❧ ❧ ❧
DHIENA's POV
Pinagpapawisan ako nag malamig at halos hindi huminto sa pagtibok nang mabilis ang puso ko, feeling ko nasa hunted house ako ngayon dahil sa takot na nararamdaman ko.
Tapos idagdag mo pa 'yung mga tingin at sulyap niyang matalim na halos bumutas ng pagkatao ko, galit na galit gusto niya na atang manakit.
Then 'yung nag iikot siya sa buong office pero mararamdaman mo 'yung cold gaze niya sa bawat pwesto na pinupuntahan niya. 'Yung totoo? Yung office ba ang chini-check niya o ako?
"Dhie, ano bang ginawa mo? Mukhang galit 'yung director sayo," bulong ni Nestle at kinalbit siya ni ate Corine.
"Sshh— ingat Nestle minu-minuto siyang tumitingin sa pwesto na'tin," awat ni ate Corine kay Nestle dahil hindi lang pala ako ang nakakaramdam nang malalamig niyang tingin kung hindi pati ang mga kagrupo ko.
Napalunok ako at halos ibaon na ang ulo ko sa keyboard, hindi ako makapag-focus sa trabaho dahil sobrang kabado ako sa presensya niya sa office, take note ah presensya niya lang 'yan pano pa kaya kung kausapin niya na ko mamayang lunch.
Naiiyak tuloy ako at gusto na lang magtago sa banyo pero kasama niya si Ma'am Jen at nakasalalay dito ang promotion ko.
Sinilip ko si Ann sa pwesto niya, pero busy siya at halatang tinatago rin ang mukha niya. Actually kung malaman ng director na nagsisinungaling kami kahapon pwedeng madamay ang dalawa kong kaibigan sa kagagahan ko.
Nako, ano na lang gagawin ko? Baka sabay-sabay pa kaming patalsikin sa trabaho, shuta BFFL goals na ito?
Lumipas ang ilang minuto at nag paalam na sila samin, pagkalayo pa lang ng admin staff at ng director ay sabay-sabay kaming huminga nang malalim, para kaming nabunutan ng sobrang laking tinik sa dibdib nung makaalis siya sa department.
"Grabe ang intense ng director," banggit ni Nestle at nag unat ng braso niya.
"Ang gwapo pa kaso sobrang nakakatakot 'yung mata niya no?" Tanong naman ni ate Corine at sumang-ayon ako, agad naman tumayo si Ann at pumunta sa pwesto ko.
Para siyang na tataranta sa paglalakad at inaya ako sa pantry.
"Beb, ano 'yun? Pano na kaya mo ba mamaya?" Halos hindi na maintindihan 'yung tanong niya dahil sa kaba, ramdam ko 'yung pressure saming dalawa at para tuloy akong maiiyak dahil dito.
"Shuta beb, baka hindi na ko makakain mamayang tanghali, sure ako hindi ko malulunok ang pagkain ko sa kaba." Napakagat siya sa daliri niya at sumang-ayon sa'kin.
"Feeling ko rin hindi na rin ako makakain, kailangan na'tin 'tong sabihin kay Bless."
Napatimpla na lang kami ng kape at bumalik sa mga pwesto namin matapos namin i-message si Bless.
Bumalik ako sa trabaho ko kaso hindi talaga mawala sa isip ko 'yung mga tingin niya sa'kin, malayo sa mga tingin na binigay niya sa'kin nung gabing 'yun.
Sobrang lambing niyang tumingin sa mga mata ko at halos nakakatunaw ang bawat titig niya sa katawan ko. Pero ngayon? Grabe parang giginawin ka sa sobrang lamig nang titig niya sa'kin.
Para siyang disappointed at iritable sa mga tingin na 'yun, siguro kasi tinakbuhan ko siya kanina sa elevator? Or dahil na laman niyang nag sinungaling kami kagabi?
"Guys, tingin ko kailangan ko nang magpaalam sa inyo."
Napatingin sila ate Corine at Nestle sa'kin sabay tapik sa balikat ko.
"Gaga, wag kang OA baka naman kakausapin ka lang niya o may itatanong lang. Wag kang kabahan tandaan mo 'yung promotion mo malapit na, ipakita mo na lang na professional ka."
Sabagay, kung magiging totoo ba ko sa mga sasabihin ko sa kaniya papatawarin niya ko? Teka nga ano bang ginawa kong masama hindi ko rin naman alam na sa ganito hahantong ang lahat.
Sinadya ko ba? Hindi naman ah!
"Goodluck Dhie," banggit ni Nestle at na kita ko silang nag sitayuan para pumunta sa canteen, sheet na malagkit!
Lunch break na pala at kailangan ko nang harapin ang boss ko.
"Beb tara na," aya sa'kin ni Ann at pumunta na kami sa canteen kung saan nag iintay si Bless.
Pagkita pa lang namin sa kaniya ay halata na rin namin 'yung mukha niyang hindi mapakali.
"Hoy ano na?" Tanong niya at nilapag namin ang pagkain namin sa table. Umupo kami at parang lantang gulay na nag report sa kaniya.
Si Ann na ang nagpaliwanag dahil wala akong gana magsalita o kahit man lang mag-isip ng mangyayari mamaya.
Ihahanda ko na lang 'yung sarili ko sa pag fired niya sa'kin, teka may ipon ba ko sa bangko? Alam ko meron pa pero para 'yun sa tuition ng kapatid ko.
Madami pa kaming utang dahil sa business namin tapos ngayon mawawalan pa ko ng trabaho? Baka lalo akong itakwil ng pamilya ko tapos malalaman pa nilang buntis ako.
"Huy kumain ka muna bess baka mapano 'yung baby," bulong sa'kin ni Bless at pilit kong kinain ang pagkain ko kahit parang isusuka ko 'to dahil sa kaba.
"Anong gagawin ko?" Tanong ko sa kanila habang nginunguya ang pagkain ko, buti na lang masarap 'tong chicken.
"Be your self love your self," sabi ni Ann at halos ibato ko sa kaniya 'yung kutsara na hawak ko.
Hayop talaga 'tong best friend kong 'to, wala man lang mai-advice na ayos.
"Ano nga shuta ka," tumawa siya kaya na patawa na rin ako.
"Iyan tumawa ka muna at wag ka kabahan ng todo hindi ka pa na alis sa trabaho, isipin mo muna 'yung ngayon kaya kumain ka muna d'yan at mamaya mo na lang balikan 'yung kaba mo pagkaharap mo na siya," dagdag niya pa at kinurot ko ang binti niya.
"Aray naman beb! Mapanakit 'to," banggit niya at medyo na wala ang kaba sa loob ko.
"Bess tama naman si Beb be your self na lang, dumepende ka na lang sa tanong niya at sabihin ang totoo," banggit naman ni Bless at tumango na lang ako saka pilit na kinain ang tanghalian ko.
Nung isa-isang na wawala ang tao sa canteen para bumalik sa loob ng kaniya-kaniya nilang department ay nagsimula na naman ang kaba ko sa katawan.
"Tara na, basta beb kung ano man maging out come tulungan na lang," sabi ni Ann at sinukbit ang kamay niya sa braso ko, ganoong din ang ginawa ni Bless at binigyan nila ako ng lakas ng loob para sa problema na 'to.
"Kaya mo 'yan basta sabihin mo na lang ang totoo," sabi naman ni Bless, kaya iyon na lang ang gagawin ko ang umamin sa lahat ng nangyari kesa naman takpan ko pa ang problema ng kasinungalingan na lalo lang lalaki.
Sabi pa nila galit daw ang director sa mga sinungaling kaya okay na sigurong umamin na agad ako hanggat maaga.
"Andito na tayo," banggit ni Bless at bumitaw sa braso ko, napalunok naman ako sa kaba nang makita ang pintuan ng office niya.
"Una na kami beb," banggit ni Ann na pumunta pa talaga ng eight floor para ihatid ako.
"Kaya mo 'yan," tinulak ako ni Bless papunta sa harap ng pinto, bwisit 'tong mga 'to.
"Para niyo naman akong iaalay sa dimunyu mga hayup kayo, ba't ganito 'yung feeling?" Tumawa lang sila at halatang kabado na rin sa mangyayari sa'kin.
"Kaya mo 'yan beb hahaha bye," sabay lakad ni Ann papalayo at kumaway na rin sa'kin si Bless at pumasok na sa department niya.
Napalunok naman ako habang nakatingin sa malaking pintuan na nasa harap ko, jusco pagpumasok ako rito katapusan ko na talaga.
Hindi ko alam kung saan ako pupulutin pagtapos ng usapan namin at sana lang talaga ay sustentuhan niya na lang ang anak namin.
Iyon na lang siguro ang makukuha ko sa kaniya at pag nakapanganak na ko magtatrabaho na lang ako ulit or online seller na lang.
Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na magiging maganda ang outcome nito, feeling ko babalaan niya na lang ako na manahimik at itago ang katauhan ng anak ko, or baka paalisin niya na agad ako sa trabaho at i-black list ako sa company.
"Ay nako, magso-sorry na lang ako kay mama at kakapalan ang mukha kong tumira ulit sa bahay."
Napalunok ako saka huminga nang malalim, kakatok pa lang sana ako sa pinto nang biglang niluwa nito si Liam na cute na cute sa bagong office attire niya.
"Ate Dhiena?" Tanong niya sa'kin at hindi ko na mamalayan na natulala na naman ako sa kakyutan ng batang 'to.
"Ah hahaha," napakamot ako ng ulo ko at pinapasok niya ko sa loob.
"Kanina ka pa iniintay ng director, dapat tatawagin na kita eh. Pasok kana." Banggit niya at tumango ako sabay kamot sa ulo ko.
Humakbang ako papasok sa pinto at hindi tinataas ang ulo ko, narinig kong sinarado ni Liam ang pintuan at iniwan kaming dalawa doon para mag-usap.
"Good afternoon director Inoue," bati ko sabay yuko para magbigay galang sa kaniya.
"Good afternoon Ms. Jean."
Napalunok ako at hindi pa rin tinataas ang mukha ko para tignan siya, baka kasi bigla niya na lang akong sigawan or sermunan. Kinabahan ako na para na kong na statwa sa pagkakayuko ko.
"Ms. Dhiena Ver Jean," tawag niya.
Ay shuta pinaka ayaw ko sa lahat ay tinatawag ako sa buo kong pangalan kaya hindi ko na mamalayan na nakatingin na pala ako sa kaniya ng masama at nakalimutang boss ko nga pala ang nasa harap ko.
"Pfft, tumingin ka rin sa'kin," bigla siyang nag smirk na parang ikalalaglag ng panty ko pero kalma self na tikman mo na 'yan at oo na masarap talaga siya char.
"sorry sir," sagot ko na lang at lumihis ng tingin sa kaniya, hindi ko magawang titigan 'yung mukha niya nang matagal dahil sobrang gwapo niya na parang gusto ko siyang sungaban.
Wait Dhiena, parang mas dimunyu 'yung isip mo kesa sa kaniya. Parang ang manyak ko today.
"Let me get this straight, bakit mo ko tinakbuhan kanina? Did I do something wrong or say something that makes you upset?" Make me upset or more like make me insane.
"Ahm wala naman po sir," maikli kong sagot kasi hindi ko talaga mabasa 'yung nasa isip niya, hindi ko alam kung alam niya na bang buntis ako o ano.
"So bakit mo ko tinakbuhan? Hindi pa ba maganda ang offer ko sayo? Ayaw mo bang pakasalan kita?" Tanong niya.
The hell? Sa totoo lang sino bang hindi mabibigla sa tanong na 'yun? Ako lang ba o baliw na ang isang 'to? Sino bang matinong lalaki ang bigla na lang mag po-propose sa elevator?
Wait, ano ulit sabi niya? Offer ba kamo?
"Ano sir, offer?" Tanong ko at nag nod lang siya ng ulo niya sabay salumbaba sa desk niya.
"I would like to make an offer for you, let's get married and I pay you. It's a win-win situation para sayo," sabi niya habang seryosong nakatingin sa'kin.
Pero sumama na ang loob ko at halos magdilim ang pag-iisip ko. Anong tingin niya bayaran akong babae? Tingin niya kailangan ko ng pera? Well oo nga kailangan ko talaga ng pera pero hindi ibang sabihin noon na ibebenta ko na ang pagkatao ko para lang pakasalanan siya at maging utusan niya.
Tama ang sabi nila Bless, babayaran niya na lang ako para sa katahimikan ko, hindi niya na iisip na natatapakan niya ang pride ko bilang babae na halos virgin sa lumipas na twenty seven years.
"Sorry sir ah, may tanong lang ako." Sinenyas niya ang kamay niya sa harap ko, pipi ba ang isang 'to dapat sinasagot niya ko! Lalo tuloy akong na pipikon sa kaniya.
"Go," maikli niyang sagot, aba pinapainit niya talaga ang ulo.
Hindi ko alam kung talagang ugali ba 'to ng mayayaman o ano, pero hindi ko matatanggap ang pera niya sa ganitong paraan at hindi rin ako papayag na ginaganito ako kaya naman nagtanong ako para malinawan ako ng todo.
"Bakit niyo ko babayaran?" Maikli kong tanong na nagpakuha ng atensyon niya.
"Hu? Why? Hindi ba iyon ang gusto niyo?" Ano daw? Pinapapiltik niya ng malupit ang wisyo ko.
"Wait sir hindi ko naman gusto ikasal sayo in the first place at kung na kokonsensya kayo dahil may nangyari sa'tin okay lang po na kalimutan niyo na lang 'yun at ituring na pagkakamali ko." Lakas loob kong sagot sa kaniya at sumama lang ang timpla ng mukha niya, bakit siya na gagalit?
Bakit siya pa ang may ganang magalit pagtapos niyang bilhin ang puri ko. Shuta ba 'to?
"What? Ayaw mo ko pakasalan? But why? I'm the next president of this company at hindi ba lahat ng babae ay gold digger lang?"
Pwede bang sampalin ng malutong ang isang 'to? Pa-isa naman please.
"Sir hindi sa wala akong galang ah pero sasagutin na kita, hindi lahat ng babae ay katulad nang iniisip mo. Wala naman akong pake sa yaman mo o kahit panagutan mo pa 'tong anak na'tin, ang akin lang wag mo sana akong patalsikin sa trabaho kasi kung gusto mong manahimik ako sa issue na 'to ay gagawin ko." Lakas loob ng sagot sa kaniya na nagpalaki ng mata niya.
Halos gulat na gulat siya at biglang napatayo sa upuan niya, wait bakit ganito ang reaction niya? May na sabi ba kong mali?
"What did you say? You're pregnant?"
'Yung gulat at pagkabigla niya kanina ay lumipat sa mukha ko at ako naman ang napaurong ng tayo sabay takip sa bibig ko, gaga ka Dhiena na dulas ka sa sarili mong dila! Ang tanga-tanga mong babae ka!
"Ulutin mo nga 'yung sinabi mo!" Napaurong ako habang nakikita ko siyang naglalakad papalapit sa'kin.
Tumingin siya sa mga mata ko at tinitigan ako ng sobrang intense.
Jusco sa mga titig na 'to pa lang talo na ko, halos manlambot ang mga tuhod ko at nang hahakbang ako paurong ay tuluyan nang bumigay ang mga 'to.
Pero bago pa ko bumagsak sa sahig ay mabilis niyang na salo ng malaki niyang kamay ang bewang ko at hinila papalapit sa kaniya.
Nagkatitigan kami at hindi niya inaalis ang mga tingin na iyon sa mata ko.
"So you are pregnant," nga smirk siya sa harap ko na dahilan nang pagbilis lalo ng t***k ng puso ko.
"Hu hindi po, baka na misheard niyo lang," banggit ko at 'yung ngisi sa labi niya ay biglang bumaliktad at 'yung mata niya bigla na naman nanlisik.
Bipolar ba ang isang 'to?
"I don't like when people lie," mahina niyang sabi pero ramdam ko 'yung pagkaseryoso niya sa salitang 'yun.
Napalunok ako at mabilis na iniwas ang mukha ko sa harap niya.
"Hindi sayo 'to, hulog lang ng langit ganern."
Ahhh! Dhiena! Anong pinagsasabi mong gaga ka, 'yung utak ko hindi na umaandar ng matino dahil sa kaba at lapit ng mukha niya.
Parang any time bigla niya na lang akong sasakmalin, kaso ang pinagtataka ko bakit pati tyan ko parang kabado.
Omg, butterflies ba 'to o na tatae lang ako?
"What are you virgin Mary? Sa pagkakatanda ko I'm your first and remember iniwanan mo pa ko ng limang libo." Napatingin ako sa mukha niya at na kita ko ang pagkabanas nito.
Eh pano ba naman hindi ko alam na matinong lalaki pala siya to the point na boss ko pala siya sa trabaho akala ko kasi lahat ng lalaki sa bar ay gigolo.
"Waah! Im so sorry sir, hindi ko na talaga matandaan at kung may nagawa po akong kasalanan pagbabayaran ko na lang, pwede niyong kunin ang bonus ko for this December." Sagot ko sa kaniya sabay takip sa mukha ko, ang lapit kasi ng mukha namin sa isa't isa at hindi ko alam bakit ba hindi niya pa rin ako binibitawan.
'Yung lapad at laki ng kamay niya ay halos sakupin na ang bewang ko sa likod.
"So you telling me na hindi mo alam 'yung ginawa mo that night?" Tumango na lang ako at humingi ng paumanhin sa kaniya.
"Tsk, how disappointing kanina nag walk out ka sa proposal ko then sasabihin mo hindi mo tanda ang nangyari sa'tin?" Tanong niya na nagbigay ng pagtataka sa'kin, bakit parang siya pa 'yung dehado eh siya na nga nakauna sa'kin?
Bakit parang kasalanan ko pang na kalimutan ko? Nagtatampo ba siya?
"Hmm sorry sir pero medyo malabo lang 'yung iba, kung gusto niyo po tatahimik na lang ako at aakuin mag isa ang anak ko, hindi ako gagawa ng issue basta makapagtrabaho lang ako." Tumaas ang isa niyang kilay at sabay cross arm kaya muntikan na kong ma-out of balance nung binitawan niya ang bewang ko.
"So you don't want to get married with me? As in ayaw mo kahit bayaran kita?" Ito na naman siya iniinis niya na naman ako sa tanong na 'yun.
"No sir, ayokong ikasal sa taong hindi ko mahal at ayokong may perang involve hindi po ako bayaran." Kahit na ako 'yung unang nag bayad sa kaniya ng limang libo nung gabing 'yun.
And yes, pagkakamali ko lang ang lahat that night dahil sa hayop kong ex na si Kenneth, actually na damay lang naman siya sa lahat ng gusot na 'to.
"Sorry po kung na damay kayo, hindi ko sinasadya ang gabing iyon at bibigyan ko ng full responsibility ang action ko kaya sana po wag niyo kong tanggalin sa trabaho." Napayuko na ko at nagpipigil sa luha ko, kasalanan talaga 'to ni Kenneth 'yung hayop na 'yun.
"Sino naman nagsabing papatalsikin kita?" Napaangat ang ulo ko sa gulat dahil sa tanong niya.
"Po?" Bumalik siya sa upuan niya at humarap sa'kin.
"I know na akin ang batang 'yan so don't ever deny it, hindi ko rin gawain magpatalsik ng employee na maayos naman magtrabaho sa company ko. But if you don't take my offer baka pag isipan ko," ngumisi siya at muling sumalumbaba sa table niya.
Bina-black mail niya ko?
"So take my offer and be my wife," sabi niya na nagpakunot ng noo ko. Nakikinig ba siya sa mga sinasabi ko? Ang kulit niya eh paulit-ulit.
"No sir, I told you na hindi ako magpapakasal sa hindi ko mahal, magiging broken family lang tayo kung ipipilit na'tin at ang bata ang kawawa sa huli."
At pwede pang masira ang reputation ko sa company kung sakaling mag ka-issue kami at syempre boss ko siya at employee niya ko.
"Hmm you're right, so how about we start to get to know each other so we can fall in love, iyon naman ang way 'di ba?"
Ano daw? fall in love? Sa kaniya ba talaga galing 'yun? Sa boss naming woman hater daw at no girlfriend since birth? May saltik talaga ang isang 'to.
Saka mas risky 'yun dahil kung mag da-date kami or lalabas baka may makakita sa'min. Hello CEO siya at kilalang tao edi expose kami sa office at goodbye promotion, goodbye salary pay at goodbye life na ako.
"Sir, director ko po kayo at ako employee lang po. It's not okay po na sirain niyo ang rules ng company na kayo rin ang gumawa." And hello usapan pa nga sa company na galit siya sa mga office affair at secret relationship.
Bakit ba pinipilit niya kong maigi na pakasalanan ko siya? Pwede niya naman sustentuhan na lang ang bata ah? Natapakan ko ba ang pride niya bilang man of his words daw?
"So ayaw mo talaga? Ayaw mong mag dinner every night para makilala ang isa't isa? I thought gusto ng mga babae 'yun?" Umiling ako, kung normal na employee lang siya why not coconut ang gwapo niya kaya pero kung CEO siya at director sa company na pinagtatrabahuhan ko, ay dzai delikado talaga.
"Mahirap talaga sir," maikli kong sagot at bigla na lang sumama ang timpla ng mukha niya.
"What about my child? May karapatan din naman ako sa batang 'yan." Oh gad ba't ba ang kulit niya?
"Kahit sustentuhan niyo na lang po siya okay na ko doon," sabi ko kaso mabilis siyang umiling at sumandal sa umupa niya.
"If that's the case," tumitig siyang maigi sa'kin at napalunok ako sa kaba.
Tumayo siya at humalukipkip sa harap ko sabay mariin na sinabing,
"You are fired, Ms. Jean."
TO BE CONTINUED