CHASING FOR LOVE

CHASING FOR LOVE

book_age16+
39
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
boss
billionairess
heir/heiress
bxg
addiction
like
intro-logo
Blurb

Sabi nila kapag nagmahal ka ay dapat magtira ka rin ng pagmamahal para sa sarili mo. Chasing for love is seeking for someone that you can't have. But remember that love is not about money, love is about two people who have same feelings and accept each other's imperfections.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Ang sabi nila kapag nagmahal ka dapat may ititira ka rin para sa sarili mo at hindi mo lang ibubuhos sa taong ‘yon ang lahat ng pagmamahal mo. Hindi lang naman sa kaniya umiikot ang mundo mo. Hindi lang sa kaniya ang buong oras mo, buhay mo, o hininga mo. Pero sa totoo lang ang hirap sundin ng mga sinasabi nila lalo na kung hindi sila ang nakakaramdam ng nararamdaman ko. Ang hirap kasi na labanan ang sinisigaw ng puso mo. “Hannah!” Napalingon ako sa tunawag sa pangalan ko at nang malingunan ko ito ay agad akong ngumiti sa kaniya. “Tanna, kanina pa ako naghihintay!” sabi ko at saka siya huminga ng malalim. “Si Kuya Hiro kasi ang bagal kumilos. By the way, where are we going?” tanong nito at saka ko tinignan ang mga gamit ko. “Wala kasi akong kasama na pumunta sa paris. So I decided to take both of you since we were best friends!” sabi ko at napanguso siya. Hindi na rin naman sila umangal sa kung ano ang gusto kong gawin at isa pa ay wala na rin naman silang nagagawa kasi nakapagpa-book na rin naman ako ng flight naming tatlo. Buti na lang din at palagi nilang dala ang passport nilang dalawa. While I was looking around and we were waiting for Hiro, I saw a man who caught my attention, and I don’t know why I felt something strange in my body as if I were being bitten by a hundred ants. “Hey, who are you looking at? Alam ko naman na g’wapo ako pero h’wag mo naman akong titigan ng ganiyan,” sabi ni Hiro at saka ako siya tinignan ng masama. “Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo ‘no?” inis na sabi ko at tinawanan lang niya ako. Pinisil niya ang ilong ko at saka niya pinitik ang noo ko. Hinawi ko lang ang kamay niya at saka ko tinignan ang lalaking tinitignan ko kanina pero bigla na lang siyang nawala kaya naman napabuntong hininga ako. “Nakakainis, nawala na tuloy,” sabi ko at saka ako tumingin kay Tanna. “Sinong nawala?” takang tanong naman nito sa ‘kin. “Iyong lalaking tinitignan ko nawala kasi nakaharang ang kapatid mong ubod ng epal at hangin ang katawan,” sabi ko at saka tumingin kay Hiro. Lumapit siya sa ‘kin at saka niya hinawakan ang kamay ko at inilagay ito sa kaliwang dibdib niya. “Hindi mo ba naririnig ang pintig ng puso ko para sa ‘yo, Hannah?” sabi nito at napatingin ako roon at saka ako napangiwi. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ba niya ‘to ginagawa kasi wala rin naman akong pakialam sa kung ano ang nararamdaman niya sa ‘kin dahil magkaibigan kaming dalawa. Matagal na kaming magkaibigan at ayaw kong sirain ang pagkakaibigan naming dalawa para lang sa nararamdaman niya. Inalis ko ang kamay ko sa dibdib niya at saka ko inayos ang sarili ko. “Marami ka na naman bang hindi nakain na maganda kaya ganiyan ka?” sabi ko at hinawakan sa braso si Tanna. “Grabe ka naman, Hannah, ganiyan ka sa ‘kin lagi,” sabi nito at ngumuso pa. Nang makasakay na kami ng eroplano ay katabi ko si Tanna habang si Hiro naman ay nasa kabilang upuan. Sa may bintana ako pumuwesto kasi gusto ko doon at mas gusto kong nakikita ang ulap dahil sa ganda nito. Habang nakatingin ay hindi ko mapigilan ang hindi mamangha at sa totoo lang ay ito ang pinakapaborito ko sa lahat. Nakakagaan kasi ito ng pakiramdam at sa totoo lang ay ang sarap sa pakiramdam na makita ito ng ganito kalapit kaysa nasa ibaba ka lang. “Ano naman kaya ang gagawin natin sa Paris bukod sa gagala lang tayo doon?” tanong ni Tanna at tumingin ako sa kaniya at ngumiti. “I just really want to leave the house for a while because the people there are too toxic. I don’t want to hear them arguing or fighting because they are just st*pid as fvck,” walang gana kong sabi ko at saka ako muling tumingin sa bintana. Ang hirap kasing manatili sa bahay kasi wala rin naman akong kapatid na makakausap o makakalaro. Wala naman akong ibang kasama bukod sa mga katulong namin. Kahit simula pa noong bata ako hindi ko na rin maramdaman ang presensya ng mga magulang ko. Hindi ko namalayan ang b’yahe at nagising na lang ako sa pagtapik ni Tanna sa mukha ko at nang tumayo ako ay agad naman din na kinuha ni Hiro ang mga dala kong gamit. Nang makalabas ay doon ko lang napagtanto na magkaiba nga pala ang oras sa Pilipinas. Napabuntong hininga na lang ako at saka ko tinignan ang hotel na pagtutuluyan namin. Agad na nagpara kami ng taxi at nagpahatid na rin sa hotel. Nang makarating doon ay naramdaman ko ang pagod sa katawan ko at sa totoo lang at parang ang bigat ng pakiramdam ko. “Oh, huwag mong sabihin na nahihilo ka?” sabi ni Tanna at saka ako umuling. “Hindi ang bigat lang ng pakiramdam ko. Magpahinga muna tayo napagod lang ako sa b’yahe,” sagot ko naman at saka siya tumango. “Kulang lang ‘yan sa gala,” sabi niya at napangiwi ako. “Wala ka bang ibang magandang sasabihin?” “Bukod sa maganda ako? Wala naman,” sagot nuya at napatampal ako sa noo ko. Iisang unit lang ang kinuha namin pero mayro’n itong tatlong k’warto na siya namang sakto lang para sa aming tatlo. Pumasok na ako sa k’warto ko at nang maibaba ko ang gamit ko ay agad akong humiga sa kama at muling nakatulog dahil na rin sa pagod. When I woke up, it was morning, and I could hear an argument outside the room. The siblings are probably arguing again, and I wouldn’t be surprised if their house is always a mess. Nang makalabas ako at agad ko silang tinignan ng masama at agad naman silang tumahimik nang makita ako at saka sila nagbulungan. “Won’t you two stop fvcking fighting for nothing?” inis na sabi ko at saka naman napangiwi si Tanna. Inayos ko lang ang sarili ko at saka ako lumabas muna ng hotel at naghanap ng malapit na cafe para naman makapagkape ng matiwasay. Nang makakita ako ng cofe shop ay pumasok ako doon at saka ako nag-order ng kape at nang maka-order ako ay nagmasid lang ako sa paligid at mayro’n akong nakitang lalaki na s’yang nakapukaw ng atensyon ko at nangunot ang noo ko kasi siya ‘yong nakita ko sa airport kahapon. “Siya ‘yon!” nakangiting sabi ko. Agad akong tumayo at saka ako lumapit sa kaniya na siya namang ikinagulat nito. “Hi!” bati ko sa kaniya. “I’m Hannah, what’s your name?” tanong ko at nangunot ang noo niya sa akin. Tumingin siya sa likuran niya at saka muling tumingin sa ‘kin. “Ahhh… hi?” bati niya sa ‘kin at saka siya ngumiti. “Ang g’wapo mo naman. Can you catch me when I’m falling for you?” sabi ko at lumapit pa sa kaniya. “Grabe ang g’wapo mo kahit na anong angulo. Kailan ka kaya mapapasa akin?” “Ha?” ani nito at saka siya napakamot ng batok niya at ako naman at nakangiti lang. “Wala ka naman sigurong ibang kasama ‘no? Join me instead,” sabi ko at saka ko hinawakan ang kamay niya at hinila papunta sa table kung saan ako nakap’westo. Umupo na lang siya at nakikita ko ang pagkailang niya sa ‘kin at sa totoo lang hindi ko maiwasan ang hindi siya titigan kasi bukod sa g’wapo, makinis at kissable lips siya. Ang hirap alisin ng tingin ko sa kaniya kasi maraming babae ang tumitingin rin sa kaniya na siya namang ikinaiinis ko. “Mga bruhang ‘to. Aagawin pa ang baby ko,” bulong ko sa sarili ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Mate and Brother's Betrayal

read
682.8K
bc

The Pack's Doctor

read
449.6K
bc

The Triplets' Fighter Luna

read
279.4K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
441.8K
bc

Her Triplet Alphas

read
8.5M
bc

La traición de mi compañero destinado y mi hermano

read
227.4K
bc

Ex-Fiancé's Regret Upon Discovering I'm a Billionaire

read
200.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook