Axton's point of view
NGAYON ay nandito ako sa Jacob's bar habang umiinom ng whiskey. Nakaupo ako sa couch habang pinapanuod ang mga taong sumasayaw sa dance floor.
Ako lang mag-isa ang pumunta dito dahil gusto ko ng inner peace sa katawan ko. Huminga ako ng malalim at ininom ang laman ng hawak kong braso. Pinagmamasdan ko ang mga tao sa paligid ng isang tao ang napukaw ang mata ko.
Nanliit ang tingin ko ng makita ko si Wilson Tolentino sa kabilang side na mayroong kahalikan na ibang babae.
Ang maingay na lugar na ito ay puno ng mga ibang uri ng babae.
Napangisi ako ng nakita si Wilson Tolentino. Mukhang pinaglalapit talaga kami ng panahon. Tumayo ako mula sa pwesto ko at naglakad papunta sa kinaroroonan ni Wilson.
Wala akong paalam na umupo sa table nila habang busy si Wilson makipaghalikan sa babaeng nakapatong sa kan'ya.
Ang maingay na lugar na ito ay naririnig ko pa rin ang ungol ng dalawa. Pinikit ko ang mata ko habang pinapakinggan ang bawat pagdampi ng dalawa sa bawat isa.
Kinuha ko ang wallet ko at tumayo ako mula sa pagkakaupo.
"Wilson," tawag ko kay Wilson.
Hinawi ko ang babaeng kahalikan n'ya para makita ko ang mukha nito. Kumunot ang noo ni Wilson sa akin dahil sa ginawa ko.
Kinuha ko ang kamay ni Wilson at inabot sa kan'ya ang isang condom.
"I'll take care my soon to be brother-in-law," nakangisi kong sabi kay Wilson.
Tinignan n'ya ang binigay ko sa kan'ya. Bigla itong napangiti sa akin at tumayo.
"Nice one! Keep in secret to Fay," nakangising sabi ni Wilson sa akin.
Tumango ako sa kan'ya. Masaya itong tumayo at nauna itong naglakad. Tinignan ko ang babae at nginisihan ito.
Nag-okay sign s'ya sa akin kaya tumalikod na ako paalis sa bar na iyon. Pagkalabas ko ay sumakay agad ako kotse n'ya.
Ang babaeng kahalikan ni Wilson ay matagal ko ng kilala. Ang mission n'ya ngayon gabi ay bigyan ng aliw si Wilson, ang pangalawa ay maaya nito si Wilson na tumaya sa casino ko dahil sinabi ni Kim na hindi pa rin bumabalik doon si Wilson.
Papunta ako sa building nila Weeny para sunduin ito. Kinuha ang phone ko para tawagan n'ya. Tinignan ko ang bulaklak sa back seat na pinabili ko kay Nolie kanina.
Pagdating ko sa building nila ay muli na naman ang maghihintay dito sa parking lot. Hindi pa ako handang makita si Wilfredo na alam kong sa building na iyon naglalagi.
Ilang beses ko ng tinawagan ni Weeny, pero hindi pa rin nito sinasagot ang phone n'ya. Huminga ako ng malalim dahil pinipigilan kong mainis sa babaeng iyon.
"Basura! Basura!" sigaw ni Weeny sa akin habang tinatapunan ako ng mga lukot na papel mula sa basurahan.
"Weeny, tumigil ka na!" sigaw ko pa pabalik sa kan'ya.
"Bagay lang sayo na magkasama kayo ng kagaya mong basura!" sabi pa ni Weeny sa akin.
Nagulat ako ng mayroon tumapon sa akin ng mga kalat at tumakim sa ulo ko ng isang timba. Agad ko iyon tinanggal dahil sa amoy noon.
Tinignan ko kung sino ang naglagay na iyon sa akin. Si Wilson ang bunsong anak ni Wilfredo.
"Okay ba, Ate?" natatawang tanong ni Wilson kay Weeny.
"Okay, Wilson, sabi ni Papa dahil sa kan'ya kaya hindi natin mabili ang gusto natin," sabi ni Weeny kay Wilson.
Pinagpagan ko ang sarili ko at tinalikuran sila. Babalik na lang ako sa kwarto.
"Saan ka pupunta?!" tanong na sigaw sa akin Weeny.
Hinawakan n'ya ang braso para pigilan ako. Nagulat ako ng bigla n'yang niluwa ang bubble gum at idikit iyon sa akin.
"Wala na kasing lasa kaya dapat na itapon na sa basurahan," sabi ni Weeny sa akin.
"Tumigil na kayo," mahinahon kong sabi sa dalawa.
"Kung ayaw namin? Wala ka nang susumbungan dahil wala kang nanay at wala ka rin tatay, nakalibing na sa basurahan kung saan sila bagay!" sigaw ni Wilson sa akin.
Napayukom ang kamao ko dahil sa sinabi n'ya. Kaya kong tiisin ang ginagawa nila sa akin, pero hindi ang sinasabi nila sa magulang ko.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinuntok ko sa mukha si Wilson. Tumumba iyon sa sahig at umiyak ito.
Makita ko naman si Weeny na tumakbo papunta papasok ng loob ng bahay namin. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Wilson.
"Hindi basura ang magulang ko!" sigaw ko kay Wilson.
Patuloy pa rin sa pag-iyak si Wilson hanggang sa lumabas si Wilfredo na mayroong dalang kahoy.
"Anong ginawa mo sa anak ko?!" galit na sigaw nito.
"Naglalaro lang kami ni Wilson bigla n'yang sinuntok si Wilson," sumbong ni Weeny.
Magsasalita sana ako para depensahan ang sarili ko ng bigla akong hatawin ng kahoy ni Wilfredo sa katawan.
Wala na akong naririnig kung hindi sigaw ni Wilfredo. Tinignan ko si Weeny na tawa ng tawa sa akin habang ang luha ko ay tumutulo sa sakit ng pagtama ng mga kahoy sa katawan ko.
Pagdilat ng mga mata ko ay nakita ko si Weeny na naglalakad papunta sa gawin ko. Nakita ko ang kamay kong mahigpit na nakakapit sa manibela dahil sa galit. Pinunsan ko ang tubig na tumulo sa mata ko bago ko pakalmahin ang sarili ko.
Kinuha ko ang bulaklak sa back seat at lumabas ako sa kotse ko na dala ang bulaklak na iyon para sa kan'ya.
"Hey!" pekeng ngiti kong bati kay Weeny na seryoso ang tingin sa akin.
Bigla itong lumiko papunta sa kotse n'ya kaya hinabol ko ito.
"For you," sabi ko kay Weeny.
Tinignan n'ya lang ang hawak kong bulaklak kaya inabot ko na iyon sa kan'ya. Inabot din naman ang babaeng ito ang bulaklak.
Pinakita ko sa kan'ya ang invitation card ko from J event. Nakuha ko ang attention nito dahil napataas ang kilay n'ya. Humarap s'ya sa akin ng makita n'ya ang card.
Lihim akong napangisi dahil doon.
"I need partner, will you?" tanong ko kay Weeny.
"Anong gagawin mo d'yan?" takang tanong ni Weeny sa akin.
Sumandal ako sa kotse n'ya at tinignan si Weeny.
"Ano ba ang gagawin ko dito? I want to bid the heart pink diamond for you," sagot ko kay Weeny.
"Hindi pwede," sagot ni Weeny sa akin.
Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Akala ko ay sasaya s'ya sa sinabi ko, pero mukhang mayroon s'yang plano.
"Balak iyon kuhanin ni Papa, kaya wag ka ng makialam," sagot ni Weeny sa akin.
Nilagpasan n'ya ako at sumakay sa kotse n'ya. Umatras ako para makadaan ito. Nilagpasan lang ako ni Weeny Tolentino na walang salamat na nakuha mula sa kan'ya.
Napahinga ako ng malalim dahil sa inis sa babaeng iyon. Pagharap ko ay natigilan ako ng makita ko si Fay na nakatingin sa akin.
"Ikaw na naman?!" tanong ko kay Fay na seryosong nakatingin sa akin.
Tumalikod s'ya sa akin na noong nakaraan lang ay hinahabol-habol n'ya pa ako dahil sa bracelet na nakasuot sa akin.
Nilapitan ko si Fay at hinila ko ang braso n'ya paharap sa akin. Seryoso ko s'yang tinitigan.
"Mukhang mayroon ka yatang nakakalimutan," paalala ko kay Fay.
Pinipilit n'yang tanggalin ang pagkakahawak ko sa kan'ya, pero hindi ko hinayaan na matanggal n'ya iyon.
"Ano ba, Hans! Nasasaktan ako!" sabi ni Fay sa akin.
Napapikit ako dahil sa inis na hanggang ngayon ay pinipilit n'ya sa akin ang pangalan na Hans. Lalo kong hinigpitan ang pagkakapit sa braso n'ya at matalim na tingi ang binigay ko sa kan'ya.
"Si Hans ba talaga ang hinahanap mo o baka gusto mo lang talaga ako?" seryos kong tanong kay Fay.
Sinansal ko s'ya sa kotse n'ya at nilapit ko ang mukha ko sa maamo nitong mukha na pilit n'yang nilalayo sa akin kaya lalo akong napangisi.
Hinawakan ko ang malambon n'yang labi, pero tinapik n'ya ang kamay ko. Tinignan ko s'ya sa mga mata n'ya.
"Sabihin mo lang kung gusto mo ako, kaya ko naman pagtyagaan ang katawan mo," sabi ko kay Fay.
Marahan n'yang hinila ang braso n'ya sa akin at tinulak ako palayo sa kan'ya. Balak n'ya akong sampalin, pero hinawakan ko ang kamay n'ya. Pabato ko iyong binitawan.
"Mayroon ka pang ilang araw para bayaran ako, o baka gusto mo lang na wag akong bayaran para patuloy tayong magkita?" tanong ko kay Fay.
Bigla akong napaisip na bakit kami pinagtatagpo.
"Mukhang lagi tayo paglalapitin ng panahon dahil sa utang mo sa akin," sabi ko kay Fay.
Mayroon s'yang kinuha sa bag n'ya. Kinuha n'ya ang kamay ko, pero napatigil ito at tinignan ang kamay ko. Napangisi ako ng makita n'ya na hindi ko na suot ang bracelet na hinahabol-habol n'ya sa akin.
Inabot n'ya sa akin ang pera kaya tinignan ko ang pera na inabot n'ya na sa tingin ko ay wala pa sa one fourth ng sinisingil ko sa kan'ya.
"Ito muna ang bayad ko, hindi ko alam kung kailan, pero sa sweldo ko ay bibigyan ulit kita. Wag kang mag-alala dahil hindi kita tatakbuhan," sabi n'ya sa akin.
Tinignan ko ang kamay kong binitawan n'ya na mayroong pera. Bigla akong natawa sa binigay n'yang halaga.
Kinuha ko ang kamay ni Fay at binalik ang pera na inabot n'ya sa akin.
"Mukhang maskailangan mo iyan, tawagan mo na lang ako kung tatanggapin mo ang offer ko sayo," sabi ko kay Fay sabay kindat nito.
Tumalikod ako kay Fay para umalis na sa lugar na iyon.
"Hans—"
"Axton!" seryoso kong putol kay Fay.
Muli akong humarap sa kan'ya na seryoso ang tingin ko kay Fay. Nakaharap n'ya na sa akin at nakatingin ito sa kamay ko kung saan ko suot dati ang bracelet.
"Axton, nasaan 'yung bracelet na suot mo?" tanong n'ya sa akin.
Kahit na hindi ko na suot at hindi n'ya pa rin ako titigilan. Alam kong malakas ang curiosity n'ya at hindi n'ya titigilan ang isang bagay pag hindi n'ya nalalaman ang totoo.
"Tinapon ko," walang gana kong sagot sa kan'ya.
"So ikaw talaga si Hans?" tanong n'ya muli sa akin.
Matalim ko itong tinignan at muling naglakad papunta kay Fay. Umaatras ito palayo sa akin.
"Axton Fuente ang pangalan ko!" sigaw ko sa kan'ya.
"Saan mo nakuha ang bracelet na suot mo?" tanong n'ya sa akin.
"Bigay iyon ng Mama ko," diretso kong sagot sa kan'ya. "Sinagot ko na lahat ng tanong mo sa akin, sa susunod na tawagin mo ako sa pangalan na iyan, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo," banta ko kay Fay.
Inis akong tumalikod sa kan'ya at muling naglakad papunta sa kotse ko.
"Bakit mo itatapon ang bagay na binigay ng mahalagang tao sayo?!" sigaw ni Fay sa akin na nakapagpatigil sa paglalakad ko.
"Wala kang kwentang anak kung ganoon," dagdag pa na sabi ni Fay sa akin.
Napayukom ang kamao ko dahil sa sinabi ni Fay.
"Ano bang alam mo?!" sigaw ko rin sa kan'ya.
Dahan-dahan akong humarap kay Fay na seryosong nakatingin sa akin.
"Bakit hindi mo na lang kasi aminin na ikaw si Han—"
Hinugot ko ang baril mula sa likuran ko at pinaputok ko iyon sa taas.
"Ahhh!" sigaw ni Fay.
Napahawak s'ya sa tenga at napaupo ito sa ingay ng baril.
"Wag mo ng ipilit ang patay mong kaibigan sa akin, dahil kahit kailan ay hindi ako ang tinutukoy mong lalaki! Sa susunod na sabihin mo pa ang pangalan na iyan sa akin ay baka sayo na tumama ang bala na ito!" galit kong sigaw kay Fay.
Tumalikod na ako sa kan'ya at sumakay na ako sa kotse ko. Bago ko paandarin ang kotse ay nakita ko na naman ang mata ni Fay na mayroong luha.
Wala akong pinakitang kahit na anong emosyon kay Fay. Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko paalis sa lugar na iyon. Ayokong mayroong makakasira sa plano ko.
Humigpit ang hawak ko sa manibela at high speed ang takbo ng kotse ko. Wala na akong paki-alam pa sa mga nakakasalubong kong sasakyan o rules dito sa daan.
Tinignan ko ang bracelet na nakalagay sa passenger seat ko. Ayoko s'yang madamay kaya wala na akong paki-alam kung magalit pa s'ya sa akin at lumayo na ang loob n'ya sa akin.
Pero isa lang ang sasabihin ko pinahalagahan ko ang binigay n'ya sa akin kaya hanggang ngayon ay nandito pa rin ang binigay n'ya.