CHAPTER 1

1962 Words
HANNAH’S POV Habang nakaupo at nakamasid sa paligid ay hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti dahil naaalala ko ang nangyari kanina sa cafe. Hindi ko talaga maalis sa isip ko ang ngiti ng lalakeng ‘yon at sa totoo lang hindi ko pa natatanong ang pangalan niya at hindi ko pa alam ang kung ano ang katauhan na mayro’n siya. “Anong nginingiti mo d’yan?” tanong ni Tanna at saka ako ngumiti sa kaniya at uminom ng kape. “Ha? Bakit?” tanong ko habang nakangiti. “Masama bang tanungin ang kung anong kinababaliwan ng kaibigan ko?” sagot naman niya at saka ako napahawak sa ulo ko. “I met a handsome man earlier, and I also saw him yesterday at the airport. Do you think we are destined for each other?” I ask on him and he frowned at me. “Are you insane?” natatawang sabi nito sa ‘kin at saka niya ako dinagukan sa ulo ko. Napanguso naman ako sa ginawa niya at para tuloy akong bata. Bumuntong hininga na lang ako at saka ako ngumiti ulit at inalala ang ngiti niya. Nagkayayaan kaming lumabas at maglibot dahil wala rin naman kaming gagawin sa hotel. Nagsuot ako ng magandang outfit at s’yempre kailangan maganda ako para kapag nagkita kami mamaya ni crush ay maganda ako sa paningin niya. Nang makalabas kami ng hotel ay tinulak ko si Hiro na siya namang ikinatingin nito sa ‘kin at nangunot ng noo. “What the hell?” “What?” sabi ko at saka ako lumingon sa kaniya. “Bakit kailangan mong manulak?” “Don’t mind her, Hiro. She just wants to see her crush as if they were to meet here,” Tanna said, and I just ignored what she said. Naglakad na kami at ang dami naming nakikitang magaganda at g’wapo sa paligid at sa totoo lang ay wala namang papantay sa kag’wapuhan ng crush ko. We went to the Eiffel Tower. Foreigners are better here, and even if I go back and forth several times, I will never get tired of visiting the Eiffel Tower. While I was taking pictures of the whole area and capturing the beautiful views, I stopped taking pictures when I saw my crush again. I immediately pointed my camera at him and took a picture of him. Lumapit ako sa kaniya at kunwaring kumukuha ng litrato para hindi niya mahalata. Isa sa hobby ko ang pagkuha ng litrato. Nang lumingon ako sa kaniya at ay kunwari akong nagulat na nandoon siya at hindi ko siya namalayan. Napatingin siya sa ‘kin at nangunot ang noo niya nang makita ako. “It’s you again,” sabi nito at tumawa ako. “Ahhh… Yea, it’s me again… What a coincidence,” sabi ko naman at muling tumawa na naman. “Hannah!” sigaw ni Tanna na siya namang ikinapikit ko ng mariin. “Kahit na kailan ang istorbo ng babaing ‘to,” inis na sabi ko at saka ako huminga ng malalim at tumingin kay Tanna. Lumapit siya sa ‘kin at saka niya tinignan ang lalaking katabi na tumalikod agad at saka umalis at nangunot pa ang noo kasi parang ang sungit ng pagkakaalis nito sa p’westo niya. Hindi ko alam kung gano’n lang ba siya o sad’yang hindi lang siya masyadong nakikipagkumunikasyon sa ibang tao. Pero napayakap ako sa kamera ko nang makita ko kung gaano kag’wapo ang likod nito habang naglalakad siya. “Grabe, para kang nakakita ng anghel ah,” sabi ni Tanna at saka naman ako tumingin ng masama sa kaniya. “Alam mo nakakademonyo ka,” sabi ko at saka ako tumalikod sa kaniya at saka naman ako lumapit kay Hiro Inaya ko sila na kumain sa isang malapit na restaurant kasi nagugutom na ako at kape lang ang inalmusal ko kaninang umaga. Nang makarating kami sa may restaurant ay pagpasok pa lang agad ko na namang nakita si crush at napahawak pa ako sa puso ko kasi ang lakas ng t***k nito. A smile appeared on my lips again, and even though he was with someone else, I dared to approach him, then I sat next to him. “Hi crush!” bati ko sa kaniya. “W-What are you doing?” bulong na tanong niya. “You know I believe in destiny; just kidding, we met at the airport and now we are here in Paris; it is as if we were in a cafe just a few minutes ago and now—wow, I can’t believe it,” I said, smiling and looking into his eyes. Lumapit sa ‘kin si Tanna at pilit akong hinihila papaalis sa kinalalagyan ko. “I’m sorry about my friend, hindi pa kasi siya nakakainom ng gamot kaya ganiyan ang pag-iisip niya,” sabi ko at saka naman ako tumingin kay Tanna. “I’m not crazy b*tch, I’m just…” Lumingon ako kay crush. “In love,” dugtong ko. Napalingon ako sa babaing tumawa at saka ako napanguso kasi totoo naman ang sinasabi ko. Hindi naman ako nagbibiro at sinasabi ko ang kung anong gusto kong sabihin. Tumigil ito sa kakatawa at saka siya tumingin sa crush ko at ang dami na ang tumatakbo sa utak ko dahil sa tingin ng babae sa kaniya. “Nakakapangselos naman. May girlfriend ka na pala,” malungkot na sabi ko at tumingin sa kaniya. “Pero okay lang. Hangga’t walang singsing kaya kitang makuha,” matapang na sabi ko. Bigla akong pinalo ni Tanna at pilit pa rin akong hinihila at ang babaing katapat ng crush ko ay malakas na namang tumawa. “Ano ba naman Hannah! Parang ikaw pa magiging reyna ng mga higad tarantado ka,” inis na sabi ni Tanna. “What? I’m just saying the truth here,” sagot ko. “No you’re not, you’re just making a scene!” “Luh? Ako talaga?” sabi ko at tinuro ang sarili ko. “I’m sorry,” sabi ni Tanna at saka yumuko. “No, it’s okay, I like her,” sagot ng babae at tinuro ako. “Uy, hindi ako bi or lesbian,” agad na sagot ko at natawa na naman siya. Hindi ko alam kung anong pinagtatawanan niya at hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko. Wala naman akong maalala na may nakakatawa at hindi ko naman sinabing tumawa siya kasi nakakaagaw siya ng eksenang nasa akin dapat. Napabuntong hininga na lang ako at saka ako tumingin kay crush pero patuloy lang itong kumakain at parang hindi niya ako nakikita sa harapan niya. Sa totoo lang ay nasaktan ako sa gano’ng aksyon niya pero hindi bale na. Tumingin ako sa babae at saka niya ako sinenyasan na umupo at gano’n din ang ginawa niya sa mga kaibigan ko kaya naman naki-share na kami ng table sa kanila at ako naman ay hindi maalis ang tingin kay crush. “Grabe kahit kumakain ang g’wapo mo pa rin,” sabi ko at nakapatong pa ang siko ko sa may lamesa. “Sorry about my laughing earlier; you’re just funny, and I like you. By the way, I’m Eve, Xiro’s elder sister,” pagpapakilala nito sa ‘min at agad akong tumingin sa kaniya. “Oh! Hi Ate Eve, I’m Hannah Zasnea Fujita, I’m your future sister-in-law,” pagpapakilala ko at saka na naman siya natawa. “Oh, I like your name too. Zasnea? What do you want me to call you?” “It’s you’re choice, Ate, call me whatever you wanted to call me,” sagot ko. “Oh, Okay, Hannah,” ani nito at saka tumingin kay Xiro. “My brother is not that what you think he is, masyado kasi s’yang busy sa buhay niya,” sabi niya at saka ako napakunot ng noo. “Busy? Grabe naman. Ikakayaman ba ng buong bansa ‘yan?” tanong ko kay Xiro. “Can you stop pestering me?” sabi nito sa ‘kin. Sa totoo lang ay nakakasakit ang sinabi niya pero ngumiti ako kasi ang g’wapo ng boses niya. “Kahit murahin mo ‘ko hindi ako magsasawang titigan ka at pakinggan ang boses mo. Grabe ang g’wapo kahit boses!” kinikilig na sabi ko. Naiiling na lang siya sa ginagawa ko at nag-order na kami ng makakain at nakisalo na rin kami ng table sa kanila. Hindi naman na ako tinutulan ni Tanna at Hiro sa pagtingin ko kay Xiro pero si Ate Eve naman ay hindi maalis ang tawa at nakikita kong kinukunan niya kami ng litrato. Habang kumakain ay napapangiti na lang ako kasi hindi ako makapaniwala na kasama ko ngayon ang crush ko at kasabay ko pa siyang kumain. Nang matapos kami ay bigla na lang umalis ang mahal kong si Xiro at nalungkot pa ako kasi hindi man lang siya nagpaalam. Gano’n pa man ay agad naman akong lumapit kay Ate Eve at saka ko kinuha ang number ni Xiro at pati na rin sa kung saan ito nakatira at sa kung saang hotel siya naka-stay in. Habang naglalakad kami pabalik sa hotel ay hindi maalis ang ngiti sa labi ko. “Bakit ba patay na patay ka doon? Halos tatlong beses pa lang naman kayo nagkita mahal mo na kaagad siya?” sabi ni Hiro. “Does it matter?” tanong ko. “Yes, does it matter talaga,” inis naman na sabi niya. “Wala ka bang ibang magawa kung hindi ang punahin ang kung anong ginagawa ko? Akala ko ba susuportahan mo ‘ko sa lahat?” nakangusong sabi ko at saka siya napatampal sa noo niya. “Nako Kuya Hiro hayaan mo siya sa kung ano ang gusto niyang gawin. Sanay naman na maghabol ‘yan si Hannah sa taong hindi naman siya gusto… Parang ikaw—pareho kayong tanga,” sabi naman ni Tanna at saka ako napahinto at tumingin sa kaniya. “Nakaka-hurt ka ng feelings ahh,” sabi ko naman at nagpatuloy na kami ulit sa paglalakad. Nang makarating kami sa hotel ay tumingin ako sa kabilang hotel kasi doon lang naka-stay in si Xiro. Gumapang na naman ang kilig sa buong katawan ko at para na naman akong sasabog sa sobrang kilig. Bigla akong siniko ni Tanna at saka ako napainda sa ginawa niya. Pumasok na kami sa hotel at nag-order na rin ako ng kung anong maari naming kainin mamaya kasi manonood kami ng movie mamaya. Habang naghihilamos ako ng mukha ko ay hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina at hindi maalis ang ngiti ni Xiro sa tuwing pipikit ako. Sa totoo lang hindi ko siya makalimutan hanggang panaginip at kahit pa hangang mamatay ako. “HANNAH!” Naihagis ko ‘yong sabon sa sigaw ni Tanna sa labas ng pinto. “Tangina, Tanna!” balik na sigaw ko naman sa kaniya at saka ko binuksan ang pinto. “Bakit naman kasi ang tagal mo d’yan! Buksan mo ‘to naiihi na ako,” reklamo nito at saka ko binuksan ang pinto. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at saka niya ako tinalikuran at umihi na lang. Napabuntong hininga na lang ako sa ginawa niya at tinapos na ang skincare ko. Matapos kong gawin ang skincare ko ay lumabas na ako at nakita ko si Hiro sa labas ng pinto at masama ang tingin sa ‘kin at ang braso nito ay naka-cross na para bang malaki ang kasalanan ko sa kaniya. “Ano na naman ang ginawa ko sa ‘yo? Wala naman akong naalalang may nilabag ko?” sabi ko at saka ko siya nilagpasan. “Bakit ba hindi na lang ako?” tanong nito at ang seryoso ng mukha niya. “Dahil hindi ikaw,” sagot ko at saka iniwan siya at lumapit na ako kay Tanna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD