Aqua fall down her tears, as she watching her Mama walking on the aisle. Nakangiti ang kanyang Mama at nagniningning ang mga mata nitong nakatingin sa lalaking naghihintay sa may altar. Maybe that was the best day para sa kanyang Mama at Tito George niya pero para sa kanya, that was the saddest moment in her life except the truth na patay na ang kanyang Papa. Paulit-ulit sinasabi ni Aqua sa sarili niya na kailangan niyang tanggapin ang lahat dahil doon masaya ang kanyang Mama. Kinalimutan niyang isa siyang pasaway, hardheaded na anak para naman walang masabi ang mapapangasawa ng kanyang ina. Napasinghot si Aqua, and she is the maid of honor habang si Hiro ang the best man. The rest are bridesmaid and groomsmen. Magarbo ang kasal dahil ginanap iyon sa pinakamalaking simbahan sa lugar nina George.
"Here," wika ng isang tinig.
Napabaling si Aqua ng kanyang tingin sa may- ari ng puting panyo, and it was Hiro. Kimi naman nitong inabot iyon saka pinunasan ang kanyang mga luha sa pisngi.
"Why are you crying? Aren't you supposed to be happy?" paanas na tanong ng binata.
"Nothing!" maikling sagot ng dalaga.
Tumango - tango naman si Hiro at nanahimik na ito subalit panak- naka nitong sinulyapan ang dalaga. Ramdam naman ni Aqua ang mga titig ni Hiro sa kanya kung kaya't ni hindi ito lumilingon sa gawi ng binata. Hindi alam ni Aqua kung may malisya ba iyon o guni-guni lamang niya. Maya- maya pa'y narinig na ni Aqua na nagpalitan na ng kanilang vows at "I do" ang kanyang Mama at si George. Pumalakpak na lamang si Aqua upang ikubli ang kanyang lungkot na nararamdaman sa mga oras na iyon. Pinilit nitong maging masigla at masaya baka sabihin pa ng mga kamag-anak ng kanyang Tito George ay napaka-arte niyang babae. Sumunod naman ang paghagis ng kanyang Mama sa flower bouquet nito sa lahat. Hindi naman na nakisali pa sa pagsalo dahil wala naman siyang balak. Saka isa pa, hindi naman siya naniniwala sa sinasabi ng karamihan na ikaw ang susunod na ikakasal kapag ikaw ang nakasalo sa flower bouquet. Pagkatapos ay kanila ng tinungo ang reception place at sa Mansyon nga iyon gaganapin.
Halos malula si Aqua sa dami ng kanilang mga bisita. At aaminin ng dalaga na halos lahat ay hindi niya kilala. Limang relatives lang yata nila ang dumalo dahil ang iba, nagalit sa muling pag- aasawa ng kanyang Ina. Same sa kanyang nararamdaman subalit tila naman magiging masaya ang kanyang Mama sa piling ni George.
"Care for a drink?" wika ng isang boses.
Pagharap ni Aqua ay si Adrian may hawak itong dalawang kopita ng alak.
"No, but thanks!" tanggi ng dalaga.
"Woohhh! Ang bait naman ng bunso namin," bulalas ni Adrian.
Kimi namang natawa si Aqua.
"Kapag tulog lang po ako," aniya.
Si Adrian naman ang tumawa.
"Hindi mo ba inimbita ang boyfriend mo?" tanong nito.
"Wala pa po akong boyfriend!"
"Totoo?"
Tango ang siyang isinagot ni Aqua.
"Sa ganda mong 'yan, parang malabo!" wika ni Adrian.
Napangiti naman si Aqua.
"Salamat pero hindi ako maganda," ani nito.
"Kakaiba ang ganda mo, it's a rare beauty! I'm sure maraming nagkakandarapa sa'yo sa school mo."
Nagkibit-balikat naman si Aqua, sa totoo lang ay tama naman si Adrian marami mga subalit wala siyang nagugustuhan.
"Nilalasing mo na agad si Aqua?" mula sa kanilang likuran ay nagsalita si Hiro.
Humarap naman sina Aqua at Adrian sa binata na may nakalingkis na babae sa braso nito.
"Oh, hi there Tamara!" bati naman ni Adrian.
Nginitian naman ni Aqua ang babaeng nakalingkis kay Hiro. Lihim na napaismid si Aqua, dahil para mg higad ang babae kung makakapit kay Hiro.
"Hello, siya pala ang step- sister niyo, she's beautiful!" wika naman ng babae.
"Thank you pero mas maganda ka," compliment din ni Aqua.
"I know, kaya nga ako love na love ni Hiro!" sabay tawa pang sagot ni Tamara.
Napangiwi naman si Aqua, the nerve! Wika niya sa sarili nito.
"Huwag monv gawing lasinggera 'yan," narinig ni Aqua na sabi ni Hiro bago nito hilahin si Tamara papalayo sa kanila.
Bigla tuloy nagngitngit si Aqua sa sinabi ni Hiro sa kanya. Tumatawa naman si Adrian na binalingan nito ang dalaga.
"Huwag mong pansinin 'yon, masungit lang talaga!" wika ng binata.
"Okay lang, hayaan mo siya at lalo siyang tatanda!" Sagot ni Aqua.
"Hey, I like you!" nakatawang sabi ni Adrian.
Ngumiti lang si Aqua, saka nito sinulyapan si Hiro na nakatitig sa kanya sa may hindi kalayuan.
"Hindi pa man ay magkakasundo na tayo!" patuloy na sabi ni Adrian.
"Depende," nakahalukipkip namang sagot ni Aqua.
Napangisi si Adrian.
"Parang may bunso kaming mala- Mafia ang dating ah!" ani nito.
"Hindi naman, babae akong tunay huwag kang mag- alala kuya!"
Napangiwi naman si Adrian.
"Cut the Kuya, feeling ko ang tanda- tanda ko na. Call me, Adrian!"
"Sige, pag- iisipan ko!"
"Hey!" tumatawang bulalas ni Adrian kaya natawa na rin si Aqua.
"Baka mamaya magselos ang girlfriend mo, pagkamalan pa akong mang- aagaw!" wika ni Aqua kapagkuwan.
"Okay lang 'yon, magpapaagaw naman ako kung sakali!" mabilis na sagot ng binata.
Sabay silang napahagalpak ng tawa. Nawala saglit ang lungkot na nararamdaman ni Aqua sa mga sandaling iyon. Nag- enjoy siya sa company ni Adrian, nagpapasalamat ito at mukhang mabait naman ang kanyang step- brother. Pati kay Logan, magaan ang loob niya kahit noong una pa lamang niya itong nakasama ng isang gabi sa family dinner nila noon. Kung kaya't tila isa lamang ang medyo malayo ang loob kay Aqua na parang mahirap pakisamahan dahil sa pabago- bago nitong mood, si Hiro.
Ilang oras pa ang lumipas, unti- unti na ring nagpaalam ang mga bisita. Tinupad din ni George ang pangako nitong doon sa Mansyon titira sina Aqua at Alona. Ayaw pa sana ni Aqua subalit nang marinig nitong pinag- uusapan ang kanyang ina lalo na ang mga tsismosa nilang kapit-bahay ay pumayag na rin ito. Baka kasi kung mananatili si Aqua sa dati nilang bahay ay araw-araw siyang makikipag- away. Maikli pa naman ang pasensiya ng dalaga lalo na kapag tungkol sa kanila ang pinag- uusapan.
"Are you tired anak? Magpahinga ka na sa kwarto mo," wika ni Alona nang malapitan nito ang dalaga.
Bihira lang niyang nalapitan at nakausap ang dalaga dahil sa dami ng kanilang mga bisita.
"Kayo rin 'Ma," sagot ni Aqua.
"Don't worry about me, hinihintay ko lang ang Tito George mo at aakyat na rin kami."
Tumango si Aqua saka pinagmamasdan ang kanyang Mama, maaliwalas ang mukha nito. Ibig sabihin no'n ay masaya ang Ginang sa mga nagaganap.
"You look happy," sabi ni Aqua.
Banayad na ngumiti si Alona at niyakap ang kanyang anak.
"I am, Aqua! I hope you are happy for me also," bulong ng Ginang.
"Oo naman!" tugon ni Aqua.
"Sige na, magpahinga ka na anak!"
"Sige po," tugon ni Aqua at umakyat na ito papunta sa kanyang kwarto.
Ayaw pa sana ni Aqua na pumunta sa kanyang kwarto kaya lang gusto na rin niyang humiga. Napagod siya sa maghapon, at kating- kati ito sa suot niyang gown bilang maid of honor. At mas lalong kating-kati na siya sa make up niya sa mukha, hindi kasi ito sanay. Alam ni Fyrah na lilipad ang kanyang Mama at Tito George niya bukas ng hapon papuntang California para raw sa honeymoon at maiiwan siya sa mga Kuya niya. Pabagsak na humiga si Aqua sa malambot na kama, malawak iyon at kasya ang tatlong tao. Magara ang kanyang silid, kumpleto sa accessories at lung ano- ano pang decorations.
Bumabangon ito at tinungo ang sarili niyang bathroom. Iginala niya ang kanyang paningin, kumpleto rin ang gamitan ng bathroom na kanya. Malaki ang salamin, at kulay old rose ang pinta ng paper pati mga tiles. Old rose din ang kanyang tuwalya, robe at ilang gamit sa katawan. May bathtub din, shower na may cold and hot water. Napabuntonghininga si Aqua, iba talaga kapag mayaman ang isang tao lahat ng kaartehan ay naroon na. Malulula talaga ang mga kagaya ni Aqua na galing sa mahirap na pamilya. Ilang sandali pa, nang magsawa si Aqua sa pagmamasid nito sa kabuuan ng bathroom ay naligo na rin ito. Mabilisan lang dahil inaantok na rin ito, pagal na ang kanyang katawang lupa. Bukas na lang niya ulit kakausapin ang kanyang Mama na baka sa lumang bahay na muna siya maglalagi kapag papunta na ang mga ito sa California. Hindi lang kasi siya sanay na tumira sa Mansyon na wala ang kanyang Mama lalo pa't puro lalaki ang kanyang mga step- brothers. Ganoon ka- advance ang kanyang pag- iisip nahawa na yata siya sa mga pinapanood niyang mga drama sa kanyang selpon kapag wala itong ginagawa.