Bumangon naman silang dalawa. Lumapit naman si Stephanie kay Chloe. "Nasaan na ang libro?" tanong nito.
Napangiti naman so Chloe. "Hehe, nandoon sa restricted area, hindi ko kinuha," sagot naman nito.
"Kunin natin ngayon?" tanong ni Steph. "Anong oras na ba?" dagdag pa nito.
"Hoy girl, seryoso ka dyan?" ‘di makapaniwalang tanong nito. "Gusto mo bang mapalayas dito ng wala sa oras?" bulyaw naman sa kanya ni Chloe.
“Hinaan mo lang ang boses mo, baka magising sila,” saad ni Steph. “Tara kunin natin ang libro.”
Wala ng nagawa si Chloe kung hindi ang sumunod kay Stephanie papuntang restricted area ng bahay ampunan.
Bumaba na sila sa basement sa bahay kung saan mayroong restricted area na bawal sa kaninang mga ulila.
“Mabuti nalang at nakakuha ako ng isang susi galing doon sa bulsa ni Matrona noong isang araw,” pahayag naman ni Chloe habang naglalakad sila.
Pasado alas-dyes na ng gabi kaya tulugan na ng lahat sa loob. Patay narin ang mga ilaw kaya panay ang hawak ni Chloe sa damit ni Steph na siyang may hawak ng flashlight.
“Huwag kang magulo,” wika naman ni Stephanie.
Natahimik naman si Chloe at hindi na naging makulit. Dahan-dahan naman silang bumaba sa basement at ginamitan na ng susi ang door knob. Agad naman itong bumukas kaya napangiti si Chloe.
“Kinakabahan ako Steph, sana all nalang talaga walang emosyon,” pahayag ni Chloe.
Hindi naman siya pinansin ni Stephanie at dumiretso na sa loob para hanapin ang libro.
Napaharap naman si Stephanie kay Chloe kaya nagulat ito.
“Ano ba naman Steph, dahan-dahan lang,” reklamo ni Chloe. “Mawawalan naman ako ng malay sa ginagawa mo eh.”
“Saan mo nakita ang libro na sinasabi mo?”
Kinuha naman ni Chloe ang flashlight sa kamay ni Stephanie at inilibot ang paningin sa loob.
“Wait lang, dito yata sa kanang bahagi ko nakita ‘yon eh,” wika niya sabay lakad.
Sumunod naman si Stephani sa kanya. Nakarating sila sa dulong bahagi ng silid, ngunit hindi parin natatagpuan ang libro.
“Sigurado ka bang hindi mo kinuha palabas ang libro na ‘yon?” paninigurado ni Stephanie sa kanya.
“Hindi nga, muntikan na kasi akong mahuli noong huling punta ko rito kaya hindi ko na nadala ang libro,” sagot nito.
Dalawa na silang naghanap ng libro hanggang biglang napatalon si Chloe.
“Ayos ka lang ba dyan?” tanong ni Stephanie habang naghahanap parin ng libro.
“Girl, halika rito. Nahanap ko na ang libro, dali!” saad ni Chloe kaya agad na lumapit sa kanya si Stephanie.
Umupo naman sila sa desk at agad na binuksan ang libro.
“Konyv Rejtelem!” basa ni Stephanie sa libro. “Ano ang ibig sabihin niyan?”
“Book of secrets sabi ni Joshua sa akin,” sagot naman ni Chloe kaya kumunot ang noon ni Stephanie.
“Sino si Joshua?” tanong nito.
“Hindi mo kilala si Joshua? Ilang taon narin ‘yon dito ha,” saad nito. “Mamaya na natin pag-usapan ‘yan. Dali na basahin mo na muna ang mga nakapaloob dito.”
Binuksan naman nila ang libro, at sa mabuting palad ay nakasulat sa Englis ang nakapaloob dito.
“A donation box of emotions,” basa ni Stephanie.
“If you have unwanted emotions, and you want to get rid of it, pick a lifeless thing near you and say these words—”
“Nemkivanatos erzelem,” putol naman ni Chloe sa pagbabasa ni Stephanie.
Laking gulat nalang nila ng biglang umilaw ang hawakan ng flashlight na nasa kamay ni Chloe.
“Girl, anong ginawa mo?” kinakabahang tanong ni Chloe.
“Anong nangyayari sayo?” tanong din sa kanya ni Stephanie sabay hawak kay Chloe.
“Nakakaramdam ako ng kakaiba sa loob ng katawan ko, dali Steph basahin mo pa kung ano ang nandyan,” wika naman ni Chloe sabay tapik kay Stephanie.
Agad namang ibinaling ni Stephanie ang sarili sa binabasang libro. “After sayong those words, and if you felt something odd about your body temperature immediately think of an emotion you want to get rid,” basa ni Stephanie kaya agad naman itong sinunod ni Chloe.
Maya-maya pa ay nawala na ang ilaw sa hawakan ng flashlight at iminulat na ni Chloe ang kanyang mga mata.
“Jusko girl, hindi ako makapaniwalang totoo nga ‘to,” pahayag naman nito sabay hampas kay Stephanie.
“Ano na ang mangyayari?” tanong naman nito. “Akala ko ba may maitutulong ‘to sa akin.”
Napangiti naman si Chloe at kinuha ang flashlight.
“Ito na nga Steph, nandito na ang emosyon inilabas ko sa flashlight na ‘to, ang kailangan lang nating gawin ay ipasa ‘to sa iyo,” pahayag ni Chloe sabay agaw ng libro sa kamay ni Stephanie.
“If you want to give that emotion to a person you hate, she must touch that thing and say these words—reszesedes erzelem!”
Napatingin naman si Chloe kay Stephanie. “Ano girl, handa ka na ba? Pasensya ka na ha, wala talaga akong maibigay sayo na iban emosyon kasi buong buhay ko ay puro malulungkot na emosyon lang ang naiipon ko,” malungkot na pahayag nito.
“Ayos lang, sige gawin na natin,” wika naman ni Stephanie sabay hawak sa flashlight.
“Reszese—”
Naputol naman ang pagsasalita ni Stephanie nang marinig nilang biglang bumukas ang pintuan sa silid. Agad naman nilang pinatay ang flashlight at nagtago sa likod ng mga bookshelves.
Sa kabilang banda naman ay pumasok sa loob ang Matronang si Hilda at ang kaniyang kasamang si Cristina.
“Hindi mo ba ‘to ni-lock kanina, Cristina?” tanong nito sa kasama.
“Bago po ako umakyat sa taas kanina ay isinarado ko po itong kwarto, nakapagtataka nga po na nakabukas nga ito ngayon,” sagot naman ni Cristina sa kanya.
Lumapit naman sila sa isang desk kung saan nakatihaya ang dalawang upuan. Napataas naman ang kilay nag Matrona at napatingin sa paligid.
“Mayroong nakapasok sa restricted area, Cristina,” pahayag nito. “Tumungo ka ngayon sa kanilang silid at tingnan kung sino ang wala doon,” wika nito.
Dinig naman nila Chloe at Stephanie ang pag-uusap ng dalawa kaya agad itong kinabahan.
“Paano na tayo, Steph?” mangiyak-ngiyak nitong tanong, pero wala namang maitutulong si Stephanie dahil wala rin naman itong emosyon.
“Sana all talaga walang emosyon, chill chill lang kahit sa anong oras ay pwede tayong mapalayas dito sa bahay ampunan,” dagdag pa ni Chloe.
Agad naman siyang nakahanap ng isang maliit na bola malapit sa paanan nila kaya agad niya itong kinuha at itinapon sa kabilang bahagi ng silid.
Agad naman itong pinuntahan ng Matrona at ni Cristina kaya nagkaroon sila ng pagkakataon upang tumakbo at bumalik sa kanilang silid.