"Kumusta kana Iha? Tinatrato kana ba ng maayos ni Primo?" Tanong nito sa akin.
"Ayos naman po ang trato sa akin ni Primo lola." Sagot ko kay lola Amor.
"Buti naman Iha. Akala ko sinusupladuhan ka naman ng apo ko na yun." Sabi uli ni lola Amor sa akin. Niyaya ako nito pumasok sa loob ng bahay.
Sakto naman pababa si Primo ng hagdan.
"O ayan pala si Primo siya na ang bahala magasikaso sa iyo. Primo intindihin mo si Zane ikaw na ang bahala magasikaso ng listahan ng taniman tutal ikaw na naman ang hahawak ng Hacienda kaya dapat umpisahan mo nang pagaralan ang mga bagay bagay." Sabi ni lola Amor sa kanya. Napakunot ang noo ni Primo
Tumingin siya sa akin.
"Ah, hindi na po lola aalis na din naman po ako." Sabi ko kay lola Amor. Mas lalong simumangot si Primo.
"Ay hindi Iha, mamaya kana umuwi. Magusap muna kayo ni Primo tungkol sa mga gagawin sa Hacienda. Saka bat kaba nagmamadali natatakot ka ba kay Primo?" Tanong ni lola Amor sa akin. Biglang nagsalita si Primo.
"Mukhang nagmamadali yata siya lola may gagawin pa yata siyang importante. Pupunta na lang po ako sa bahay nila bukas ng umaga." Sabi ni Primo kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Kung ganun ihatid mo na lang sa bahay nila si Zane Primo." Sabi na naman ni lola Amor.
" H.. Hindi na po kailangan lola. Dala ko naman po ang tricycle namin." Sabi ko kay lola pero hindi ito pumayag na hindi ako ihatid ni Primo. Nagtataka ako sa inaasal ni lola Amor. Alam naman niya na galit na galit sa akin si Primo.
"Bakit pinipilit ni lola Amor na ihatid ako ni Primo alam niya naman na galit ito sa akin. Kaya sigurado naman na hindi ito papayag." Bulong ko sa isip ko. Muntik na akong himatayin ng magsalita ito.
" Halika na at jhahatid na kita para makausap ko narin si mang kanor tungkol sa Hecienda. " Sabi nito. Napatanga ako dito. Napangiti si lola Amor sabay kinindatan ako nito. Napailing na lang ako.
" Siguradong umuusok na naman ang bunbunan nito. Aba hindi ko kasalanan ito. Si lola Amor ang may pakana nito hindi ako no. Sasamantalahin ko lang aba baka hindi na maulit kaya ito. " Bulong ko na kinikilig na sumakay sa SUB ni Primo. Matagal ko na katang pangarap na makasakay dito. Sa wakas natupad din. Naupo ako sa likod.
"Bat diyan ka nakaupo? Hindi mo ako driver kaya dito ka sa harap sumakay." Galit na sabi nito. Kaya nagmamadali akong lumipat sa unahan.
"Ang sungit talaga ng prinsepe ko. Buti na lang ang gwapo mo parin kahit nagsususngit ka." Bulong ko sa isip ko. Hindi ito umiimik habang nagmamaneho. Kilig na kilig naman ako dahil nakasakay na nga ako sa sasakyan niya katabi ko pa siya sa sasakyan niya.
"Huh, ang galing mo talaga no. Ginamit mo pa ang lola ko para makalapit lang sa akin. Nagkunyari ka pang walang alam sa sinasabi ni lola samantalang ang totoo naman talaga ikaw ang humiling kay lola na ihatid kita. Sa palagay mo ba hindi ko alam yum?" Sabi nito na ikinagulat ko. Napatingin ako dito ng ihinto nito ang sasakyan.
"Akala mo talaga nanalo kana no. Kung inaakala mo ikaw lang ang marunong maglaro marunong din ako." Sabi uli nito. Napakunot ang noo ko.
" Ano pa ang hinihintay mo diyan. Gusto mo pagbuksan pa kita ng pintuan? " Sabi nito. Napatingin ako sa labas.Nagtaka ako kasi ang layo pa nito sa bahay namin. Kaya napatingin ako sa kanya uli.
" Bakit akala mo talaga ihahatid kita sa inyo? " Sabi nito saka tumawa.
" Nangangarap ka. Wala kong oras na ihatid ang kagaya mo. Saka isa pa sapat na na nasayaran ng marumi mong katawan ang sasakyan ko. Kaya ano pa ang hinihintay mo bilisan mo na bumaba kana bago pa magkarumi ang sasakyan ko sayo. " Sabi nito sa akin. Napalunok ako. Saka bumaba na sa sasakyan. Pagbaba ko agad na sinara nito ang sasakyan niya at nilock ito saka pinaharurot paalis.
Napaubo ako sa alikabok.
"Bwisit, akala ko pa naman ang swerte ko na. Yun pala pangarap lang lahat ng yun. Haaays." Bulong ko saka pinagpagan ang pantalon ko at ang damit ko. Saka nagsimula ng maglakad. Wala ako magagawa kailangan kong ihanda ang sarili ko sa mahabang paglalakad. Dahil naiwan ang tricycle ko sa malaking bahay. Kung babalik naman ako magtataka si lola Amor. Huminga na lang ako ng malalim saka inaalala na lang ang pakiramda nung nasa loob ako ng sasakyan ni Primo.
"Oh, bakit ngayon ka lang. Alam mo bang pumunta dito si seniorito." Sabi ni tatay sa akin. Hindi na lang ako umimik.
"Pinagusapan namin ang mga bago niyang plano para sa Hacienda. Siya na pala ang hahawak sa Hacienda mula ngayon." Sabi ni tatay. Napatingin ako kay tatay.
"Ibig sabihin totoo ang sinabi ni lola Amor. Siya na pala ang bago naming amo." Bulong ko saka napangiti. Ibig sabihin lagi ko na siyang makikita.
"Naku naku, mukhang alam ko na yang ngiti na yan." Sabi ni tatay sa akin.
"Tatay talaga para ngumiti lang ako." Sabi ko kay tatay.
"Naku kilala na kitang bata ka. Kung ano na naman yang pumapasok sa utak mo." Sabi ni tatay. Napailing na lang ako.
Kinabukasan maaga pa nasa taas na ako ng puno.
"Hoy, ano na naman ang ginagawa mo diyan?" Tanong ni Jekjek sa akin.
"Haays, parang hindi mo naman kilala yan. Wala pa yang lakas na magtrabaho dahil hindi pa dumarating ang Vitamin niya. " Sabi ni Mona kay Jekjek. Napailing na lang ito. Hindi ko sila pinapansin nakasandal lang ako sa sanga. Napaupo ako ng maayos ng makita ko ang sasakyan ni Primo na dumarating. Pero napasimangot ako ng makita na kasama na naman nito si Crystal. Kapit na kapit naman si Crystal sa braso ni Primo. Nakita ko na tinawag ni Primo ang mga nagtatanim.
"Hoy, bumaba kana diyan tinatawag tayo ng Prinsepe mo." Sabi ni Dario sa akin. Kaya bumaba na ako sa puno. Nang makita ako ni Crystal sumimangot agad ito. Hindi ko ito pinansin.