"HINDI basura si Hans, isa s'ya sa pinakamahalagang tao!" sigaw ni Fay kay Axton na naglalakad nanpabalik sa kaniyang kotse.
Huminto sa paglalakad si Axton ng marinig ang sigaw ni Fay sa kan'ya. Palihim n'yang naiyukom ang kamao nito dahil sa inis. Hindi dahil kay Fay kung hindi sa mga dahilan kung bakit s'ya naging ganoon.
Pumikit si Axton para pakalmahin ang sarili n'ya. Ayaw ni Axton na masira ang plano n'ya kaya ayaw nitong sabihin kay Fay ang totoo. He felt bad for Fay na sa tagal ng panahon na nagkahiwalay sila ay patuloy pa ring s'yang hinahanap ni Fay.
Pero kahit na ganoon ay matagal ng patay si Hans para kay Axton. Wala ng Hans Del Mundo dahil s'ya na si Axton Fuente. Binalik ni Axton ang seryoso n'yang mukha at muling hinarap si Fay.
Pag nakikita n'ya ang dati nitong kaibigan ay naalala n'ya lahat ng ginawa nito para sa kan'ya.
"Para kay Weeny basura s'ya. Sa akin he just peace of s**t! Hindi ko kilala ang tinutukoy mo, pero sa tingin ko ay pareho lang kayong basura," seryosong sabi ni Axton bago ito tumalikod.
Pumasok s'ya sa loob ng kotse n'ya at mahigpit na hinawalan ng manibela. Tinignan nito si Fay na umiiyak na nakatayo kaya inilipat ni Axton ang tingin n'ya sa daan.
"Wala na si Hans kaya kalimutan mo na s'ya," sabi ni Axton sa sarili bago nito mabilis na pinatakbo ang kotse n'ya.
Umuwi na si Axton sa condominium n'ya. Pagbukas n'ya noon ay nakita nito ang mga mamahaling alas at gamit sa living room n'ya na nakalagay sa sofa nito.
Hindi pinagkaabalahan na tignan ni Axton at pumunta s'ya sa kusina para kumuha ng alak.
Umupo si Axton habang mayroong hawak na baso na mayroong alak. Tinaas n'ya ang suot nitong long sleeve at pinagmasdan iyon ni Axton.
"Akala ko kinalimutan mo na si Hans," sabi ni Axton sa sarili n'ya habang nakatingin sa silver n'yang bracelet.
Hinubad iyon ni Axton at makikita ang nakaukit na pangalan ni Fay. Hinubad n'ya ang bracelet at tinabi iyon. Ayaw n'yang hubarin na iyon dahil galing iyon sa mahalagang tao sa kan'ya, pero magiging hadlang si Fay sa plano n'ya ay wala s'yang magagawa kung hindi galitin ito hanggang sa si Fay na mismo ang lumayo kay Axton.
"Nandito ka na po pala, Sir Axton, " sabi ng bodyguard ni Axton na si Nolie.
Tinapunan ni Axton si Nolie ng isang boring na tingin. Muli n'yang tinignan ang mga mamahaling bagay sa kaniyang tabi.
"Ipadala mo lahat ito kay Weeny, pero ako ang magbibigay nito," sabi ni Axton.
Kinuha n'ya ang isang box na mayroong laman na gold necklace with butterfly pendant.
"Masusunos, Sir Axton," sagot ni Nolie sa amo n'ya.
Inubos ni Axton ang alak sa baso n'ya bago ito naglakad papunta sa loob ng kwarto nito at humiga doon.
Kinuha ni Axton ang phone n'ya at doon n'ya nakita ang pamilya ng mga Tolentino na nagsasaya.
"Unti-unting mawawala ang mga ngiti n'yo sa labi, kagaya ng ginawa n'yo sa musmus na batang si Hans Del Mundo na walang kalaban laban n'yong tinulak sa ilog," puno ng galit na boses ni Axton.
Hinagis ni Axton ang phone n'ya sa kama at napayukom ang kamao nito sa tuwing naalala n'ya ang paghihirap na dinanas nito sa mga Tolentino na ngayon ay ipapadanas n'ya sa mga Tolentino.
Magmakaawa man sila kay Axton ay walang magagawa ang mga salitang iyon sa batong puso ni Axton. Pinikit ni Axton ang mata n'ya para matulog.
Kinabukasan ay maagang nagising si Axton. Naligo ito para pumunta sa office n'ya. Maraming negosyo ang mga Fuente, pero ang pinagtutuonan n'ya ng pansin ay ang Stone casino n'ya.
Pagpasok nito sa loob ay marami pa ring naglalaro kahit na umaga na. Masmarami ang naglalaro sa mga ganito pag gabi.
"Ang aga mo yata?" isang mapang-akit na sabi ni Kim.
"Hindi ba ako pwedeng pumasok ng maaga?" seryosong tanong ni Axton habang naglalakad ito papunta sa office n'ya.
"Guest who," sabi ni Kim na sumusunod kay Axton.
Pagpasok ni Axton sa office n'ya ay agad itong umupo sa swivel chair n'ya at tinignan si Kim na nakatayo sa harapan n'ya.
Isang black fitted dress ang suot nito, pero ang tingin ni Axton ay sa mukha ni Kim.
"Who?" walang ganang tanong ni Axton.
Kinuha ni Kim ang phone n'ya at hinarap iyon kay Axton. Biglang napatayo si Axton at kinuha ang phone ni Kim mula sa kamay nito.
"Kailan pa s'ya naglalaro dito?" tanong ni Axton na makita si Wilson na naglalaro sa casino n'ya.
"Kagabi lang," sagot ni Kim.
"Hayaan n'yong manalo," sabi ni Axton at binalik ni Axton ang phone kay Kim.
"Bakit natin hahayaan? Kung pwede naman natin pataluhin," sagot ni Kim.
"Gusto ko magpabalik-balik s'ya dito," sagot ni Axton.
"Ohhh... nice idea," pagsang-ayon ni Kim sa sinabi ni Axton.
Napangisi si Axton dahil mukhang sumasang-ayon sa kan'ya ang panahon na wala man lang kahirap-hirap.
Naglakad si Kim papunta kay Axton. Tinignan lang ito ni Axton na lumapit si Kim kay Axton. Umupo sa hita ni Axton si Kim sabay yakap dito.
"Bakit nag-aaksaya ka pa ng panahon sa babaeng iyon kung nandito naman ako," bulong ni Kim kay Axton na walang kaemo-emosyon sa ginagawa n'ya.
Tinignan ni Axton si Kim. Magandang babae si Kim, pero hindi ito ang tipo na gusto ni Axton. Mabait ito at s'ya rin ang nakasama n'ya simula ng magtrabaho ito dito sa kasino. Isang mapapagkatiwalaan si Kim ng pamilya nila.
Alam nito ang lahat ng nangyari kay Axton kaya kilala n'ya si Wilson. Pati ang plano nito sa mga Tolentino.
Walang sagot si Axton kaya agad na hinalikan ni Kim si Axton. Matagal ng mayroong gusto si Kim kay Axton noong una palang n'ya itong nakita, pero ang lalaki ay kahit na anong pagtingin ay wala s'yang nakukuha.
Hindi pinalagpas iyon ni Axton at pinalagan ang mga halik na binibigay ni Kim sa kan'ya. Hinawakan ni Axton ang likod ng ulo ni Kim para lumalim ang halik nila.
Wala silang relasyon, pero parang normal na lang ang lahat ng ito para sa kanila. Isa na lang ang hindi nila nagagawa at iyon ang mayroong mangyari sa kanila. Matagal ng pinaplano ni Kim ang bagay na iyon. Ang isang gabi na maangkin n'ya ang lalaking pinakagugusto n'ya.
Hinawakan ni Kim ang dibdib ni Axton, pero kumalas sa pagkakahalik si Axton kay Kim.
"Magtrabaho ka na," seryosong sabi ni Axton sa kan'ya.
Pinunasan ni Axton ang labi nito gamit ang daliri dahil sa lipstick ni Kim na nalipat sa kan'yang labi.
"Ayaw mo talaga?" tanong ni Kim kay Axton.
"Hindi ako ang lalaki para sayo," sagot ni Axton kay Kim.
Iniwas ni Axton ang tingin kay Kim at tinignan sa mga papeles na nakalagay sa table n'ya.
"Gusto kita alam ko naman iyon," sabi ni Kim kay Axton.
"Hindi kita gusto. Wala sa akin ang pag-ibig kaya humanap ka na lang ng iba," walang ganang sagot ni Axton kay Kim.
"Sobrang tigas mo. Hindi man ngayon mayroon magpapalambot sa puso mong walang laman kung hindi paghihiganti," paliwanag ni Kim.
"Umalis ka na," malamig na taboy ni Axton kay Kim.
Hanggang hindi nakakapaghiganti si Axton sa mga Tolentino ay hindi ito sasaya. Ang tunay na magpapasaya sa kan'ya na makita nitong nahihirapan ang mga Tolentino. Iyon lang ang nais n'ya.
Tumalikod si Kim at padabog na umalis sa office ni Axton. Kinuha ni Axton ang pen sa gilid n'ya ng mapansin nito na wala ang bracelet sa kamay n'ya.
Pagkaabot ng pen ni Axton ay hindi na nito inisip ang bracelet na suot n'ya, pero biglang pumasok sa isipan ni Axton ang nangyari kagabi sa kanila ni Fay. Umiling si Axton. Ayaw na n'yang maalala pa si Fay dahil hindi na s'ya si Hans.
Kinuha nito ang phone n'ya para tawagan si Weeny. Napangisi si Axton ng sagutin agad iyon ni Weeny.
"Ano ang kailangan mo?" masungit na bungad ni Weeny sa kabilang telephono.
"Gusto ko lang marinig ang maganda mong boses," seryosong sagot ni Axton kay Weeny.
Sumandal si Axton sa swivel chair at nagpaikot-ikot ito habang ang phone n'ya ay nakalagay sa tenga.
"Wala akong panahon para nakipagbiruan, kung wala kang sasabihin na matino ay ibaba ko na," masungit na sabi ni Weeny na mahinang nagpatawa kay Axton.
"Nagustuhan mo ba ang mga regalo ko?" tanong ni Axton kay Weeny.
"Ano sa tingin mo? Hindi ko kayang bumili ng mga ganitong bagay?" tanong naman ni Weeny kay Axton.
"Iba iyan sa mga nabibili mo," sagot naman ni Axton.
"Ano ang pinagkaiba nito? Sa ibang planeta mo ba binili?" mataray na tanong ni Weeny kay Axton.
"With love ang bagay na iyan, na dapat lang ibigay sa babaeng dapat na minamahal," nakangising sabi ni Axton.
Pinaikot ni Axton ang hawak n'yang pen sa kamay habang hinihintay ang sagot ng babaeng kausap n'ya sa phone.
"Kung igagaya mo ako sa mga babaeng walang utak ay maniniwala sa mga sinasabi mo, pero sa kagaya kong highclass woman, you never trick me, Mr. Axton Fuente," sagot ni Weeny kay Axton.
Napatango na lang si Axton dahil sa tigas ni Weeny, pero alam n'yang lalambot din ito sa kan'ya.
"I never ever think to trick you, I want you to be part of my life, that's why I'm doing that," sagot ni Axton kay Weeny.
Na kahit ang totoo ay malaki na ang parte sa buhay ni Axton ang mga Tolentino. Hininto ni Axton ang pag-ikot ng pen n'ya at tumayo ito sa harap ng malaking glass wall sa office n'ya.
"I don't want you to be part of my lif—"
"Baka bawiin mo ang lahat ng sinabi mo?" nakangising tanong ni Axton kay Weeny.
"Mayroon akong isang salita kaya wag ka ng tatawag sa akin!" iritang sabi ni Weeny.
Binaba na ni Weeny ang phone n'ya dahil nakakaistorbo si Axton sa trabaho n'ya, pero ang totoo ay lihim itong napangiti dahil ang mga lalaki ang naghahabol sa kaniya at gagawin ang lahat para makuha ang simpatya n'ya.
Bumalik sa pagkakaupo si Axton at pinagpatuloy ang trabaho nito. Hindi maiwasan ni Axton ang mapangiti dahil sa oras na makuha n'ya si Weeny ay sisiguraduhin nitong hindi na muling makakabangon ang Tolentino.
Umangat ang tingin ni Axton ng mayrong kumatok sa pinto ng office n'ya. Nakita nitong pumasok si Nolie na mayroong dalang paper bag.
"Sir, naiwanan mo ang necklace para kay Weeny," sabi ni Nolie.
Biglang naalala iyon ni Axton na mayroon pa pala s'yang ibibigay kay Weeny.
"Salamat," seryosong sabi ni Axton ng ibaba ni Nolie ang paper bag sa table ni Axton.
Bumalik ang tingin ni Axton sa papel ng...
"Sir, mayroon ka pa palang nakalimutan," sabi ni Nolie na muling nagpaangat sa tingin ni Axton.
Tinignan ni Axton si Nolie. Mayroon itong kinuha sa bulsa n'ya at inilabas ang silver na bracelet n'ya.
"Naiwan mo po sa living room, baka po hindi n'yo napansin na natanggal sa inyo," sabi ni Nolie kay Axton at inabot ang hawak n'yang bracelet sa ama n'ya.
Agad na kinuha iyon ni Axton na nakalimutan n'ya na rin isuot kagabi dahil sa mga iniisip nitong plano.
"Simula po ng magtrabaho ako ay hindi ko nakitang hinubad n'yo iyan kaya baka natanggal sa kamay mo," sabi pa ni Nolie kay Axton.
Sinuot ni Axton ang bracelet na iyon. Mahalaga ang bracelet na iyon sa kan'ya kaya hindi n'ya tinatanggal.
"Salamat, makakaalis ka na," sabi ni Axton kay Nolie.
Tumalikod si Nolie kay Axton para lumabas na sa office ni Axton.
"Nolie!" tawag ni Axton kay Nolie na nakapagpahinto naman sa tauhan ni Axton.
"Yes, sir?" tanong ni Nolie.
"Wag mo ng sunduin si Weeny mamaya. Ako na lang ang susundo sa kan'ya," sagot ni Axton kay Nolie.
"Sige po," tugon ni Nolie bago ito maglakad palabas ng office ni Axton.
Muling sumandal si Axton sa kinauupuan n'ya at tinignan ang paper bag sa ibabaw ng table nito. Napangisi na lang si Axton sa mga plano n'ya.