Pumunta kami sa kubo dito ginaganap ang mga meeting. Nakita ko si tatay at ang mga Elder nasa kubo na sila nakaupo. Napakunot ang noo ni lola Amor ng makita si Crystal na nakaabresyete kay Primo. Tumingin sila sa amin. Ngumiti ako kayla lola Amor. Lumapit ako sa kanila saka bumati sa kanila. Naupo ako sa likuran. Nagsimulang magsalita si lola Amor. Sinabi niya na si Primo na ang hahawak sa Hacienda Villa real. Nakikinig ako sa sinasabi ni Lola Amor pero ang mata ko nakay Primo.
"Hoy, baka matunaw na si seniorito. " Sabi ni Dario sa akin.
"Tssk, wag ka ngang istorbo. Makinig ka na lang sa sinasabi ni lola Amor." Sabi ko dito.
"Ang sama na kaya ng tingin sayo ni Crystal." Sabi naman ni Mona sa akin.
"Paki ko sa kanya ingit lang siya." Sabi ko sa kanila natawa si Mona sa sinabi ko. Napailing na lang sila Dario sa akin. Hangang sa matapos magsalita sila tungkol sa mga bagong plano sa Hacienda at tungkol sa nalalapit na fiesta. Wala sa kanila ang attention ko na kay Primo.
"Ang gwapo niya talaga kahit nagsususngit siya." Bulong ko. Habang nakatingin ako kay Primo na nakakunot na ang noo. Kasi mainit na ang ulo ni Crystal na katabi niya.
"Naku nagaway yata si seniorito Primo at si Crystal ng matapos ang meeting natin sa kubo." Sabi ni Jek jek. Napatingin ako dito.
" Bakit naman sila nagaway? " Tanong ko.
"Nagtanong ka pa. Kita mong kulang na lang umusok na ang bunbunan ni Crystal sayo. Sa sobrang selos. " Sabi ni Mona sa akin.
" Ha? Bakit naman siya sa akin magseselos para tinitingnan ko lang naman si Primo. Isa pa ano pang pinagseselos niya. Diba jowa na niya si Primo ano pang pinagseselos niya? " Tanong ko sa kanila.
" Oo nga, saka siya na nga ang may sabi na hindi papansinin ni seniorito si Zane. Tapos ngayon nagseselos siya sa tingin lang ni Zane. " Sabi naman ni Lisa.
" Buti nga tinitingnan na lang ni Zane si seniorito ngayon. E kung kagaya ng dati na laging nagpapakarga si Zane kay seniorito. Baka hindi lang bunbunan niya ang umuusok baka atakihin na siya sa puso sa sobrang selos niya kay Zane." Sabi ni Mona natawa sila.
" Sana ngayong si Seniorito na ang hahawak sa Hacienda. Wala sanang magbago sa pamamalakad. " Sabi ni Lisa.
" May mababago yan pero sa tingin mo mabait naman no sneiorito. Kaya may mabago man sa mga pamamalakad para lang yun sa ikagaganda ng Hacienda. " Sabi ni Dario. Hindi ako umimik.
Kinabukasan habang nagaabang ako kay Primo sa malaking upuan. May nga kapwa studyante ko na naupo malapit sa inuupuan ko.
"Alam niyo ba na nagkabati na si Primo at Crystal?" Sabi ng isa.
"Alam namin. Official na talagang sila na. Nagtapat na si Primo kay Crystal at sinagot na ni Crystal si Primo. " Sabi ng isa.
" Kaya pala ganun na lang ang pagkakapit ni Crysta kay Primo kahapon." Bulong ko sa isip ko. Parang may kung anong kumirot sa puso ko sa nalaman ko. Saktong dumarating ang sasakyan ni Primo. Nakita ko na bumaba ito saka pinagbuksan si Crystal. Inirapan ako nito ng makita ako. Hindi na lang ako umimik. Lumapit ako sa kanila saka binati si Primo. Kagaya ng dati nakakunot ang noo nito na tumingin sa akin. Saka para hindi ako nakita na niyaya na si Crystal. Huminga na lang ako ng malalim saka pumasok na school.
"Grabe talaga ang kapal ng mukha niya. kahit hindi siya pinapansin ni Primo lapit parin siya ng lapit." Sabi ng isang studyante na nasalubong ko. Hindi ko na lang sila pinansin dumeretso na ako sa room ko. Hindi na natanggal sa isipan ko ang narinig ko. Kaya wala ako sa mood maghapon. Hanggang sa paguwi ko.
"Oh, Nandiyan kana pala. Bat ganyan ang itsura mo? Napaaway ka na naman ba?" Tanong sa akin ni tatay.
"Hindi tay. Napagod lang siguro ako. " Sabi ko kay tatay saka dumeretso sa silid ko at nagbihis. Ng matapos ako lumabas ako pumunta ako sa likod bahay namin. Pinakain ko ang kabayo ko.
"Buti ka pa Azura hindi ka pa naiinlove . Mahirap pala mainlove nakakalito at masakit din dito sa dito. Kaya wag kang maiinlove sa kabayong ayaw sayo." Sabi ko na tinuro pa ang ulo ko at ang puso ko.
"Kahit alam ko naman na ayaw niya sa akin si Crystal talaga ang gusto niya. Masakit parin pala malaman na sila na. Hindi ko mapigilan na hindi masaktan. Ang sakit Azura. " Sabi ko sa kabayo ko. Umungol naman ito na akala mo naiintindihan ang sinasabi ko. Hinipo ko ang ulo niya.
" Wag kang magalala Azura hindi kita iiwan kahit anong mangyari.Magkasama tayo. Ikaw lang kaya ang nakakaintindi sa nararamdaman ko. " Sabi ko uli saka huminga ng malalim.
" Aru, Nandito ka lang pala." Sabi ni Tatay sa akin. Napalingon ako sa kanya.
" Kinakausap mo na naman yang kabayo mo. Pagyan sumagot sayo. Ewan ko lang sayo. " Sabi uli ni tatay sa akin.
" Si tatay talaga pati sa pagkausap ko sa kabayo ko nakikita. Bakit niyo po ba ako hinahanap? " Tanong ko sa kanya.
"Kasi po nandiyan sila Seniora at seniorito Primo hinahanap ka." Sabi ni tatay sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya. Agad sumigla ang puso ko ng marinig na nandito sa bahay namin si Primo. Agad na binitawan ko ang damo na pinakakain ko kay Azura.
" Azura, Kumain ka lang muna diyan aalis muna ako." Sabi ko sa kabayo ko.
" Tara na tay baka naiinip na sila lola Amor sa bahay. Hindi niyo sinabi agad e. " Sabi ko kay Tatay. Saka nagmamadali na pumasok sa loob ng bahay namin. Napailing na lang ang tatay ko.
" Kanina walang kalakas lakas ng dumating galing school. Narinig lang na nandiyan si seniorito biglang nagkabuhay. Biglang nagkabuhay iba talaga ang epekto ni seniorito sa sistema mo. " Sabi ni tatay. Hindi ko na ito pinansin. Pumasok na ako sa bahay namin.