❧ ❧ ❧ DHIENA's POV Dumating na ang order namin at maayos itong inilapag sa table, halos sobrang ganda ng pagkakaayos at ready na pang i********: kaso nakakapanghinayang dahil hindi ko magawang picturan 'to. Pano ba naman parang lahat ng tao rito ay nakatingin sa'min or sabihin ko na sa lalaking nasa harap ko, masyado siyang maganda at kahanga-hanga para maging date ko kaya buti na lang at kasama ko ang mga best friend ko sa pagkakataon na 'to. "Hindi ka pa ba kakain?" Tanong niya at na putol ang paglalayag ng isip ko, kinuha ko ang kutsara at tinidor saka tinitigan ang mga pagkain sa harap ko. Kakaloka pati plating ang ganda, parang nakakapanghinayang kainin at guluhin. Tapos sobrang liit pa ng servings nila parang nakakahiya kung isusubo ko lahat. "Go on eat up," sabi niya at hindi