CHAPTER 10

2002 Words
Fay's point of view NAKATINGIN ako sa monitor ng computer ko. Hindi ako nakatulog ng ayos dahil sa ginawa ng lalaki na iyon kagabi. Kung hindi s'ya si Hans, bakit s'ya napunta doon sa ilog. Binabalikan n'ya iyon dahil madalas s'yang magpunta dati doon. "Fay!" Nawala ako sa pag-iisip ng marinig ko ang tawag sa pangalan ko. Paglingon ko ay si Mae lang pala na nag-aayos na ng gamit nito. "Huh?" taka kong tanong kay Mae. "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong n'ya sa akin. Kinuha ko ang phone ko para tignan ang oras sa phone ko. "Shocks!" gulat kong sabi ng uwian na pala. Kanina ko pa tinititigan ang monitor dahil wala akong ginagawa kakaisip. Buti na lang ay walang mas'yadong ginagawa dito sa office namin. Tinignan ko si Mae na nagmamadaling nag-aayos ng table n'ya. Tumayo na rin ako para ayusin ang table ko. "Nagmamadali ka yata?" tanong ko kay Mae. Tumingin s'ya sa akin sabay ngiti at tumango bilang sagot n'ya sa akin. Mukhang nasamood ang isang ito. "Birthday kasi ng boyfriend, isu-suprise ko s'ya," todo ngiti n'yang sagot sa akin. Sinuot nito ang bag n'ya. "Sige na see you tomorrow," paalam n'ya sa akin. "Enjoy kayo," nakangiti kong sabi kay Mae na naglalakad na palabas ng office. "Salamat, ingat ka sa pag-uwi," sabi ni Mae sa akin bago ito tuluyang lumabas ng office. Inayos ko naman ang gamit ko. Napatingin ako sa office ni Weeny. Gusto ko sanang itanong sa kan'ya si Axton, pero mukhang hindi ko s'ya maabala dahil alam kong marami s'yang ginagawa ngayon. Tinignan ko si Weeny na abalang mayroong kausap sa kaniyang phone. Pagkaayos ko ng gamit ko ay naglakad na ako palabas ng office hanggang building. Gabi na rin. Paglalabas ko ng building ay naglakad ako papunta sa parking lot. Hinalungkat ko ang dala kong bag para kuhanin ang susi ng phone ko. Pagkakuha ko ng susi ay umangat ang tingin ko para puntahan ang kotse ko ng mapahinto ako sa paglalakad at kunot noo kong tinignan ang isang bouquet of flower na nakapatong sa kotse ko. Naglakad ako papunta sa kotse at kinuha ko ang bouquet. Tinignan ko kung mayroong card na nakalagay para malaman ko kung kanino galing iyon. Nilibot ko ang paningin ko ng wala akong makita doon. Baka nandito pa ang naglagay nitong mga bulaklak sa harapan ng kotse ko. Wala naman ng tao dito sa parking lot kung hindi ako na lang. Wala na rin mas'yadong sasakyan dahil ang iba ay nakauwi na rin. Naglakad ako papunta sa loob ng kotse ko na mayroong pagtataka at iniisip kung kanino galing ang bulaklak na ito. Pinuksan ko ang kotse at lalo akong nagtaka ng mayroong paper bag na nakalagay sa passenger seat. Pumasok ako sa loob. Pinatong ko ang bulaklak sa passenger seat at kinuha ang paper bag. Pagbuklat ko noon ay mayroong laman na red box. Mayroon din nakalagay na card kaya agad iyong kinuha. "I want you to wear it from Wilson," basa ko sa nakasulat na letter sa card. Kumunot ang noo ko. Kinuha ko ang box at binuksan ko iyon. Isang gold necklace na mayroong heart pendant. Mukhang mamahalin ito. Binalik ko iyon sa paper bag. Hindi ako mahilig sa ganito kaya dapat hindi na n'ya ako binigyan pa saka sa tingin ko ay mahal ang kwintas na iyon kaya ibabalik ko kay Wilson. Maganda ang kwintas, pero hindi ko lang talaga kayang tanggapin iyon. Pinasok ko ang susi at pinaandar ang engine ng kotse ko. Pagtingin ko sa daan ay hindi ko natuloy ang pag-andar ko ng makita ko si Wilson na nakatayo sa unahan ng kotse. Nakatingin s'ya sa akin at nakangiti ito. Pinatay ko ang makina ng kotse. Kinuha ko ang paper bag saka ako lumabas sa kotse. Ang bulaklak ay kaya ko pang tanggapin, pero ang ginitong bagay ay ayoko. Pagtapat ko sa harap ni Wilson ay seryoso ko s'yang tinignan. "You like it?" tanong nito sa akin. Hindi ko sinagot ang tanong n'ya sa akin. Inabot ko sa tapat ni Wilson ang paper bag, pero hindi n'ya iyon kinuha at tinignan lang ito. "Hindi mo ba nagustuhan?" tanong n'ya sa akin. Kinuha ko ang kamay ni Wilson at inabot iyon sa kan'ya. Tinignan ko si Wilson sa. "Masyadong mahal ito kaya hindi ko kayang tanggapin," sagot ko sa kan'ya. "Salamat na lang," dagdag kong sabi kay Wilson. Aalis na dapat ako para bumalik sa kotse ko ng hawakan n'ya ang braso ko para pigilan ako. "Nag-effort ako para dito tapos hindi mo kukuhanin?" tanong n'ya sa akin. "I appreciated your effort, pero—" "Pero hindi ka sanay magsuot ng ganitong bagay?" putol n'ya sa akin. Tumango na lang ako sa kan'ya. Napatingin ako ng itapon ni Wilson ang paper bag at kinuha ang maliit na box doon. Kinuha n'ya ang kwintas sa loob. Bigla n'ya akong pinatalikod at sinuot iyon sa akin. "Wilson—" "Dapat sanayin mo na ang sarili mo sa ganito, alam kong hindi mo kayang bilin kaya ako na lang ang magbibigay sayo," putol na sabi sa akin ni Wilson. Naramdaman ko ang malamig na bagay sa leeg ko. Hinawakan ni Wilson ang braso ko at hinarap n'ya ako sa kan'ya. "Kung mayroon kang suot n'yang masbagay ka sa akin," nakangising sabi ni Wilson sa akin. Hinawakan ko ang kwintas. "Hindi ko naman kailangan," sabi ko kay Wilson. "Ahhh!" gulat kong sigaw ng biglang hawakan ni Wilson ang bewang ko at hilahin n'ya ako papunta sa kan'ya. Nilapit nito ang mukha n'ya sa akin kaya nilayo ko ang mukha ko. Tinignan n'ya ako sa mata ko. "Wala kang magagawa, dahil ako ang boyfriend mo," sabi ni Wilson sa akin. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Tinutulak ko s'ya, pero lalo n'ya lang akong nilalapit sa kan'ya. Hindi ko pa s'ya sinasagot kaya hindi ko pa ito boyfriend. "Hindi pa kita sinasagot kaya hindi mo pa ako girlfriend," sabi ko kay Wilson. Napangisi ito sa sinabi ko sa kan'ya. Hinawi ni Wilson ang buhok na nagkalat sa mata ko. "Maswerte ka nga dahil gusto kita," sabi ni Wilson sa akin. Napaatras ako ng ihakbang n'ya ang paa n'ya palapit sa akin. "Anong gagawin mo?" tanong ko kay Wilson. "Mayroon kang nakuha kaya dapat ako rin," seryosong sabi ni Wilson sa akin. Inilapit n'ya ang mukha n'ya sa akin. Ako naman ay aatras pa dapat dahil naiilang na ako kay Wilson. Hinawakan n'ya ang pisnge ko para itapat iyon sa kan'ya. Iniwas ko ang mukha ko at natigilan ako ng makita ko ang seryosong mukha ni Axton na nakatayo sa hindi kalayuan sa amin. Agad kong tinulak si Wilson palayo sa akin. "M-may tao," mahina kong sabi kay Wilson. Agad iyong tinignan ni Wilson. Si Axton naman ay tinignan lang ako na parang nang-aasar pa. "Uuwi na ako," paalam ko kay Wilson. Muli ay hindi na naman ako nakaalis dahil pinigilan ako ni Wilson sa paghawak sa braso ko. "Sandali," sabi ni Wilson sa akin. Tinignan ko s'ya na ngayon ay tinignan si Axton na nakatayo pa rin kung saan ko s'ya nakita. "Pwede ba umalis ka na!" inis na sabi ni Wilson kay Axton. Wala namang sinabi si Axton at nagsimula na itong maglakad, pero nakatingin pa rin s'ya sa akin ng seryoso. "Wilson, baka mayroon makakita sa atin," mahinahon kong sabi kay Wilson. Mataas ang position ni Wilson sa company na ito kaya baka anong isipin ng mga tao pag nakita kaming magkasama. "Anong ginagawa mo dito?!" Sabay kaming napatingin ni Wilson ng marinig namin ang boses ni Weeny. "Wilson, uuwi na ako baka hinahanap na ako sa amin," sabi ko kay Wilson. Hindi n'ya ako pinakinggan at hinila n'ya ako papunta sa pwesto ng Ate Weeny n'ya. Nalipat ang tingin sa amin ni Weeny at lalong napakunot ang noo nito ng makita kami ni Wilson na magkasama. Binitawan ako ni Wilson pagkalapit namin sa dalawa. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa seryosong mukha ni Axton. Nginisihan n'ya ako kaya umiwas ako ng tingin sa kan'ya. "Bakit kayo magkasama ng babaeng ito?" takang tanong ni Weeny sa akin. Nabigla naman ako ng akbayan ako ni Wilson sa harapan ni Axton at Weeny. "She's my girlfriend," sagot ni Wilson sa Ate n'ya. Napakunot ang noo ni Weeny at tinignan ako mula ulo hanggang paa kaya medyo nailang ako sa ginawa n'ya. "Seryoso ka?" tanong sa akin ni Weeny kay Wilson. "Yup!" diretsong sagot ni Wilson. Tinaasan ako ng kilay ni Weeny na halatang hindi n'ya ako gusto sa kapatid n'ya. Tinanggal ko ang pagkakaakbay ni Wilson sa balikat ko. Nag-bow ako sa kanila, pero muling napatingin ako sa suot na bracelet ni Axton. "Ang baba ng taste mo," mataray na sabi ni Weeny kay Wilson. "Sino naman 'yang lalaking iyan?" tanong ni Wilson kay Weeny. "Paki-alam mo?" sagot ni Weeny. "Tara na, Axton," aya ni Weeny kay Axton. Tumalikod na sila sa amin, pero hindi pa rin nawawala ang tingin ko sa bracelet ni Axton. Alam kong sa akin galing iyon at kay Hans ko binigay. "Fay, tara na," aya ni Wilson sa akin. Hindi ko s'ya pinakinggan at tumakbo ako papunta kay Axton habang naglalakad ito palayo sa akin. "Fay!" tawag sa akin ni Wilson. Aabutin ko na dapat ang kamay ni Axton ng inangat n'ya iyon kaya napatingin ako sa kan'ya ng bigla itong humarap sa akin. "What are you doing?!" gulat na tanong ni Weeny sa akin. "Patingin ng bracelet," sabi ko kay Axton. "Fay, anong ginagawa mo?" tanong sa akin ni Wilson pagkalapit nito. "Baliw ka ba?!" iritang tanong sa akin ni Weeny. "Hans, patingin ako ng bracelet," sabi ko kay Axton na seryosong nakatingin sa akin. "Hans?!" hindi makapaniwalang tanong ni Wilson. Nilapitan ako ni Weeny at tinulak ako. "Ahhh!" daing ko ng bumagsak ako sa floor. "Ibang klase! Hanggang ngayon na niniwala ka pa rin na buhay ang basurang si Hans? Matagal ng patay iyon ang basura na iyon!" inis na sabi ni Wilson sa akin. Tinignan ko si Axton na kanina pa walang imik, pero seryoso ang tingin n'ya sa akin. "'Yung bracelet kay Hans iyon," sabi ko. "Tumigil ka na sa kahibangan mo, wala na ang basura mong kaibigan kaya tumigil ka na!" galit na sigaw ni Weeny sa akin. Bigla nito akong sinampal sa galit n'ya. Napatingin silang lahat ng nilapitan ako ni Axton. Hinawakan n'ya ang magkabilang balikat ko at tinayo n'ya ako. "Axton, anong ginagawa mo?" takang tanong ni Weeny kay Axton. Tinignan ko ang seryosong mukha ni Axton. Nakita ko ang mata ni Axton, biglang tumulo ang luha ko sa mismong harapan nito. "Han— ahhh!" daing ko ng bigla akong itulak ni Axton para muling tumumba sa floor. Tumama ang pwet ko doon kaya naramdaman ko ang sakit noon. "I'm not your trashy friend, my name is Axton Fuente!" galit na sabi ni Axton sa akin. "Patay na s'ya kaya wag ka ng umasa pa," seryosong sabi ni Weeny sa akin. "Buhay si Hans. At hindi s'ya basura!" sigaw ko sa kanila. Pinunasan ko ang luha ko na wala ng humpay sa pag-agos mula sa mga mata ko. "Baka pinipilit mo lang na ako ang basura mong kaibigan dahil ayaw mong bayaran ang utang mo sa akin," seryosong sabi ni Axton sa akin. "Corny mo," sabi ni Wilson sa akin. Tumalikod ito at nagsimulang maglakad. Hinawakan ni Weeny ang braso ni Axton. Masama n'ya akong tinignan. "Tignan mo si Axton at si Hans, wala pa sa kalingkingan ni Axton ang patay mong kaibigan," sabi ni Weeny sa akin. Tumalikod sila sa akin at nagsimula na itong naglakad palayo. Napahawak ako sa mukha ko dahil patuloy pa rin na tumutulo ang luha ko. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa floor at naglakad papunta sa kotse ko. Pagkapasok ko ay dinukdok ko ang ulo ko sa panibela at doon ako umiyak. Hindi patay si Hans. Buhay si Hans, kailangan ko lang s'yang hanapin dahil alam kong nasapaligid lang ito. Nasasaktan ako sa tuwing sinasabihan nila na basura si Hans dahil sobrang mahalaga si Hans.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD