Chapter 10

1014 Words
"Sinabi sa akin ng mga Elder ang nangyari. Nanghihingi sila ng pasensiya sa ginawa ni Seniorito Primo." Sabi ni tatay. Hindi ako umimik. "Nasabi niya lang yun kasi nasanay siya na ikaw ang laging may pasimuno ng gulo. Kaya pagpasensiyahan mona. Alam mo naman na nalulungkot pa ang tao dahil kamamatay lang ng lolo niya kaya may dinadala pa yun. Sabi ni tatay sa akin. Hindi ako umimik. Niyakap ako nito. Ewan ko masama talaga ang loob ko sa mga sinabi niya. Hindi naman ako ganito dati. Ayos lang sa akin kahit anong sabihin niya. Hindi nga umeepekto sa akin ang mga kasupladuhan niya. Pero nitong nakaraan mula ng lagi kong nakikita na kasama niya si Crystal. Nasasaktan na ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nagpaalam na sa akin si tatay. Huminga na lang ako ng malalim. Hindi ako agad nakatulog sa kakaisip ng mga sinabi ni Tatay. Kaya kinabukasan tinanghali ako ng gising. "Tanghali kana Zane ngayon ah. Akala namin hindi ka pupunta dito. " Sabi ni Mona. " Pwede ba yun? Kailan pa hindi ako pumunta dito. " Sabi ko sa kanila. "Sayang hindi mo naabutan si Seniora nandito kanina. Hinahanap ka nga niya." Sabi ni Lisa sa akin. " Ha! Bakit naman niya ako hinahanap? " Tanong ko sa kanila " Hindi naman sinabi. Pero pumunta siya dito para Ipaalala sa lahat ang nalalapit na Fiesta. " Sabi uli ni Mona. Napatango ako. " Oo nga pala malapit na ang Fiesta dito sa lugar namin. " Bulong ko. " Naku masaya na naman yun sa araw na yun naalala ko noong nakaraang taon. Hindi nagpatalo si Zane sa pagakyat sa puno ng niyog. " Sabi ni Lisa. " Wala kayo kay Jek jek hangang sa nakababa na sila Zane hindi parin nakakaakyat sa puno si Jek jek. " Sabu ni Dario. Binato ito ng buto ni Jek jek. Naagtawanan kami ng maalala yun. " Ano ba kasi ang nangyari sayo nun? " Tanong ko dito. " Pano yung brief niya naputol ang garter kaya sa tuwing bibitawan niya ang short niya nahuhubo ang brief niya kaya hindi siya makaakyat akyat sa puno. " Sabi ni Dario. Lalo lang kaming nagtawanan. Natapos ang buong maghapon hindi ko nakita si Primo. Hindi ito pumunta sa taniman. Pagdating sa school Kagaya ng dati hinintay ko siya sa upuan na mahaba. Hindi na ako ginugulo nila Crystal. Nagtaka ako ng makita na hinatid ito ng driver nila hindi ito kasama ni Primo. Nang dumating si Primo hindi siya nilapitan nito. Napakunot ang noo ko. Pati ng nasa canteen ako nakita ko na sila Zuriel ang kasama ni Primo kumain. Wala sila Crystal. "Nagaway ba sila?" Tanong ko sa isip ko. Umiling ba lang ako sa isip ko. Lumipas ang araw na hindi ko na sila nakikita na magkasama. Lagi ng sila Zuriel ang kasama ni Primo. "Alam niyo ba ang balita tungkol kay Crystal at kay Primo?" Sabi ng isang studyante. Nasa CR ako kasalukuyang naihi ako. "Ah Oo, break na daw ang dalawa." Sabi ng isa. "Oo, usap usapan dito yan. Nakita ko si Crystal noong isang araw na namumugto ang mata." Sabi naman ng isa. "Ano ba yan hindi pa nga nagiging sila break na agad." Sabi naman ng isa napatanga ako sa natinig. " Hindi pa ba sila? " Tanong ng isa. " Oo no. Hindi pa nagtatapat si Primo. Pero parang sila na kasi kung alagaan ni Primo si Crystal wagas. Hindi pa yun ilang beses silang nakita na naghahalikan." Sabi naman ng isa. May kumirot sa puso ko sa narinig. " Ano ba daw ang dahilan? " Tanong ng isa. Naging interesado ako sa isasagot sa tanong na yun. " Ang alam ko may gusto yatang ipakasal kay Primo na ibang babae ang lolo ni Primo na namatay. Ayaw yata ng lola at lolo ni Primo kay Crystal." Sabi ng isa " Ako din ayaw ko sa Crystal na yan. " Bulong ko sa isip ko. " Ganun. Kawawa naman pala si Crystal." Sabi ng isa " Sinabi mo pa. " Sabi naman ng isa at nagsilabas na ang mga ito. Lumabas na ako sa banyo. Napapaisip ako sa nalaman ko. " May ibang babae na ipapakasal kay Primo." Sabi ko sa isip ko. " Sino naman kaya yun? " Tanong ko sa isip ko. Hangang sa makauwi ako laman ng isip ko yun. " Tay may alam ka ba sa nangyayari sa malaking bahay? " Tanong ko kay tatay. " Ano naman ang mangyayari dun na iba. Maliban sa pagkamatay ng Don wala na." Sabi ni tatay sa akin. Napaisip ako. Kinabukasan maaga pa nasa taniman na naman ako. Wala naman kakaiba sa kanila. Ang nalalapit na Fiesta ang pinaguusapan nila. Maya maya kinalabit ako ni Mona napalingon ako nakita ko si Primo na dumarating. "Zane ibigay mo itong mga tabako kay mang Isko. gagamitin niya yan para matanggal ang mga uud." Sabi ni Jek jek. "Bakit ako pa ikaw na lang kaya." Sabi ko dito. Alam ko kasi na sinasadya lang nito. Dahil kausap ni mang Isko si Primo. "Sigurado ka ayaw mong ihatid ito?" Tanong niya. Inis na kinuha ko ito. "Ay sus pakipot kapa. Wag ka gustong gusto mo naman. "Sabi nito sa akin natatawa sila Mona. "Wala naman akong sinabi na ayoko diba." Sabi ko sa kanya. Saka kinuha na ang supot ng tabako. Lumapit ako kay mang Isko. Napatingin sila sa akin. Binati ko siya saka binigay ko ang tabako kay mang Isko at nagmamadali na akong umalis kaso nagkamali ako ng tapak natapakan ko ang isang bato gumalaw ito at na out balance ako. Biglang may humawak sa akin. Napatingin ako dito. Nakita ko si Primo na nakakunot ang noo. Kinabahan ako. "Ang galing mo talagang gumawa ng paraan no. Akala mo naman sa ginagawa mo magugustuhan kita. Kung inaakala mo na mapapasunod nila nagkakamali. " Galit na sabi nito sa akin saka binitawan ako kaya tuluyan akong bumagsak sa lupa. Napatanga ako sa kanya. Nagpaalam na ito kayla mang Isko saka walang ano ano na umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD