CHAPTER 13

2001 Words
Axton's point of view Inaayos ko ang necktie ko habang nakaharap sa salamin. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. Ngayon ang araw ng J event na pupuntahan ko dahil nandoon ang mga Tolentino bilang guest ngayon. Ito na ang muling pagkikita namin ni Wilfredo after ten years ago. Naglakad ako punta sa table ko at binuksan ko ang drawer noon. Nakalagay ang isang caliber handgun doon na agad kong nilagay sa likuran ko. Kinuha ko ang gray coat ko na nakapatong sa kama. Muli akong humarap sa salamin sa at nakita ko ang kagandahang lalaki ko. Mukhang maglalaro kami ni Wilfredo ngayon. "Sir Axton, handa na po ang sasakyan," sabi ni Nolie na kakapasok pa lang sa kwarto ko. Inaayos ko ang suot ko sabay tingin kay Nolie na formal din ang suot. Pumasok si Kim na naka-black dress. Partner sila ni Nolie ngayon. "Ako na lang kaya ang partner mo?" tanong sa akin ni Kim. Iniba ko ang tingin ko para kumuha ako ng perfume. "Ayokong ka-partner ang isang ito," saad pa ni Kim ang tinutukoy n'ya ay si Nolie. "Kung hindi lang kailangan, bakit ba kita pagtitiisan," reklamo naman ni Nolie. Pagkatapos kong maglagay ng pabango ay lumabas na ako sa kwarto ko dahil na iirita na ako sa kaingay ng dalawa. Bigla akong napangiti ng makita ko si Mama sa baba ng hagdan at nakatingin sa akin. Agad aking bumaba para lapitan si Mama. "Ang gwapo naman ng anak ko," puri ni Mama sa akin bago ako yakapin pagkababa ko. Hinimas n'ya ang likoran ko bago ako kumalas sa pagkakayakap n'ya. "Sigurado ka bang hindi mo kailangan ng kasama d'yan?" tanong sa akin ni Mama. Inayos nito ang suot ko at buhok ko. Tinignan ko si Mama na walang kupas ang ganda. Simula ng magkasama kami ay wala pa rin nagbabago sa kan'ya. "Mga investors lang ang mga nandoon kaya hindi n'yo na kailangan mag-alala ni Papa," nakangiti kong sagot kay Mama. Napatingin ako sa gilid ko ng makita ko sila Nolie. "Wala ba d'yan ang mga Tolentino?" seryosong tanong sa akin ni Mama. Napaiwas ng tingin ang dalawa kaya nginitian ko si Mama dahil sa seryoso nitong mukha. "Kahit isang Tolentino wala, Ma," pagsisinungaling ko kay Mama. Ayoko lang s'yang mag-aalala dahil sa tuwing lalapit ako sa mga Tolentino ay masyado s'yang nag-aalala sa akin. "Hon, malaki na ang anak natin. Ano naman kung makasalubong o makasama ni Axton ang mga Tolentino?" Lahat kami ay napatingin sa kakarating lang ni Papa galing sa office n'ya. "Ano ka ba? Delikado ang mga Tao na iyon," sagot ni Mama kay Papa. Naglakad palapit si Papa sa amin at hinalikan n'ya sa noo si Mama, ako naman ay tinapik n'ya sa balikat. "Pinalaki nating matalino si Axton kaya wag ka ng mag-alala sa kan'ya. Saka hindi natin kailangan katakutan ang mga Tolentino, sino ba sila?" paliwanag ni Papa. "Ma'am, sa tingin ko ay masdelikado ang anak n'yo," sabat naman ni Kim. Tinignan ko si Mama na nag-aalala na naman s'yang nakatingin sa akin. "Wag ka ng mag-aalala sa akin, Ma," sabi ko kay Mama. Hinalikan ko ito sa pisnge. "Aalis na ako, Ma't Pa," paalam ko sa kanila. Tumango lang si Papa sa akin pati si Mama bago ko sila lagpasan at lumabas sa bahay namin. Bumalik ang seryoso kong mukha pagkalabas ko at hinarap ko sila Nolie at Kim. "Alam n'yo naman siguro ang gagawin n'yo?" tanong ko sa dalawa. "Well trained ko ang katabi ko," proud na sagot ni Kim sa akin. Tumango ako sa kan'ya. "Magkita na lang tayo sa venue," sabi ko sa dalawa bago ko sila talikuran. Naglakad ako papunta sa sports car ko na mayroong pang gasgas sa likuran. "Bakit hindi mo pa pinapaayos iyan?" takang tanong ni Kim sa akin. "Wala akong oras," seryoso kong sagot. Pumasok na ako sa loob ng kotse at pinaandar iyon. Mabilis kong pinaandar ang kotse ko para pumunta sa bahay nila Weeny. Few minutes it takes before I arrived at Tolentino's house. Agad akong lumabas sa kotse ko at sumandal ako doon. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Weeny. Lalo akong napangisi ng sinagot n'ya iyon agad. "I'm here in front of your house," bungad ko pagkasagot n'ya sa tawag ko. "Umalis ka na," sagot n'ya sa akin. Napakunot ang noo ko dahil sa sagot ni Weeny. Mahilig talaga s'yang magsayang ng effort ng iba. "Baka makita ka ni Papa," dagdag pa n'ya sa akin. Nahagip ng mata ko si Fay na nakatingin sa akin habang mayroon hawak na basura. Umiwas s'ya ng tingin sa akin kaya napangisi ako sa kan'ya. "Okay," sagot ko kay Weeny at binaba ko na phone call ko. Hindi ko inaalis ang tingin kay Fay dahil alam kong ako ang tinitignan nito. Pumasok ako sa loob ng kotse ko at pinaandar iyon, pero hininto ko muna iyon sa tapat ni Fay. "You have few days to accept my offer," seryoso kong sabi kay Fay. "Babayaran din kita, bigyan mo lang ako ng oras pa," sagot n'ya sa akin. Tumango ako kay Fay at nginisihan s'ya. "One hour of extension. It's that okay?" naka-smirk kong tanong kay Fay. Kinawa kong korteng baril ang kamay ko at tinapat iyon kay Fay sabay kindat sa kan'ya. Muli kong pinaandar ang kotse ko dahil baka maunahan pa ako ng mga Tolentino. Pagdating ko sa event ay maraming malalaking tao ang nandoon, even mga politicians ay mayroon. Pinakita ko sa security ang VIP card ko para hindi na ako harangin pa. Pagpasok ko sa loob ay medyo madilim dito at maraming nag-uusap tungkol sa payabangan o business. Pumunta ako sa solo table dahil ayoko rin naman makapag-usap sa mga tao dito. Hindi patungkol sa business ang pinunta ko rito. Ilang saglit lang ay nakita ko Kim at Nolie sa kabilang table. Nagpapanggap na hindi kami magkakilala. "Wine, sir?" alok ng waiter sa akin. Tumango lang ako sa kan'ya at binigyan na ako. Naka-recieve ako ng text mula kay Weeny. "Wag kang lalapit sa akin. Wag ka rin mangialam sa bidding ng heart diamond." Napangisi ako ng mabasa ko ang texted ni Weeny. Sino ka para utusan ako? Let's see what happen later, Weeny. Habang pinagmamasdan ko ang text si Weeny ng biglang lumabas ang pangalan ni Nolie. "Magkano maximum natin, Sir?" tanong sa akin ni Nolie. Tinignan ko s'ya na nakatingin sa akin mula sa kabilang table. Sumandal ako sa upuan at inabot ko ang wine na binigay sa akin. "Fifty million, stop na," sagot ko kay Nolie. Ininom ko ng isang tungga ang wine bago ako mapangisi sa laro mamaya. "Hibang ka ba? Ang laki noon," sabi naman ni Kim sa akin. "Watch and learn," seryoso kong sagot kay Kim. "Lagot ka sa Mama mo pag nalaman iyan," warning naman sa akin ni Kim. "Kung malalaman n'ya," seryoso kong sagot kay Kim. Pinatay ko na ang phone call ng makita ko ang pagdating ng mga Tolentino. Napansin iyon nila Nolie kaya umayos na rin sila. Mayroon naglagay ng wine mulo sa wine glass ko ng makita nilang wala ng laman iyon. Palingon-lingon si Weeny sa venue kaya napangisi ako. Alam kong ako ang hinahanap n'ya. Nagtama ang mata namin kaya ingat ko ang baso sa kan'ya at ininom ko ang laman. Biglang lumipat ang tingin ko sa matandang pumasok sa loob. Kahit ilang taon pa ang lumipas ay hindi ko makakalimutan ang tao na iyon. Inubos ko ang wine ko bago ako tumayo para lapitan sila. Masama ang tingin sa akin ni Weeny kaya lalo akong na-excite. Nilagay ko ang kanan kong kamay sa bulsa ko at naglakad papunta sa gawi nila. Pinandilatan ako ni Weeny ng mata kaya nginitian ko s'ya. Dumaan ako sa harapan ni Wilfredo. Tinignan ko s'ya sa mga mata n'ya at nag-smirk ako sa kan'ya. Nakalagpas ako sa kanila. "Sandali!" Huminto ang paa ko sa paglalakad ng magsalita si Wilfredo. Isang korte ang namuo sa labi ko bago ko alisin lahat ng emosyon sa mukha ko at dahan-dahan na humarap sa pamilyang Tolentino. Ang dating asawa ng Papa ko ay buhay pa rin hanggang ngayon. Si Wilfredo na halata sa mukha ang tanda at ang sutil n'yang anak na si Wilson na nakangiti sa akin at ang maldita n'yang anak na si Weeny na masama ang tingin sa akin. "Yes?" seryoso kong tanong kay Wilfredo. Walang takot, walang kaba at walang luha ko s'yang hinarap ngayon. Umiling si Wilfredo sa akin. "Wala akala ko ay kakilala ko," sagot n'ya sa akin. Muli akong tumalikod. Yumukom ang kamao ko dahil sa galit sa lalaking iyon. Pumunta ako sa restroom para pakalmahin ang sarili ko. Galit na lang ang nararamdaman ko sa kan'ya. Inangat ko ang sleeve ko ng konti para makita ko ang bracelet na suot ko na iyon lang ang tanging nagpapakalma sa akin sa tuwing nagagalit ako. Pagtingin ko ay wala sa kamay ko. Napamura ako sa isip ko ng nasa puting kotse nga pala iyon. "Sir Axton!" Napatingin ako sa salamin. Nakita ko sa reflection si Nolie. Ni-lock n'ya ang pinto ng restroom kaya seryoso ko s'yang tinignan. "Anong kailangan mo? Ilang minuto na lang at magsisimula na ang event," seryoso kong sabi kay Nolie. Humarap ako sa kan'ya. "Hindi ko po alam kung bakit nahuhulog ito sa inyo," sagot n'ya sa akin. Mayroon s'yang kinuha sa bulsa n'ya. Inilabas n'ya ang silver na bracelet ko na agad kong kinuha mula sa kamay n'ya. "Habang nililinis ko ang kotse mo po ay nakita ko sa passenger seat," paliwanag ni Nolie. "Ayos naman po ang lock n'yan, pero bakit po laging nahuhulog sayo?" tanong sa akin ni Nolie. "Do I need to explain it to you?" seryoso kong tanong kay Nolie. Nag-bow s'ya sa akin. "Hindi po," magalang nitong sagot. "Isipin mo ang gagawin mo mamaya," sabi ko kay Nolie. Tumango s'ya sa akin. Tumalikod ako kay Nolie. Tinignan ko naman s'ya sa salamin na lunabas ito ng restroom. Sinuot ko ang bracelet sa kamay ko. Muli kong inayos ang suot kong damit bago ako tuluyang lumabas sa maingay na lugar na iyon. Mayroon ng nagsisimulang magsalita na emcee. Bumalik ako sa inuupuan ko, pero ang tingin ko ay nasa Tolentino lang. Hindi ko iniintindi ang mga salitang sinasabi sa event. Hanggang sa nagsimula na ang bidding nagsisimula ng magbigayan ng mga presyo ang mga tao dito. Mapatingin ako sa phone ko ng tumunog iyon. Napakunot ang noo ng makita ang text ng ewallet ko sa akin. Tinignan ko kung kaninong number iyon at lumabas ang pangalan ni Fay Ignacio. Nag-send ito ng ten thousand sa ewallet ko kaya napangisi ako sa kan'ya. Binasa ko ang nakalagay doon. "Magbibigay ulit ako sayo next week, Mr. Fuente," basa ko sa message na pinadala n'ya sa akin. "Saan mo nakuha number ko?" replied ko kay Fay. "Binigyan mo ako ng number ng Secretary mo. Sabi n'ya d'yan ko daw i-send," sagot nito agad sa akin. Kay Nolie. Bakit n'ya binigay ang personal number ko kay Fay. Tinignan ko si Nolie dahil sa ginawa n'ya. "Heart Diamond necklace, let's start with five million pesos!" sabi ng emcee. "Five million," saad ni Wilson. Pinagmamasdan ko ang paligid kung mayroon bang bi-bid doon. Tumingin ako kay Nolie. Tumango ako sa kan'ya para simulan ang laro. "Five million and five hundred thousand!" Napatingin ako sa isang matandang mukhang itsik. "Six million!" sigaw ni Nolie. Sumandal ako sa kinauupuan ko para panuorin ang laro. "Six million and five hundred thousand!" sigaw ng matanda. Nakita ko ang pagtingin ni Wilfredo sa matangdang intsik kaya natawa ako sa kan'ya. Tinignan ako ni Weeny kaya nginisihan ko s'ya. Isang pag-ikot ng kaniyang mata ang tanggap ko sa babaeng iyon. Mayroong naglagay ng wine ulit sa wine glass ko. Pinatong ko ang kanan kong hita sa kaliwa kong hita para lalo ako making kumportable sa kinauupuan ko. "Seven million!" sigaw ni Wilson. Napangisi ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD