Chapter 19

1087 Words
" Hoy, alam mo ba na nagaway ang dalawa kagabi." Bulong nito sa akin. Napatingin ako sa kanya. " Sinong dalawa?" Tanong ko sa kanya. "Sino pa si seniorito Primo at si Crystal. Nagalit si Crystal kasi na wala sa tabi niya si seniorito." Sabi ni Mona. "Sinong pinaguusapan niyong dalawa? Si seniorito na naman yan no." Tanong ni Lisa ng lumapit sa amin. " Oo nagaway kasi ang dalawa kagabi dahil nagalit si Crystal ng malaman na hindi si seniorito ang kasama niya sa loob kundi si Dario." Sabi ni Mona. " Pano binalak pala talaga nila na pumasok dun para landiin niya si seniorito kaso si Dario ang na landi niya. " Sabi ni Lisa. Nagtawanan ang dalawa. " Kaya pala wagas siya makayakap kay Dario. at kung makatili siya parang ni rarape ni Dario. Akala ko nga hinihipuan na siya ni Dario. Kasi kung makatili sila. " Sabi ni Lisa natawa tuloy ako dito. " Grabe ka naman anong akala mo na naman kay Dario rapist. " Sabi ko sa kanila na natatawa. " Nagalit lang yun kasi naunsiyami ang pangaakit na gagawin niya kay seniorito. " Sabi ni Lisa. " Sorry na lang siya dahil si Zane ang kasama ng lalake na gusto niya." Sabi ni M³ona saka nagtawanan na naman ang dalawa. "Dapat Zane tumili ka din sa loob sabay yumakap kay seniorito. " Sabi ni Mona. " Kung alam ko lang ba na siya ang nakahawak sa kamay ko. Di sana nagpakarga pa ako sa kanya. " Sabi ko sa kanila. " Ay tange makikilala ka nun. " Sabi ni Mona sa akin. " Pano naman? " Tanong ko sa kanya. " Sino ba ang mahilig magpakarga sa kanya diba ikaw? " Tanong niya sa akin. " Oo nga papa." Sabi ko saka kumamot sa ulo ko. Buong maghapon kaming nagkakatuwaan sa kusina. Naging magana akong magtrabaho kasi nalaman ko na nasa likod bahay si Primo. Katulong nila tatay sa pagkakatay. Nakita ko siya ng magdala kami ng maiinom sa kanila. " Totoo ngang magkagalit sila kasi nandito siya e ang alam ko may parada ngayon sila Crystal. Pagdating ng gabi maaga pa kami umuwi kasi mga pagod na kami. Bumalik na lang kami kinabukasan. Ang saya saya ko kasi maghapon ko siyang nakita. Kahit hindi niya ako pinapansin ayos lang. Kinabukasan maaga pa excited na ako pumunta sa malaking bahay. Sa kusina ulit ako nagstay. Sila tatay naman ay nagkakatay uli ng baboy. Kaso hindi ko siya nakita maghapon. "Kung si seniorito ang hinahanap mo wala siya rito sinundo ni Crystal kanina." Sabi ni Dario. "Huh, hindi din siya nakatiis ha. Talagang sinundo niya dito." Sabi ni Mona. "Akala niya siguro susuyuin siya ni seniorito. Ni hindi nga siya pinuntahan kahapon." Sabi naman ni Lisa. Hindi na lang ako umimik. Malungkot ako ng umuwi kami. "Kunyari pa siya. Kulang lang pala siya ng sundo." Bulong ko habang nakahiga. Inis na inis ako. Hangang sa nakatulog na ako. "Oh, bat hindi ka pa nakaayos? Hindi ka ba pupunta sa malaking bahay?" Tanong ni tatay sa akin. Nakita niya kasi akonv nakaupo pa sa malaking bangko. "Mauna na kayo tay susunod na lang po ako. Magpapaligo pa ako kay Azura." Sabi kay tatay. Tiningnan niya ako. " Kung ganun sige mauna na ako at kailangan maaga kami ngayon. Kayo naman ay pwede naman mamayang gabi na lang pumunta sa malaking bahay. " Sabi ni tatay. Umalis na ito. Naglinis ako ng bahay namin. Ng matapos nagpaligo ako kay Azura. Nagulat ako ng dumating sila Dario. " Bat nandito kayo? Hindi kayo pumunta sa malaking bahay? " Tanong ko sa kanila. " Kumuha si seniora ng mga tao na magaasist sa mga bisita para daw makapag pahinga naman tayo. " Sabi ni Mona. Tumango ako. " Mabuti nga yun. Makakasali tayo ngayon sa mga palaro ng mga Elder. " Sabi ni Jek jek na tuwang tuwa. " Magbihis kana bilisan mo sasali tayo sa palaro. Ang alam ko malaki ang premyo na hinanda nila sa mananalo. " Sabi ni Mona. Kaya tuwang tuwa na nagbihis ako. Nakapantalon lang naman ako at Tshirt. Umalis na kami. Una naming sinalihan. Ang hulihan ng baboy. " Oh, nandito na pala ang mga ito." Sabi ng Papa ni Kian. " Akala ko hindi kayo sasali e" Sabi naman ng Daddy ni Reeve. " Hindi po namin ito palalampasin." Sabi ko. Natawa sila. Pumasok na kami sa loob ng bakod pagpaputok ng Daddy ni seniorito Reeve nagunahan na kami sa pag huli sa biik. Puro putik na kami. Dinamba agad ito ni Jek jek pero nakawala sa kanya kaya sa putik siya bumaksak. Tumakbo ito sa lugar namin humanda kami nila Mona pagdakma ko saktong dinadakma din ni Mona kaya nagkauntugan kami. Tumakbo ito kayla Dario. Tawa ng tawa ang mga nanonood sa amin. Puro putik na kami. Ang huli si Dario ang nakahuli nito. Tawa kami ng tawa kasi pati mukha ni Jek jek puro putik. Naglinis kami sa poso. Sa akyatan naman kami ng puno sumali. "Hindi na kami magpapatalo sayo ngayon Zane." Sabi ni Dario. "Tingnan natin." Sabi ko sa kanila. Natawa ang mga Elder. Pagpaputok ng Papa ni Kian nagunahan na kaming umakyat sa puno. Sandali lang sa akin ang pagakyat. Nakuha ko agad ang nakatusok na bandera sa taas. Nagpadausdos na ako pababa. "Ibang klase ka talaga Zane." Sabi ni seniorito Reeve dumating na pala sila hindi namin na pansin. Paglingon ko nagtagpo ang paningin namin ni Primo. Nagtaka ako kasi hindi siya nakasimangot. Kasama niya si Crystal. Niyaya niya si Crystal. Pinagbihis kami ng mga Elder. Naligo muna ako sa bahay at nagbihis. Niyaya ako nila Jek jek pumunta sa kubo nagpadala daw dun ng pagkain ang mga Elder. Nakikain kami dun. Ng lihim kong tinitingnan si Primo. Inaasikaso ito ni Crystal. Ang sumunod na palaro ang karerahan ng kabayo. "Zane sasali ba kayo ni Azura sa karerahan?" Tanong ni Dario. "Oo naman kinondisyon ko na kaya si Azura ilang araw kong pinagpahinga para may lakas siya ngayon." Sabi ko sa kanila habang kumakain kami. "Naku mukhang sasali sa inyo si Crystal. Pinadala dito ang kabayo niya." Sabi ni Mona. Napatingin kami sa dumating na sasakyan. May sakay nga itong kabayo. "Zane pinagbibihis na kayo." Sabi ni Jek jek. Tumango ako. "Dario pakainin mo nga muna si Azura." Sabi ko kay Dario. Tumango ito. Pumasok na ako sa loob ng dressing room kasama ko sila Mona. Paglabas ko pinapayos ko kay mona ang sinturon ko. Nagulat ako ng lapitan ako ni Crystal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD