Hanggang Sa Walang Hanggan
Written by: Reyna Ng Ulan
Chapter Five
Buong pwersa na inihagis ni Loco ang kaibigan dahilan upang masubsub ito sa mesa.
Mas lalo namang napahagulgol si Erza sa kabagsikan ng kanyang asawa.
"Loco tama na! Tama na maawa ka!" pagmamakaawa nito sa asawa.
"Maawa?" mariin nitong sagot sa asawa at idinuro n'ya ang kanyang sarili.
"A-ako? Maawa?" dugtong n'ya sabay ngisi ng napaka-sarkastiko at naka-ukit pa rin sa ngiti nito ang pait ng panloloko ng dalawang taong napaka-halaga sa kanya.
"Maawa ako? Erza naman. Bakit sa tuno mo parang ako pa ang mali?! Parang ako pa ang sumosobra?! Wow naman! Ang ginagawa ko ngayon ay sobra na para humiling ka ng awa mula sa akin? Ha! Ganon ba?! Tapos ang ginawa ninyong mga hayop kayo eh, ayos lang? Ganun ba yun? P*tang inang buhay ito kung ganon!"
stress at galit na galit pa ring wika ni Loco habang si Agustin naman ay namimilipit sa sakit at napasandal na lang ito sa bakal na paanan ng mesa sapo-sapo ang tagiliran na napuruhan dahil sa pagkakahagis ni Loco sa kanya.
"Hoi, ano ba!" marahas na bigkas ni Loco sabay sipa sa isang paa ng lalaki.
"Tumayo ka d'yan! Bibigayan ko kayo ng pagkakataon na magpakasarap sa harap ko ngayon mismo!" dugtong pa n'ya at umopo sa silya.
"Bilis, dahil manonood ako. Gusto kung maintindihan kong paano mo pinapasarapan ang mahalay kong d*monyong asawa upang pagtaksilan n'ya ako ng ganito dahil lang sayo! Baka sakaling maintindihan ko pa at mapatawad ko kayo!" mariin nitong bigkas na may dalang panganib.
"Loco, please… maawa ka. Maawa ka Loco, paalisin mo na si Agustin. Huwag mo na s'yang saktan, pakiusap," patuloy na pagmamakaawa ni Erza.
Habang si Loco naman ay matalim na nakatitig sa kanyang asawa habang diring-diri sa anyo nito.
"Paalisin? Sa tingin mo, paaalisin ko ng buhay ang hayop na iyan dito sa loob ng pamamahay ko?!" mabagsik nitong sambit sabay kuha n'ya ng kutsilyo mula sa kanyang likuran na nakapatong sa lagayan. Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Erza ng makita n'ya ang kamay ni Loco na mahigpit na nakahawak sa kutsilyo.
Mas tumindi ang pag kabog ng kanyang dibdib at palipat-lipat ang kanyang mga mata sa kutsilyo at sa mga mata ng asawa.
Base kasi sa itsura nito ay hindi ito nagbibiro at handa talaga itong kumitil ng buhay.
"L-loco, h-huwag!" nauutal n'yang sambit at agarang nilapitan ang asawa sabay luhod sa harapan nito. Mahigpit s'yang kumapit sa isang binti nito habang nakatingala sa asawa at handang humingi ng awa mula rito.
" H-huwag mong gawin iyan pakiusap. Hindi ka masamang tao hon. Gagawin ko ang lahat para sa'yo matawad mo lang ako pero pakiusap, huwag mong gawin 'yan hindi ka mama*tay tao alam ko,"
aniya sa asawa at umaasang makukuha n'ya ang awa nito.
"Look at yourself, Erza. Look how pitiful you are in front of me! Begging me for mercy para lang d'yan sa hayop mong kabit!?" mariin at pabagsak nitong sambit.
"Agustin, lumabas ka na habang may kaunti pa akong katinuan sa sarili ko. Dahil kung hindi, talagang mapapatay kita! Labas!" kumando nito sa kaibigan at nagkukumahog naman itong tumayo upang makalayo. Nabungo pa ang tuhod nito sa bakal na bangko bago ito tuluyang maka-labas sa pamamahay ni Loco.
"Ano ang kaya mong gawin para sa akin Erza upang mapatawad kita?" mapanukat nitong tanong sa asawa.
"Lahat, lahat-lahat Loco. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako," sinsirong tugon naman ni Erza sa asawa.
"Really?' emotionless namang tugon ni Loco, tumango ang asawa bilang pag sang-ayon sabay hawak ni Loco sa Isang kamay ng kanyang asawa at kinaladkad ito papunta sa kanilang silid.
Nang makarating sa kwarto ay walang ingat n'yang inihagis si Erza sa kama na para bang hindi n'ya ito minahal kahit isang araw sa loob ng maraming taon.
Nasubsub naman si Erza sa kama sabay pag patak na naman ng mga luha mula sa kanyang mga mata.
"Mag impaki ka! Lumayas ka sa pamamahay ko ngayon din!"
dilat matang nagulantang si Erza sa iwinika ng asawa.
"P-pero, Loco. Asawa mo ako! Kasal tayo at hindi ako papayag na ilayo mo ako sa piling mo! Hindi maaari! Hindi ako aalis sa bahay na ito!" paninindigan n'ya sa asawa.
"Akala ko ba ay handa kang gawin ang lahat mapatawad lang kita? This is what I want you to do, Erza. Hindi ko na kayang makasama ka! Nge ultimo isang hibla ng buhok mo ay ayaw ko ng mahawakan! Lumayas ka sa pamamahay na ito dahil sa mga oras na ito ay wala na akong asawa! At sana sa pagbalik ko sa kwartong ito ay hindi ko na masisilayan ang nakakadiri mong mukha!" mariing wika ni Loco at malakas na inilamba pasara ang pintuan.
"Loco! Loco! Hindi ako aalis dito! Hindi! Hindi! " patuloy n'yang paninindigan at niyakap n'ya ang kanyang sarili. Ayaw n'yang mawalay kay Loco. Ayaw n'yang malayo sa piling ng pinakamamahal n'yang asawa. Makapal na siguro ang mukha n'ya upang manatili pa sa pamamahay ng kanyang asawa kung saan pinapalayas na s'ya subalit sasagarin na n'ya ang kakapalan ng mukha n'ya ngayon. Sa mga sandali ay tanging si Loco lang ang nais n'yang makapiling. Hindi s'ya aalis sa pamamahay na ito ngayon kahit na saktan pa s'ya ng asawa. Lahat ng masasakit na salita na kanyang matatangap ay tatangapin n'ya. Hindi na n'ya hihilingin ang patawarin s'ya ni Loco, ang nais lang n'ya ay ang makasama ang asawa.
Patuloy sa pag-iyak si Erza sa silid habang yakap-yakap ang sarili at lubos na nagsisisi.
Napatitig si Erza sa cheki na hawak n'ya. Kabibigay lang ni Agustin sa kanya ng pera kahapon, at hindi n'ya lubos maisip na dahil sa isang milyon ay mawawasak ang pagsasama nila ni Loco. Akala n'ya ay mapapanatili n'yang lihim ang lahat.
"Asawa ko, mahal na mahal kita. Alam kong mali ako. Alam kong sa umpisa pa lang ay mali na ako, pero ito lang kasi ang nakita kong paraan para hindi ka masaktan. Gusto kong mabuhay ka sa bawat araw na walang inaalala kaya ko ito nagawa. Hindi ko hihilingin ang patawarin mo ako, hayaan mo lang akong makasama ka, sapat na iyon para sumaya ako. Sapat na sa akin bago ang araw na iyon," sambit n'ya sa kanyang sarili habang patuloy sa pag patak ang malalaking butil ng mga luha mula sa kanyang mga mata.
Nanlilisik ang mga matang singkit ni Loco ng sa kanyang pagbalik sa silid ay wala nge isang gamit ang inimpaki ni Erza.
Malaking hakbang ang ginawa ni Loco palapit sa asawa, animo'y lilindol sa bawat mabigat nitong pag hakbang. Habang si Erza naman ay humalukipkip sa sulok ng kama upang ilayo ang kanyang sarili mula sa asawa, alam kasi n'yang ipagtatabuyan s'ya nito. Subalit kahit na humalukipkip s'ya sa pinakagilid o kahit mag tago pa s'ya sa pinaka-maliit na butas ay wala s'yang kawala sa asawa.
Walang ingat na hinablot ni Loco ang isang braso ng asawa.
"I said pack your things and leave my house!" pabagsak at agresibo nitong sambit sa asawa sabay kaladkad nito palabas ng silid. Habang si Erza naman ay halos magpahila na sa asawa at magpabigat upang hindi s'ya nito magawang kaladkarin.
"Loco! Loco ayaw ko! Loco maawa! Ayuko! Ayuko" aniya sa nagsusumang tinig habang pilit na inaalis ang tila bakal na kamay ng kanyang asawa. Subalit kay gaan lang n'ya para kay Loco. Muling pumatak ang mga luha mula sa mga mata ni Erza ng mapagtanto n'yang nasa bungad na sila ng gate.
"Loco, ayaw ko! Ayuko Loco! Maawa ka! Maawa ka pakiusap! Loco!" patuloy n'yang pagsusumamo sa asawa subalit buong pwersa na s'ya nitong hinagis palabas ng gate. Nasudsud pa ang kanyang dalawang tuhod sa simento dahilan upang magdugo ang mga ito.
Subalit ang mga gasgas na iyon ay hindi na n'ya ininda, bagkus ay gumapang s'ya palapit sa kanyang asawa.
"Loco, h-huwag mo akong paalisin, pakiusap," hagulhol n'ya sa harapan nito sabay yakap sa paa ng kanyang asawa na walang awang nakatingin sa kanyang.
"Gusto ko pang makasama ka! Gusto ko pang makapiling ka, Loco! Kahit sandali lang Loco, pakiusap! Pakiusap!" pagmamakaawa n'ya sa asawa subalit matigas na ang puso ni Loco. Ang dating mabait na asawa n'ya ay wala na.
Kinalas nito ang mahigpit na mga kamay ng asawa na naka-yakap sa kanyang isang paa.
"Ayuko! Ayuko! Maawa ka! Maawa ka pakiusap!" hagulhol ni Erza habang panay ang pag patak ng mga luha mula sa kanyang mga mata at pilit na niyayakap ang paa ng kanyang asawa. Sa bawat pag baklas ni Loco sa mahigpit sa mga naka-yakap na kamay ng kanyang asawa sa kanyang paa ay palakas ng palakas ang bawat hagulhol nito.
Subalit bato na ang puso ni Loco.
"Lumayas ka na! Hindi na kita kailangan!" masakit at mariing sambit ni Loco. Mahal na mahal n'ya si Erza pero sa ngayon ay puro galit ang namamayani sa kanyang puso.
"Ayuko! Hindi ako papayag! Ayuko! Ayuko! Ayuko!" palag ni Erza at pahigpit ng pahigpit ang kanyang pag yakap sa paa ng asawa.
"Sinabing umalis ka na!" mariing sigaw ni Loco na may halong pandidiri sa asawa sabay malakas n'ya itong itinulak at sinipa dahilan upang mapatihaya si Erza sa daan.
"Loco… asawa ko," hagulhol ni Erza habang bumabagon mula sa pagkakahiga.
"Umalis ka na, Erza! At huwag na huwag ka ng babalik! Kahit anino mo, Ultimo kuko mo ay ayaw kong makita! Huwag na huwag ka ng babalik sa pamamahay na ito dahil gagawin ko ulit sa iyo ang kong ano man ang ginawa ko sa'yo sa gabing ito!" mariin at may babalang wika ni Loco sa asawa. Wala na ang mapagmahal na si Loco, kung may laman man ang puso nito ay walang iba kundi pagkamuhi.
"Sumama ka doon sa kabit mo! Wala akong pakialam kahit na magsama kayong dalawa!" dugtong nito.
"Loco, kahit huwag mo na akong patawarin, hayaan mo lang ako na makasama ka, iyon lang ang kaisa-isahan kong hiling mula sa'yo Loco. Pakiusap, huwag mo naman iyon ipagdamot," aniya rito habang nag uunahan sa pag agos ang malulusog n'yang mga luha mula sa kanyang mga mata.
"Ikamamatay ko kung hindi kita makakasama," dugtong n'ya.
"Mas mainam!" walang emosyon na sagot ni Loco sa asawa at walang paking pinagsaraduhan ito ng gate.
To Be Contenued!