❧ ❧ ❧ DHIENA's POV Nakatayo siya sa harap ng pintuan ko suot ang isang sumblerong itim at naka sweater na puti, may bag din siyang dala at naka sneaker pa nga ang kuya mo. Hindi ko maisip na siya 'yung nasa labas ng unit ko, baka naman hindi siya 'to? Kumunot ang noo ko at inintay na itaas niya ang ulo niya baka kasi ibang lalaki 'to dahil ibang iba siya manamit at pumorma ngayon. *ding dong* Tinaas niya ang ulo niya at muling pumindot sa doorbell saka ko na kita ang mukha niya. Sheeet siya nga 'to at lalo siyang gwumapo ngayon sa get up niya, ibang iba sa formal attire niya sa office kanina. Kinalma ko ang sarili ko saka huminga nang malalim at pinihit ang seredula ng pinto. Pinagbuksan ko siya ng pintuan at parang gulat na gulat siya sa itsura ko. "Bakit?" Tanong ko at iniling ni