Nakasimangot si Aqua na pumasok sa araw na 'yon at hindi rin maipinta ang mukha nito. Hindi naman nalingid sa kaibigan niyang si Shiela.
"Hoy, ano 'yang hitsura mo? Nag- away na naman kayo ng Mama mo ano?" pambubuska ni Shiela pagkaupo ni Aqua sa tabi nito.
Mas lalong nanulis ang nguso ng dalaga.
"Siguro tungkol na naman 'yan sa lover ng Mama mo. Sabi ko naman sa'yo hayaan mo na, suportahan mo na lang ang iyong Mama." Patuloy na sabi ni Shiela.
"Over my dead body!" sagot ni Aqua sabay taas ng isang kilay nito.
Natawa naman si Shiela.
"Hoy, Mama mo 'yon! Dapat nga hindi ka spoil sa happiness niya, ayaw mo no'n inspired na siya may lover pa."
"Shut up, Shiela. Iisa lang dapat ang lalaki sa buhay ng Mama ko at iyon ay ang aking Papa!" mataray na sabi ni Aqua.
"Asus! Patay na ang Papa mo, matagal na. Dapat na ngang kumuha ang Mama mo ng makakatuwang niya sa buhay uy!" wika naman ni Shiela.
"Alam mo, hindi ko alam kung kaibigan ba kita o hindi eh! Mas kinakampihan mo pa sina Mama at ang boyfriend niya!" inis na sabi ni Aqua sabay irap kay Shiela.
"Hoy, don't get me wrong! Nagsasabi lang ako ng katotohanan, dapat suportahan mo rin ang Mama mo kung saan ito masaya. Aba, halos lahat ng oras niya at panahon nito ay inukol naman niya sa'yo ah, ngayong gusto niyang sumaya ulit tutututol ka?" pandidilat naman ni Shiela sa kaibigan.
Hindi nakapagsalita si Aqua dahil biglang dumating ang professor nilang masungit. Inirapan na lamang ni Aqua ang kaibigan nito.
"Good morning, Class! May I remind you your p*****t regarding to your course activity and project." Saad ni Titser Romano, English subject nila at isa itong beki.
"Yes, Sir!" sabay-sabay naman nilang sagot.
"Okay, eyes on the board and ears on me!" maarte nitong wika at nagsimula nang mag- lecture.
Medyo hindi concentrated si Aqua sa kanilang topic dahil lumilipad pa rin ang utak nito. Nasira na nga ang gabi nito kagabi, mas lalong nasira kaninang sinundo ni George ang kanyang Mama. At idinamay pa siyang inihatid sa kanyang school na lalong nagpagatong sa inis niyang nararamdaman.
"Hmmm! Feeling Papa ko, hindi naman bagay!" himutok ni Aqua sa isipan nito.
Hindi niya alam kung bakit ba mabigat ang dugo niya sa boyfriend ng kanyang Mama samantalang mabait naman ito. Siguro hindi niya lang matanggap na papalitan na ng kanyang Mama ang namayapa na niyang Papa. Napaigtad pa si Aqua nang marinig ang bell hudyat ng kanilang break time.
"Canteen tayo!" yaya agad ni Shiela kay Aqua.
Tumango lang ang dalaga at iniligpit na nito ang kanyang mga gamit. Kapagkuwan ay sumunod na ito kay Shiela na nasa pintuan na.
"Siyanga pala, malapit na ang debut mo ah! Saan gaganapin?" naalalang tanong ni Shiela habang sila ay naglalakad na.
"Siguro sa bahay lang, alam mo namang wala kaming budget kasi halos napupunta sa course ko ang pera ni Mama." Sagot ni Aqua.
Tiningnan naman ni Shiela si Aqua nang mataman.
"Why?" naaasiwang tanong nito.
"Alam mo, kung ako sa'yo tatanggapin ko na lang na maging step- Dad ko si Tiyo George. Malay mo, matutulungan talaga niya ang Mama mo sa pagpapa- aral niya sa'yo. Kumbaga, don't be sentimental but be practical. Maiintindihan naman siguro ng Papa mo in heaven ang magiging pasya niyong mag- ina." Mahabang pahayag ni Shiela.
Hindi nakasagot si Aqua at ito ay bumuntonhininga. Muli na namang lumungkot ang mga mata nito.
"I'm planning to seek part time job," mahinang sabi ni Aqua kapagkuwan.
"Sigurado ka? As if naman kung papayagan ka ng Mama mo!" turan naman ni Shiela.
"Why not? Puwede ko namang ilihim sa kanya ah!"
Umiiling-iling naman si Shiela.
"Lunukin mo na kasi ang pride mo, maaatim mo bang makitang palaging malungkot ang Mama mo dahil naghiwalay sila ng jowabels niya? Ikaw, malungkot na nga siya dati mas malulungkot pa siya kapag nagkataon." Paliwanag nito.
"Alam mo Shiela, hindi ko alam kung ano ang ipinakain ni Tito George sa'yo. At ganoon na lamang kung ipagsiksikan mo sa Mama ko," medyo inis na namang sagot ni Aqua.
"Sira! Nagiging totoo lang ako, anong silbi 'yang mataas mong pride kung ikaw din ang mahihirapan? Uy, girl learn to lower your pride naman kahit paminsan-minsan." Paliwanag pa rin ni Shiela.
Tumigil naman si Aqua sa paglalakad nito at hinarap si Shiela.
"Alam mo, nakakabuwisit ka Shiela! Mag- isa kang lumamon sa canteen!" mataray na sabi ni Aqua at nag- martsa na itong pabalik sa room nila.
Napailing-iling na lamang na napapalatak si Shiela habang sinusundan niya ng kanyang tingin ang topakin niyang kaibigan. Nagpakawala ito ng isang mahinang hininga at nagpatuloy na itong maglakad patungo sa may Canteen.
Natapos ang break time na hindi nag- iimikan ang magkaibigan. Hinayaan naman ni Shiela si Aqua para lumamig ang ulo nito. Ganooon sila kapag may samaan ng loob, hinahayaan muna ni Shiela na lumamig ang sitwasyon at ulo ng kaibigan nitong si Aqua bago nito kibuin. Hanggang sa dumating ang kanilang uwian ay hindi pa rin nagkikibuan ang dalawa. Nauna naman nang lumabas si Shiela dahil alam nitonh nasa labas na ng Campus ang sundo nito. Kadalasan ay isinasakay niya si Aqua kapag uwian at inihahatid niya ito sa kanilang bahay. Ngayon lang ulit na hindi sumabay si Aqua kay Shiela na naiintindihan naman ng huli.
Matamlay namang sumakay ng jeep si Aqua kahit punuan na ay sumiksik pa rin ito sa loob ng sasakyan. Nakahinga lang ito nang maluwag pagkatapos pumara sa bababaan nito. Papasok pa sa may eskinita ang papunta ng kanilang bahay pero konting lakad na lang. Nang malapit na si Aqua sa kanilang bahay ay nakita na naman nito ang kinaiinisang sasakyan. Ang sasakyang naghatid sa kanya sa School kaninang umaga. Umusok ang ilong ni Aqua nang naisip nitong tila binabastos na ng kanyang Mama ang bahay na itinayo ng kanyang Papa. Kung kaya't mabilis ang mga hakbang nitong mas lumapit pa sa kanilang bahay at agad na pumasok sa loob.
Gulat pa sina George at Alona nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon si Aqua. Magkatabi ang dalawa sa sofa at nagkatawanan, kung kaya't pairap na tiningnan ng dalaga si George.
"Anak, dumating ka na pala! Bakit hindi ka tumawag at nang masundo ka namin?" sabi ni Alona sa anak.
"May paa ako, kaya nakakalakad pa maski papaano." Pabalang na sagot ng dalaga.
Nagkatinginan naman sina George at Alona. Saka ngumiti si George na tumingin sa dalaga.
"Puwede ka ba naming makausap ng Mama mo, Aqua?" maalumanay na tanong ni George.
"Kung ang pag- uusapan natin ay ang tungkol sa inyo, huwag na. Kahit naman tumutol ako at mag- ngawa rito, wala namang mangyayari. Alam ko namang, desidido na si Mama na makisama sa'yo!" Malamig na tugon ni Aqua.
"Aqua!" pandidilat ng Ginang sa anak nito.
Napangisi naman si Aqua na tumingin ito sa kanyang Mama.
"Bakit? Totoo naman hindi ba? Ni hindi niyo nga iginalang ang pamamahay natin eh! Dinala niyo siya rito at pinapasok, hindi ba kayo nahintakutan at baka magalit ang kaluluwa ni Papa?" may hinanakit sa boses ng dalaga.
"Ano bang akala mo ang ginagawa namim ni George dito sa loob ng bahay ha? May nakita ka ba, Aqua? Sabihin mo, may nakita ka bang mali?" uminit na rin ang ulo ni Alona .
"Mahal!" agad na awat ni George kay Alona at pinigilan niya itong lapitan si Aqua.
"Bitawan mo ako, George! Hindi ko pinalaki ang batang 'yan upang mambastos ng tao, lalo na ang bisita ko." Wika ng Ginang.
Pagak na tumawa si Aqua.
"Talaga lang ha? Ako pa talaga ang may mali rito, puwes hayan! Hinahayaan ko na kayo, gawin niyo ang gusto niyong gawin! Be happy, don't mind me at all okay lang!" ani nito na nangingilid ang mga luha nito.
"Saan mo nakuha ang ugali mong 'yan, ha? Sa mga barkada mong asal kalye, Aqua? Nasaan amg respeto mo, nasaan?!" hysterical na ring sabi ni Alona.
"Alona, calm down. Mas lalong hindi kayo magkakaintindihan ng anak mo kapag sinasabayan mo siya okay?" muling awat ni George.
Hinamig naman ni Alona ang sarili nito at medyo kumalma. Agad namang pinunasan ni Aqua ang mga luha nito sa pisngi.
"Aqua, alam kong mahirap paniwalaan pero mahal ko ang Mommy mo. And I want to prove that by marrying her. Mahirap para sa'yo, oo alam ko pero handa akong ipakita sa'yo na I will be the best father for you on my own. Please believe me Aqua, I will make your Mama happy beside me." Saad naman ni George kay Aqua.
Napahikbi si Aqua at tumagilid ito. Dahan-dahan namang nilapitan ni Alona ang anak nito. Niyakap ni Alona si Aqua nang mahigpit saka ito napaiyak na rin.
"I do love your Papa, Aqua from the bottom of my heart and I will not forget that. But in order to give you a bright tomorrow, I need a man who can lean on especially my hard days. And that is George, who make my whole life complete and teach me to love again. Ayaw mo ba akong maging masaya anak? Tama namam na siguro ang mahabang panahong iginugol kong naging malungkot kasi dalawa na lang tayo. Ayaw mo bang, muling mabuhayan ulit ang puso kong kay tagal na nalulumbay?" umiiyak na saad ni Alona.
Mas lumakas ang hikbi ni Aqua at yumakap na rin ito sa kanyang Mama. Nagkasaliw ang iyak ng mag- ina, at marahan ding lumapit si George sa mga ito at nakiyakap na rin. Hinaplos ni George ang ulo ni Aqua at ngumiti ito kay Alona nang magtama ang kanilang mga mata.
"Hindi ka magsisisi, Aqua. Hinding- hindi ko sasaktan ang Mama mo dahil mahal na mahal ko siya. At ang mahal niya ay mahal ko na rin, ang mahalaga sa kanya ay mahalaga rin sa akin." Wika ni George.
Hindi sumagot si Aqua at nagpatuloy lang ito sa pag- iyak. Inalo naman ni Alona ito at hinaplos ang likuran ng dalaga. Hinayaan nilang umiyak nang umiyak si Aqua upang mailabas nito ang anumang kanyang kinimkim na hinanakit ng kanyang damdamin.