Chapter 9

1024 Words
*** ZANE POV#*** Kinabukasan maaga pa ako nasa school na ako. Kagaya ng dati nasa bench ako nakaupo. Hinihintay ko ang pagdating niya. Nagulat ako ng lapitan ako ng grupo ni Crystal. "Ang kapal talaga ng mukha mo. Pumasok ka parin dito. Alam mo bang wala ng magbabayad ng tuition fee mo dito. Akala mo ba babayaran pa ni Primo ang tuition fee mo kapag siya na ang humawak sa Hacienda. Huh suklam na suklam nga yun sa pagmumukha mo. Siguradong paaptalsikin kana nun dito. " Sabi ng kaibigan ni Crystal. Natawa si Crystal. Hindi ko na lang sila pinansin tumayo ako at kinuha ko ang gamit ko. Bigla akong hinawakan ng isa. " Bastos ka din no. Kinakausap kapa namin lalayasan mo na agad kami. "Sabi ng isa saka hinawakan ako sa braso lo. " Bitawan mo ang kamay ko. Kung ayaw mong pilipitin ko yang kamay mo. Ako sawang sawa na sa mga kaartehan niyo. Kaya pwede ba padaanin niyo ako bago ko pa patulan kayo." Sabi ko sa kanila. " Aba ang tapang mo ngayon ah. Bakit dahil akala mo kakampihan ka uli ni Xian. Bakit si Xian ba ang bago mong nilalando ngayon. " Sabi ng nakahawak sa braso ko. Inis na tiningnan ko ito saka ko hinawakan ang kamay niya saka pinilipit ko ito. "Ako ubos na ubos na ang pasensiya sa inyo. Alam niyo bang kaya kong pilipitin yang mga leeg niyo." Sabi ko habang hawak ko ang kamay nito. "Ouch! Bitawan mo ang kamay ko malandi ka." Sigaw niya. Maslalo ko pang pinilipit ito. Napatili na ito sa sakit. Aktong susugurin ako ng isa sinipa ko ito. Bumalandra ito kayla Crystal. Napatili ang mga ito dahil sabay sabay silang tumumba. Tinulak ko din ang hawak ko na kaibigan nila papunta sa kanila. "Hayop ka talaga. Impakta!!" Galit na galit na sigaw sa akin ng mga ito. Pero hindi ko na sila pinansin. Nakita ko na naglapitan ang mga lalake aa kanila. Hindi ko na sila Pinansin. Pumasok na ako sa room ko. Ilang araw ng hindi ko nakikita si Primo. Hindi na ako nilapitan ng grupo nila Crystal. Kaso dahil sa kanila nilayuan din ako ng iba. Hinayaan ko na lang sila. Hindi naman sila ang dahilan kung bakit ako nandito sa school na ito. Pagdating ng apat na araw nakita ko na si Primo na pumapasok. Napangiti ako kaso nakita ko na nilapitan agad ito ni Crystal. Hindi na lang ako umimik. Masaya na akong makita siya. Magana akong pumasok sa room ko. Kinabukasan Maaga pa nasa taniman na ako. Nagiispray kami ng para sa mga insecto. Nasa taniman din ang mga Elder. Ng dumating sila Primo. Sinitsitan ako nila Mona. Lumingon ako nakita ko sila Primo na bumababa sa kabayo. Nakita ko na kinausap ng mga elder si Primo Hindi ko sila pinansin. Kaso dumeretso sa akin si Crystal ng iwan siya ni Primo. "Naku ma'am wag po kayo diyan nagiispray kami ng gamot." Sabi ni Mona dito. "Alam ko nakikita ko diba. Hindi ako bulag." Mataray na sabi nito. "Tssk, Ikaw talaga Mona. Hindi nga naman talaga siya bulag. Nakikita niya ang ginagawa natin.Kaya hayaan mo siya alam niya ang ginagawa niya." Sabi ko kay Mona. Inis na tiningnan ako nito. "Talaga alam ko yang ginagawa niyo. Sanay ako sa mga yan dahil may Hacienda din kami." Sabi nito saka inagaw ang hawak ko na spray. Sabay spray sa bahay ng insekto na nasa taas. Nanlake ang mata nila Mona ng makita kung ano ang inisprayhan niya. Nagmamadali na umalis ang mga ito. Hindi ako umalis kasi nakabalot ako. Nagliparan ang mga insekto na nasa loob. Nanlake ang mata ni Crystal ng makita ang mga insekto. Napatili ito. Sabay bitaw sa spray. Sige ang iwas nito sa mga insekto napangiti ako sa katangahan nito. Kinuha ko ang bahay ng putakte saka binalot ito. Sakto naman lumalapit sa amin si Primo. "Ano na naman ang ginawa mo? Wala ka talagang matinong magawa. Wala ka na ngang modo ang pangit pa ng ugali mo . Hindi ka yata naturuan man lang ng tamang asal ng ama mo." Sabi ni Primo na ikinagalit ko. Inis na binitawan ko ang bahay ng putakte na hawak ko kaya naglabasan lalo ang mga insekto dito. Nagtatakbo si Crystal habang tumitili sa takot sa mga ito iniwan si Primo. Inis na tumingin sa akin si Primo. " Pasensiya na seniorito masama kasi ang ugali ko wala kasi akong modo at higit sa lahat hindi ako tinuruan ni tatay ng tamang asal. " Sabi ko sa kanya. Saka iniwan siya. Nasalubong ko ang mga elder na may dalang pausok. " Zane, Iniwan mo si Seniorito dun kakagatin yun ng mga insekto." Sabi nila Mona sa akin habang hinuhubad ko ang salakot ko at yung plastik na naka balot sa akin. " Hayaan mo siya. Kaya niya ang sarili niya. Saka masama ang ugali ko kaya wala akong paki alam sa mga tao. " Sabi ko at aktong sasakay na ako sa kabayo ko ng lapitan ako ni Crystal na galit na galit. " Impakta ka! " Sabi nito at aktong sasabunutan ako nito. Pero iniwasan ko ito kaya sumobsob ito sa kabayo ko. inalalayan ito ng mga alalay niya. "Impakta talaga ako kaya umayos ka dahil baka kainin kita ng buhay." Sabi ko dito. Saka sumampa ako sa kabayo ko at pinatakbo ko na ito ng matulin. Sa inis ko. Dumeretso ako sa burol. Dito ako pumupunta kapag masama ang loob ko. Galit na galit ako. Ayoko lahat ang idadamay ang tatay ko. Ang hindi ko matangap si Primo pa mismo ang nagsabi nun. Nagstay muna ako dun hangang sa humupa ang galit ko. Madilim na ng umuwi ako. "Buti naman at umuwi ka din. Hinintay ka ng mga Elder dito kanina. Ano na naman ang ginawa mo sa taniman bakit ka nila hinahanap?" Tanong niya sa akin. Hindi ako umimik. Nagderetso ako sa silid ko saka kumuha ako ng damit at nagderetso sa banyo. Napailing na lang sa akin si Tatay. Alam niya na kapag hindi ako umiimik masama ang loob ko at sigurado siya na si Primo ang dahilan nun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD