ng director 'yung upuan. Napalunok kaming tatlo at mukhang pinagtitinginan na rin kami ng ibang tao sa loob. "I reserved two tables for us so wag ka na mag atubiling pag tabi-tabihin ang upuan," Seryoso niyang sabi at feeling ko na pahiya ako, na sanay kasi ako pagkakain kami sa mga fast food tapos kung kulang 'yung upuan ay hihila ako ng isa para saming tatlo. Nakalimutan kong five star restaurant nga pala 'tong kinakainan namin. "Ah bess kami na lang ni Ann sa kabilang table," sabi ni Bless at halatang kabado siya sa tono nang pagsasalita ng director. Tumango na lang ako at tahimik na umupo saka siya umupo sa unahan ko at tumingin sa'kin nang seryoso. "Next time bago ka umupo intayin mo muna akong pagsilbihan ka okay?" Tanong niya at hindi na ko nakasagot pa dahil nanliliit ako sa lugar na 'to. "Okay," mahina kong sabi sa kaniya at na rinig ko siyang humagikhik kaya napalingon ako sa kaniya. "You're cute," banggit niya sa'kin na pinamula ng mga pisnge ko, ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to. "Tsk, wag na po kayong mambola hindi naman uubra," sabi ko kahit na tapul na tapul ako sa mga ngiti niya. "I'm not joking, it's true lalo na pag namumula ang tenga mo, Ms. Jean." Lah ngango 'tong lalaking 'to masyado siyang smooth bumanat ah! Dahan-dahan baka mabulas ako at mafall sayo char. Ah! Hindi ko na alam anong sasabihin ko sa kaniya, mabuti pang iiwas ko na lang ang tingin ko kasi delikado ang mga titig niya. Masyado siyang gwapo at hot tignan, hindi ko alam kung naka one night stand ko ba ang lalaking 'to oh ano. "So Ms. Jean, bakit hindi ka makatingin sa'kin?" Tanong niya at napasilip ako sa mukha niya. "Nothing sir, hindi lang ako sanay." Palusot ko kahit na pakiramdam ko anytime matutunaw na ko sa mga tingin niya. TO BE CONTINUED 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD