Hanggang Sa Walang Hanggan
Chapter Six
Habang naglalakad si Loco pabalik sa loob ng kanyang pamamahay ay napatigil s'ya ng marinig ang masakit na mga iyak ng asawa. He love Erza so much, hindi n'ya matiis na marinig ang iyak nito. He hates to hear his wife crying.
Akmang babalikan n'ya ang asawa n'ya at papasukin itong muli sa kanyang pamamahay subalit umarko sa kanyang alaala kung paano ito nakikipagtalik sa kanyang hayop na kaibigan. Imbis na lumambot at maawa ay galit n'yang inihakbang ang kanyang mga paa papasok sa kanyang pamamahay at nagpanggap na bingi sa mga iyak ng kanyang asawa. Imbis na awa ay nagliliyab na galit na naman ang namumuno sa kanyang puso at isipan.
Habang si Erza naman ay hindi umalis mula sa kina-uupuan nito at nanatili sa labas ng gate. Umaasa na babalikan s'ya ni Loco at tanggapin muli. Kung kailangan n'yang mag dusa sa ngayon ay nakahanda s'ya basta't maibalik lang n'ya si Loco sa kanyang piling.
Habang umiiyak at nagdadalamhati ay napatingin si Erza sa langit. Nawala ang mga bituin at nagsisimulang sumama ang panahon, pati ang simoy ng hangin ay nagsisimula ng umihip ng malamig. Napayakap si Erza sa kanyang sarili sabay kumolog ng malakas at may kahalo pa itong matinding pag kidlat sabay bagsak naman ng malakas na ulan.
Pero malakas ang loob ni Erza, kahit maulanan s'ya ng malakas ay balewala sa kanya. Kahit na may masisilungan s'ya sa malapit ay hindi s'ya umalis sa labas ng kanilang gate. Tiniis n'ya ang labis na lamig sa ilalim ng gabi na may malakas na hagupit ng ulan.
Habang si Loco naman ay walang paki na inihiga ang kanyang sarili sa kama. Kahit palimbag-limbag at pagulong-gulong na ang kanyang ginawa sa ibabaw ng kama ay hindi s'ya dinadalaw ng antok hanggang sa sumapit na ang madaling araw.
Kusa na lang sumuko ang mga mata ni Loco kontra sa isipan nito kaya kusa ng pumikit ang kanyang mga mata at nawalan ng ulirat.
Kinaumagahan ay maagang nagising si Loco, nge hindi nga yata umabot sa dalawang oras ang kanyang tulog.
Agad s'yang dumiritso sa kusina at nagpakulo ng tubig. Habang naka-salang ang pinapainit n'yang tubig ay niligpit ni Loco ang mga kalat sa kusina kasama na ang chocolate at bulaklak n'yang regalo sa asawa. Inigay n'ya ito sa plastic bag at nagpasya na itapon.
Pagkalabas ni Loco sa gate ay nagpalinga-linga s'ya sa paligid na tila ba ay may hinahanap ang kanyang mga mata.
"Hmm! Buti nga at lumayas din ang babaeng iyon! Bilib din ako sa makapal n'yang mukha kong nandidito pa s'ya sa labas ng gate ko sa gitna ng malakas na ulan kagabi," aniya sa kanyang sarili at lumapit sa basurahan.
Akmang ilalagay na n'ya ang dala n'yang basura sa basurahan ng biglang may dalawang paa s'yang nakita. Nagulantang si Loco dahil kilalang-kilala n'ya ang mga paa na iyon. Wala s'ya sinayang na oras at agad n'yang pinaghahagis kung saan ang mga basurang nakatakip sa taong nagmamay-ari ng mga paa na iyon at bumulaga sa kanyang mga mata ang walang malay n'yang asawa.
Basa ang damit nito pati ang buhok, namumutla pa ito na parang isang bangkay, inaapoy pa ito ng lagnat.
"Erza? Erza? Hon?" alalang bigkas n'ya sa pangalan ng asawa habang tinatapik-tapik ang mukha nito, baka sakaling magising. Subalit nanatiling walang malay si Erza kahit anong gawin n'ya kaya dali-dali n'ya itong binuhat at pinasok sa kanilang pamamahay. Kahit na galit na galit s'ya rito ay mabilis pa ring bumabalik ang kanyang pagmamahal rito kahit na pilitin man n'yang kalimutan.
Inihiga n'ya ito sa kanilang kama at hinubaran ng damit. Binihisan n'ya ito at inaalagaan hanggang sa bumalik na ang init ng katawan nito makalipas ang ilang oras. Habang inaalagaan ang asawa ay
Napatitig si Loco sa itsura ng kanyang asawa. Nabura na ang make up nito dahil sa ulan kaya bulgar na ang tunay nitong image.
"Why she get this too pale aura?" kunot noong tanong n'ya sa kanyang sarili habang titig na titig sa asawa.
"I think, bumaba na rin ang timbang n'ya, she's not that heavy just like before noong kinarga ko s'ya kanina. She changed a lot, she became a little skinny at gumaan s'ya. Anyway, why I wonder kung bakit maputla s'ya? Mahilig sa payat ang kabit n'ya kaya siguro she changed her diet para sa hayop na iyon! Malamang, kaya s'ya maputla dahil diet s'ya ng diet para mapasaya ang bwisit n'yang kabit!" may galit na sambit ni Loco. Subalit sa gitna ng galit ay biglang piniga ang kanyang puso sabay napaluha s'ya at agad naman n'ya itong pinunas.
"F*ck! Why am I crying by just looking at her? Why do I have to cry for this stupid wife na hindi man lang ako pinahalagahan at minahal ng totoo? Damn it! She don't deserve my tears!" dugtong pa n'ya at agarang tumayo mula sa kama habang nakatitig pa rin s'ya sa kanyang asawa.
"I have to forget you, Erza. Kailangan kong matutunan na baliwalin ka dahil sa bawat naaalala ko at nararamdaman ko kung gaano kita kamahal, kung paano kita minahal, kung gaano kita pinahalagahan, it's killing me, Erza. Para akong pinapatay ng paulit-ulit habang naaalala ko kung paano mo binaboy ang sarili mo dito mismo sa loob ng pamamahay ko! Dito mismo sa lugar kung saan ko pinangarap na magkaroon ng masayang pamilya kasama ka! Akala ko ang pagmamahalan natin ay ang pinaka-perpekto sa lahat! Ngunit hindi pala. Ako lang pala ang masaya dahil sa kabila ng aking ginawa ay nagawa mo akong paapakan sa ibang lalaki dito mismo sa bahay na ipinagawa ko para sa akin lang at para sa'yo! It hurts alot, Erza. It's painful. I swear, ipaparamdam ko rin sa'yo ang impyerno'ng pinagtipunan mo sa akin! I swear, iiyak ka rin ng labis -labis, pangako iyan," wika n'ya sa kanyang sarili sabay pahid ng mga luhang dumadaloy mula sa kanyang mga mata.
Kalaunan ay unti-unting nagigising si Erza. Pagkadilat n'ya ng kanyang mga mata ay agad n'yang nakita ang isang silya katabi ng kama. Gumuhit ang mga ngiti sa kanyang labi dahil batid n'yang inalagaan s'ya ni Loco dahil nakahiga s'ya ngayon sa kanilang kama. Hindi lang iyon, ang silya sa kanyang tabi ay t'yak n'yang ginamit iyon ni Loco upang bantayan s'ya buong araw. Nangibabaw ang saya sa puso ni Erza.
"Sinasabi ko na nga ba, hindi ka pa rin nagbabago. Mahal mo pa rin talaga ako," nahihibang n'yang bigkas na may saya sa puso.
Kahit mahina pa ang kanyang katawan ay agad na s'yang tumayo mula sa kama at agad na hinanap ang kanyang asawa.
"Hon? Hon?" tawag n'ya sa pangalan nito. Ngunit walang sumasagot sa loob ng bahay kaya dumiritso s'ya sa harden at doon n'ya nakita ang asawa.
Gumuhit ang malapad na mga ngiti sa kanyang mga labi at inihakbang ang kanyang mga paa palapit dito upang magpasalamat ngunit humarap na ito sa gawi n'ya dahilan upang mapahinto s'ya.
"Gising ka na pala, you can take your leave now," walang ganang sambit ni Loco. Ang kaninang masaya na mga ngiti ni Erza ay biglang naglaho dahil sa napakalamig na tuno ng kanyang asawa sa kanya.
Napayuko s'ya at ikinuyom n'ya ang kanyang dalawang kamay habang humuhugot ng lakas ng loob para kausapin ito.
"Alam kong ipagtatabuyan mo ulit ako, pero, pero hinding-hindi ako aalis sa bahay na ito, Loco!" lakas loob n'yang sambit sa kanyang asawa.
Tumaas naman ang isang kilay ni Loco, narindi s'ya sa kanyang narinig. Talagang ang kapal ng mukha ng kanyang asawa.
Sinuyod n'ya gamit ang kanyang tingin si Erza mula ulo hanggang paa, napagtanto n'yang kahit anong gawin n'yang pagtataboy dito ay hindi talaga ito aalis dahil walang taong nabubuhay sa mundong ito ang makakatalo sa kakapalan ng mukha nito.
"Kung ayaw mong umalis sa pamamahay na ito, sige, ayos lang," aniya at lumapit s'ya sa kanyang asawa while giving his wife a very sharp look like a blade.
Napalunok naman si Erza ng sarili n'yang laway dahil sa sobrang lapit na nila sa isa't-isa.
Tila parang pinagpapawisan s'ya sa presensya nito, ibang-iba na talaga si Loco, kahit kailanman ay ngayon lang s'ya nakaramdam ng ganitong takot para sa asawa. Nais n'yang yumakap sa mga bisig nito at magmakaawa na bumalik na ito sa dati. Sa Loco na minahal n'ya. Ngunit alam n'yang hindi na mangyayari iyon kaya nilakasan na lang n'ya ang kanyang sariling tumayo sa ilalim ng mabigat nitong presensya.
"Sleep on our bed, use everything here. Feel at home again. But don't you ever act just like my real wife gaya noon, naiintindihan mo?" may diin nitong sambit at napapikit naman si Erza ng kanyang mga mata. Natatakot na s'ya sa ugali nito at nais na lang n'yang tumakbo palayo subalit mas pinili n'yang huwag mag patinag. "Tandaan mo ito, Erza. Kahit kailanman ay hindi ko na gugustuhin na magkaroon ako ng asawang katulad mo! You may feel at home here again but this is what Iam going to tell you. You are not belong here anymore! dahil isang kang nakakadiring asawa! Isang baboy at mahalay! Isang asawang daig pa ang p*ko*k! Mas mabuti pa nga ang p*kpok kumpara sa'yo. Dahil sila, nagpapagamit para sa pera, eh, Ikaw? Para sa kati mo! I never thought this before that my wife is worst than a w***e," pabagsak at mariin na sambit ni Loco na tila parang punyal naman itong tumutusok sa dibdib ni Erza. Ang sakit, sobrang sakit ng mga binitawang salita ng kanyang asawa para sa kanya. Parang hinihiwa ang kanyang puso't kaluluwa sabay patak ng dalawang luha mula sa kanyang mga mata. Subalit ang mga luha n'ya ay wala ng halaga para may Loco. Tinalikuran lang s'ya nito at nge isang tingin ay hindi s'ya nito tinapunan.
"Loco! Saan ka pupunta? Loco!" tawag n'ya sa kanyang asawa na palabas ng gate.
"Maghahanap ng iba! Maghahanap ng bagong ititira ko sa bahay na iyan! Babaeng may delikadesa!" walang pakialam na sagot ni Loco kahit masaktan man ang asawa. Habang si Erza naman ay panay ang pag punas nito sa kanyang mga malulusog na luha mula sa kanyang mga mata.