CHAPTER 11

2002 Words
"UMALIS ka na," taboy ni Weeny kay Axton pagkadating nito sa tapat ng bahay nila Weeny. "Pumasok ka muna," sagot ni Axton kay Weeny. Napairap na lang si Weeny sa hangin dahil kay Axton. Bumaba ito sa loob ng kotse ni Axton. Isang pekeng ngiti ang binigay ni Axton kay Weeny ng tumingin ito sa kan'ya. Naglakad papasok si Weeny sa loob ng gate nila. Nawala ang ngiti ni Axton ng mawala sa paningin n'ya si Axton. Muli nitong pinaandar ang kotse n'ya, pero nakasulubong nito ang sasakyan ni Fay. Kitang-kita ni Axton na umiiyak si Fay kaya bigla itong huminto. Ilang minuto ang lumipas ay nanatili kung nasaan si Axton. Bumaba si Axton sa kotse n'ya. Ilang metro na din ang layo nito sa bahay nila Weeny kaya hindi na nito mapapansin na hindi pa umaalis si Axton sa lugar na iyon. Patay ang ilaw ng bahay nila Fay na mukhang natutulog na ang mga tao doon. Tahimik na pumunta si Axton sa bintana ni Fay para silipin iyon, pero pagtingin n'ya ay walang tao. Napansin n'ya ang ingay mula sa mga tuyong dahon sa gawing papuntang ilog. Isang ilaw ang nakita n'ya. Agad s'yang sumunod papunta sa ilog. Tama itong si Fay ang makikita n'ya. Umupo si Fay sa malaking bato at hindi alam ni Axton kung ano pa ang ginagawa ni Fay doon. Nagtago si Axton sa likuran ng puno upang hindi s'ya makita ni Fay. Nakasilip si Axton sa puno habang pinapanood si Fay na nakaupo at nakatingin sa ilog. "Hans!" Sa boses palang ni Fay ay naramdaman na agad ni Axton ang pag-iyak nito. Naiwas ng tingin si Axton at sumandal ito sa puno. Nakita n'ya sa mismong mata n'ya ang pagtulo ng luha ni Fay. Hindi n'yang pwedeng punasan ang luha na iyon dahil hindi na s'ya si Hans at hindi na rin s'ya dapat nandito. Wala na s'yang pakialam kay Fay at sa kahit na sino pang mayroon sa nakaraan n'ya. Aalis na dapat si Axton sa pwesto n'ya ng biglang magsalita si Fay. "Hans, kung hindi ka si Axton. Gusto kong malaman mo na galit ako sayo, dahil sa pinamigay mo sa ibang tao ang bracelet na regalo ko sayo," umiiyak na sabi ni Fay sa kawalan. Biglang tumingin si Axton sa suot n'yang bracelet. "Mahalaga sa akin ang bracelet na iyon. Binigay ko sayo iyon dahil mahalaga ka sa akin dahil kaibigan kita," saad pa ni Fay. "Gusto kong kuhanin kay Axton ang bracelet na iyon dahil ikaw ang nagmamay-ari noon, Hans," dagdag pa ni Fay. Tinignan ni Axton sa gitna ng kadiliman at mahangin na paligid ang babaeng nakaupo sa malaking bato. Hinubad ni Axton ang suot n'yang bracelet at balak na lumabas sa pinagtataguan n'ya. Kung ito lang ang dahilan ni Fay kung bakit s'ya nito ginugulo ay ibabalik n'ya na ito. Ayaw ng bumalik ni Axton sa nakaraan n'ya kaya ibabalik n'ya na lang ang bracelet  kay Fay. Napaatras si Axton at muling napatago sa likuran ng puno ng mayroon s'yang makitang ilaw na papalapit patungon sa lugar nila. "Fay!" rinig n'yang tawag ng isang lalaking matanda sa pangalan ni Fay. Pagsilip ni Axton kay Fay ay nakita nitong pinunasan ang luha n'ya at tumayo mula sa pagkakaupo. "Pa, ano pong ginagawa n'yo dito?" tanong ni Fay ng makita ang Papa n'ya na papalapit sa kan'ya. Muling napatago si Axton sa puno. "Si Hans na naman ang pinupuntahan mo dito?" tanong ng Papa ni Fay sa kan'ya. "Nagpapahangin lang po ako, medyo napagod po ako sa trabaho," sagot ni Fay sa kaniyang Papa. "Sampung taon na ang nakakalipas ngunit umaasa ka pa rin na babalik ang iyong kaibigan," sabi ng Papa ni Fay. "Naniniwala pa rin po ako na hindi patay si Hans, Pa," sagot ni Fay. Humigpit ang hawak ni Axton sa bracelet na nasa kamay n'ya. Kalimutan mo na si Hans, Fay. Iyan ang mga gustong sabihin ni Axton na nasa isipan n'ya. "Baka nasa mabuting kalagayan na si Hans, kaya ayaw n'ya ng bumalik pa dito?" tanong ng Papa ni Fay. "Sana nga, Pa," sabi naman ni Fay. Hindi na tumagal si Axton pa at umalis na ito sa lugar na iyon. Nakayukom ang kamao  n'ya habang naglalakad ito patungo sa sasakyan n'ya. Gusto ng itapon ni Axton ang hawak n'yang bracelet, pero mayroong pumipigil sa kan'ya. Inis itong napahampas sa manibela.  Hinagis n'ya ang bracelet sa passenger seat sabay pinaandar ng mabilis ang kotse n'ya. Pumunta s'ya sa Stone casino para tignan ang mga naglalaro doon. Wala sa mood ang itsura ni Axton ng bumaba ito sa kotse n'ya pumasok sa loob ng kasi. "Hindi n'yo ba ako kilala?" Huminto si Axton sa paglalakad n'ya ng mayroon itong makitang lalaking nagwawala pagkapasok n'ya sa loob ng casino. "Kaya kong bayaran lahat na iyan! Bitawan n'yo ako!" sigaw ng lalaking nagwawala habang hawak-hawak ng mga security guards Hindi bago ang ganitong pangyayari kay Axton. Halata din sa lalaki na nakainom ito. Lumapit si Nolie kay Axton ng makita n'ya ito. Isa rin si Nolie sa pinagkakatiwalaan ni Axton na magbantay dito sa casino. "Anong nangyari?" seryosong tanong ni Axton kay Nolie. Pansin ni Nolie ang walang mood ni Axton kaya iniisip nitong mali ang timing ng lalaki. "Sunod-sunod po ang pagkatalo at ayaw magbayad ng kaniyang utang," sagot ni Nolie kay Axton na seryosong nakatingin doon sa lalaki. "Mga putang-ina kayo, dinadaya n'yo ako dito! Tawagin mo ang may-ari nito dahil papaluhirin ko s'ya sa harapan n'yo mga hampaslupa kayo!" sigaw pa ng lalaki. "Si Mr. Buena, malaki-laki na rin ang utang n'ya dito," sabi naman ng bagong dating na si Kim. "Nasaan ang Amo n'yo! Asa kayong babayaran ko kayo dahil mga putang-ina n'yo!" sigaw pa ulit ng lalaki. "Ako na po ang bahala, Sir," sabi ni Nolie kay Axton. Lalapitan na dapat ni Nolie ang lalaki ng iharang ni Axton ang kamay n'ya kay Nolie. Napatingin si Nolie sa seryosong mukha ni Axton. Naglakad si Axton papunta sa nagwawala na lalaki. Naabala na nito ang mga iba nilang customers. "Maling casino ang ginulo n'ya," sabi ni Kim kay Nolie na walang imik na nakatingin sa Amo nilang papalapit sa lalaki. "Anong problema?" walang ganang tanong ni Axton sa lalaki. Binitawan ng mga security guards ang lalaki na agad naman pumunta kay Axton. Seryosong tinignan iyon ni Axton. "Ito ba ang amo n'yo?" tanong ng lalaki sa mga taong nakapalibot sa kan'ya. "Mukha namang lamp—" Hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin n'ya ng isang suntok ang pinakawalan ni Axton sa lalaki. Nagulat ang ibang mga tao sa ginawa ni Axton, pero sa mga ganitong lugar ay hindi na bago ang mga ganitong eksena. Tinignan ni Axton ang lalaki na tumumba sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasuntok nito. Tumayo agad ang lalaki at balak n'yang suntukin si Axton ng isang sipa ang sa tyan ang binigay ni Axton sa lalaki bago pa ito makalapit sa kan'ya. Iniwasan lang ang lalaki sa pagbagsak nito sa floor ng mga tauhan ni Axton. Nilapitan ni Axton ang lalaki. Kinuha ni Axton ang baril na nakasuot sa likuran n'ya at agad n'ya iyong kinasa sa harapan ng lalaki. "Anong sabi mo?" kalmado, pero bakas sa boses ni Axton ang pagbabanta sa mga salitang binitawan n'ya. Biglang nawala ang lasing ng lalaki at napaluhod sa harapan ni Axton. "Patawad po, magbabayad po ako," nagmamakaawang saad ng lalaki. Walang gana naman tinignan ni Axton ang lalaki. "Siguraduhin mo dahil hindi ka lumabas ng lugar na ito na buo ang katawan mo," seryosong banta ni Axton sa lalaki. Tumalikod na si Axton sa lalaki dahil mukhang nagsasayang lang s'ya ng oras para kausapin ang walang kwentang tao na iyon. Pumasok si Axton sa office n'ya. Kumuha ito ng bote ng alak at baso para doon uminom. Inilapag ni Axton ang hawak n'yang baril sa table n'ya. Naglagay s'ya ng alak sa baso at agad n'ya iyong ininom. Tinignan ni Axton ang kamay n'ya na wala doon ang bracelet. Napaangat ang tingin ni Axton ng mayroong kumatok sa pinto ng office nito. Sumandal si Axton sa swivel chair at hinihintay na iluwa ng pinto ang taong kumakatok doon. Muling naglagay ng alak si Axton sa baso at ininom iyon na parang tubig lang. Bumukas ang pinto at lumabas si Nolie sa office ni Axton. "Sir Axton," tawag ni Nolie kay Axton. Pagkapasok ni Axton ay sumunod doon si Kim. Tinignan ni Axton ang dalawa sa pagpasok nila. "Ano ang kailangan n'yo?" walang ganang tanong ni Axton. Mahina namang natawa si Kim sa tono ni Axton dahil halata nilang wala sa mood si Axton. Naglakad si Kim papunta sa couch sa loob ng office ni Axton. Sumandal si Kim sa couch habang nakatingin kay Axton na umiinom ng alak. Mayroong kinuhang invitation si Nolie at binigay iyon kay Axton. Napakunot naman ang noo ni Axton ng makita ang invitation na nilapag ni Nolie sa table n'ya. "Thanks to me later," nakangiting sabi ni Kim kay Axton. Taka naman s'yang tinignan ni Axton dahil sa sinabi nito. "Ano ang ibig mong sabihin?" takang tanong ni Axton. "Baka dahil diyan ay mawala ang init ng ulo mo," sagot ni Kim kay Axton. Kinuha ni Axton ang kapirasong sobre at binuksan iyon para tignan ang loob. Isang business event kung saan ang mga businessman ay makikipag bidding sa product na ipre-present sa event na iyon. "Anong gagawin ko diyan?" takang tanong ni Axton kay Kim. Tinignan ni Kim si Nolie. Si Nolie naman ay kinuha ang phone n'ya at pinakita kay Axton ang name list ng mga guest. "Ang pamilya Tolentino ay isa sa mga gets sa event na iyan," nakangiting sagot ni Kim kay Axton. Tumayo si Kim at lumapit sa table ni Axton kinuha ang alak. Kumuha ito ng baso para lagyan ng alak. "Paano ka nakakuha ng invitation?" tanong naman ni Axton kay Kim. Humarap si Kim kay Axton at tinaas lang nito ang basong hawak n'ya sabay lagok ng alak. "Isang himas lang sa ulo ng uto-u***g producer ay na-invite ka na," sagot ni Kim kay Axton na napagpangiti kay Axton. Tama nga si Kim na mawawala ang galit nito pag ang pinag-uusapan ay ang pagpapabagsak sa mga Tolentino. "Owner sana ang balak kong himasin, pero mas'yadong mailap ang ulo," natatawang sabi ni Kim. "Tumahimik ka na nga," suway ni Nolie kay Kim dahil sa mga sinasabi nitong ulo. Lalo namang natawa si Kim sa reaction ni Nolie. Lumapit si Kim kay Nolie at tinignan ang baba nito. "Baka gusto mong ipahilot ang ulo mo? Masakit na ba?" natatawang tanong ni Kim kay Nolie. "Kadiri ka," iritang sabi ni Nolie. Humarap si Nolie kay Axton at nag-bow ito. "Mauuna na ako, Sir Axton," paalam ni Nolie kay Axton. Tumango si Axton kay Nolie habang pinagmamasdan ang invitation card. "Kapal mo, si Axton ang tipo ko kaya wag maarte," sigaw ni Kim kay Nolie. "Saka virgin pa ako," dagdag na sabi ni Kim. Nakangiwing tinignan ni Nolie si Kim at napailing na lang ito dahil sa sinabi ni Kim. "Kilabutan ka nga sa sinasabi mo," sabi ni Nolie bago ito naglakad palabas ng office ni Axton. "Landi ng lalaking iyon," sabi ni Kim. Pumunta si Kim sa tapat ni Axton at kinuha ang hawak nitong invitation card. "Minsan ang iba utak ginagamit, pero minsan katawan," natatawang sabi ni Kim kay Axton. Tinignan ni Axton si Kim. Sumandal ito sa swivel chair na hawak ang baso habang pinapaikot-ikot ang yelo sa loob ng baso. "Minsan mayroon ka ding pakinabang," saad ni Axton kay Kim. "Ano?!" iritang tanong ni Kim. Tumayo naman si Axton sa pagkakaupo n'ya. Napansin ni Kim na mayroong kulang kay Axton. Naglakad si Axton palabas ng office n'ya, pero sinundan iyon ni Kim at hinawakan ang braso ni Axton para pigilan ito. Kinuha ni Kim ang kamay ni Axton para tignan na wala doon ang bracelet na laging suot ni Axton. "Nasaan—" "Tinapon ko na," walang ganang sagot ni Axton bago ito tuluyang lumabas sa office n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD