"Huh, talagang lalaban ka sa amin ha. Baka mamaya nasa kalahati pa lang ang kabayo mo sumuko na yan. " Sabi ni Crystal saka nagtawanan sila ng mga kaibigan niya. Natawa ako sa kanila.
"Ikaw hinanda mo na ba ang kabayo mo Prinsesa kasi baka mamaya nagmana ng kaartehan mo ang kabayo mo. Hindi pa naman uso dito ang mga maarte. Dahil ang maarte dito pinakakain ng alikabok. " Sabi ko sa kanya.
"Ang yabang nito. Wag mong matahin di Challis ko inilaban ko na kaya siya at nanalo kami 3rd place. Kaya humanda kayo ng kabayo mo mamaya." Sabi niya saka inirapan ako at umalis. Natawa na lang ako sa kanya. Tawa ng tawa si Mona.
"Ang laki talaga ng insecure nun sayo. Ano naman ang paki mo kung nanalo na sila sa karera ng kabayo niya. Dapat nga kampante pa siya." Sabi ni Mona. Nakita ko na sasali pala ang mga seniorito sa karera kaya pala sumali si Crystal.
"Mapapasubo kayo ni Azura ngayon Zane malalakas ang makakalaban niyo kasali ang mga seniorito at si Crystal." Sabi ni Dario sa akin. Hindi ako umimik hinimas ko ang ulo ni Azura.
"Zane! Sa wakas nakasama ka din namin mangabayo." Sabi ni seniorito Reeve. Ngumiti lang ako sa kanila.
"Ibigay mo ang lahat Zane wag kang mailang sa amin isipin mo pare pareho lang tayo ngayon. Hindi mo kami Seniorito. Magagalit ako sayo pag nagpatalo ka! " Sigaw ni Xian. Ngumiti ako dito.
Sumakay na kami sa mga kabayo namin. Saka pina pwesto sa gitna ang kabayo namin. Si Xian ang nasa tabi ko at si Reeve nasa Tabi ni Xian si Primo katabi nito si Crystal. Marami kami ngayon. Sumali pa ang ibang kaibigan ni Crystal. Pagpaputok ng Papa ni Xian pinatakbo na namin ang kabayo namin. Napangiti ako ng makita na nagkakasabayan kami.
" Zane! Tandaan mo ang sinabi ko ikaw ang gusto kong kalaban alam ko kung ano ang kaya mo!! " Sigaw na naman ni Xian. Umiling lang ako dito.
" Masyado kang bilib diyan baka mamaya bumigay na ang kabayo niyan wala pa sa kalahati. " Sabi ni Primo. Nagtawanan sila Crystal. Nainis ako.
" Wag kang pakaasa Bro tandaan mo si lolo ang pumili kay Azura. " Sabi naman ni Reeve. Sabtotoo lang hindi ko pa pinatatakbo ng mabilis si Azura dahil wala pa kami sa kalahati at alam kung ganun din sila.
" Ngayon pa nga lang nakakasabay na siya sa mga kabayo natin. " Sabi ni Xian. Pagdating namin sa kalahati. Humanda na ako.
" Ngayon Zane! " Sabi ni Reeve sa akin. Sabay hamapas sa kabayo niya.
"Azura, ipakita mo sa kanila ang kaya natin! ' Sabi ko sa kabayo ko Saka hinampas ito. Umungol naman ang kabayo ko saka tumakbo ito ng mabilis. Natawa si Reeve ng lampasan ko sila.
" Nakita mo yun Primo! Ngayon ikaw naman ang magpakita ng lakas mo at ng kabayo mo!! ' sigaw ni Reeve dito. Natawa si Xian na nasa tabi ko na.
"Yan ang gusto ko sayo Zane!!" Sigaw nito sa akin. Natawa ako dito. Sa totoo lang kami talaga ang madalas mangabayo ni Xian.
Nakita ko na humahabaol sa amin sila Primo at Crystal. Tinawanan lang namin sila ni Xian. Hangang sa makabalik kami
nasa likod lang namin sila. Tuwang tuwa na kinamayan ako ni Xian dahil pumangalawa ako sa kanya. Dulo lang ng kabayo namin ang nagkatalo.
"Hahaha! Sabi ko na nga ba ikaw ang makakalaban ko sa huli." Sabi ni Xian sa akin. Napangiti ako sa kanya.
"Ang galing mo iha!" Bati sa akin ng mga Elder. Ngumiti lang ako sa kanila. Pumasok na ako sa dressing room. Nagulat ako ng makita ko si Crystal paglabas ko.
"Huh, naka chamba ka lang. Kaya wag kang mayabang. Dahil kahit kailan hindi ka makakapantay sa amin dahil kahit anong gawin mo isa ka paring mababang uri." Sabi nito sa akin. Saka tinalikuran ako. Napangiwi na lang ako sa inis.
Nakita ko na kinakantyawan nila Zuriel si Primo. Nang lumabas ako. Pinaiinom naman ng tubig ni Dario si Azura.
" Ang galing mo Zane halos magkasabay lang kayo ni seniorito Xian. Alam mo ba na ang kabayo ni Seniorito ang pinakamabilis na kabayo dito sa Hacienda dahil inilalaban yan ni Seniorito sa karera sa maynila. " Sabi ni Dario. Napatingin ako sa kanya.
" Si Seniorito Xian at seniorito Kian ang magaling mangabayo dito. Pero wala pa si seniorito Kian nasa maynila pa. May Exam daw kasi ito kaya mamaya pa ang dating niya. " Sabi ni Dario. Napatango ako dito. Pagdating ng gabi nasa malaking bahay na kami.
" Naku buti naman dumating na kayo. Hindi kinakaya ng mga taga serve ang mga bisita.
Mabuti Zane dalahin mo ito sa mga lamesa. " Sabi ni manang sa akin. Tumango ako. Kinuha ang tray na inaabot niya sa akin.
" Sige po manang ako na po ang bahala dito. "
Hinatid ko sa mga lamesa ang dala kong juice. Bumalik ako sa kusina kumuha naman ako ng ibang tray. Paglabas ko kinawayan ako nila Crystal. Nagalangan akong lumapit.
" Ako na lang Zane." Sabi ni Mona. Nagpasalamat ako dito. Sa ibang lamesa ako lumapit. Nangpabalik na ako nagulat ako ng banggain ako. Napatingin ako sa bumangga sa akin.
"Oh, s**t! How dare you." Sigaw nito. Napakunot ang noo ko. Ayaw ko sa lahat ang sinisigawan ako.
Huminga ako ng malalim para kumalma ako.
"Sorry, hindi ko sinasadya." Sabi ko sa kanya.
"Hondi mo sinasadya O sadyang tanga ka lang. Kay Primo ka na naman kasi nakatingin. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na lubayan mo ang boyfriend ko." Galit na sabi nito sa akin. Napatingin ako sa kanya. Huminga ako ng malalim.
" What happened?" Tanong ni Primo na lumapit sa amin.
"Eto kasing tanga na ito. Hindi nakatingin sa dinadaanan bakit ba kasi siya ang lagi niyong pinagseserve e laging nakalutang niyan sayo. " Galit na galit na sabi nito sa akin.
"Bakit kasi ikaw na naman ang may dala niyan sinasabi ko na sayong wag ka ng magseseve kasi lagi kang wala sa sarili mo." Sabi naman ni Primo sa akin.
"Huh, pano kasi nagpapacute pa siya sayo akala naman niya papansinin mo siya."Sabi nito kay Primo.
" Hello! nakikita mo ba ang sarili mo na wala ka ngang katiting na panama sa akin no. " Maarteng sabi ni Crystal. Naubos na ang pasensiya ko sa babaeng ito. Kanina nagpipigil ako kasi ayaw kong makakuha kami ng attention. Pero ngayon na nasa amin na nakatingin ang mga tao sa palogid namin. Ano pa ba ang iiwasan ko. Gusto nila ng attention ibibigay ko.
.
.