Chapter 6

1205 Words
***ZANE POV#*** Maaga pa nasa taniman na ako. Binati ako nila mang Isko ng makita ako. "Uy Zane, Maguumpisa kana agad?" Tanong ni Jek jek sa akin. Napatingin ako dito. "Oo naman Bakit?" Tanong ko dito. "Hindi mo muna hihintayin si Seniorito?" Tanong nito sa akin. "Hindi na nakita ko naman siya kahapon." Sabi ko sa kanila. Nagtataka na napatingin sila sa akin. "O ano pang hinihintay niyo? Umpisahan na natin ng matapos tayo." Sabi ko sa kanila. Nagumpisa na kami. Nagkakatuwaan kami nila Jek jek ng Sitsitan ako ni Mona. Napatingin ako dito. "Dumarating ang boyfriend mo sa panaginip. Kaso may kasamang kabit. " Sabi nito. Nagtawanan sila. Napatingin ako sa himintong sasakyan. Bumaba si Primo. Lumakas agad ang kabog ng dib dib ko. Umikot ito sa kabila. Pinagbuksan si Crystal. May kumirot sa puso ko. Nakaramdam ako ng Inis. Pero naalala mo ang sinabi ng tatay ko sa akin. Lahapon. Kaya huminga na lang ako ng malalim. Pinapakiramdaman ako ng mga kasama ko. Pinagpatuloy ko ang paglalagay ng abuno. "Hindi mo siya lalapitan?" Tanong ni Dario sa akin. "Hindi na kailangan. Sapat na sa akin na nakita ko siya masaya na ako. " Sabi ko sa kanila. Napatanga sila sa akin. " Bilisan natin ng matapos tayo dito marami pa tayong inisprayhan. " Sabi ko sa kanila. Nagkibit balikat na lang sila. Lihim ko na lang siyang tinitingnan. Nakita ko na pumunta ito sa mga nagtatanim. Naiwan si Crtstal. " Sila na siguro niyan ni Crystal kasi lagi silang magkasamam." Sabi ni Lisa. "Siguro kasi nakita ko sila na naghahalikan sa malaking bahay nung minsang inutusan ako ni tatay na magpakain ng kabayo sa kwadra. " Sabi ni Dario. Hindi ako umiimik naririnig ko ang kwentuhan nila at lihim akong nasasaktan. "Alam ko naman na may iba kang gusto. Kaso hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang puso ko na gustuhin ka." Bulong ko habang nakatingin sa kanya. "Hmmp, So nandito ka pala. Akala ko pa naman wala ka. Kasi walang papansin na aalialigid sa boyfriend ko." Sabi ni Crystal sa likod ko. Napalingon ako dito. Hindi ko na malayan ang paglapit niya sa akin. Napakunot ang noo ko.Inis na hinarap ko ito. "So ano naman kung nandito ako?" Tanong ko sa kanya. "Abat, Kahit kailan talaga wala kang respeto sa amo mo no?" Inis na sabi nito. "Excuse me. May respeto ako sa mga amo ko. Sa katunayan malaki pa nga ang paggalang ko sa mga Villa real kesa sa tatay ko no." Sabi ko sa kanya. " Talaga lang ah, E bakit bastos ka pag kausap kita? " Sabi niya sa akin. " Ang sabi ko sa mga Villa real, hindi sa mga bisita ng mga Villa real. Saka bastos lang ako kapag bastos din ang kausap ko. " Sabi ko sa kanya. Inis na tumingin ito sa akin. " Hoy, hindi lang ako bisita ng mga Villa real. Girlfriend ako ng isa sa mga Villa real. " Sabi niya sa akin. Natawa ako sa kanya. " E ano naman ngayon sa amin kung girlfriend ka ng isa sa mga Villa real? Girlfrien ka palang hindi ka pa asawa kaya hindi ka parin isang Villa real. Kaya umayos ka dahil hindi kita amo. " Inis na sabi ko sa kanya. " Ganyan ka ba talaga ka bastos. Bisita ko siya kaya dapat mo siyang igalang hindi mo dapat siya binabastos. " Sabi ni Primo na bigla na lang sumulpot. " P.. Pasensiya na seniorito. " Sabi ko sa kanya. " Wag ka sa akin humingi ng pasensiya kay Crystal ka humingi ng tawad. " Sabi nito sa akin. Huminga ako ng malalim. Saka tumingin ako kay Crystal. Ngingiti ngiti lang ito na tumingin sa akin. Humingi ako ng tawad dito. Niyaya na ni Primo ito at umalis na sila. " Grabe, Ikaw ba yun Zane. Talagang humingi ka ng tawad dun. " Sabi ni Dario. " Pwede ba tigilan mo ako kundi ikaw ang sasamain sa akin. " Sabi ko dito. Tumahimik ito. Sumunod na araw. Nakuntento na lang akong tingnan siya sa malayo. Kahit nasasaktan ako dahil lagi niyang kasama si Crystal. Pero naiisip ko ang sinabi ni Tatay sa akin. " Baka makalimutan ko din siya." Sabi ko sa isip ko. Nagtataka si tatay kasi kahit inuutusan niya ako na pumunta sa malaking bahay nagdadahilan ako. "Himala ata. Ayaw mong pumunta sa malaking bahay. Ayaw mo bang makita si seniorito?" Tanong ni tatay sa akin. "Tssk, Naisip ko kasi tay. Dapat ko ng pagaralan na kalimutan siya. Kasi ako lang ang masasaktan pag hindi ko ginawa yun dahil iba ang gusto niya hindi ang kagaya natin." Sabi ko kay tatay. Huminga ito ng malalim saka tumabi sa akin sa sanga ng puno. "Ikaw lang naman ang matigas ang ulo. Sinabi ko naman sayo na kalimutan mo na si seniorito." Sabi niya sa akin. "Wag kayong magalala tay magmula ngayon iiwasan ko na po talaga siya tay." Sabi ko kay Tatay. Napangiti ito. "O siya matulog ka narin at gabi na." Sabi niya saka inalalayan niya akong bumaba sa puno. Nagmamadali akong pumasok sa gate ng school namin. Dahil tinanghali ako ng gising. Lakad takbo ang ginawa ko. Hindi ko namalayan ang makakasalubong ko. Nabangga ko ito. Muntik na akong ma out balance buti na lang nasalo niya ako. Nanlake ang mata ko ng makita ko si Primo. Nakakunot na naman ang noo nito. "P.. Pasensiya na seniorito." Hingi ko ng paumanhin "Wag ka ng humingi ng paumanhin alam ko naman na sinasadya mo para mapansin kita. Kailan mo ba talaga ako titigilan." Inis na sabi nito saka iniwan ako. Napatanga na lang ako habang tinitingnan ko siya palayo. Ng tumunog ang bell saka lang ako natauhan at nagmamadali na akong pumasok sa room namin. " Himala hindi ka ngayon nagdrawing. " Sabi ng katabi ko. Hindi na lang ako umimik. Kinuha ko ang gamit ko saka nagmamadali ng lumabas ng classroom namin. Pagkatapos kong pumila para bumili ng pagkain ko.Dederetso na sana ako sa lamesa na paborito kong upuan kaso naisip ko na umiiwas nga pala ako sa kanila. Kaya sa iba na lang ako umupo.Papunta na ako sa lamesa na napili ko ng may tumisod sa akin. Natapon Ang sopas na binili ko. nagkalat ito sa uniform ko. Napalingon ako sa tumisod sa akin.Kaibigan ni Crystal nagtatawanan sila. Inis na susugurin ko sana ang mga ito. Kaso naisip ko na baka mamaya dumating na naman siya. Mapagkamalian niya na naman ang. makita niya. Huminga na lang ako ng malalim saka nilagay sa counter ang tray at umalis sa canteen dinig ko pa ang tawa nila. Nasalubong ko sila Primo. Napatingin ito sa damit ko. "Anong nangyari sayo Zane?" Tanong ni Reeve sa akin. "Ah, wala po seniorito natapon ko lang po ang sopas ko." Sagot ko na lang dito. " I think you need to change your clothes. Umuwi kana muna ako na ang makikipagusap sa teacher mo." Sabi ni Zuriel. Nagpasalamat ako dito. Saka nagpaalam na sa kanila. "Haays, wala na talagang nagawang matino ang babaeng yun siguradong nakipagaway na naman yun. Nakakahiya talaga ang ugali niya. Palibhasa mahirap lang kaya walang manners." Sabi ni Primo. Hindi na lang ako umimik. Umuwi na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD