Chapter 21

1036 Words
" Ako talaga nagpapantig na ang tenga sayong bruha ka. Ilang beses na kitang pinagbibigyan. " Sabi ko dito saka binaba sa lamesa nila ang tray na hawak ko.. " Sinong bruha ang sinasabi mo? " Inis na tinulak ako ni Crystal. " Ikaw ! " Sabi ko sabay tulak dito.Napatili ito dahil muntik na itong ma out balance buti na lang nahawakan ito ni Primo. "Ano ba Zane! Umiral na naman yang kagaspangan ng ugali mo...." Pinutol ko na ang sasabihin niya pa. "Oo na magaspang na ang ugali ko wala na akong modo inaamin. Ko e ano naman ang tawag mo sa ugali ng babae na yan. Maganda ba sayo yan. Ganyan ba ang may modo sayo. Bakit dahil mahirap ako kaya tingin niyo pag nagkamali kami wala na kaming modo at kayo kahit nunuknukan ng sama ng ugali niyo may manners parin kayo bakit dahil mayaman kayo. Ano ba sa tingin niyo ang sarili niyo nakatapak na kayo sa langit. Pare pareho lang tayong nakatapak sa lupa. Kaya umayos din kayo. Anong sabi mo wala akong katiting na panama sayo. Wala pala e ano ang pinuputok ng butche mo. Bakit hindi mo ako tinitigilan. Natatakot ka na maagaw ko siya." Sabi ko kay Crystal. "Sinong may sabi sayong natatakot ako sayo. Hinding hindi sayo magkakagusto sayo si Primo." Galit na sabi ni Crystal sa akin. "Ows, e bakit insecure ka?" Pangaasar ko dito. Kaya galit na galit na susugurin ako nito. Pero nahawakan ito ni Primo ang nahawakan nito ang baso na may lamang Juice sinaboy nito sa akin. "Tama na! Bakit naman maiinsecure sayo si Crystal e hinding hindi naman ako sayo magkakagusto. Kahit anong gawin mo dahil hindi ang kagaya mo ang magugustuhan ko wala ka manners manners.ni hindi ka manlang naturuan ng magulang mo na kumilos ng tama." Sabi ni Primo na ikinagalit ko ng husto " Ah ganun ba. " Sabi ko saka kinuha ko ang dalawang baso ng juice sabay buhos ko sa kanila. " Ops, sorry ha! Wala kasi akong manners at hindi ako naturuan ng magulang kong gumalang. " Sabi ko saka iniwan ko sila. Magsasalita pa sana si Primo kaso may nakita ito. Kaya tumahimik na lang. Nasalubong ko si lola Amor. "Pasensiya na po." Sabi ko na lang saka kinalas ang epron na suot ko at lumabas sa malaking bahay. " Zane!" Tawag sa akin ni lola Amor pero hindi ko na siya nilingon pa. Tutulo na kasi ang luha ko at ayaw kong may makakita nun. Paglabas ko sumakay ako sa motor namin pinaandar ko ito. Habang umaandar ang motor sige ang tulo ng luha ko. ****PRIMO POV#*** Nagulat ako ng buhusan kami ng juice ni Zane. Sabay sabi. " Ops, sorry ha! Wala kasi akong manners at hindi ako naturuan ng magulang kong gumalang. " Sabi nito saka tinalikuran kami. Magsasalita pa sana ako kaso nakita ko si lola. Dun ko lang napansin na nakatingin na sa amin ang mga bisita. Napalunok ako. "Pasensiya na seniorito sa inasal ng anak ko. Sa totoo lang ako dapat ang sisihin niyo hindi si Zane dahil ako nagkulang ng turo sa kanya." Sabi ni mang Kanor. "Hindi mang kanor hindi ka nagkulang ng turo sa anak mo. Mukhang kami ang nagkulang ng turo sa apo ko." Sabi ni lola. "Sumunod ka sa akin Primo." Seryosong sabi ni lola sa akin. "Ikaw maari ka ng umuwi isama mo narin ang mga kaibigan mo at kung maari lang ayoko ng makita pa na kasama ka ng apo ko. Alam mo naman na siguro na ikakasal na siya. Kaya kung may konting dilikadesa ka titigilan mo ang apo ko." Sabi ni lola kay Crystal. "Lola!" Tawag ko sa lola ko. "Sumunod ka sa akin Primo maguusap tayo." Sabi nito saka pumasok na sa loob ng bahay. "Sorry kailangan ko ng pumasok sa loob. Ipapahatid ko na lang kayo." Sabi ko kay Crystal. "No need, tatawagan ko na lang ang driver ko." Sabi ni Crystal sa akin. " Sorry talaga. " Sabi ko na lang saka sumunod sa lola ko. Pagpasok ko nakita ko na nakaupo sa mahabang upuan ang lola ko. Seryoso ito na nakatingin sa akin. Naupo ako sa upuan na nasa harap ng inuupuan niya. "Ganayan ba ang natutunan mo school mo ang pagiging mayabang. Hindi ka namin pinalake para maging matapobre. Ikaw pa mandin ang pinili ng lolo mo na pumalit sa kanya." Galit na sabi ni lola nakayuko lang ako. " Kontento kana ba naba sa ginawa mo sa fiance mo? Bakit galit na galit ka kay Zane nakikita mo ang kamalian niya pero ang kagaspangan ng ugali ng babae na kasama mo hindi mo nakikita. " Sabi uli nito. " Pero lola hindi mo naman alam ang totoong nangyari e. "Sabi ko kay lola. " Bakit ikaw nakita mo ba? Hindi rin diba. Pero bakit ganun ang ginawa mo? Pinahiya mo ang fiance mo imbis na alamin mo ang totoo. Bakit dahil galit ka kay Zane kaya hindi mo na iniisip kong masasaktan mo siya. " Sabi uli ni lola. Huminga ako ng malalim. "Alam ko na mali ang mga sinabi ko pero hindi ko lang mapigilan ang galit ko sa babae na yun. Pakiramdam ko kasi sinadya niyang makuha ang loob ng mga tao dito sa bahay. Akala niya naman magkukuha niya rin ang loob ko. Para ano para mapabilang sila sa pamilya namin. Mataas ang pangarap niya masyado." Bulong ko sa isip ko. " Ano ba ang kasalanan sayo ni Zane? Dahil minahal ka niya. Kasalanan niya ba na nagkagusto siya sayo. Kahit ganun siya babae parin siya na dapat mong igalang. May damdamin din siyang nasasaktan. Hindi siya manhid kung yun ang inaakala mo. Alam ko na nabigla ka sa gustong mangyari ng lolo mo. Pero apo bakit hindi mo subukan kilalanin si Zane baka maintindihan mo kung bakit siya ang napili ng lolo mo para sayo. Sana pagisipan mo ang mga sinabi ko bago maging huli ang lahat. Tandaan mo napapagod din ang puso.magmahal lalo na kung nasasaktan na ito ng husto." Sabi ni lola saka iniwan ako sa sala. Bumalik na ito sa labas. Inis na pumunta ako sa Bar counter namin. Nagsalin ako ng alak sa baso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD