CHAPTER 2

2055 Words
HANNAH’S POV Hindi ko alam ang kung anong pinaglalaban ng apdo niya at sa kung anong dahilan ay bakit siya nasa labas ng pinto at itanong ang bagay na alam naman niya ang sagot noong umpisa pa lang. Umupo na ako sa tabi ni Tanna at napatingin ito sa kapatid n’yang nakayuko at tila wala sa wisho para makigulo sa aming dalawa. Tumingin sa ‘kin si Tanna at ang tingin na ‘yon ay nagtatanong sa kung ano ang nangyari. “Hindi mo ba ako sasabihan sa kung anong nangyari sa in’yong dalawa?” sabi nito at napabuntong hininga na lang ako. Umupo sa may tabi ko si Hiro at nakita ko ang pagkailang sa mukha niya. Alam ko naman na hindi maganda ang timpla ng aura niya pero h’wag niya naman akong idamay sa kung ano ang pinagdadaanan niya. Natahimik ang pagitan namin ni Hiro at si Tanna naman ay unti-unti nang inaantok kaya nawawala na rin sa wisho. “I want to go outside to get some fresh air,” paalam ko sa kanila at saka naman tumango si Tanna. “Bumalik ka kaagad ah,” paalala naman nito sa ‘kin at tumango ako sa kaniya bilang sagot. Nang makalabas ako ng unit at tumingin ako sa paligid at saka ako naglakad sa hallway at pumunta sa elevator. Nang makababa ako ay saka ako pumunta sa labas ng building at sumilip sa kabilang building at ngumiti. Habang nakatingin ako sa labas ay napansin kong may papalabas kaya agad kong inayos ang sarili ko at tinignan kung sino ‘yon. “Kahit na anong angulo at pagbaliktarin mo man ang mundo makikilala at makikilala pa rin kita kahit sa malayo!” nakangiting saad ko. Nakita kong abala siya sa selpon na hawak niya at mayro’n pa s’yang kausap. Napaisip tuloy ako sa kung sino ang kausap niya at nang akmang tatawid siya sa kabilang kalsada ay saka ako akmang tatawid rin sa kabilang side. Nang papatawid ay sinalubong ko siya pero nakayuko ako at saka ko pinangga ang balikat nito dahilan para malaglag ang hawak niyang cellphone. Agad ko naman na tinignan ‘yon at nang makita ko ay agad kong dinampot at saka ako humingi ng paumanhin. “Sorry, hindi kita nakita,” sabi ko at binalik ang phone niya sa kaniya. “Paano mo ‘ko makikita kung tumatawid kang nakayuko?” inis na sabi naman nito at saka ako tumingin ng direkta sa kaniya. “Bakit ba ang sungit mo sa ‘kin, e, ako ang magiging future wife mo? Ganiyan ka ba?” sabi ko at sinundan siya. “Are you nuts? We’re not meant to each other and stop stalking me, will you?” “Kaya ka siguro masungit sa ‘kin kasi lab mo ‘ko ‘no? Sus, lab rin naman kita!” sabi ko at saka ako kumapit sa braso niya na agad naman n’yang inalis. “You’re hurting my feelings you know?” sabi ko nang tumalikod ito. Ngumiti ako at hindi ko na siya sinundan pa. Napagpasyahan ko na lang na bumalik sa tinutuluyan namin at nang makita ko si Tanna na natutulog ay tumabi na ako sa kaniya para makapagpahinga na rin. Nang magising ako kinabukasan ay nakangiti akong tumingin sa buong paligid at nakita ko ang mukha ni Tanna na mayro’ng beauty mask. “Hindi ko huhulaan kung saan ka nanggaling kagabi,” sabi nito at saka siya umupo sa tabi ko. “Anong nangyari?” tanong niya. Natawa ako sa kaniya at saka ako kunwaring napaisip. “Wala naman…” nakangiting sagot ko at saka ako tumayo. Maaga akong naligo at hinanda ang sarili ko. Nang matapos akong mag-ayos ay nakita ko si Hiro na naka-cross ang parehong braso habang nakatingin sa akin. Nakita ko kung paanong mangunot ang noo niya sa ‘kin at nagtataka sa kung bakit maaga akong nag-asikaso. “Masyado mo naman ‘atang kinakarer ang pagiging malandi?” sabi nito na siya namang ikinatawa ko ng pagak. “Bakit ba ang bitter mo masyado? May nagawa ba akong mali sa ‘yo?” sabi ko at saka siya naiiling at umalis na lang. “Masyado namang harsh ‘yon,” bulong ko sa sarili ko at saka ako tumayo at lumabas ng k’warto. Nakita ko si Tanna na nakasuot ng maiksing skirt at nakasapatos ito at white tshirt habang si Hiro naman ay g’wapo sa kaniyang simpleng brown tshirt at white pants. Umalis na kami para kumain sa labas at nang makasakay sa elevator ay tahimik lang kaming tatlo. Hindi ko rin pinansin si Hiro at hindi ko na lang inintindi ang kung anong sama ng loob niya sa ‘kin. Nang makalabas ay tumingin ako sa may kabilang building at naalala ko ang nangyari kagabi. Even if he is rude to me, I will still love him until the next life. Habang naglalakad kami ay aksidenteng may nabangga ako at agad na inayos ang sarili ko at saka ako napatingin sa taong nabangga ko. “Sorry I didn’t mean to—” napahinto siya sa pagsasalita nang makita niya ako. “Oh~ hi my honey bunch cupcake sugar pie~” bati ko sa kaniya at saka ko pinulupot ang braso ko sa braso niya. “Mukhang kailangan na nating ihanda ang ating kasal mahal ko~” malanding sabi ko at agad nitong inalis ang pagkakapulupot ng braso ko sa kaniya. “Will you fvcking stop?” inis na sabi niya at saka ako napanguso. “Bakit mo naman inaaway ang future wife mo?” “Augh suck it!” singhal pa niya. “I will daddy~” malanding sabi ko at saka nilabas ang dila ko. Natatawa ako sa reaksyon niya at sa totoo lang ay gustong-gusto kong naiinis siya sa ‘kin. Bumuntong hininga na lang ako at saka ako ngumiti na lang sa kaniya at tumalikod na at saka ko hinawakan ang kamay ni Tanna at umalis na. Lumingon pa ako sa huling sandali at saka ako nagbigay ng flying kiss kay Xiro at nakita ko kung paano s’yang mapangiwi at mapailing. Habang nag-e-explore kami ay hindi na naalis ang ngiti sa labi ko at hindi ko maalis sa isip ko ang g’wapong mukha ni Xiro. Pero si Hiro naman ay hindi naalis ang masamang tingin sa ‘kin at ang pangit niyang aura kahit na wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Nagpahinga muna kami sa isang tabi dahil na rin sa pagod namin kakalakad. Habang nakaupo ay bumili muna si Tanna ng ice cream habang ako at si Hiro naman ay naiwan. “Galit ka pa rin ba sa ‘kin?” tanong ko at napatingin siya sa ‘kin. Bumuntong hininga siya sa ‘kin at saka ngumiti ng mapait. “Hindi ako galit. Hindi naman ako gano’n kababaw na tao para magalit sa bagay na hindi ko naman dapat pinapakialaman hindi ba?” sagot naman niya at saka ako huminga ng malalim. “Alam kong naiinis ka pero hindi mo lang masabi kasi lab mo ‘ko,” sabi ko at saka nangilid ang labi niya. “Iniisip ko kung saan ka kumuha ng kapal ng mukha para sabihin sa ‘kin ang bagay na ‘yan?” sabi niya at saka ako natawa. “Gusto mo ba i-kiss kita?” sabi ko at tumayo ako at akmang iki-kiss siya. Agad niyang tinakpan ang labi ko at saka niya ako tinutulak papalayo sa kaniya at ako naman ay pilit na lumalapit sa kaniya at akmang hahalikan siya. Sakto naman na dumating na si Tanna at kinuwento ko ang kung anong nangyari at nagtawanan na lang kaming tatlo. Naging maayos ang araw namin at naging maganda rin ang pananatili namin sa Paris. Nang makabalik na ulit sa hotel ay hinanda na namin ang sarili namin para sa pagbalik sa Pilipinas. Habang nagpapahinga ako ay tinignan ko ang cellphone ko at saka ako napakunot ng noo ng makita ko ang maraming missed call ni Mommy. Agad kong tinawagan ang number pero siya naman ang hindi sumasagot. Nang makapaghanda na kami ay umalis na rin kami sa hotel at bago ako sumakay sa kotse ay napatingin muna ako sa kabilang building. “Paniguradong mami-miss ko si Honey bunch ko,” sabi ko na kunwari pa’y malungkot. “Magkikita rin naman kayo sa Pilipinas,” sabi ni Hiro at saka ako napatingin sa kaniya. “Waw ang supportive mo na ‘ata ngayon?” biro ko at saka siya napailing. “Masyado kang baliw sa taong hindi ka gusto,” bulong niya at saka ako napangiwi. “Pareho lang naman kayong baliw,” kumento ni Tanna. “Bakit ba naging kaibigan ko kayo? Ang sakit niyong magsalita,” inis na sabi ko at saka naman ako huminga ng malalim. Nakabalik na kami sa Pilipinas at nang makauwi ako sa mansion ay hindi ko maramaman ang presensya nila Mommy at Daddy. Huminga ako ng malalim at saka ko tinawag si Nanay Linda at nang makita ko siya ay agad ko naman s’yang nilapitan. “Buti naman at nakauwi ka na, Hannah,” sabi nito at saka ako niyakap. “Kamusta ang paglalakbay?” tanong niya at saka ako ngumiti. “Ang saya po!” masayang sabi ko. “Alam mo ba Nanay, nakita ko na ang magiging future husband ko!” sabi ko at saka siya nangunot ng noo. “Putyur hasban?” takang sabi niya. “Opo! Future po hindi putyur,” pagkokorek ko pa sa kaniya. “Ang g’wapo niya, Nanay. Matangkad, makapal ang kilay, mapula ang labi, brown ang mga mata, med’yo singkit, at maputi,” pagdi-discribe ko pa. “Mukhang naging masaya ang pagpunta mo ng Paris ah.” Tumingin ako sa kaniya at niyakap ko siya at saka ako sumagot. “Opo, sobra,” sagot ko at saka ako pumikit kasi med’yo inaantok ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nang magising ako kinabukasan ay nasa k’warto na ako at bago ako bumangon ay tumingin muna ako sa orasan. Napahawak ako sa ulo ko at tumingin ako sa labas ng bintana ko dahil sa naririnig ko na ang tinig ni Tanna at Hiro. “Ang aga naman ng mga alagad ko?” takang sambit ko at saka ako tumingin sa bintana at nakita ko si Tanna na may hawak na badmenton at gano’n din si Hiro. Naligo na muna ako at saka ako nagbihis at bumaba na para mag-almusal. Pinatawag ko na sila Tanna para kumain na kaming tatlo at mayo’n na akong kasabay. Gusto kong kumain kasi wala rin naman akong ibang makakasabay. Wala naman sila Mommy at Daddy dahil paniguradong abala ang mga ‘yon sa trabaho nila. Nang makapasok ang magkapatid ay tumingin si Tanna sa buong paligid. “Mukhang wala ‘ata si Tita?” takang sabi niya. “They are not here,” sagot ko at saka ako kumuha ng itlog. “Nasa’n na naman sila?” tanong niya. “I don’t know, mayro’n akong missed calls no’ng isang araw pero wala naman silang text,” walang ganang sabi ko at saka sila nagkatinginan ni Hiro. Nakita ko kung paanong mailing ang dalawa at kumain na lang kami ng sabay-sabay. Matapos ‘yon ay pumunta kami sa cafe ko at kailangan kong i-check ang office ko. Ilan oras lang ako tumambay sa office at umalis na rin ako kaagad at nang makalabas ako ay naglakad muna ako para makapag-isip sa kung ano ang maari kong gawin at sa kung ano ang mga kailangan kong ayusin sa office. Habang naglalakad ako ay mayro’n akong napansin na parang kilala ko. “Mayro’n ba akong na-missed no’ng nawala ako?” takang sabi ko. Pumasok ako sa loob ng building at saka ako tumingin sa buong paligid at hinananap ang taong nakita ko. Habang naglalakad ako ay sumakay ako sa elevator at nang bumukas ito ay nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Xiro na no’n ay nasa harapan ko at nakita ko rin kung paano s’yang magtaka. “Woah, grabe na talaga si Lord. Kahit saan na lang pinagtatagpo tayong dalawa,” hindi makapaniwalang sabi ko. “Are you fvcking stalking me?” inis na sabi niya sa akin. “Uyy, hindi ah. Hindi ba p’wedeng tayo talaga ang bagay sa isa’t-isa?” sabi ko at saka siya napabuntong hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD