NASA loob ng kotse si Axton habang nakatingin sa malaking bahay sa tapat n'ya. Ang bahay kung saan ang may-ari ang magulang n'ya na ngayon ay nasa ibang tao na.
Kinuha ni Axton ang phone n'ya at dinial ang number ni Weeny. Walang nakakaalam tungkol kay Axton sa pangliligaw na ginagawa nito kay Weeny. Hindi balak ipakilala ni Weeny si Axton dahil hindi naman ito seryoso kay Weeny.
Ilang ring palang ay sinagot na agad ni Weeny. Napangisi doon si Axton dahil hindi gaya dati ay umaabot ng ilang misscall bago sagutin ni Weeny ang tawag n'ya.
"Bakit?" bungad na tanong ni Weeny kay Axton.
"I'm here. In front of your huge house," sagot ni Axton.
Nakasilip si Axton sa bintana ng kotse n'ya at pinagmamasdan ang malaking gate ng bahay nila Weeny.
"What are you doing here?" takang tanong ni Weeny kay Axton na hindi inakala na sa oras ng gabi ay mayroong tatawag sa kan'ya at pupuntahan ito.
"I have a present for you," seryosong sagot ni Axton.
"I'm going to bed, umuwi ka na," taboy ni Weeny kay Axton.
"Okay. Ihahatid ko na lang sayo sa loob," sagot ni Axton.
Binuksan n'ya ang pinto ng kotse n'ya at lumabas ito para pasukin ang bahay nila Weeny.
"Wait! Baka makita ka ni Papa, lalabas na ako. Hintayin mo ako d'yan," iritang sabi ni Weeny lalong nagpangiti kay Axton.
Binaba ni Axton ang phone n'ya. Sumandal ito sa kotse at kinuha ang box sa bulsa n'ya. Tinignan ni Axton ang paligid ng lugar na ito na malaki na ang pinagbago makalipas ng sampung taon na nawala s'ya sa lugar na ito.
Ilang minutong naghintay sa labas si Axton hanggang sa lumabas si Weeny na naka-panjama na ito at handa ng matulog. Maasim na nakatingin si Weeny kay Axton sa pag-aabala nito sa kaniyang pagpapahinga.
Cross arm itong nilapitan si Axton na nakasandal sa puti nitong kotse at nakatingin kay Weeny na naglalakad palapit sa kan'ya.
"What do you need?" iritang tanong ni Weeny.
Hindi sumagot si Axton at kinuha ang laman na kwintas sa kahon.
"Anong gagawin mo?" takang tanong ni Weeny kay Axton, pero si Axton ay naglakad papunta sa likuran ni Weeny.
"Ang magandang kwintas ay bagay sa isang magandang babae," bulong ni Axton sa tenga ni Weeny.
Sinuot ni Axton kay Weeny ang kwitas na regalo n'ya kay Weeny. Nginitian ni Axton si Weeny ng makita n'yang suot iyon ni Weeny.
"You look gorgeous," puri ni Axton kay Weeny.
Nakita ni Axton ang lihim na pag ngiti ni Weeny kaya napa-smirk ito.
"Hindi mo na kailangan gawin ito," seryosong sabi ni Weeny kay Axton.
Tatanggalin ni Weeny ang kwintas na bigay ni Axton sa kan'ya ng hawakan ni Axton ang kamay ni Weeny upang pigilan ito.
Ang kaliwang kamay ni Axton ay pinalupot sa bewang ni Weeny at hinapit n'ya palapit sa katawan ni Axton para magkadikit ito. Nanlaki ang mata ni Weeny dahil sa ginawa ni Axton.
Ilang buwan pa lang silang magkakilala ni Axton kaya wala pa s'yang gaanong tiwala sa lalaking kaharap n'ya.
"Ang kwintas na iyan ay simbulo ng pagmamahal ko sayo," saad ni Axton kay Weeny na nakatingin sa mga mata nito.
Nang matauhan si Weeny ay tinulak n'ya si Axton para lumayo dito. Sinamaan n'ya ng tingin si Axton dahil sa ginawa nito.
"Wag mo akong bilugin sa mga salita mo," sagot ni Weeny kay Axton.
Seryoso tinignan ni Axton si Weeny. Nginitian ni Axton si Weeny.
"Kung hindi ako seryoso sayo sa tingin mo ay mag-aaksaya ako ng panahon para makita ka lang ngayon dito? Sa kagaya kong tao, I won't waste my time for nonsense things," seryosong sagot ni Axton kay Weeny
"Let's see then," seryosong sagot ni Weeny.
Tinignan n'ya ng diretso sa mata si Axton na walang emosyon ang mukha.
"I'm not like the other lady, you'll get easy," dagdag na sabi ni Weeny sabay talikod kay Axton.
Napangiti si Axton kay Weeny at pinagmasdan ang likod nitong naglalakad papasok sa malaking gate. Isang irap ang binigay ni Weeny kay Axton bago nito sinarado ang gate nila.
"Then, let's see," sabi ni Axton sa sarili n'ya.
Pumasok na si Axton sa puti n'yang kotse at aalis na sa lugar na iyon. Pag-abante ng konti ni Axton ay bigla n'yang inapakan ang brake ng kotse nito at tinignan ang bahay na katabi ng bahay ng mga Tolentino.
Sinilip n'ya ang bahay na iyon na patay na ang mga ilaw, pero isang ilaw na lang ang bukas. Ang kwarto ni Fay.
Alam ni Axton na iyon ang kwarto ni Fay dahil madalas s'yang pinapapunta doon noong mga bata pa sila. Bumaba si Axton sa kotse n'ya at naglakad ito hindi papunta sa bahay nila Fay kung hindi ang comfort place n'ya noong bata pa s'ya.
Comfort place at ang lugar na dahilan kung bakit s'ya nakawala sa pang-aapi ng mga Tolentino. Madilim na ang lugar, pero dahil sa liwanag ng buwan ay nakikita n'ya ang dinadaanan n'ya.
Pagdating nito sa tabing ilog ay umupo ito sa bato. Pinagmasdan ang paligid na payapang umaagos ang tubig sa ilog, tahimik na paligid.
Inalala ni Axton ang mga luhang at sakit na inilabas n'ya sa ilog nito. Saksi ang ilog na ito kung gaano kasakit ang nakaraan ni Hans.
Natigilan si Axton ng mayroon s'yang nakitang ilaw na nagmumula sa likuran n'ya. Agad n'ya iyong tinignan. Nakita n'ya si Fay na mayroong hawak na flashlight. Gulat ang mukha nito at hindi makapaniwala na makita si Axton.
Hindi rin inaasahan ni Axton na makita si Fay doon, pero hindi n'ya pinahalata na nagulat na makita si Fay. Hindi nagsalita si Axton at naglakad na ito paalis dapat sa ilog ng harangan s'ya ni Fay.
Tinitigan ni Fay si Axton ang walang emosyon nitong mata.
"Ikaw si Hans," seryosong sabi ni Fay kay Axton.
Hinarap ni Axton si Fay. Hindi alam ni Axton na paano n'ya sasabihin kay Fay na kalimutan n'ya na si Hans dahil matagal na itong patay simula ng lumubog sa ilog kasabay ng pagkabuhay ni Axton.
Biglang natawa si Axton sa sinabi ni Fay.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako si Hans," seryosong sabi ni Axton kay Fay.
"Anong ginagawa mo dito? Si Hans lang ang madalas pumunta dito," sagot ni Fay kay Axton.
Tinignan ni Fay ang suot na bracelet ni Axton. Tinuro iyon ni Fay kay Axton. Lumapit si Fay kay Axton para muling kuhanin ang kamay nito, pero inilayo ni Axton ang kamay n'ya.
"Balak kong bilin ang lugar na ito para mapalapit kay Weeny," seryosong sagot ni Axton kay Fay.
"Hans, isa si Weeny ang nagpahirap say—"
"Fvck! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako ang basurang Hans na iyon! Ako si Axton Fuente!" galit na sigaw ni Axton kay Fay.
"Titigil na ako ipakita mo lang sa akin ang suot mong bracelet," mahinahon na sabi ni Fay.
Natawa ng mahina si Axton dahil sa sinabi ni Axton. Naglakad ito palapit kay Fay na naglalakad paatras dahil sa ginagawang paglapit ni Axton sa kan'ya. Hanggang sa napasandal na si Fay sa puno. Kinulong ni Axton si Fay sa pagharang ng dalawa n'yang braso sa puno.
Tinapatan ni Axton ang mukha ni Fay na halatang kinakabahan na sa ginagawa nito.
"Aminin mo na lang kung gusto mo ako," mahinang sabi ni Axton sa tapat ng mukha ni Fay. "Wag ka ng magpakahirap na ipilit ako ang basura mong kaibigan," nakangising sabi pa ni Axton.
"Lumayo ka nga sa aki—"
"Tamang-tama, walang tao sa lugar na ito. Tayong dalawa lang. Hmmm... ano kayang magandang gawin?" nakangising sabi ni Axton sabay tingin sa dibdib ni Fay.
Nanlaki ang mata ni Fay dahil sa pagtingin ni Axton. Pinipilit n'yang itulak si Axton para makawala na ito.
"Lumayo ka sa akin!" sabi ni Fay kay Axton.
"Ang basurang kagaya ni Hans ay bagay sa basurang kagaya m—"
Hindi natuloy ni Axton ang sasabihin n'ya kay Fay ng bigla s'ya nitong sampalin. Bumaling ang ulo ni Axton sa kaliwa dahil sa lakas ng pagkakatama ng palad ni Fay sa pisnge ni Axton.
"Wag mong tatawaging basura si Han—"
Hindi rin na tuloy ang sasabihin ni Fay ng bigla s'yang hinila ni Axton. Hinawakan ang magkabilang pisnge nito sabay pinagdikit ang kanilang labi. Halatang nagulat si Fay sa ginawang pagdampi ng labi ni Axton sa kaniyang labi.
Ilang saglit ay tinutulak ni Fay si Axton para makawala ito sa pagkakahalik ni Axton sa kan'ya. Kusang kumalas si Axton sa pagkakahalik nito kay Fay na gulat na gulat sa nangyari.
Agad na napangisi si Axton kay Fay dahil hindi ito makapagsalita o makagalaw. Napaatras si Fay dahil sa pagkabigla at muntik pa itong patumba.
Seryosong tinignan ni Axton si Fay at pinunasan n'ya ang labi nito sabay smirked kay Fay.
"Walang lasa ang labi mo," sabi ni Axton sa gulat na si Fay.
Muli n'yang nilapitan si Fay. Isinandal nito ang kanan n'yang kamay sa puno at diretsong tinignan si Fay sa mata.
"Kung gusto mong makita ang kaibigan mo, tumalon ka sa ilog para magkasama na kayong dalawa," seryosong sabi ni Axton kay Fay.
Umayos ng tayo si Axton at inayos ang suot nito. Muli n'yang tinapunan ng tingin si Fay na walang imik.
"There's no sweetness in your lips," sabi pa ni Axton bago ito maglakad at iwanan si Fay na napahawak sa kaniyang labi pagkatapos s'yang halikan ni Axton sa hindi inaasahang pangyayari.
Walang nagawa si Fay dahil sa pagkabigla n'ya sa pangyayari at hindi rin ito makagalaw. Pinanuod n'ya si Axton na naglakad palayo sa pwesto n'ya.
Naglalakad si Axton papunta sa kotse n'ya. Pagbukas nito ng pinto ng kotse ay agad s'yang pumasok doon at pinaandar n'ya ang kotse para makauwi na.
Pagkauwi ni Axton sa bahay ng mga Fuente ay naabutan n'ya ang kaniyang Papa Arnold na umiinom sa kanilang labas.
"Axton," bati ni Arnold ng makita na dumating ang kaniyang anak.
"Anong oras na gising ka pa, Pa," sabi naman ni Axton at umupo sa tapat ng kaniyang Papa.
"Nagpapaantok lang ako," sagot ni Arnold.
Kumuha ng baso si Axton at naglakad din ito ng alak.
"Kamusta ang stone casino?" tanong ni Arnold sa anak.
Sumandal si Axton habang mayroong hawak na baso ng alak.
"It doing great," sagot ni Axton sa kaniyang Ama.
"Si Mama?" tanong ni Axton.
"Tulog na," sagot ni Arnold. "How's Weeny?" tanong ni Arnold kay Axton.
Napangisi naman si Axton dahil sa tanong ng kaniyang Papa Arnold. Si Arnold ang tumutulong kay Axton sa mga gusto nitong gawin. Ang buong support ay binigay n'ya kay Axton ngunit ang asawa nitong si Amanda ay tutol sa ganitong gawain dahil baka ikapahamak lang ni Axton.
"Mailap, pero mukhang madaling mapaamo, bigyan mo lang ako ng oras pa, Papa, mapapasakin din si Weeny Tolentino," seryosong sagot ni Axton kay Arnold.
Napangiti naman si Arnold sa sagot ng anak dahil napalaki n'ya itong hindi sumusuko.
"Unti-unti silang babagsak sa kamay ko at sila naman ang luluhod sa harapan ko para itigil ko ang paghihirap sa kanila," puno ng galit na saad ni Axton.
Humigpit ang hawak nito sa baso n'ya. Ininom n'ya lahat ng laman iyon.
"Anong plano mo kay Wilfredo?" tanong ni Arnold.
Biglang ngumisi si Axton at nakatingin ito sa labas.
"Plano kong lumuhod s'ya sa harapan ko," sagot ni Axton.
"Susuportahan kita sa balak mong gawin, pero tiyakin mo lang na hindi ka mapapahamak dahil pareho tayong nalalagot sa Mama mo kapag mayroon nakitang galos sa inyong katawan," tatawang sabi ni Arnold sa kaniyang Anak.
"Wag kang mag-alala, Papa, hindi nila ako magagalaw. Lalo na kayo ni Mama," sagot ni Axton.
Muli itong naglagay ng alak sa baso at ininom iyon na para bang tubig lang. Napahawak sa labi si Axton. Isa lang ang problema na maaring makahadlang sa mga plano nito at iyon si Fay Ignacio.
Kailangan n'ya paniwalain si Fay na wala na si Hans at kahit kailan ay hindi na babalik si Hans. Wala na ang dati n'yang kaibigan.