"Haay, ano ka ba naman kasing bata ka hindi mo tinitingnan ang tinatapakan mo." Sabi ni mang Isko. Hindi na lang ako umimik pinagpagan ko na lang ang damit ko saka nagpalam na ako sa kanila. Napailing na lang sila sa akin. Sanay na sila sa amin.
'Ginalit mo na naman si Seniorito Zane. " Sabi nila Dario saka nagtawanan sila. Wala akong imik na itinuloy ang gibagawa ko kanina
" Hindi ko naman intension na gawin yun talagang nadulas lang ako. Kahit ano siguro ang gawin ko hindi na magbabago ang tingin niya sa akin. " Bulong ko sa isip ko.
*****
Papasok ako sa school ng lapitan ako ng grupo ni Crystal. Napakunot ang no ko.
" Siguro natutuwa ka kasi nagkakalabuan kami ni Primo ngayon no?" Sabi ni Crystal sa akin. Napatingin ako sa kanya.
" Wala akong pakialam sa problema niyong dalawa." Inis na sabi ko sa kanya.
"Talaga lang ha. Hindi mo ba alam na ikaw ang dahilan kaya iniiwasan siya ni Primo ngayon." Sabi ng kaibigan ni Crystal sa akin. Napakunot ang noo ko.
" Kinausap mo pa ang lola niya para pakasalan ka lang talaga ni Primo. Hindi kana nahiya talagang ang taas ng pangarap mo gusto mong umangat ang kalagayan niyo ng tatay mo kaya pilit mong sinisik sik ang sarili mo kay Primo kahit ayaw niya sayo. " Galit na galit na sabi ni Crystla. Galit na hinarap ko ito.
" Wala akong alam kung ano man ang dahilan ng pagkakalabuan niyo ni Primo kaya wag na wag mobg madamay damay ang tatay ko. Isa pa hindi ko kaylanman pinangarap na umangat sa buhay. Dahil kung gusto ko matagal ng umangat ang buhay ko. Kaya pwede ba wag mo sa akin isisi kung iniiwasan ka niya. Dahil kung totoong mahal ka niya kahit pigilan pa siya ng lahat ikaw parin ang pipiliin niya. " Galit na sabi ko sa kanya. Saka iniwan sila. Nagulat ako ng makita ko si Primo kasama sila Zuriel na nakatingin sa amin. Binati ko sila saka aktong lalampasan ko sila ng hawakan niya ang braso ko.
"Tama ka. Dahil kahit pigilan ako ng lahat ipaglalaban ko ang nararamdaman ko at kung inaakala mo na nanalo kana nagkakamali ka dahil kahit kunin nila ang lahat sa akin hindi ako papayag sa gusto nila." Sabi nito saka binitawan ako at iniwan ako. Nagtataka na tiningnan ko siya.
"Ano ba talaga ang problema niya. Iniwasan ko na nga siya galit parin siya. Pinigilan ko na nga ang sarili ko na lapitan siya para hindi ko nasisira ang araw niya. Pero ganun parin. Bwisit na buhay to hindi na siguro magbabago ang tingin niya sa akin." Inis na bulong ko. Na wlaan na ako ng gana na pumasok sa klase. Umuwi na lang ako ng bahay.
"Kung ganun kahit anong gawin ko hidi na talaga magbabago ang tingin mo sa akin. Bakit ko pa pipigilan ang sarili ko." Bulong ko habang nasa taas ako ng puno. Nagiisip dito ako demeretso sa paborito kong lugar kapag gusto kong magisip.
Sa burol.
Kinabukasan maaga pa nasa mahabang upuan na ako hinihintay ko ang pagdating niya. Ng makita ko na dumating na ang sasakyan niya. Tumayo na ako. Nakita ko na bumaba sila nila Zuriel. Kinuha ko ang gamit ko saka lumapit sa kanila.
"Hi! Primo, magandang umaga mga seniorito." Bati ko sa kanila.
"Magandang umaga din Zane. Mukhang maganda ang gising mo ah." Bati sa akin ni Reeve.
"Lagi naman. May nagpapaganda kasi ng umaga ko. Makita ko lang siya sumisigla na ako." Sabi ko sa kanila. Natawa sila Zuriel. Galit na umalis si Primo.
"Galing mo talaga Zane, nasira mo na naman ang araw ng loko." Sabi ni Xian. Natawa sila Zuriel. Ngumiti lang ako at nagpaalam na sa kanila.
Naging masigla ako maghapon. Bumalik na ako sa lamesa ko dati at habang kumakain pinagmamasdan ko diya kahit hindi maipinta ang mukha niya. Wala akong pakialam. Kahit alam ko na kulang na lang kainin ako nila Crystal. Sa kabilang lamesa. Basta masaya ako na nakikita ko siya.
Naging masipag akong pumasok.Bumalik narin ang sigla ko.
"Anong nakain mo at mukhang masaya ka ngayon?" Tanong ni tatay sa akin.
"Si tatay talaga. Ano naman ang magpapasaya sa akin no." Sabi ko sa kanya.
"Hindi ano sino? Ang tanong dun. Sabagay hindi na kailanagan itanong pa. Alam ko naman kung sino ang magpapasaya sayo." Sabi uli nito ngumiti na lang ako.
"Bakit bati na ba kayo ni seniorito?" Tanong uli ni tatay sa akin.
"Si tatay talaga. Hindi na magababago ang tingin nun sa akin." Sabi ko sa kanya.
"E bakit masaya ka pa?" Tanong nito sa akin.
"E kasi tay naisip ko kahit anong gawin ko hindi na magbabago ang trato sa akin ni Primo. Talagang galit siya sa akin at tangap ko na naman na hindi talaga siya magkakagusto sa akin. Kaya bakit ko pa pipigilan ang nararamdaman ko. Pinahihirapan ko lang ang sarili ko kaya naisip ko mula ngayon hahayaan ko na ang naramramdaman ko gagawin ko kung ano ang magpapasaya sa akin. Magalit na sila bahala sila. Hangat wala akong ginagawang mali sa kanila. " Sabi ko sa tatay ko.
" Pano kung tuluyang magalit sayo si seniorito Primo?" Tanong ni tatay sa akin.
" Kahit naman tinigilan ko na siya tay galit parin siya sa akin. Wala parin naman magbabago. Kaya bakit ko pa pipigilan ang sarili ko tay. " Sabi ko sa kanya. Huminga siya ng malalim.
" Ang sa akin lang anak baka sa huli makita ko na nasasaktan ka na naman. " Sabi niya sa akin.
" Sanay na ako tay na hindi niya ako pinapansin. Kaya hindi na ako masasaktan pa. " Sabi ko sa kanya.
Umiling na lang siya.
"O siya ihatid mo ito sa malaking bahay eto ang listahan ng mga nagastos ngayong buwan." Sabi ni Tatay sa akin. Tumango ako sa kanya. Saka sumakay na ng tricycle.
Pagdating ko sa malaking bahay sinalubong ako ni manang Linda ang mayordoma nila.
"Manang Linda nasan po si lola Amor?" Tanong ko dito.
"Ay nandun sa hardin at kausap si Pekto." Sagot ni manang sa akin. Nagpasalamat ako dito at nagderetso ako papunta sa hardin. Tuwang tuwa di lola Amor ng makita ako.