❧ ❧ ❧
DHIENA's POV
Sersyoso siyang nakatingin sa'kin at kaming dalawa ni Liam ay halos mahulog na ang panga dahil sa gulat sa sinabi niya.
Kailangan kong makaalis sa sitwasyon na 'to kaagad hindi niya ko pwedeng mahuli at masira ang promotion ko na halos ilang taon ko nang inaasam.
"No sir! Thank you bye," saktong bukas ng pintuan ng elevator at mabilis akong tumakbo pabalik sa department namin.
Tumakbo agad ako sa loob ng CR at mabilis na kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Kailangan ko ang mga bestfriend ko kung hindi baka makunan ako ng de oras dito.
Agad kong tinext sila Bless at Ann kaso pareho silang hindi nag re-reply, syempre alam kong busy sila at may trabaho na ginagawa kaso pakiramdam ko masisiraan ako ng bait pag hindi nila ako kinausap o pag hindi ko na ilabas ang frustration ko!
Naiiyak ako, bakit naman kasi sa lahat-lahat ng pagkakataon siya pa ang bagong director sa office na 'to at sakto pa performance review ko this coming three months.
Anong gagawin ko? Bakit niya ko tinanong ng tanong na 'yun? Hindi ba't kilalang tao siya? Bakit gugustuhin niya mapakasalan ang katulad ko at isa pa alam niya bang buntis ako?
Hindi naman 'di ba? Wala pa naman nakakaalam sa company hindi ba?
"Anong gagawin ko?" Naiyak na ko sa sobrang kaba at takot na baka pagkalabas ko sa comfort room na 'to ay fired na ko sa trabaho or demoted na sa position ko.
Tapos andoon pa si Liam, isa pa namang makulit na bata 'yun pero alam ko naman hindi niya ipagkakalat kung may alam siya or may malaman siya sa pinsan niya.
Pano ba kasi nangyari na si ONS ang bagong director sa office?
"Ahhh Dhiena pano na 'yan! Pano mo mabubuhay ang pamilya mo mula sa kahirapan!" Nasabunutan ko ang buhok ko at halos maubos na ang kuko ko sa daliri kakakagat.
"Beb?" Rinig kong tawag ni Ann sa labas kaya agad kong binuksan ang cubicle at nakita niya kong luhaan at mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Beb anyare sayo mukha kang sadako, or unding?" Hayop talaga 'to mukha ba kong galing sa loob ng bowl?
"Beb! Nakita ako ni ONS sa elevator!" Nanlaki rin ang mata niya.
"What? Wait lang papunta na raw si Bess," hindi niya rin alam ang gagawin at halos sabunutan niya na rin ang buhok niya kaya naman napasabunot na rin ako sa buhok ko.
"Bess? Beb? Anong ginagawa niyo?" Gulat niyang sabi dahil na abutan niya kaming nababaliw na sa loob ng cubicle.
"Bess nakita ako ni ONS at ni Liam kanina." Napahawak siya sa bibig niya at agad na lumingat saka sinara ulit ang cubicle, dating gawi sa meeting place naming tatlo.
Ang loob ng cubicle.
"What? Bakit hindi ka nag ingat kakaloka ka, edi na kita niya na ang mukha mo?" Tumango ako at halos mahilamos na ng palapad ko ang mukha ko sa stress.
"Na tandaan ka ba niya? Baka naman over react ka lang," banggit naman ni Beb na wish ko nga ay over react lang ako pero hindi eh, tinanong pa nga ako na magpakasal na raw kami.
"Oo beb one hundred percent alam niya kung sino ako at tinawag niya kong virgin so kahit sabihin kong one night stand lang 'yun alam niyang siya ang first ko at hindi pagkakamali ang lahat."
"Sabi pa naman nila na ang bagong director daw ay man of his words pano kung makonsensya siya at mag take ng responsibility sayo? At sa lahat ng pwede niyang itawag iyon pa talaga so tanda ka niya bilang virgin bess," sabi ni Bless na lalong nag bigay ng pressure saming tatlo.
Tama siya pwedeng mangyari 'yun kaya siguro inaya niya agad ako magpakasal.
"Ay wait, may isa pa pala akong problema." Napalunok silang dalawa at sabay na nagtanong.
"Ano?" Tanong nilang dalawa at halos maiyak na ko.
"Inaya niya ko magpakasal." pareho silang na panganga at katulad ng expression ni Liam kanina ay halos mahulog na rin ang mga panga nila sa gulat.
Sino ba naman kasi hindi magugulat kung sa first meeting niyo pa lang ay aayain ka na niya magpakasal.
"Omg, baka ito na ang sign ng maganda mong kapalaran beb," sabi ni Ann at hinampas siya ni Bless.
"Ano ka si madam Zenaida Seva? Manghuhula ka girl? Kalma lang mga bess isa-isahin natin 'yan bago mag time," napatingin ako sa cellphone ko at malapit na nga magsimula ang office hour.
"Confirm muna na'tin if baliw ba 'yan si ONS, bakit ka niya inaya magpakasal alam niya bang buntis ka or dahil lang ikaw ang una niya?" Tanong ni Bless habang nagsisiksikan kami sa loob ng cubicle at sinuguradong walang taong makakarinig samin.
"Hindi ko rin talaga alam bess kaya nga tinawag ko kayo rito kasi mababaliw na ko sa kakaisip, sino bang matinong lalaki na mag aayang magpakasal agad 'di ba? Saka isipin mo 'yun one month na kaming hindi nagkikita panong na tatandaan niya pa ko?" Tanong ko at si Ann naman ang sumagot.
"I told you baka bet ka niya, isipin mo na lang na kahit isang buwan na ang lumipas nasa isip ka pa rin niya at baka nga hinahanap ka pa niya." Umiling kaming dalawa ni Bless, alam namin optimistic maigi 'tong best friend naming si Ann pero hindi pasok sa banga ang sagot niya kailangan na'tin ng medyo makatotohanan na sagot.
"Pwede ba 'yun? isang CEO at apo ng mayaman na tycoon mai-inlove sa katulad ko? Beb iniwan nga ako ng Ex ko tapos 'yung ganung kagwapo at successful na lalaki mai-inlove sa'kin?" Oh come on depende na lang kung magaling pala ako sa kama nang gabing 'yun char.
"Bakit hindi? maganda ka naman beb ah, saka malay mo ngayon lang siya nakatapat ng katulad mo."
Minsan talaga masama ang masyadong panonood ng korean drama.
"Osige beb sabihin na na'tin ganun na nga ang nangyari eh pano ko itatago sa admin ang problema ko? Pano kung biglang lumobo 'yung issue samin ng director at hindi na ko ma-promote? Isa pa bawal ang love birds sa office."
"Omg oo nga pala pano na 'yun?" Sabay-sabay kaming napatahimik at si Bless naman ang nagsalita.
"Eh pero 'di ba gusto ka niya pakasalanan? Edi tiba-tiba ka na kung siya ang asawa mo hindi mo na kailangan magtrabaho, be practical na lang totoo naman na kailangan mo rin ng pera lalo na ngayon sa dinadala mo." Totoo pero iyon na ba talaga ang sagot? Matatali na lang ako bigla sa lalaking hindi ko man lang kilala at hindi ko man lang mahal.
"Ang tanong kasi dito ay kung papayag ka sa offer niya, para kasing hindi proposal ang nangyari sa inyo kung hindi deal and offer. Isipin mo maigi itatago ka namin kahit anong mangyari if gusto mo pero kung siya na ulit ang lumapit sayo give him a chance or try to hear him out."
Tama si Bless, hindi ko naman pwedeng takbuhan ang problema na 'to hanggang sa humupa na lang siya. Kailangan ko siyang harapin at depende na lang 'yun kung muli niya kong kakausapin.
"Just act normal na lang ulit bess, and beb bantayan mo maigi si Dhiena okay? Wala kasi ako sa department niyo kaya hindi ko alam ang mangyayari." Tumango kaming dalawa sa kaniya, si Bless ang pinaka maayos mag advice samin tatlo pero hindi rin talaga kumpleto pagkulang ng isa.
"Pumasok muna tayo and ako na bahala kay Liam, mukha naman hindi magsasalita ang isang 'yun lalo na't pinsan niya ang director. Hindi lang naman ikaw ang mapapasabak dito beb kasi kung seryoso si ONS edi pati siya sabit sa issue," sabi ni Ann.
Totoo naman at iyon ang pinagtataka ko, bakit niya na isipan mag propose bigla sa elevator? Seryoso ba siya sa'kin o talagang na konsensya lang siya sa nangyari.
Pareho naman naming ginusto ang gabing 'yun at hindi ko naman sa kaniya pinapaako ang nangyari saming dalawa, nagtataka lang ako bakit ganoon ang sinabi niya.
Kinakabahan tuloy ako, pano kung kumalat na sa office na buntis ako at nakarating sa kaniya 'yun?
"Mga bess kinakabahan ako, pano kung alam na ng buo ng office? Tapos kumalat na nabuntis ako? Anong gagawin ko?" Hindi ko na nakayanan at tuluyan na kong napaiyak sa kaba.
Hind pa alam ng pamilya ko 'to at pano na lang kung bigla ako mawalan ng trabaho? Ayoko mag stay sa bahay at ayoko rin maging pabigat sa kanila.
"Shhh— kung alam na nila 'yung issue andito naman kami, wag mo silang pansinin dahil doon mo makikita kung sino ang totoo sayo, sa paligid mo at isa pa sabi mo naman 'di ba na gulat si Liam at parang walang kaalam-alam? Kaya act normal na lang kung may marinig ka patay malisya na lang," sabi ni Bless at pinunasan naman ni Ann ang mukha ko saka inayos ang buhok ko.
"Tara na bumalik na tayo sa office baka lalo pa silang makahalata kung malate tayo sa loob, sana lang talaga wala pa silang alam tungkol dito," banggit ni Ann at inalalayan ako tumayo.
Bumalik kami sa kaniya-kaniya naming pwesto at si Bless naman ay umakyat na sa eight floor.
Binuksan ko ang computer ko at nilinis ang table ko, kabado ako sa mga ka-group ko at baka may alam na silang dalawa.
"Dhie na pasa mo 'yung design kahapon?" Tanong ni ate Corine at tumango ako, nagtaka naman siya sa itsura ko at mukhang walang kaalam-alam.
"Anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?" Tanong niya at tumango ako sabay kamot ng ulo.
"Sumakit lang maige 'yung tiyan ko hahaha," sabay tawa ko at halos tumibok ng mabilis ang puso ko sa kaba.
Mukhang safe pa naman at wala pang nakakaalam ng balita kaya pwede na kong huminga ng maluwag.
"Ay oo nga pala pinuntahan ka ng director kahapon 'di ba?" Okay wait bakit bumibilis ulit ang t***k ng puso ko?
"Ha? Kailan?" Tanong ko at si Nestle naman ang nagtanong sabay hampas sa likod ko.
"Gaga kahapon sa inauguration, 'di ba lasing si Liam tapos pinapunta niya si Director Inoue sa pwesto niyo? Kitang kita ko kaya 'yung mukha ni Ann at ni Ma'am Bless halos maloka na kayo doon." Napakamot ako ng ulo sabay tawa.
"Ah— hahahaha oo nga pala hindi ko masyadong inintindi kasi sobrang sakit ng tiyan ko kaya pinauwi kami ng maaga. Tapos ang kulit pa ni Liam that time halos hindi ako mapaimpot sa upuan ko," paliwanag ko at tumawa silang dalawa na akala mo eh may bago na namang baraha na ipang-aasar sa'kin.
"Tawa nga kami nang tawa sa mukha mo kahapon kasi ang kulit ni Liam, gusto ka namin tulungan pero na gulat na lang kami nung tinawag niya si Director at lumapit naman 'to sa inyo, ang heavy ng atmosphere kaya 'yun kumain na lang kami."
Hayop 'tong mga 'to talaga naman hinayaan nila si Liam na magkalat sa pwesto namin samantalang sila kain lang ng kain, napakagat labi tuloy ako dahil hindi ko man lang na enjoy 'yung premium beef ko.
"Bwiset kayong dalawa hindi niyo man lang ako tinulungan sobrang sakit na ng tiyan ko that time tapos ang kulit pa ni Liam," tawa lang sila ng tawa at ako halos maingget sa premium beef nila.
Hindi naman ako pinauwian ng director katulad ng pangako niya, sabagay hindi niya naman alam 'yung bahay namin at medyo namamadali kami kaya siguro hindi niya na tupad 'yung sinabi niya.
Busy ang lahat kagabi at akala namin magiging okay na kung makikihalubilo lang kami sa kanila pero nitong umaga lang, halos masira ang paghihirap namin kagabi dahil na huli niya agad ako sa elevator.
Dapat pala sa stair na lang ako umakyat kesa sa makasalubong siya doon.
"By the way Dhie okay ka naman na? Mukha ka kasing maputla?" Tanong ni Nestle at umiwas na lang ako ng tingin.
"Oo naman ayos lang ako hahahaa medyo na kirot lang 'yung tiyan ko kaya kung may maamoy kayong hindi maganda pagpasensyahan niyo na ah." Pang-aasar ko para maiba ang topic at hindi nila mahalata na kabado ako kay Liam at sa Director.
"Ieww kadiri ka," reklamo ni Nestle kaya na tawa ako at panay asar sa kaniya.
Para kaming walang trabaho at hindi pansin ang ingay namin dahil nasa dulo kaming pwesto, madalas nagkukwentuhan lang naman kami pag walang project at revision kaso ngayong araw hindi kami pwedeng makitaan ng tamad-tamaran na behavior dahil sabi nila mag iikot daw ang director mamaya.
At halos bumalik ang kaba sa buong katawan ko, literal na sumasakit ang tiyan ko sa kaba dahil ayokong makita niya ulit.
Pwede ba kong magtago ulit sa CR pag nag ikot na siya?
Pero mahigpit na bilin ni Ma'am Jen na dapat nasa pwesto kami at nagtatrabaho kahit wala naman project ngayon.
Anong gagawin ko dito? Titig sa monitor eh wala ng revision dahil na pasa na naman kahapon. Kakaloka naman magpakitang gilas kung wala ka naman talagang mapapakita.
"Ah iyan na si Liam," banggit ni Nestle at otomatikong bumaba ang ulo ko sabay tago sa monitor ko.
Kinalbit ko siya sabay bulong.
"Nestle kasama niya ang director?" Tanong ko at umiling siya sabay tingin ulit sa direksyon ni Liam.
"Hindi, may kinuha lang siya sa faculty room tapos iyon nasa printing na bakit?" Tanong ni Nestle at umiling lang ako, pinagpawisan ako doon ah akala ko kasama niya na si ONS.
"Hays," hinga ko nang malalim at biglang tumingin sa'kin si Nestle nang may paghihinala.
"Hmmm? Anong meron?" Patay malakas pa naman ang pang amoy ng babaeng 'to at syempre susunod na si ate Corine.
"Bakit anong meron?" Nakopo ang mga tsimosa na bubuhay na, masaya akong makasama sila sa chikahan pero pag ako na ang iniintriga nila kinakabahan na ko ng bongga.
"Ahahaha wala naman, gusto ko lang batukan ang batang 'yan kahapon." Palusot ko at naningkit na ang mga mata ni Nestle na parang nagsasabing—
"Talaga ba?" Banggit niya at halos mapalunok ako saka ko nilabanan ang maintriga niyang mata.
"Oo nga, na wawala na 'yung image niyang cute sa'kin simula kagabi, isipin mo hindi ako nakakain ng ayos dahil sa kakulitan niya then tinawag niya pa ang director sa pwesto namin na halos magbigay ng kaba saming tatlo, maha-handle ko pa sana 'yung sakit ng tiyan ko eh, kaso dumoble 'yung sakit nung andoon na ang CEO," sabi ko habang kabado kung kakagat ba sila sa paliwanag ko.
Kumagat na kayo ang haba kaya ng sinabi ko.
"Hahaha sabagay pero para sa'kin cute pa rin ang baby Liam ko." Ang nangungunang fan girl sa balat ng design department Nestle Gatdula para sa senado.
"Hahahaha cute pa rin naman si Liam na stress ka lang niya kagabi, hindi ka pa ba niya kinakausap or humingi man lang ng sorry?" Umiling ako sa tanong ni Ate Corine.
Pano ba naman siya hihinge ng sorry sa'kin matapos nang mangyari kanina. Baka magulo pa rin para kay Liam ang lahat at mukha rin siyang busy ngayon.
"Hindi pa nga eh, pero okay lang. Kung makikita mo naman kasi siya ngayon parang sobrang busy niya masyado." Sumangayon silang dalawa sa'kin habang patuloy kaming nag papanggap na nagtatrabaho.
"True, hirap siguro maging secretary ng director pero mukhang okay naman si Liam." Syempre pinsan niya eh baka naman kahit papano hindi mabigat ang work load niya.
"Woah!" napalingon kaming lahat sa lalaking muntikan na mauntog sa glass door ng department.
Na bitawan niya ang lahat ng document na hawak niya at kumalat 'to sa sahig. Nakita namin siyang nagpupulot sa labas ng pinto at tinulungan siya ng iba namin ka workmate.
"Okay mukhang mali tayo ng tingin guys, mukhang busy masyado si Liam," banggit ni ate Corine dahil first time naming makitang mataranta si Liam sa buong panahon na kamasa namin siya sa office.
"Hindi niya na pansin 'yung pinto kung bukas?" Tanong ni Nestle at tumango kaming dalawa ni ate Corine at pasimple na lang na tawa.
"Mukhang miske ang baby Liam na'tin ay walang iuubra sa bagong boss na'tin, hopefully lahat tayo makapag-adjust sa bilis niya sa pagtatrabaho," sabi ni Ate Corine at maya-maya lang tinawag na kami ng head design chief namin for new project.
Okay nang may gingawa kesa sa nakatulala lang kami, mas mahirap mag panggap kesa sa tunay na may ginawa ka at saka para na rin mawala sa isip ko 'yung nangyari kanina.
Kaya naman nag focus na ulit ako sa trabaho at pinaganda ang performance ko, hindi ako susuko dahil alam kong makukuha ko ang promotion ko.
Matagal ko nang pinaghihirapan 'to at ayokong masira lang 'to dahil sa isang pagkakamali ko.
At this time alam kong mag-iikot na si Ma'am Jen para tignan ang performance ko kaya naman magpapasikat ako ng bongga kahit limang projects pa push!
Kaso parang nang aasar ang tadhana, hindi ko alam kung may balat ba ko sa pwet para maging ganito kamalas.
Ako lang ba o talagang nang aasar ang kapalaran sa'kin?
"Good day every one," bati ni ma'am Jen at pumasok sa loob ng department namin ang lalaking nagbibigay kaba sa sistema ko.
Bumukas ang pinto at hinakbang niya papasok ang mahaba niyang binti suot ang office attire niya na sobrang bagay sa kaniya, hindi ko alam bakit parang bumabagal siya sa paningin ko at bawat galaw niya ay recorded ng mata ko.
Kung tutuosin swerte sana ako sa lalaking 'to kung naging boy friend ko na lang sana siya at hindi na buntis sa ganitong paraan.
Pero iba ang sitwasyon namin ngayon, employee niya ko at boss ko siya. Kailangan ko ng promotion at magpakitang gilas sa harap ng admin staff namin.
Hindi ako pwedeng pumalpak dito at hindi ko rin pwedeng ipahalata sa kaniya ang dinadala ko.
Kung hindi niya pa alam ang tungkol sa anak namin may pag-asa pa kong laruin ang tadhana ko sa company na 'to. Pwede kong sabihin na hindi ako ang babaeng iyon or humingi na lang ng apology sa kaniya sa nangyari. Sasabihin ko na hindi ko ginusto at sinasadya ang lahat or pwede ko rin sabihin na wala akong na aalala.
Marami pa kong pwedeng gawing baraha ko pero kailangan kong mag ingat dahil ang lalaking 'to ay ayaw sa sinungaling, idagdag mo pa na wala pa siyang nagiging girl friend or worst baka woman hater pala siya.
Kaya nakakapagtaka talaga 'yung biglaang prososal niya.
"Ohayou gozaimasu minna san." (good morning every one)
"Hu ano daw? Anong sabi niya?" Pagtataka ko at lahat din kami ay medyo na lito sa sinabi niya, nihongo ba 'yun or korean?
"Ah sorry, I mean Good morning every one," muli niyang bati at lahat kami nag react ng "ah," sabay bati rin sa kaniya.
Pinaupo niya kami at bago ko kunin ang upuan ko biglang nagtama ang mga tingin naming dalawa at naglakad siya papunta sa direksyon ko na halos kumuha ng ulirat ko.
Nakita ko si Ann na halos takpan na ang mukha niya kaya napayuko ako at nagtago sa monitor ko.
"Ms. Jean right?" Tanong niya habang nakatayo sa gilid ng table ko, halos tumahimik ang buong department at hindi makapagsalita ang mga kagrupo ko.
Nangangatog ang tuhod ko at marahan na tumango pero hindi ko pa rin tinataas ang ulo ko.
"Come to my office after lunch," banggit niya at bigla akong napalingon sa kaniya sa gulat.
"Ha?" Abnormal kong tanong at mabilis akong siniko ni Nestle.
"Anong ha? Yes ang sagot gaga ka Dhiena," bulong ni Nestle at bigla akong nakaramdam ng masamang tingin mula sa unahan at na kita ko si Ma'am Jen na nanlilisik ang mga mata sa'kin kaya mabilis akong sumagot na parang huling salita ko na ito sa buong buhay ko.
"Ah I mean yes sir of course why not coco not," sabi ko sa kaniya at napangiwi na lang habang binibigay ang pinaka peke kong ngiti sa balat ng lupa.
"Okay then go back to work," cold niyang sabi at muling bumalik sa unahan para makausap si ma'am Jen.
Halos pagpawisan naman ako at mawalan ng malay sa kaba, halatang na guguluhan sila pero mas mukhang natatakot sila para sa'kin. Siguro iniisip nila may ginawa akong masama or mali para tawagin sa office ng Director.
"Hays," gusto ko na lang umiyak.
TO BE CONTINUED