Dahil sa madamdaming pag- uusap nina Aqua at ang Mama nito maging si George ay wala na ring nagawa pa ang dalaga. Kahit masakit sa kanyang puso dahil pakiramdam niya ay kakalimutan na ng kanyang Mama ang yumao nitong ama. Kagaya sa araw na iyon, mag- isa na siyang dumalaw sa puntod ng kanyang Papa na dati ay kasama niya ang kanyang Mama.
" 'Pa, kumusta ka na? Sana masaya ka sa iyong kinaroroonan ngayon. Alam ko pong madami pa akong pagdadaanan pero, kakayanin ko po. Sana palagi mo akong gagabayan kahit anumang mangyari!" wika ni Aqua.
Nakatingin ito sa larawan ng Papa niya, nagsindi rin ito ng kandila katabi ang bungkos ng mga bulaklak. Nagdala rin si Aqua nang pagkaing alay niya sa kanyang Papa. Umusal din ito ng isang taimtim na panalangin. Biglang umihip ang malakas na hangin at para bang dumampi iyon sa pisngi ng dalaga. Napangiti si Aqua saka nito dinama ang sariling pisngi.
"Alam ko pong kayo ang humalik sa pisngi ko, hindi ko man nakita atleast ramdam ko po. Tawagin man nila akong nababaliw na ay wala po akong pakialam basta ramdam ko po ang presence niyo." Ani nito.
Muling umihip ang malakas na hangin, napapikit ang dalaga at dinama ang alam niyang presence ng Papa nito. Ilang sandali pa at nagpaalam na ang dalaga sa puntod ng Papa nito at umalis na. May usapan pala sila ng kanyang Mama na mag- dinner sa bahay ng nobyo nito for further bonding ng kanilang pamilya. Walang magawa si Aqua kung hindi go with the flow dahil wala na ring saysay pa kung magmamatigas siya at tututol sa mga mangyayari.
"My God, ang tagal mo Aqua! Nakakahiya namang paghintayin sina George anak," wika ni Alona nang makapasok si Aqua sa kanilang bahay.
Naroon na rin ang baklang kaibigan ng Mama nito upang ayusan sila kasama ang dalawang alalay.
"Pasensiya na 'Ma!" matamlay na sagot ng dalaga at dumiretso na ito sa sariling silid upang makaligo kahit papaano.
Malungkot namang sinundan ni Alona nang kanyang tingin ang anak nito.
"Matatanggap din niya ang lahat, Mare!" sabi naman ni Angie ang baklang make up artist.
"Sana nga Mare, gusto ko talaga siyang makatapos ng kanyang pag- aaral lalo pa't mataas ang kinuha niyang kurso." sagot ni Alona.
"For sure, ganyan talaga sa una lalo pa't nasanay na siyang kayong dalawa lang ang palaging magkasama." Sabi ulit ni Angie.
Masayang tumango si Alona, naayusan na ito, ang damit na lamang nito ang hindi pa. Ilang minuto pa at lumabas na rin si Aqua umupo ito sa may tokador at agad namang inayusan ni Angie.
"Ayoko ng makapal na make up hindi pa naman kasal ang magaganap, dinner lang." Patay malisyang sabi ni Aqua kay Angie.
"I know darling! Besides, napakaganda mo infact hindi mo ma sana kailangan ang make up. Kaya lang no choice kasi mayamang lahi ang pupuntahan niyo, kailangan ding siyempre presentable kayo ni Mare." Saad ni Angie.
Palihim na napaismid si Aqua subalit agad din siyang ngumiti nang sapilitan nang medyo pandilatan ito ni Alona.
"We're finished! And please darling, smile ka lang huwag kang sisimangot hindi bagay sa'yo." Wika ni Angie.
"Whatever!"
"Aqua! Ayusin mo 'yang hitsura at ugali mo roon kina George ha?" babala naman ni Alona sa anak.
"Oo na!" mataray na sagot ni Aqua at tumayo na ito.
Inakay naman sila ni Angie upang maisuot na nila ang kanilang mga damit. Parehas sila ng kulay, at tabas ng damit. Isa iyong casual dress na peach ang color at may konting slit sa left legs nilang dalawa.
"Wow! Perfect, nagmumukha na kayong yayamanin although talaga namang pang- malakasan ang inyong beauty at dating!" Maarteng biro ni Angie.
Ngumiti naman si Alona.
"Thank you Mare!" ani nito.
"Naku, walang anuman! Maganda kayong mag- ina kumbaga sa plantita ay rare lang mahirap matagpuan." Wika ng bakla.
Mas lalong natawa si Alona habang si Aqua ay napapailing na lamang sa sinasabi ni Angie.
"Buweno, mauna na kami tawagan mo na lang ako kapag naroon na kayo." Turan ni Angie kapagkuwan.
"Susunduin kami ni George! Thank you, Mare sa uulitin!" sagot ni Alona.
"No problem, Mare basta kayong mag- ina!" msayang tugon ni Angie at tuluyan nang nagpaalam ito kasama ang dalawang niyang alalay. Ilang sandali pa at narinig na ng mag- ina ang busina ng sasakyan ni George.
"Nandiyan na ang Tito mo anak, halika na." Sabi ni Alona sabay kuha sa susi ng kanilang bahay at ang shoulder bag nito.
Tahimik na tumayo si Aqua bitbit ang hand bag nito saka sumunod kay Alona. Nakangiting mukha ni George ang nabungaran ng mag- ina sa labas ng kanilang bahay.
"Hi!" bati ni George sa mag-ina sabay halik nito sa pisngi ni Alona.
Ngiti lang ang isinagot ni Aqua kah George saka ito nag-mano.
"Ready?" tanong ni George sa kanila.
"Ready mahala kahit na medyo kabado ako." Sagot naman ni Alona habang sumasakay sila sa kotse.
Tumawa naman si George at naupo na ito sa driver's seat. Nasa unahan na upuan si Alona habang sa likuran si Aqua tahimik lang na nakikinig sa dalawa.
"You don't need to mahal! It's just my sons, my brother and my sister. Ofcourse ang kanilang mga anak din siyempre pero nasa may pool sila pupuwesto for bonding." Paliwanag ni George sabay start ng kotse.
"Okay, pipilitin ko!" sagot ni Aqua.
Tumingin naman si George sa front mirror ng kotse.
"Are you okay there, Aqua?" tanong nito.
"Yeah, I'm okay!" mahinang sagot ni Aqua.
Muling ngumiti si George at nagkatinginan silang dalawa ni Alona. Sa daan naman ibinaling ni Aqua ang kanyang mga mata. Nagseselos pa rin ito kay George dahil sa ka- sweet na gesture nila ng kanyang Mama. Nagpatugtog naman si George ng isang awitin sa stereo nito. Kahit papaano ay nawala ang inis na nararamdaman ni Aqua dahil sa nakikita nitong lambingan nina Alona at George.
Ilang minuto pa at pumapasok na ang kotse sa isang magarang bahay. At hindi nagkakamali si Aqua, isa 'yong Mansyon. Buong paghangang pinagmamasdan ni Aqua ang tahanan ng magiging pangalawa niyang ama. Talagang napakayaman pala talaga ni George, kumpleto ang Mansyon mayroon pang mga security guards at mga bodyguards. Nakita rin ni Aqua ang iba't-ibang klase ng sasakyan na nasa malawak na garahe. Pagbaba nila ay agad nakahilera ang mga katulong sa may maindoor na tila hinihintay sila. Gusto tuloy ni Aqua na mag- back out dahil pakiramdam niya ay hindi siya nababagay sa lugar na 'yon. Naramdaman na lamang ni Aqua ang pagpisil ni Alona sa kamay nito. Ngumiti na lamang ang dalaga nang tingnan niya ang kanyang Ina. Naglakad silang tatlo papasok sa loob ng magarang bahay.
"Magandang gabi po!" sabay-sabay na bati ng mga katulong sabay yukod.
Ngiti at tango lang ang isinagot ni George ganoon din ang mag- ina. Pansin din ni Aqua na may mga lalaking katulong ang pamilya nina George.
"Hi, everyone!" bati ni George nang nasa bungad na sila ng malawak na dining room.
"Heto na pala sila!" Sabi naman ng isang tabaing lalaki na may kurbata pa.
Nagsitayuan ang mga nakaupo sa mahabang mesa saka sila sinalubong. Agad napansin ni Aqua ang mga binatang nakaupo rin doon. Bigla tuloy tumalon ang puso ni Aqua dahil sa mga Adonis na nasa harapan nito. Nakakatiyak siyang titili sa kilig ang kaibigan niyang si Shiela kapag mai- kwento niya dito. Nag- beso silang lahat maliban sa mga limang binata.
"Aqua, I want you to meet ny sons! The oldest one, Hiro!" pagpapakilala ni George.
Tinitigan ni Hiro si Aqua nang mataman, kumabog bigla ang puso ng dalaga na hindi nito maintindihan. Tinanggap ni Aqua ang pakikipag- daop palad ni Hiro sa kanya, napaigtad pa ito nang may konting pisil pa ang ginawa ng binata.
"Please to meet you," wika ni Hiro.
Noon lang ninerbiyos ang dalaga sa presensiya ng isang lalaki na usually ay wala namang dating sa kanya. Subalit kakaiba ang Hiro na nasa kanyang harapan, hindi niya alam pero natataranta si Aqua.
"And I'm Logan, the second one!" sabi naman ng isang lalaking may pagka-singkit ang mga mata nito.
Sumasamang ngumingiti ang mga mata ni Logan kapag tumatawa ito, basically. Magaan ang pakiramdam ni Aqua sa pangalawang anak ni George.
"I'm the youngest, Adrian!" sabi naman ng isa pa na may hawig sa isang artistang pinoy.
"Ikinagagalak ko po kayong makilala mga kuya!" sagot ni Aqua na nakangiti, bukal iyon sa kanyang kalooban.
Ewan ni Aqua subalit parang gusto niya tuloy na maging kapatid ang mga ito. Kay Hiro lang ito nag- aalinlangan dahil alam ni Aqua na katulad din niyang peke ang ngiti nito, pilit na ngiti. Sayang nga lang at humanga pa naman siya, resemblance kasi nito ang kanyang Oppa na korean. Kaya lang mukhang parehas sila ni Hiro na magaling magtago ng tunay na nararamdaman at magaling magpanggap. Naisipan tuloy ni Aqua na hindi ito patatalo sa lalaki kung may binabalak man ito.
Pagkatapos ng kanilang pagpapakilala sa isa't-isa ay kumain na ang lahat. Panay ang kwentuhan ng ilan sa kanila habang tahimik lang si Aqua at nakikingiti kung kinakailangan.
"Feel at home Aqua, after ng wedding namin ng Mama mo ay dito na kayo titira." Sabi ni George kapagkuwan.
Natigilan si Aqua at napatingin ito sa kanyang Mama na agad namang tumango. Tila medyo nagalit si Aqua dahil hindi siya sinabihan ng kanyang Mama. Kahit na renta lang nila iyon, marami siyang mahahalagang ala- ala sa kanilang bahay.
"Dad, ayaw yata ni Miss Aqua! Look at her face," si Hiro ang nagsalita.
Tumawa naman si George.
"Nabigla lang siya anak, I know! Surprised kasi ito hindi pa nasabi ng Mama niya." Sagot nito.
"Oh...I see!" sabi ni Hiro sabay tingin kay Aqua.
Agad namang nag- iwas ng tingin si Aqua dahil hindi siya komportable sa mga titig ni Hiro.
"Hey, be gentle kay Aqua siya ang bunsong kapatid niyo from now on!" sabi ni George sa mga anak nito.
"Meaning, matanda na pala ako!" natatawang sagot ni Adrian.
"Sino bang may sabi sa'yo na bata ka pa!" pambubuska naman ni Logan.
Nagkatawanan ang lahat, kahit si Aqua ay natawa sa dalawang binata. Hindi pa man ay parang gusto na nga rin niyang tumira roon. Mukha kasing masayang makakasama ang dalawa niyang step-brothers maliban yata sa panganay.
"Guys, Aqua is only eighteen year old so, I'm expecting you're support to her and respect." muling nagsalita si George.
"Rest assured!" magkasabay na sagot nina Logan at Adrian sabay kindat kay Aqua na agad ding ngumiti.
Nakalimutan tuloy ni Aqua ang hinanakit nito sa kanyang Mama.
"Hiro?" baling naman ni George sa panganay nito.
"It's okay, as long as she will be behave." may diin sa salita ng binata.
"Ikaw naman, huwag mong takutin si Aqua anak." Sagot ni George sabay tawa.
"Nope. Bakit siya matatakot sa akin?" tugon ni Hiro na kay Aqua pa rin nakatingin.
Dahil sa inis ni Aqua ay sinalubong niya ang tingin ni Hiro saka ito ngumiti.
"Hindi ako matatakot sa'yo, Kuya!" sagot nito sabay diin sa salitang Kuya.
"Well, I guess magkakasundo kayong apat! And we will toast to that!" masayang turan ni George at nagpingkian ang kanilang mga baso.
Masaya ulit ang lahat na nag-uusap kahit na tapos na ang kainan. Lumipat ang mga matatanda sa living room habang si Aqua ay nagpaalam na maglalakad- lakad sa ibang part ng Mansiyon. Pinayagan naman ni George si Aqua at pinasamahan niya ito sa anak nitong si Logan. Agad namang sinamahan ni Logan si Aqua upang malibot nito ang buong parte ng kanilang Mansyon.